Parang umikot ang mundo ko dahil sa sinabi ni Serenity. Napahawak ako sa kama ko dahil sa hilo. Napapikit ako ng mariin. Akala ko matagal yong mawawala pero ilang minuto lang ay nawala din ang hilo ko. Matalim akong tumingin kay Serenity. “Ano ulit yon? Engage ako?” pinaghalong sarkastik at gulat kong tanong. “Listen to me. Ginawa lang yon ni mama para layuan ka ni Alaric. Hindi mo pa nakikita sa ngayon pero hindi siya bagay sayo. Kahit anong gawin natin, hindi papayag ang pamilya niya na maging kayo,” pangkalma ni Serenity sa akin.Nagpawala ako ng sarkastikong tawa. “Wala akong pakialam sa pamilya niya!” sigaw ko.Ramdam ko ang pag-iinit ng ulo ko. Nanlaki ang mata ni Serenity ng makita niyang tumayo ako. Agad siyang naalerto.“Wala kang pakialam… sige! Pero kami ang maapektuhan kung magkatuluyan kayo. Can't you see, ate? Kapag nalaman ng mama ni Alaric na kayo, ibabaling niya ang galit niya sa amin kasi I'm sure na po-protektahan ka ni Alaric,” problemadong paliwanag niya. “Dahi
Wala akong nagawa ng pinagtulungan nila ako. Nauwi lang ako sa pag-iyak. Hindi ako lumabas ng kwarto kahit tinatawag nila ako para kumain. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit hindi nalang nila ako hayaan sa gusto ko. O kung bakit kailangan nilang magsinungaling para lang ipakita kay Alaric na hindi ko siya pinili. Nage-gets ko naman na ayaw nila. Na hindi pwede dahil magkaaway ang pamilya namin. Pero hindi ba nila naiisip na huli na ang lahat? Mahal na namin ang isa’t isa! May anak na din kami. Pwede naman na ganituhin nila ako kung nakikita nilang walang kwenta si Alaric at pabaya. Pero hindi eh. He's so responsible and mature. Bakit hindi nila yon maisip. Pangatlong araw kong hindi lumalabas ng kwarto. Tuwing umaga, umaasa pa rin ako na baka dumating si Alaric sa tapat ng bahay namin dala si baby Levi pero hindi yon nangyari. Kaya mas lalong sumasama ang pakiramdam ko kapag nag eexpect ako pero hindi nangyayari. Hindi ako lumalabas pero lumalapit ako sa bintana para silipin an
Nawalan ako ng malay ng makita ko ang nilalaman ng magazine na ipinakita sa akin ni Tita. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari matapos non. Nagising nalang ako, nasa hospital na ako. May nakakabit na IV fluid sa kamay ko. The first thing I noticed when I woke up was the white ceiling. Wala na ang panlalamig ko at ang pananakit ng ulo pero ramdam kong nanghihina ako. Nang may marinig akong kaluskos sa gilid ko, doon ko lang napagtanto na may kasama pala ako. Nakahiga si Serenity sa sofa at natutulog. Kami lang dalawa ang tao sa kwarto. Tahimik at tanging naririnig ko lang na ingay ay ang ingay galing sa labas ng kwarto. Kalaunan ay agad umataki ang alaala sa nabasang magazine. Hindi ko alam anong oras o araw simula ng mawalan ako ng malay. Wala akong makitang orasan sa loob ng kwarto. Agad nanubig ang mata ko at sumikip ang paghinga ko dahil sa naalala. Totoo ba yon? Engage siya kay Eliza? Bakit? Dahil lang sinabi sa kanya ni mama na engage ako kay Magnus, nagpa engage din siya?
Matagal akong naghintay sa lobby. Halos hindi ko tanggalin ang mata ko sa elevator para lang makasiguro akong hindi ko nawala si Alaric kung bumama man siya. Sa tagal kong nakatitig, I lost track of time. Wala rin naman akong dalang cellphone o relo para malaman kung anong oras na. Kaya hindi ko alam kung ilang oras akong naghihintay. Kagagaling ko lang din sa hospital kaya ramdam kong mahina pa ang katawan ko. Hindi ako komportable at gusto ng katawan kong humiga ako. Hindi ko namalayan. Sa sobrang pagtutuk ko sa elevator, nakatulog ako saglit. Kaya gulat na gulat ako ng magising ako at nakita ko si Eliza papalapit sa akin. Hula ko ay galing siya sa elevator dahil doon siya galing habang papalapit siya sa akin. She was wearing expensive clothes at she's glowing. Parang wala siyang ipinagbago.Kita kong masaya siya habang naglalakad papalapit sa akin. Seeing her happy made me jealous. Agad kumalat ang pait sa katawan ko. I badly want to lash on her. I feel so threatened. Kasi alam k
Eliza’s POV Nakaupo ako ngayon sa mansion ng mga Ferrer. It's been two years and the house still feels empty. Simula ng sumugod dito ang mama ni Seraphina, hindi na naging homey ang mansion nila. Palagi nalang itong tahimik at halos walang party na nagaganap. Alaric stopped going here. Tito Ethan wanted the feud to stop kaya hindi siya masaya sa naging aksidente ni Seraphina. Kaya ng malaman niyang si Tita ang totoong humahabol sa sinasakyang kotse ni Seraphina, naging malamig na din si Tito kay Tita. Yes, he helped her deny the accusation pero nanlalamig din siya kay Tita. Since then, the mansion has no warmth in it. Tumigil na ding bumisita sina Analise, Chesca at Daphne. Wala na rin naman silang rason na pupuntahan. Hindi na dinadausan ng party ang mansion kaya nanatili itong tahimik sa nagdaang dalawang taon. Alaric stepped down as CEO of Helixion Pharma. Magaling siyang CEO kaya simula ng umalis siya marami sa mga investors ang nagalit. They want him back pero walang magawa si
Seraphina’s POVNakatulugan ko ang pag-iyak. Kaya pag gising ko, medyo masakit ang ulo ko. Matagal akong nanatli lang sa kama. Ang tahimik ng paligid. Halos wala akong marinig. Tanging ang paghinga ko lang ang naririnig ko. Hindi ko alam ilang oras akong nakahiga lang. Ang alam ko, nakatulog ulit ako. Kaya pag gising ko ulit, alas dose na. Mabagal ang mga kilos ko. Wala rin naman akong iniisip na gagawin. Sa bathroom, tulala ako habang naliligo. Ni hindi ko halos matandaan kung nakapag shampoo naba ako dahil mas matagal ang pagkatulala ko kaysa gawin ang dapat gawin. Inabot ako ng dalawang oras sa paliligo. Nang bumaba ako, wala naman akong ganang magluto kaya biscuit lang at tubig ang kinain ko. Wala akong gana sa lahat. Medyo nanghihina pa ako. Kaya matapos kong kumain, nagpasya akong lumabas sa likod ng mansion. Paglabas ko, agad bumagsak ang balikat ko. Naalala ko noong nandito pa ang mag ama ko. Parang nagsisi ako kung bakit ang bilis kong nagpasya na bumalik sa bahay. Masay
Kumakalabog ang puso ko habang lumalapit si Alaric. It didn't help that he's glaring at me. Like I did something wrong. Well, technically akala niya may ginawa ako. Akala niya pinili ko si Magnus kaysa sa kanya. Nang nasa harap ko na siya, agad niyang hinawakan ang baba ko at saka inangat ang mata ko para magtama ang mata namin. He then bent down to plant kisses on my lips. Tatlong beses niyang pinatakan ng mabababaw na halik ang labi ko.“Did I wake you up?” tanong niya sa mababang tono. Pero hindi pa ako nakakasagot ay bumaba ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Agad lumapit ang katawan niya sa akin. I don't think he even wanted me to answer because he immediately attacked my lips again. Wala pa akong nasasabi ay nasa labi ko na ang labi niya. Hindi na mababaw ang halik niya. Kinagat niya ang ibabang labi ko at agad na pumasok ang dila niya, exploring every corner of my mouth. He kissed me thoroughly like a hungry man. Hindi ko namalayan na dahil sa gigil niyang humalik ay na
Inaantok na ako ng pinag damit ako ni Alaric ng t-shirt niya. He also made me wear my undies na kinuha niya sa closet ko. Humikab ako matapos niya akong bihisan. “Where's baby Levi?” garagal kong tanong. Konting konti nalang at alam kong makaka idlip na ako.“He's in other room,” sagot niya habang nagsusuot siya ng tshirt niya.“Bakit hindi dito?” Tumawa siya ng mahina. “I plan to take you tonight, Seraphina. I can't risk him being in the same room while making you moan.” Inaantok akong umirap. Matapos niyang magbihis ay binuhat niya ako para dalhin sa kabilang kwarto. Hindi na ako nag protesta at saka ninamnam ang pagkakabuhat niya sa akin. “Ikaw ang nagbuhat sa akin kaninag umaga?” inaantok kong tanong.“U-huh! Why did you sleep outside?”Gusto kong isagot na dahil hinihili ako ng hangin pero hindi ko na nagawang sumagot. Bumibigat na ang talukip ng mata ko. Naramdaman ko nalang na tumama ang likod ko sa malambot na kama ng ibaba niya ako. Pagkatapos non ay naramdaman kong nakum
Ryker Saldivar We were so shocked when Serenity didn’t recognize our children! Tumalim ang mata ko sa kanya ng marinig ko kung paano niya kinasuap ang anak namin! Akal ako noong tinanong siya ng doctor kung naaalala niya ako, akala ko ay okay na ang lahat. Hindi ko na pinansin ang mga matatalim niyang tingin sa akin. Buong akala ko ay galit siya sa akin dahil sa kamag-anak ko ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. Akala ko ay may sinabi si Tito sa kanya o si Natalie kaya siya galit sa akin. I didn’t expect it to be this bad! “I’m not your mommy!” guluhan niyang sinabi kay Ryka. She looked at our daughter coldly.Lahat kami ay natahimik sa narinig. Sinasabi sa akin ni Alaric ang nangyari kina Tito Arnold. Sinabi niyang nakulong na si Tito. May mga injured din dahil sa barilan pero mananagot parin sila sa ginawa nila. Lahat ng iyon ay nawala sa isip ko nang marinig ko ang sinabi ni serenity! Hindi rin nag isang minuto nang makita kong namutla siya at nawalan ng malay. Lahat kami
It's been two days simula nang magising ako. Wala paring nagsasabi kung bakit ako nasa hospital. Ryker wouldn’t tell me. Hindi ko rin maalala kay feel ko nakalimutan ko kung ano ang nangyari sa akin. The last thing I remember was I was eating in my condo. Tapos paggising ko ay nandito na ako! Masama ang tingin ko kay Ryker dahil hawak niya ang kutsara na kanina ko pa gustong kunin sa kanya. “I can eat on my own!” inis kong sabi. Hindi ko ma-enjoy ang kinakain ko dahil sinusubuan niya ako at ayaw ko ng ganon! May kamay naman ako para kumain mag-isa! He also glared at me when I refused to eat. “What is your problem if I want to do this, huh?” he snapped, pissed off. “May kamay ako! I can perfectly do it on my own!” sigaw ko sa frustration. Sinubukan ko ulit na agawin ang kutsara pero iniwas niya. “Do not test my patient. Serenity!” His voice boomed. He was beyond piseed off! Kita kong humigpit ang hawak niya sa kutsara! “Hindi kita kailangan, okay! I can take care of myself!” Umi
Hindi ko maintindihan kung bakit gulat na gulat sila dito sa kwarto ngayong sinabi kong hindi ko kilala ang batang tumawag sa akin na Mommy! Rinig na rinig ko ang mga pinakawalan nilang singhap as if they couldn’t believe what I had just said. Kita kong nanlalaki ang mata sa akin ni Scarlet na lumalapit sa akin. “Serenity,” hindi makapaniwalang tawag ni mama sa akin. The disbelief in her tone is evident. Kumunot ang noo ko. “What is it, mama? Why are you looking at me like I just committed a crime?” naguguluhang tanong ko. The little girl cried when I told her that I'm not her mommy! Agad nangilid ang luha sa pisngi niya. “Mommy?” gulat at bigong bigo na tawag ng bata. Nagtiim bagang ako. I feel uncomfortable seeing her cry. Hindi ko naman siya anak pero nagu-guilty akong nakikita ko siyang umiiyak! Who wouldn’t though? She's too pretty to cry. Her mother must be so lucky to have this pretty daughter! Hindi ko nga lang alam kung bakit ako pa ang ginagambala niya. Hinilot ko ang
Serenity Isla SaldivarWhy do I feel like I've been trapped into darkness? I’m not sure if this happened, but in my deep slumber of unconsciousness, I'll hear a faint beeping of a machine. It lasted for a few seconds before it fading away. I don’t know what disappears first—the sound or my awareness. It has happened to me several times. Sometimes, alongside the beeping, I hear faint voices, distant and unclear, as if they’re just out of reach.I feel like my soul is hovering in darkness and it doesn't want to enter my body! Ganun ang feeling ko sa mumunting segundo na nagkakamalay ako. I braced myself when I started to hear the sound of a machine again! At first, it was so faint until it was loud for my ears. It will be like that for only a few seconds until it turns faint again. Iyon ang palaging nangyayari! Kaya nang tumagal ang tunog ng machine ay nagtaka ako. Medyo kumunot ang noo ko dahil sa ingay non!One…two…three….four…five…six…Hindi parin nawawala! Seven…eight…nine….ten!I
Scarlet Ruby Salazar Our supposed happy and celebrating days turn into sour when a kidnapping incident happened. Dapat ay masaya kami kasi ikakasal si Ate Serenity kay Kuya Ryker. I have the guts that there was something between them. Noon sa party nina Ate Seraphina, nakita ko siyang may pinagtataguan. I was alone when the person she introduced left. Hinanap ko siya at nakita kong umalis sila ni kuya Ryker! Kaka-start lang ng party at umalis sila! I gave her the benefits of the doubt. Baka nagkataon lang. Hindi rin naman naulit ‘yon. Hanggang noong nasa Tennessee ako. Tinawagan ako ni Mama at pinapauwi. She was involved with Ryker and her supposed fiancee! I was so shocked when I got to know it! Nagulat ako na tama ang hinala ko na may something nga sa kanila ni Kuya Ryker. Pero mas nagulat ako na may ka-engage pala si Kuya Ryker. Kasi kung meron pala bakit hindi niya sinabi ng maaga? Matagal na silang may something ni Ate pero pinaabot niya pa nang ilang months? Tapos hindi pa sa
Someone’s POVAng hideout kung saan itinago ni Arnold ang mga bata ay natuntun ni Alaric at Ryker. The man who smashed Serenity on the head is now dead. Tinamaan siya ng bala sa ulo. Nang marinig ni Natalie ang putukan ng baril ay tatakas na sana siya. Kaso ay nabaril siya ng isang tauhan. Sumalampak siya sa sahig nang tinamaan ang hita niya. Napahiyaw siya sa sakit. Ang isang pang kasama nilang lalaki sa kwartong iyon ay nabaril din. Hindi sila tinamaan sa critical na bahagi ng katawan nila, it was only enough to disable then from running away. Sa labas ng kwartong iyon, nakikipag barilan din ang iba. Kararating lang nina Arnold at ang anak niya sa isang pagtitipon at ito ang dinatnan nila. Kaya nga sila umattend sa isang party ay para hindi sila pagbintangan ni Ryker at Alaric na kumidnap sa anak nila dahil alam nilang kumikilos na sila sa paghahanap, pero hindi nila maintindihan kung bakit natuntun parin sila! “Tang-ina! Paano tayo natuntun?” sigaw ni Arnold habang nagtatago sa g
Ryker Knoxx SadivarGusto kong umuwi sa bahay pero hindi ko na magawa dahil iniimbestigahan namin ang dalawang bodyguard na dapat ay nagbabantay kay Soren at Luca. Kaya sila natangay ng ganun kadali ay dahil wala sila kung kailan sila kailangan! Fucking useless bodyguards! Nakatayo ako sa bandang pintuan ng kwarto kung saan ini-interrogate ni Joseph, ang head bodyguard ni Alaric, ang dalawang lalaki na dapat ay nagbabantay sa mga anak namin. I clenched my jaw when I heard their reason. “Inaya kami ng isang kasambahay dito sir, dalawang minuto lang kaming umalis,” sabi ng isa sa kanila. Ang isa ay nakatungo at hindi na nagsasalita. Marco groaned. He punched the guard who spoke. “Dalawang minuto lang? That fucking two minutes is all they need to kidnap the the kids!” sigaw niya. Natahimik ang nagsalita. “Sinong kasambahay ‘yan?” tanong ni Joseph.Dahil sa maraming kasambahay ang Ferrer, inisa-isa pa nila ang profile ng mga kasambahay. It took us thirty minutes to identify the girl.
“Tama na!” Hindi ko alam kung ilang beses kong nasabi ‘yan. Hindi ako tinatantanan ng lalaki sa pagsipa. Hinanghina na ako. Namamanhid na ang kamay ko dahil doon tumatama ang masakit na sipa ng lalaki. Hindi ko matansya kung ilang minuto niya akong pinagsisipa. Tumigil lang siya nang utusan siya ng babae na tumigil. Nanginginig ang katawan ko. Gustong pumikit ng mata ko pero pinipigilan ko. Hindi ko pa nakikita ang mga anak ko. Kaya kahit nanghihina at gustong mag-shutdown ng katawan ko, pinipilit kong huwag. Tumawa ng malakas ang babae habang pinagmamasdan ako. “Ano, masakit ba, ha!?” sarcastic niyang tanong. Hindi ko nagawang sumagot. Gusto kong dumaing sa sakit na nararamdaman ko pero hinanghina ako at hindi ko rin magawang magsalita. Hindi ko namalayan kung kailan nakakuha ng baril ang babae. Nakangisi siya ngayon at may hawak na baril, itinutok sa akin. “Paano kaya kung pasabugin ko ang ulo mo?” natutuwa niyang sabi, may ngiti pa sa labi. Napapikit ako. My tears flow non
Tahimik akong lumabas ng kusina. I made sure they saw me went upstairs. Pero sa kalagitnaan ng hagdanan, mabilis akong bumaba. Kinuha ko ang susi ng puting kotse at saka binuksan ang likod non bago ibinalik ulit ang susi. Mabilis akong bumalik at saka sumakay sa likod. Hindi ko alam kung kailan aalis ang mamamalengke. Tahimik akong naghihintay. Akala ko ay matatagalan pero mga twenty minutes siguro bago ko narinig na bumukas ang kotse. Mabilis na umandar ang kotse at tuloy tuloy itong tumakbo. Nakahinga ako ng maluwag nang malampasan namin ang gate. Pigil na pigil ako na huwag humiyaw kahit nauutog ako minsan. Ilang minuto lang ang byahe nang maramdaman kong tumigil ang kotse. Bumaba ang sakay non. “Kuya, samahan niyo na ako para hindi ako mahirapan sa pagbubuhat,” rinig kong sabi ng babaeng kasambahay namin. Nang masiguro kong napalayo sila, mabilis akong bumaba. Hindi ko na binigyang pansin ang gulat na mga taong tumitingin sa akin. Pinara ko ang taxi’ng papalapit sa akin. Sinab