Pagbalik ko ng bahay, wala na ang kotse ni Alaric sa bahay. Wala na din ang anak ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ng wala akong makita sa mag-ama ko.“Kinuha na ni Alaric si baby Levi. Hindi kana niya hinintay,” salubong sa akin ni mama ng dumating ako ng bahay. Hindi na tumuloy si Magnus sa bahay. May pupuntahan daw siya kaya hindi ko na din siya inimbita sa loob. I was just grateful he comforted me in the imperial hotel. Hindi ko talaga napigilan at na-trigger ang sama ng loob ko. Ni hindi ko na inisip ang maraming taong nakakakita sa amin. I was just so heartbroken I needed to release it. Gusto kong magtanong kung babalik ba siya bukas para ibigay ulit ang anak ko pero hindi ko ginawa. I know now that mama doesn't care if my son is with me or not. Mas gusto niya na wala ako kay Alaric. Yon lang ang importante sa kanya. Nasa tapat na ako ng hagdanan ng magtanong ulit si mama.“Hindi mo pinapasok si Magnus?” tanong niya. Medyo natunugan kong disappointed siya dahil don. I sig
Parang umikot ang mundo ko dahil sa sinabi ni Serenity. Napahawak ako sa kama ko dahil sa hilo. Napapikit ako ng mariin. Akala ko matagal yong mawawala pero ilang minuto lang ay nawala din ang hilo ko. Matalim akong tumingin kay Serenity. “Ano ulit yon? Engage ako?” pinaghalong sarkastik at gulat kong tanong. “Listen to me. Ginawa lang yon ni mama para layuan ka ni Alaric. Hindi mo pa nakikita sa ngayon pero hindi siya bagay sayo. Kahit anong gawin natin, hindi papayag ang pamilya niya na maging kayo,” pangkalma ni Serenity sa akin.Nagpawala ako ng sarkastikong tawa. “Wala akong pakialam sa pamilya niya!” sigaw ko.Ramdam ko ang pag-iinit ng ulo ko. Nanlaki ang mata ni Serenity ng makita niyang tumayo ako. Agad siyang naalerto.“Wala kang pakialam… sige! Pero kami ang maapektuhan kung magkatuluyan kayo. Can't you see, ate? Kapag nalaman ng mama ni Alaric na kayo, ibabaling niya ang galit niya sa amin kasi I'm sure na po-protektahan ka ni Alaric,” problemadong paliwanag niya. “Dahi
Wala akong nagawa ng pinagtulungan nila ako. Nauwi lang ako sa pag-iyak. Hindi ako lumabas ng kwarto kahit tinatawag nila ako para kumain. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit hindi nalang nila ako hayaan sa gusto ko. O kung bakit kailangan nilang magsinungaling para lang ipakita kay Alaric na hindi ko siya pinili. Nage-gets ko naman na ayaw nila. Na hindi pwede dahil magkaaway ang pamilya namin. Pero hindi ba nila naiisip na huli na ang lahat? Mahal na namin ang isa’t isa! May anak na din kami. Pwede naman na ganituhin nila ako kung nakikita nilang walang kwenta si Alaric at pabaya. Pero hindi eh. He's so responsible and mature. Bakit hindi nila yon maisip. Pangatlong araw kong hindi lumalabas ng kwarto. Tuwing umaga, umaasa pa rin ako na baka dumating si Alaric sa tapat ng bahay namin dala si baby Levi pero hindi yon nangyari. Kaya mas lalong sumasama ang pakiramdam ko kapag nag eexpect ako pero hindi nangyayari. Hindi ako lumalabas pero lumalapit ako sa bintana para silipin an
Nawalan ako ng malay ng makita ko ang nilalaman ng magazine na ipinakita sa akin ni Tita. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari matapos non. Nagising nalang ako, nasa hospital na ako. May nakakabit na IV fluid sa kamay ko. The first thing I noticed when I woke up was the white ceiling. Wala na ang panlalamig ko at ang pananakit ng ulo pero ramdam kong nanghihina ako. Nang may marinig akong kaluskos sa gilid ko, doon ko lang napagtanto na may kasama pala ako. Nakahiga si Serenity sa sofa at natutulog. Kami lang dalawa ang tao sa kwarto. Tahimik at tanging naririnig ko lang na ingay ay ang ingay galing sa labas ng kwarto. Kalaunan ay agad umataki ang alaala sa nabasang magazine. Hindi ko alam anong oras o araw simula ng mawalan ako ng malay. Wala akong makitang orasan sa loob ng kwarto. Agad nanubig ang mata ko at sumikip ang paghinga ko dahil sa naalala. Totoo ba yon? Engage siya kay Eliza? Bakit? Dahil lang sinabi sa kanya ni mama na engage ako kay Magnus, nagpa engage din siya?
Matagal akong naghintay sa lobby. Halos hindi ko tanggalin ang mata ko sa elevator para lang makasiguro akong hindi ko nawala si Alaric kung bumama man siya. Sa tagal kong nakatitig, I lost track of time. Wala rin naman akong dalang cellphone o relo para malaman kung anong oras na. Kaya hindi ko alam kung ilang oras akong naghihintay. Kagagaling ko lang din sa hospital kaya ramdam kong mahina pa ang katawan ko. Hindi ako komportable at gusto ng katawan kong humiga ako. Hindi ko namalayan. Sa sobrang pagtutuk ko sa elevator, nakatulog ako saglit. Kaya gulat na gulat ako ng magising ako at nakita ko si Eliza papalapit sa akin. Hula ko ay galing siya sa elevator dahil doon siya galing habang papalapit siya sa akin. She was wearing expensive clothes at she's glowing. Parang wala siyang ipinagbago.Kita kong masaya siya habang naglalakad papalapit sa akin. Seeing her happy made me jealous. Agad kumalat ang pait sa katawan ko. I badly want to lash on her. I feel so threatened. Kasi alam k
Eliza’s POV Nakaupo ako ngayon sa mansion ng mga Ferrer. It's been two years and the house still feels empty. Simula ng sumugod dito ang mama ni Seraphina, hindi na naging homey ang mansion nila. Palagi nalang itong tahimik at halos walang party na nagaganap. Alaric stopped going here. Tito Ethan wanted the feud to stop kaya hindi siya masaya sa naging aksidente ni Seraphina. Kaya ng malaman niyang si Tita ang totoong humahabol sa sinasakyang kotse ni Seraphina, naging malamig na din si Tito kay Tita. Yes, he helped her deny the accusation pero nanlalamig din siya kay Tita. Since then, the mansion has no warmth in it. Tumigil na ding bumisita sina Analise, Chesca at Daphne. Wala na rin naman silang rason na pupuntahan. Hindi na dinadausan ng party ang mansion kaya nanatili itong tahimik sa nagdaang dalawang taon. Alaric stepped down as CEO of Helixion Pharma. Magaling siyang CEO kaya simula ng umalis siya marami sa mga investors ang nagalit. They want him back pero walang magawa si
Seraphina’s POVNakatulugan ko ang pag-iyak. Kaya pag gising ko, medyo masakit ang ulo ko. Matagal akong nanatli lang sa kama. Ang tahimik ng paligid. Halos wala akong marinig. Tanging ang paghinga ko lang ang naririnig ko. Hindi ko alam ilang oras akong nakahiga lang. Ang alam ko, nakatulog ulit ako. Kaya pag gising ko ulit, alas dose na. Mabagal ang mga kilos ko. Wala rin naman akong iniisip na gagawin. Sa bathroom, tulala ako habang naliligo. Ni hindi ko halos matandaan kung nakapag shampoo naba ako dahil mas matagal ang pagkatulala ko kaysa gawin ang dapat gawin. Inabot ako ng dalawang oras sa paliligo. Nang bumaba ako, wala naman akong ganang magluto kaya biscuit lang at tubig ang kinain ko. Wala akong gana sa lahat. Medyo nanghihina pa ako. Kaya matapos kong kumain, nagpasya akong lumabas sa likod ng mansion. Paglabas ko, agad bumagsak ang balikat ko. Naalala ko noong nandito pa ang mag ama ko. Parang nagsisi ako kung bakit ang bilis kong nagpasya na bumalik sa bahay. Masay
Kumakalabog ang puso ko habang lumalapit si Alaric. It didn't help that he's glaring at me. Like I did something wrong. Well, technically akala niya may ginawa ako. Akala niya pinili ko si Magnus kaysa sa kanya. Nang nasa harap ko na siya, agad niyang hinawakan ang baba ko at saka inangat ang mata ko para magtama ang mata namin. He then bent down to plant kisses on my lips. Tatlong beses niyang pinatakan ng mabababaw na halik ang labi ko.“Did I wake you up?” tanong niya sa mababang tono. Pero hindi pa ako nakakasagot ay bumaba ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Agad lumapit ang katawan niya sa akin. I don't think he even wanted me to answer because he immediately attacked my lips again. Wala pa akong nasasabi ay nasa labi ko na ang labi niya. Hindi na mababaw ang halik niya. Kinagat niya ang ibabang labi ko at agad na pumasok ang dila niya, exploring every corner of my mouth. He kissed me thoroughly like a hungry man. Hindi ko namalayan na dahil sa gigil niyang humalik ay na
I glared at him. Hindi ko pinakinggan ang sinabi niyang kumain ako. Lumabas ako ng kusina at pinagtatapon ang mga nakikita kong pwedeng basagin. Sa tabing hagdanan, may malaking vase doon, halatang mamahalin. Itinulak ko yon kaya nahulog. Rinig na rinig ko ang pag singhap ng babaeng kaninang pumunta sa akin. Binalingan ko siya at kita ko ang panlalaki ng mata niya sa nabasag na vase.Nang marinig kong lumabas si Ryker sa living area ay mabilis akong pumanhik sa hagdanan. “Sir, iyong vase,” gulat paring sinabi ng babae. Wala akong narinig na sagot ni Ryker. Nang dumating ako sa kwarto kung saan ako ikinukulong ay mabilis kong isinara at ni-lock. Malalim akong huminga at saka pinanghinaan ng loob. Napaupo ako sa tapat ng pintuan at saka ipinatong ang ulo ko sa tuhod ko. Nag-init ang mata ko sa nambabadyang luha. Gabi na sa Australia! Baka hinihintay parin ako ng mga anak ko! They were expecting me! May kumawalang hikbi sa labi ko. Ilang minuto akong umiiyak nang marinig kong may k
Rumaragasa ang luha ko habang nakatanaw sa mansion na pinagmulan ko. Natatakot na baka mag-isa ako. But then, suddenly I saw a silhouette of a man coming out of the mansion. Dahil sa luha ko, hindi ko maaaninag ng mabuti ang naglalakad na lalaki palapit sa akin. Nang nakalabas na siya at nakatapak na ang mga paa niya sa buhangin, doon ko lang siya nakilala. Ryker is walking towards me. He was pissed. Halata sa matalim niyang mata at iritadong kilay. His jaw was clenching. It's as if a dark aura is surrounding him. Mabilis kong pinalis ang mga luha ko. I thought I was alone! Dammit! Iyong worry ko na baka mag-isa ako, napalitan ng galit. “Fuck you, Ryker! Why did you kidnap me?” galit na galit kong tanong. Hindi ko alam kung saan ko pa ilulugar ang galit ko.Mabilis akong lumapit sa kanya at saka siya pinagsusuntok. I've never felt this kind of too much anger in my life! Ngayon lang. Ngayon lang na hindi ako nakalabas ng bansa! My daughter is expecting me to come! “Ibalik mo ako sa
Nang pabalik na kaming Manila. Napansin ni Scarlet ang pananahimik ko. “Kanina ka pa tahimik. Puro ka nalang tango kapag tinatanong,” sabi niya habang nakataas ang kilay. Kunwari akong umirap. “Pagod lang ako.” Pero ang totoo, kabado ako para bukas. Na-text ko na ang number na sinabi ni Diana. Mabilis na mag-reply ang number. [ Meet me at the NAIA parking lot. I already bought your ticket. All you have to do is show and ride the plane. Don't bring luggage. ] I was excited and nervous at the same time. Excited dahil makakabalik narin, kabado dahil baka mahuli ako at makulong ng tuluyan. Nang dumating kami sa bahay, sinabi kong busog ako at matutulog na dahil sa pagod. Lahat naman kami ay pagod kaya wala ng naging angal si mama. Dumiretso ako sa kwarto ko at hinanda ang mga dadalhin ko. Lahat ng kailangan kong dalhin ay nilagay ko sa isang bag. Matapos ay sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa sa sobrang nerbyos. Not that I don't trust the plan. Kabado lang ako dahil pansin k
Matapos ng proper party, nagsimulang makipagsalamuha ang mga bisita sa iba pang bisita. Nagkalat sila para kitain ang gusto nilang kitain. Doon ko nagawang tumakas at bumalik sa kwarto ko ng hindi nahahalata ni mama. Nang nasa suite ako, doon lang ako nakahinga ng malalim. I felt so pressured whenever Ryker came to where I was. Palagi kong nakikita si Ate na nakatingin sa akin! Si Kuya Alaric ay ngumingisi lang kapag nakikita niyang umaaligid sa akin si Ryker. Wala naman akong ginagawa pero kabadong kabado ako kapag nakikita kong nanliliit ang mata ni ate sa akin. I know she's thinking something now! Malalim akong huminga ngayong mag-isa ako! Damn you, Ryker! Masyado kang halata! Dahil wala akong balak na bumalik sa party, nagpalit ako ng damit na komportable. Nagpahinga ako sa kama matapos non. Feel ko isang oras lang akong tulog nang bumukas ang pintuan. Agad akong naalimpungatan nang marinig ko ang boses ni Scarlet at si Ate. “Nandito pala siya,” rinig kong sinabi ni Scarlet.
Serenity Isla Salazar POVInis na inis ako dahil hindi na nga ako narinig ni mama, si Ryker pa ang nakarinig. He probably was laughing at me right now! I glared at him bago ako tumalikod at umalis. Naiinis ako sa mga panunuya niyang tingin! At bakit hindi niya isinamaa ang asawa niya para makita ni Zephyra kung paano nagloloko ang asawa niya? Pumasok ako sa restroom. May dalawang babaeng nag-uusap habang nagre-retouch sila. Mabilis akong pumasok sa isang cubicle at mabilis na isinara ang pintuan. Umihi ako kahit nahirapan ako sa suot kong dress! Nang narinig kong lumabas ang dalawang babae, mabilis akong umirap. “That jerk! That cheater! I will never fall for a cheater!” inis kong bulong. Umiling ako. Hinding hindi ko mato-tolerate ang isang cheater! I just can't!“Kawawa naman pala si Zephyra? Buti nga sa kanya!”Nang matapos ako ay mabilis akong lumabas. I was expecting to be alone. Kaya natigilan ako nang makita kong may kasama ako. My breath hitched. Muntik na akong umatras ku
Ryker Knox Saldivar POV I thought it would never happen. Akala ko wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Sa tagal niyang nawala, nawalan na ako ng pag-asang babalik pa siya. Naisip ko na baka roon na siya mamuhay. Baka mas masaya siya na roon. “Sir, I just saw Serenity,” pormal na sabi sa akin Marco matapos umalis ni Mr. Sanchez. Agad kumunot ang noo ko. Hindi ko agad na-proseso ang sinabi niya. It was unbelievable to hear that he saw Serenity. Who would fucking believe that she's here after all these years? Akala ko roon na siya naghihintay ng kamatayan niya sa Australia. “Pero agad ding umalis. Mukhang pinagtataguan ka,” dagdag ni Marco.Is he serious? I shifted my weight as I looked at the entrance. Pinigilan ko ang sarili kong huwag siyang sundan! Ipinilig ko ang ulo ko at saka niluwagan ang necktie ko. Mabuti at marami ang gustong kumausap sa akin. Ever since I destroyed two big companies, marami nang nakikipag lapit sa akin. They avoided being my enemy. Some wanted to
Naalimpungatan ako nang ginigising ako ni mama. Kakaidlip ko lang sa matagal na pag-iisip. “Serenity, wake up. Aalis tayo ngayon,” sabi sa akin ni mama. “Aalis? Saan mama?” Kumunot ang noo ko. Para akong nahilo dahil sa pagkaudlot ng tulog. “Bukas na iyong party para sa Papa mo kasama ang business partner niya. Kung bakit ba kasi matagal kang nawala kaya wala ka ng alam sa mga nangyayari!” sermon niya. What? May inutusan siyang isang kasambahay para ipaghanda ako ng mga dadalhin kong damit. “Saan tayo pupunta?” inaantok ko pang tanong. “Sa Palawan. Bumangon kana dyan. Aalis tayo mamaya!” Kahit inaantok pa ako ay wala akong nagawa. I didn't know about this party. At ano? Business partner ni papa? Damn! I didn't know about this!Nang matapos akong maligo, mabilis akong nag-ayos at nagbihis. I wore casual clothes. Loose maong pants and my fitted knitted top. Nang lumabas ako ng walk-in closet ko ay nakita kong nakaupo si Scarlet sa kama ko. Nakaayos na rin siya. She immediately g
Nilagay ni Ryker ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko, cornering me to him. Nakangisi siya habang gumagawa ako ng paraan para lumayo sa kanya. Ang kaso ay wala na akong maatrasan dahil naramdaman ko sa likod ko ang malita ko. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya at saka siya itinulak. He didn't bulge. Ni hindi ko man lang siya napaatras! “Get off me!” iritado kong sigaw sa kanya. Tumaas ang kilay niya habang tinitignan ang dalawang kamay ko sa dibdib niya. He smirked. Agad kong ibinaba ang kamay ko.“Why do you want to go outside the country? hmm?” tanong niya. The mocking on his tone didn't escape my ears. “Do you have someone waiting for you? Perhaps a boyfriend?” Tumalim ang mata ko sa kanya. “Why do you care? Ano ngayon kung may binabalikan nga ako sa ibang bansa?” Sarcastic akong tumawa. “Are you jealous, Ryker? Is that why you're doing this?” Tumaas ang gilid ng labi niya. Mas inilapit niya sa akin ang mukha niya. I could feel his breath on my face sa
Nang nagawa kong bumalik sa kwarto ko, mabilis kong hinanap ang cellphone ko at saka tinawagan si Diana. Nakailang ring pa bago niya ako nasagot. “You didn't call yesterday. Ryka is crying because she misses you,” bungad niya pagkasagot niya ng tawag.Nanlumo ako sa narinig. Napahawak ako sa ulo ko sa biglang pressure na naramdaman. I have to go back! “Something happened yesterday. How's Ryka?” worried kong tanong. She sighed. “We went out yesterday para malibang sila. Nag arcade sila. Now, she's playing with Soren on his playstation.” Narinig ko ang yapak niya sa linya. “Anong nangyari kahapon?” “Hindi alam ng parents ko dahil hindi ko sinabi pero naka travel ban ako! We attended a party yesterday. Nauna akong umuwi at mabilis na kinuha ang maleta para bumalik na dyan sa Australia. Nang nasa airport ako, hinarangan ako sa immigration.” Huminga ako ng malalim dahil sa biglang maramadamang inis. “Hindi ako makakalabas ng bansa! I was almost in jail!” Narinig kong sumunghap si Dian