Share

My Billionaire Enemy Is My Lover
My Billionaire Enemy Is My Lover
Author: Innomexx

Kabanata 1

Napalakas ang hawak ko sa ballpen ng tumama sa mukha ko ang folder na kanina lang ay inabot ko sa boss ko. 

“Mali to! How many times do I have to correct your work?” galit niyang sigaw. Hinilot niya ang sentido at saka matalim akong tinitigan. “Are you sure you know what you are doing, Ms. Salazar?” pang-iinsulto pa niya. 

I close my lips tight and inhale to calm myself from saying bad words. 

Eh ikaw? Alam mo rin ba ang ginagawa mo? Bobo ka! Putangina mo! Paupo-upo ka lang naman dyan! 

Hindi ko alam ilang beses ko siyang namura-mura sa isip ko. It was so tempting to say something!  Pero sempre boss ko siya at kailangan ko 'tong trabaho kaya kailangan kong magtimpi. 

Three months ago, I was newly hired as an assistant project manager. Maganda ang naging trabaho ko at humanga sa akin ang supervisor ko. Nagpasya siyang bigyan ako ng project na ako ang magha-handle. Ang kasamaang palad, ang boss ko ay hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit palagi. 

Yumuko ako at nagpaumanhin.  “I'm sorry, Sir. I'll do it again…”

This isn't the first time he gets mad at me. Maraming beses na ‘to. Naalala ko na hindi ko napigilang umiyak noong una niya akong sinigawan. Tuwang tuwa pa siya ng makita niyang takot na takot ako. 

Narinig kong tumawa siya ng nakaka-insulto. Inangat ko ang tingin sa kaya kung bakit tinaasan niya ako ng kilay. 

“Your boss says you're good at your job, huh.” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka tumaas ang gilid ng labi. “Baka naman kaya niya nasasabi na magaling ka ay dahil may ginagawa kayong… “ makahulugan niyang sinabi.

Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya pero base sa ngisi niya, alam ko ang tinutukoy niya… na baka inaakit ko sa kama ang boss ko kaya siya galing na galing sa akin. 

I gritted my teeth in annoyance. Nilakasan ko pa ang pagkakahawak sa ballpen ko na nakulang nalang ay maputol. 

Alam ko namang maganda ako! But I would never use my beauty just to impress my boss! Magaling naman ako! Hindi mo lang makita. 

“I was just really doing my job well, Sir, kaya ako nagustuhan ng boss ko…” mahina at nakayuko kong sinabi. 

Hindi siya nagsalita ng ilang segundo kaya tumingin ulit ako sa kanya. May hawak na siyang cellphone at may binabasa doon. Kita ko ang pag-ngisi niya sa binabasa na akala mo hindi galit sa akin. 

Ilang segundo pa ang lumipas nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Biglang nandilim ang mukha niya. Nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya bago siya nagsalita. 

“Why are you still here? You get out, you stupid useless employee!” he growled. 

Agad akong lumuhod at pinagpupulot ang nagkalat na papel. Sinigurado niya talaga na kumalat ang papel sa paligid dahil tinanggal niya ang clip na inilagay ko bago niya ibinato ang folder sa akin. 

“Faster!” sigaw niya pa. 

Nalukot ang unang papel na napulot ko dahil sa malakas na pagkakahawak. Nang mapulot ko lahat ay agad akong tumayo. 

“I'm really sorry, Sir...” pagpapaumanhin ko ulit. “I'll do it again.” I bowed a bit bago ako umatras at nagmadaling lumabas. 

I mustered a smile fakely when I left the office. Mabuti dahil agad akong sinalubong ng isang colleague ko ng makita ako. 

“Malaki ang ngiti mo ah! Senyales ba na approve ang gawa?” panunukso niya. 

My heart skip a beat. Hindi na ako nagsalita at mas lalo lang ngumiti. I walked faster than her to avoid having to say something. 

“As expected naman sa top performer,” puri niya pa bago ako tuluyang makalayo sa kanya. 

Nanghihina akong umupo sa upuan ko. Agad kong binuhay ang computer sa harap at saka pumunta sa file ng current project ko. 

Ang kaso kahit anong pagbabasa ang gawin ko, hindi ko alam kung ano ba ang mali sa ginawa ko. Pang-pitong revision ko na 'to. Hindi ko na alam paano ba ito babaguhin. I've put so many ideas into this already. I've collected ideas too para lang ma approve. Pero bakit mali pa rin? 

Hindi rin naman niya sinasabi kung saan ako mali. He would only insult my work without telling me kung saan ba ang mali ko. 

Hindi ko na namalayan ang oras. Gustong gusto kong umiyak sa sama ng loob. I want a break but my salary is everything that I value right now. Giving up is not an option. 

Pero nang hindi ko kinaya, pumunta ako sa cr para ilabas ang hinanakit. I cried silently. Iniwasan kong humikbi para walang makarinig. 

Pabalik ako ng table ko ng mahinto ako sa hallway just as I was about to turn to our side of wing. 

“Magaling na empleyado 'yang si Ms. Salazar. Baguhan pa pero marami ng napatunayan,” rinig kong sinabi ng supervisor ko. 

I then heard a mocking laugh. At alam kong kay Sir Alaric ang tawang yon. “I wonder why she was good when she was under you but stupid when she's under me,” makahulugan niyang sinabi. 

 

“Seraphina, bar kami mamaya. Sasama ka?” mahinang bulong sa akin ni Sara. Tulala ako sa computer ko ng bigla niya akong tinawag. 

Agad akong bumaling sa kanya. Bar? Matagal na akong hindi nakakapunta sa isang bar. Tumango ako ng wala sa sarili at naisip na baka makalimutan ko ang problema ko kung sumama ako sa kanila mag-bar. 

“Sige ba,” kunwaring masaya kong sagot. 

Marami nang tao sa bar ng dumating kami. Dali-dali akong pumunta sa counter at agad na umorder ng inumin. May humiyaw sa mga colleague ko dahil sa ginawa ko. 

“Huyyy… hinay-hinay lang Seraphina. Kakarating lang natin,” natatawang sinabi ni Sara. 

Tumawa ako. “Kaya tayo nandito para pumarty diba,” pangatwiran ko sabay inom ng drink na binigay ng bartender. 

Matapos naming makakuha ng pwesto, nag-order na sila ng inumin. Kita kong may pinag-uusapan ang mga kasama ko pero hindi ko lubos maintindihan. Tinawag pa ako ni Lina pero hindi ko na-gets ang sinabi niya. 

 

“Ano? Hindi kita marinig,” natatawa kong baling kay Sara ng inulit niya ang sinabi ni Lina. 

Lumapit siya sa pwesto ko saka may itinuro sa malayo sa amin. Binalingan ko ang kanina pa nila pinag-uusapan. Nakita ko si Alaric. Medyo malayo siya sa amin. He was with other two male. May nakatayo na babae sa harap niya at kinakausap ito. 

Agad pumait ang nararamdaamn ko.

“Your boss is so handsome, Seraphina. Selos na selos kami kapag pinapatawag ka sa opisina niya kasi nasosolo mo siya,” kilig na kilig niyang sinasabi. 

Agad akong kumuha ng inumin at saka nilagok. 

“Look like Seraphina wanted to be drunk,” tukso ni Basty. 

Kunwari akong tumawa bago bumaling ulit sa boss ko. He was flirting now with the woman he was talking to. Naisip ko na hindi naman siguro siya mangmamaliit kung makikita niya ako? Nasa bar naman kami at wala kami sa opisina. 

Habang nakatanaw ako sa kanya, biglang napabaling siya sa gawi namin. Dumilim ang mata niya at tumitig sa akin ng matagal. Kita kong kinakalabit siya ng kausap niyang babae pero ayaw niyang pansinin. 

I then lip read him when he mouthed “Seraphina” as he was caressing his lower lips. 

Kumalabog ang dibdib ko sa kaba at agad napaiwas ng tingin. 

…. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status