CHAPTER 213"Sino ang nagpakalat neto? Hindi totoo ang mga iyan," galit na sabi ni Mark."Hindi ko alam. Dating modelo ang kasama mo kaya natural lang na may lalabas na mga ganyang balita kapag may nakita silang pwede nilang gawing issue," sagot ni Ian. "Kinausap mo na ba si Kate tungkol dyan?" tanong pa ni Ian. Umiling iling naman si Mark dahil hindi nya alam kung nakita na ba ni Kate iyon."Kung ako sayo magpaliwanag ka na kaagad kay Kate bago pa nya makita yan dahil baka bigla na naman yun manahimik sa isang tabi. Alam mo naman ang ugali ni Kate hindi yan nagsasalita kahit na may problema na yan," pagpapatuloy pa ni Ian."Di kaya dahil dito kaya sya ilag sa akin kagabe? Napansin ko kasi kagabe nang pumunta ako sa kanila ay medyo ilag makipag usap sa akin si Kate at malungkot sya," sagot ni Mark."Naku. Baka nakita na nya yan. Paktay na. Magpaliwanag ka kaagad sa kanya. Alam ko naman na seryoso ka kay Kate at hindi mo magagawang lokohin ang kaibigan natin na yun. Kaya naniniwala ak
CHAPTER 214"Humingi lamang sya ng sorry sa akin kaya sya pumunta rito. At pinatawad ko naman na sya dahil naka move on na ako sa kanya. Kaya kung ano man yang iniisip mo ay nagkakamali ka," pagpapaliwanag na ni Kate kay Myca. Tumango tango naman si Myca rito."So naka move on ka na ba talaga sa kanya?" tanong pa ni Myca."Oo naka move on na ako kaya nga pinatawad ko na sya e," sagot ni Kate saka sya naupo sa sofa.Pagkauwi kasi ni Kate kanina ay nadatnan na nya si Edward na naghihintay sa labas ng bahay nila. Nagulat pa sya ng makita nya eto dahil hindi nya inaasahan na muli etong magpapakita sa kanya matapos syang lokohin neto. Humingi lamang naman ng tawad sa kanya si Edward kaya eto nagpunta sa kanya at agad na rin naman etong pinatawad ni Kate dahil totoong naka move on na talaga sya rito dahil hindi na sya nasasaktan ng makita nya muli si Edward. Kahit nga ng yinakap sya neto ay parang wala na lamang sa kanya."Ah. O eto mukhang naiwan dyan sa labas ng pintuan," sabi ni Myca sak
CHAPTER 215"Bro hindi ko kasi alam ang gagawin ko," sagot ni Mark at napabuntong hininga pa sya.Tinawag naman na muna ni Vin ang kanilang kasambahay upang humingi ng maiinom nila ni Mark."Ano ba kasi yang problema mo na yan? Si Kate pa rin ba?" tanong ni Vin."Kanina kasi pupuntahan ko sana si Kate para magpaliwanag tungkol doon sa mga kumakalat na picture namin ni Cindy sa social media pero nadatnan ko si Kate na may kayakap na lalake sa bahay nila," pagkukwento na ni Mark."Cindy? Sino naman si Cindy? At sino naman ang lalake na kayakap ni Kate?" takang tanong ni Vin."Isang modelo dati si Cindy at nakasama ko sya sa ginanap na conference sa Cebu at hindi ko alam na may lihim pala na kumukuha sa amin ng larawan at ipinakalat iyon sa social media," pagkukwento ni Mark."O pagkatapos? Anong problema roon?" tanong pa ni Vin."Sa tingin ko ay nakita ni Kate ang mga larawan na iyon kaya biglang nag iba na naman ang pakikitungo sa akin kahapon ni Kate," sagot ni Mark."So sa tingin mo
CHAPTER 216"Kaya nga naiinis na rin ako sa sarili ko e. Mabuti na lamang talaga at nagising ako bro," sagot ni Mark kay Vin."Sa tingin ko ay gusto ka ng Cindy na yun," sabi ni Vin. Tumango tango naman si Mark kaya napakunot ang noo ni Vin. "Tama ako?" tanong na ni Vin."Yes. Umamin sya sa akin. Nang kamuntik na kasi na may nangyare sa amin at akmang aalis na sana ako ay umamin sya ng nararamdaman nya para sa akin," pagkukwento ni Mark."Woah. Ibang klase ka bro. So pano yan ngayon? Baka hindi ka tantanan ng babae na yun. Good luck na lang talaga sa'yo. Buti na lang at graduate na ako dyan," natatawa pa na sambit ni Vin kay Mark. Iiling iling naman si Mark kay Vin. Bigla tuloy syang napaisip dahil bigla nyang naalala ang mga pinagdaanan nila Vin at Bella. Dasal nya na sana naman ay hindi katulad ni Nicole si Cindy."Bahala sila sa buhay nila. Basta ang alam ko si Kate lang mahal ko at wala ng iba," sagot ni Mark.Nagpatuloy pa nga sila sa pagkukwentuhan na magpinsan at doon na rin n
CHAPTER 217"Naniniwala naman ako sa'yo Mark. Natakot lamang ako dahil akala ko ay mauulit na naman ang nangyari sa akin dati. Hinihintay ko kasi na magpaliwanag ka noong pumunta ka rito pero wala naman akong narinig na paliwanag sa'yo," sagot ni Kate. Nginitian naman ni Mark si Kate saka nya pinisil ang kamay neto."Pasensya ka na Kate. Hindi ko kasi alam ang tungkol sa bagay na yon ng gabi na yon. Kahapon ng umaga ko lang kasi nalaman ang tungkol doon dahil sinabi sa akin ni Ian," sagot ni Mark. "P-pumuta nga pala ako rito kahapon p-pero hindi na ako tumuloy," malungkot na pagkakasabi ni Mark sa dalaga. Napabuntong hininga naman si Kate dahil sya naman ang kailangang magpaliwanag ngayon. Panigurado ay nakita nga ni Mark na magkasama sila ni Edward kahapon."Nakita mo ba kami?" tanong ni Kate. Tumango tango naman si Mark rito."S-Sino ba yung kasama mo kahapon dito?" tanong ni Mark."Si Edward yun Mark. Sya yung ex boyfriend ko. Pumunta sya rito para mag sorry at pinatawad ko na rin
CHAPTER 218Naging maayos naman ang naging relasyon nila Mark at Kate sa mga nakalipas na mga araw at buwan. Wala naman silang nagiging problema na dalawa. Naging open din sila sa isa't isa kaya lalo silang napamahal na dalawa sa isa't isa. Halos araw araw na rin na hatid sundo ni Mark si Kate sa eskwelahan kung saan eto nagtuturo. Maliban na lamang kapag may mga importante talaga syang lakad o meeting"Ms. Kate andyan na si sir pogi," tawag ng co-teacher ni Kate sa kanya. Agad naman na napalingon si Kate sa pinto ng kanilang faculty room at napangiti na lamang sya ng masilayan nya si Mark na nakatayo roon habang may dala dala etong bulaklak. Agad na rin naman nyang kinuha ang kanyang bag saka lumapit sa kanyang nobyo dahil kanina pa naman sya tapos sa kanyang mga ginagawa at hinihintay na lamang nya talaga si Mark na dumating."Happy monthsary hon," bati ni Mark kay Kate. "Flowers for you my beautiful love of my life," sabi ni Mark sabay abot ng bulaklak sa dalaga. Nginitian naman n
CHAPTER 219Pagkaalis naman nila Mark sa school na pinagtuturuan ni Kate ay dali dali naman na pumasok si Cindy sa loob ng eskwelahan nang mapansin nya ang guard na naglalakad ay agad nya etong linapitan."Good afternoon ma'm," bati ng gwardya kay Cindy."Matagal ka na ba rito?" tanong ni Cindy."Yes ma'm," sagot ng guard at tumangobtango pa eto."Ah. Nakita mo yung babae na sumakay sa kotse na yun? Kilala mo ba sya?" tanong ni Kate at ininguso pa nya ang papaalis na kotse ni Mark."Ay. Si ma'm Kate po iyon. Isa po sya sa mababait na teacher dito," sagot ng guard. Napataas naman ang kilay ni Cindy dahil doon. "Bakit po ma'm?" tanong pa ng guard."Wala naman. Sige na bumalik ka na sa trabaho mo," mataray na sagot ni Cindy saka nya tinalikuran ang guard. Napakamot na lang ng ulo nya ang gwardya dahil bigla na lamang nagsungit ang babaeng kaharap nya.Agad naman na bumalik sa loob ng opisina ng school si Cindy para kunin ang pakay nya roon. Agad na rin naman syang umuwi at pagkauwi nya a
CHAPTER 220"May nangyare kay Mark at Cindy noong nasa Cebu silang dalawa. Kaya kailangang panagutan ng anak mo ang anak ko," matapang na sagot ni Randy kay Louie. Napaawang naman ang bibig ni Louie dahil sa sinabi ni Randy."Sigurado ka ba sa sinasabi mo Mr. Roxas? Baka naman nagkakamali ka lamang," kunot noo na sagot ni Louie."Sinasabi mo ba na sinungaling ang anak ko? May pruweba kami. Nakuhanan sila ng larawan na parehas silang pumasok sa iisang room ng anak ko kahit na magkabukod naman ang kanilang kwarto. Eto tingnan mo ang mga larawan nila" sagot ni Randy sabay abot ng ilang larawan dito. Agad naman na kinuha ni Louie iyon at isa isa na nyang tiningnan."Kakausapin ko muna ang anak ko tungkol dito," sagot ni Louie."Dapat lang at dapat lang din na pag usapan na natin kaagad kung kailan gaganapin ang kasal nilang dalawa," sagot ni Randy. "Mauna na ako at pagbalik ko rito ay siguraduhin mo na handa na ang anak mo na panagutan ang anak ko dahil hindi ako makapapayag na maagrabyad