Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
Chapter 1"Bella bilisan mo na dyan. Late n naman tayo. Mapapagalitan na naman tayo ni Ma'm Ramos neto eh." Sigaw ng binatilyong si Vin sa kanyang kaibigan na si Bella habang siya ay nag iintay sa labas ng bahay neto.Si Vin at Bella ay matalik na magkaibigan. Parehas silang 4th year High School ngaun. Elementary pa lamang sila ay palagi na silang magkasama. Sabay silang pumapasok sa school at sabay na din silang umuwi na dalawa.Minsan tinutukso na silang dalawa ng iba pa nilang mga kaibigan na magjowa daw sila. Tinatawanan n lang nila iyon dahil nasanay na lang silang dalawa. "Oo na. Eto na nga. Eto naman laging nagmamadali eh. Tingnan mo nga hindi pa ako nakakapagsuklay man lang." Sagot naman ni Bella habang iirap irap pa siya kay Vin."Hay naku! Kung inaagahan mo sana ang gising mo eh di sana kanina ka pa natapos sa ginagawa mo at nakapagsuklay ka na sana" sagot din naman ni Vin sa kaibigan nya.Si Vin ay nagmula sa mayamang. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Sinanay sila n
Chapter 2Habang naglalakad sila pauwi ay kain ng kain si Bella ng kikiam habang si Vin naman ay tahimik pa din. Napansin naman eto ni Bella dahil madalas ay kinukulit sya neto o di kaya ay nagdadaldal eto habang pauwi sila."May problema ba?" hindi na napigil na itanong ni Bella kay Vin.Napatingin naman si Vin kay Bella. "Ha? Bakit?" sagot niya kay Bella."Pansin ko kasi kanina ka pa tahimik eh. Nakakapanibago kasi madalas nangungulit ka""Ah. W-wala naman. Gusto ko lang ng tahimik""May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" sabay salat sa noo ni Vin."Wala nga eto. Ikaw talaga. Okay lang ako okay. Trip ko lang na tumahimik ngaun" sabay ngiti kay Bella."O sige sabi mo eh kung may problema ka pwede mo ishare sa akin pero kung pera ang problema mo ay wala ako nyan. Hahaha""Hahaha. Oo na. Sige na. Kumain ka na nga lang dyan. Ang dungis mo pa din kumain eh parang hindi ka dalaga eh."" Yayks... Dalaginding pa lang ako noh... Hahaha""Sige na pumasok ka na sa inyo. Dito na ako.""Tata
Chapter 3BELLA POVNakatanaw pa din ai Bella sa papalayong si Vin. Nagtataka pa din siya sa ikinikilos neto. Hindi sya sanah sa pananahimik ni Vin. Mas sanay sya na nang aasar o nakikipagharutan sa kanya si Vin.Pumasok na lang sya sa loob ng kanilang bahay ng makita nya na nakapasok na din si Vin sa bahay neto. Pagpasok nya ay agad nyang nakita ang kanyang ina."Mano po Nay!" Sabi ni Bella sa kanyang ina sabay mano dito. "Andyan ka na pala Bella. Paalis na din ako anak hinintay lang kita. Magpapalaba kasi si Aling Linda. Maiwan na kita. Magsaing ka na lang dyan mamaya meron naman ng ulam dyan" sagot ng kanyang ina na si Brenda."Sige po Nay. Si Tatay po?""Wala pa ang tatay mo. Tumawag kanina baka bukas pa daw siya maka uwi.""Sige po Nay. Ingat po kayo. Babye""Sige na. Magsara ng pinto ha.""Opo Nay""May tinapay pala dyan. Magmeryenda ka na muna""Opo."Naiwan naman na mag isa si Bella sa kanilang bahay. Agad naman siyang nagpalit ng damit bago nagmeryenda. Gumawa na din sya ng
Chapter 4Iirap irap nman si Bella kay Vin habang paupo sila sa kanilang sala nakasunod naman sa kanya si Vin."Mukhang tapos na ang pag eemote mo ah. Nagsisimula ka na naman kasi mang asar" sagot ni Bella."Hahaha. May iniisip lang kasi ako kanina kaya ako tahimik." Sagot din naman ni Vin."Care to share!?"Bumuntong hininga muna si Vin bago sumagot kay Bella. "Kinausap kasi ako ni mama nung nanggaling sya dito. Sabi nya hindi na ako dito sa Pilipinas mag aaral pag college na ako. Sa ibang bansa na ako mag aaral" malungkot na sagot nya."Ah. Kaya ka pala nag eemote. Okay lang yan. Para din naman yun sa iyo eh. Para sa future mo.""Hay! Yan din ang sabi sa akin ni mama. Kaya ienjoy ko na lang daw muna sa ngayon habang nandito ako.""Korak. Mag enjoy ka na muna. Wag ka ng paemote emote pa dyan. Saka isang taon pa naman eh. Matagal pa yun""Ano pa nga ba" sagot niya sabay buntong hininga."Wag mo na muna pakaisipin yan. Saka babalik ka din naman""Pero pagbalik ko hindi na ako dito sa p
Chapter 5Naiwan naman na sila Bella at Vin sa bahay nila Bella.Napatingin naman si Bella kay Vin "Salamat ulet Vin ha. Akala ko talaga nakalimutan mo na yung birthday ko eh" nakangiting sabi ni Bella kay Vin."Sus. Pwede ba naman yun. E di inaway mo ako. Hahaha." Sagot naman ni Vin"Hahaha. Muntik na talaga kanina. Aawayin na sana kita eh. Hahaha" sagot naman ni Bella"Hahaha. Sya nga pala regalo ko sayo oh" sabay abot ng maliit na box kay Bella."Naku hindi ka na sana nag abala pa. Dun pa lang sa pasurprise nyo masaya na ako eh" Sagot naman ni Bella."Sige na tanggapin mo na. Gusto mo ba ako naman ang magtampo sayo?.""Hahaha. Sige na nga. Ikaw talaga. Baka magtampo ka pa eh. Salamat ha." sabay kuha sa inaabot ni Vin sa kanya na maliit na kahon."Sige na buksan mo na""Hindi ka naman atat nyan ha? Hahaha" sagot ni Bella sabay bukas sa regalo ni Vin. Nakita naman nya ang isang kwintas na may heart shape na gold pendant."Wow! Kwintas ang ganda. Salamat" manghang sabi ni Bella."Your
Chapter 6PROM NIGHT...Nasa isang table sila Myca, Kate at Colleen. Halos sabay sabay na din sila dumating na tatlo. Kasama na din nila doon sila Mark at Ian."Hindi ba aatend si Vin?" Tanong ni Mark kay Ian."Ang alam ko aatend yun eh. Bat kaya wala pa?" sagot naman ni Ian "Si Bella ba hindi na talaga makakapunta?" tanong naman ni Ian kila Myca."Hindi ko lang alam Ian. Kasi nung huling napag usapan namin ang tungkol sa prom sabi ni Bella baka hindi sya maka attend eh. Wala daw kasi syang susuotin" sagot naman ni Myca."Ay ganon. Baka dinamayan na lang ni Vin" biro naman ni Mark.Ilang sandali pa ay may dumating sa event na pinagtitinginan ng iba pang mga estudyante na dumalo sa prom."Ano kaya yun tinitingnan nila don?" tanong ni Myca. Tahimik naman sila ng mga kasama nya na nakamasid sa gawi ng tinitingnan ng iba pang mga studyante.Maya maya pa ay lumabas na ang pinagtitinginan ng mga naroroon. Laking gulat nila ng si Bella at Vin pala iyon. Papalapit na sa pwesto nila ang dalaw
Chapter 7Lumipas pa ang mga araw at buwan. Malapit na silang magtapos sa high school. Masaya sila dahil makaka graduate na sila. Panibagong yugto na naman ng buhay ang kanilang haharapin ang College nila.Magkakasama ngayon ang magkakaibigan sa kanilang class room habang hinihintay ang kanilang teacher."Ang bilis ng araw no malapit na tayong grumaduate." Sabi ni Myca."Oo nga eh. Parang kelan lang noh!?" sagot naman ni Bella"Korak. San kayo mag college?" sagot naman ni Colleen."Baka sa Maynila na ako mag aral ng college yun ang balak nila mama sa akin eh. Balak ko kasi mag teacher." sagot ni Kate."Ako din baka sa Maynila na ako mag aral. Accounting naman ang kukunin kong course" sagot naman ni Colleen."Ako baka marketing kunin kong course at sa Maynila na din ako pag aaralin nila mama" sagot din naman ni Myca. "Ikaw ba Bella san ka mag aaral ng college?" tanong nya kay Bella."Ah... Eh... Hindi ko pa alam eh. Gusto ko sana kumuha din ng marketing kaso wala pa akong pang tuition