Chapter 8Pagkatapos ng kanilang graduation nanatili pa din muna ang magkakaibigan sa kanilang probinsya. Minsan ay nag gagala sila tumatambay sa mga bahay ng mga kaibigan nila.Ngayon ay nakatambay sila sa bahay nila Bella. Dito sila madalas na nagpupunta kasi madalas na walang kasama si Bella umaalis kasi ang nanay nya para umextra sa palalabada."Haayyy... Ang bilis na naman ng araw noh. Malapit na tayo magkahiwa hiwalay." panimula ni Myca.Magkakasama sila ngaun nila Myca, Bella, Kate, Colleen at Vin. Wala pa sila Mark at Ian dahil may ginagawa pa daw ang mga eto. Kahit naman madalas sila tumambay kung saan saan ay hindi naman nila nakakalimutan tumulong sa kani kanilang mga bahay ng mga gawain doon. Kaya wala pa ang dalawa ay dahil tumutulong muna eto sa kanilang mga magulang."Oo nga eh. Nakakalungkot lang. Mamimiss ko kayo." sagot naman ni Colleen."Kaya nga eh. Ako din mamimiss ko etong pagtambay natin na to" malungkot na sagot naman ni Kate."Excited na ako mag college pero m
Chapter 9Lumipas pa ang mga araw. Naging masaya naman sila at sinulit nila ang mga araw at oras na magkakasama silang magkakaibigan habang sila ay nasa probinsya.Hanggang sa dumating na ang araw na kailangan na nilang magpaalam sa isat isa dahil kailangan na nilang lumuwas ng Maynila dahil malapit na ang kanilang pasukan."Pano ba yan!? Kelangan na natin maghiwa hiwalay muna. Mamimiss ko talaga kayo." malungkot na sabi ni Myca na parang naluluha na.Natahimik naman ang iba pa nilang kaibigan. Nakikiramdam sa isat isa."Ano ba naman kayo... Magkikita kita pa naman tayo eh. Pag uuwi kayo dito sa probinsya syempre magkikita tayo dito diba. Pupuntahan nyo ako dito ha. Andito lang naman ako sa probinsya" sabi ni Bella na naiiyak na din."Mamimiss ko talaga kayo guys. Buti kayo dito lang sa Pilipinas pwdeng magbakasyon dito sa probinsya e ako nasa ibang bansa. Literal na malayo." malungkot naman na sagot ni Vin."Mamimiss ko din kayo guys. Sobra." Umiiyak na sabi ni Bella. "Galingan nyo
Chapter 10 VIN POVAraw na ngayon ng linggo at ito ang araw ng pag alis ko dito sa probinsya papuntang Maynila. Sobrang lungkot ko dahil malalayo na ako dito sa kinalakihan kong lugar dahil sa kailangan ko na talagang umalis para mag aral sa ibang bansa. Malalayo na din ako sa matalik kong kaibigan na si Bella. Kung ako nga lang talaga ang pwedeng masunod talagang dito na lang ako sa Pilipinas mag aaral eh kaso kailangan kong sundin ang mga magulang ko.Kagabi ay nagpaalam na kami sa isat isa ni Bella. Kahit ako ay hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng luha ko dahil sa magkakalayo na kami. Nasanay na talaga kasi kaming dalawa na halos araw araw ng magkasama kaya nalulungkot kami parehas. Pinipilit ko pa sya kagabi na tanggapin na ang alok ko na tutulungan sya ng mga magulang kong makapag aral ng college pero tumanggi pa din talaga sya.Paalis na kami dito sa amin kasama kong lumuwas pa Maynila sila lola, Vanessa at Viela. Ihahatid din nila ako sa airport sa myerkules dahil sa my
Chapter 11Bella POVUmaga na ngayon pasado alas nuebe na ng umaga. Naglilinis naman ako ng aming bahay ng marinig ko na nagriring ang aking cellphone. Agad ko naman etong kinuha. Laking tuwa ko ng makita ko na si Vin ang tumatawag. Dali dali ko naman etong sinagot."Hi Vin!!!" ngiting Bati ko kaagad kay Vin ng makita ko ang mukha neto sa screen ng cellphone ko."Hello Bella!!! Kumusta ka na?" sagot naman ni Vin na nakangiti na din."Ayos lang naman ako dito. Ikaw kumusta ka na dyan? Miss na kita best" sagot din naman ni Bella."Okay lang din naman ako dito. Miss na din kita Bella. Ano palang ginagawa mo ngayon?" sagot pa ni Vin."Eto naglilinis ng bahay. Wala kasi si nanay eh. May pinuntahan kaya nglilinis na lang muna ako ng bahay." sagot naman ni Bella. "ikaw anong ginagawa mo dyan ngayon?" pagpapatuloy pa nya."Eto nakahiga na.. maya maya matutulog na din ako. Gabi na kasi dito eh." sagot ni Vin."Ah ganon ba. Dito kasi umaga na eh. Kumusta ka naman na mag isa ka na ngayon dyan.
Chapter 12Mabilis na din naman lumipas ang mga araw at buwan. Palagi pa din sila nagtatawagan na magkakaibigan pero madalas ay hindi kasali si Vin dahil sa iba nga ang oras sa lugar neto.Palagi pa din naman sinasamahan ng magkapatid na Viela at Vanessa si Bella sa kanila lalo na pag mga walang pasok ang mga eto.Ganon pa din naman ang gawain ni Bella sa araw araw. Madalas ay nalulungkot talaga sya dahil sa namimiss na nya ang mga kaibigan nya lalo na ang bestfriend nya na si Vin.Nagiging busy na din ang mga kaibigan nya sa paglipas ng mga araw kaya nagiging madalang na din ang kanilang tawagan. Paminsan minsan na lang. Si Vin naman ay madalang na din tumawag dahil bukod sa magkaiba nga ang oras nila ay nagiging busy na din ito sa pag aaral nya doon. Hindi din naman biro ang pag aaral sa ibang bansa kailangan talaga nyang mag aral ng maigi doon dahil sa dadating ang panahon ay hahawak na din sya ng kanilang negosyo.***********Mabilis na lumipas ang isang taon. At ngayon nga ay bak
Chapter 13KINABUKASAN....Maaga naman nagising si Bella dahil mag kikita kita sila ng mga kaibigan nya mamaya. Namiss nila ang isat isa kaya habang nasa probinsya ang mga eto ay mag bobonding muna sila. Kaya magpapa alam muna sya sa kanyang nanay Brenda.Naabutan naman nya ang nanay Brenda nya na nagwawalis sa kanilang bakuran kaya nilapitan na nya eto."Good morning po nay. Ahmm.... Nanay magpapa alam po sana ako. Magkikita kita po kasi kami ngayon nila Myca para mamasyal. Pwede po ba?" sabi ni Bella."Nagbakasyon pla ang mga kaibigan mo?. Sige lang anak. Sumama ka muna sa kanila alam ko naman na miss na miss mo na sila eh." Sagot naman ng nanay nya."Salamat po nay. Opo nay kahapon po nanggaling na sila dito nakalimutan ko pong banggitin sa inyo kagabi." Sagot naman ni Bella."Ah ganon ba. Anong oras ka ba aalis?" Tanong ng nanay nya." Maya maya po nay" sagot naman ni Bella."O sige nak kumain ka na muna dyan bago ka mag bihis. Baka naman paghintayin mo na naman sila. Mag iingat k
Chapter 14Habang pauwi naman na si Bella galing sa pamamasyal kasama ang mga kaibigan nya ay bigla naman syang nalungkot. Naalala nya kasi dati si Vin ang lagi nyang kasabay pag pauwi na siya si Vin lang kasi ang kapitbahay nya sa kanilang magkakaibigan. Naglakad naman na sya hanggang sa makarating na siya sa kanilang bahay. Bago sya pumasok sa kanilang bahay ay napalingon pa sya sa bahay nila Vin. Lalo naman nya etong namiss. Pumasok naman na sya sa kanilang bahay.Pagpasok nya ay nadatnan naman nya ang kanyang nanay na nasa kusina."Mano po nay!" sabi ni Bella sabay mano sa ina ng makalapit siya."Oh anak. Kumusta ang pamamasyal nyo?" tanong naman ng nanay nya sa kanya."Ayos naman po nay. Nakakapagod po. pero masaya po." sagot naman ni Bella."Nag enjoy naman ba kayo?" tanong pa ulet ng nanay nya."Opo nay. Enjoy naman po kahit nakakapagod. Namiss ko po kasi silang kasama eh. Hahaha" sagot naman ni Bella "Haha. Mukha ngang miss na miss mo sila anak. Magpalit ka na muna ng maka k
Chapter 15VIN POVAng bilis lumipas ng buwan at araw. Isang taon na din ang nakalipas simula ng umalis ako ng Pilipinas. Isang taon na ako dito sa ibang bansa. Malayo sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko at sa mga kaibigan ko. Miss na miss ko na sila kaso wala akong choice kundi mag stay pa din dito upang mag aral.Bakasyon na din naman namin dito pero hindi ako makakauwi ng Pilipinas dahil may mga kailangan pa din akong gawin dito kahit bakasyon namin. Gustuhin ko man umuwi para makapag bakasyon man lang at makasama ang pamilya at mga kaibigan ko pero hindi talaga pupwede.Pupuntahan naman daw ako ng mga magulang ko dito. Mag stay din daw sila ng ilang araw dito para kahit papano eh makasama ko naman sila.Madalang na din ako makatawag sa mga kaibigan ko sa Pilipinas bukod sa magka iba nga ang oras dito at sa Pilipinas ay busy din talaga ako palagi. Miss ko na nga ang mga kwentuhan at kulitan namin eh. Miss na miss ko na din ang best friend ko na si Bella.Minsan natatawagan ko nam
Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da
CHAPTER 240Isa isa naman na nagsilapit sa kanila ang mga kaibigan nila. At nauna ng lumapit sa kanila ang mag asawang Vin at Bella. "Congratulations sa inyo," bati ni Bella kila Mark at Kate."Salamat," nakangiti naman na sagot nila Mark at Kate sa kanya."Finally hindi na bato ang puso ni Kate," natatawa na sabi ni Bella habang himas himas ang malaki na nitong tyan. Natawa naman si Kate dahil sa sinabi ni Bella."Bro ibang klase ka talaga. Wala ng patumpik tumpik pa. Haha," tatawa tawang sabi ni Vin kay Mark. "Syempre baka makawala pa e," natatawa rin naman na sagot ni Mark kay Vin. Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nilang kaibigan sa kanila."Hoy Mark. Ikaw ha ni hindi mo man lang kami sinabihan. Ang akala namin ay birthday party lang ito. Magpopropose ka na pala," himig nagtatampo na sabi ni Ian kay Mark dahil wala talaga syang kaalam alam tungkol dito kahit na magkasama lang naman sila sa bahay ni Mark."Hindi ko talaga sinabi kaagad sa'yo kasi ang daldal mo. Hahaha," tataw
CHAPTER 239"Hon ang tagal kong hinintay yung araw na sasagutin mo ako. Kaya naman ng dumating ang araw na yun ay sobrang saya ko dahil ilang taon din akong naghintay na mahalin mo rin ako," sabi pa ni Mark habang dahan dahan na humahakbang palapit kay Kate.Nagtataka naman na tinitingnan ni Kate si Mark. Nagpatuloy naman sa pagsasalita nya si Mark."Nung una akala ko wala na talagang pag asa na mahalin mo ako. Muntik na nga akong panghinaan ng loob non e kamuntik na akong sumuko dahil binasted mo kaagad ako noong unang beses na umamin ako sa'yo tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'yo. Pero matapos ang kasal nila Vin at Bella ay naglakas loob ulit ako na manligaw sa'yo kahit pa iniiwasan mo ako palagi pero hindi ako tumigil hanggat hindi kita napapasagot dahil ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito," madamdaming sabi pa ni Mark.Bigla naman nagbukas ang ilaw sa isang parte ng restaurant kaya naman napalingon si Kate roon at ang unang nakita ni Kate ay ang mga kaibigan nya na n
CHAPTER 238Pagdating ng hapon ay sinundo naman na muna ni Mark si Kate mula sa school saka ito hinatid sa bahay nito."Hindi na ako papasok sa loob ha. Mamaya susunduin ulit kita," sabi ni Mark kay Kate pagkatigil ng kotse ni Mark sa harapan ng bahay nila. Napapansin naman ni Kate na parang aligaga si Mark."S-sige," sagot ni Kate. "Mark may problema ba? Napapansin ko kasi na parang hindi ka maapakali e," hindi na napigilan na itanong ni Kate kay Mark. Bigla namang parang natauhan si Mark dahil sa tanong ni Kate."Ha? Wala ito. Wag mo akong pansinin," sagot ni Mark. " Sige na. Aalis na ako. Balikan kita mamaya ha," pagpapaalam na ni Mark kay Kate saka nya ito hinalikan sa noo."Sige. Mag iingat ka. Hintayin kita mamaya," sagot ni Kate."Sige. Bye," sagot ni Mark saka sya kumaway rito bago pinaandar ang kanyang kotse.Umuwi naman na muna si Mark upang magpalit ng damit at mag ayos ng kanyang sarili. Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay agad na rin syang umalis dahil kailangan pa ny