Chapter 15VIN POVAng bilis lumipas ng buwan at araw. Isang taon na din ang nakalipas simula ng umalis ako ng Pilipinas. Isang taon na ako dito sa ibang bansa. Malayo sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko at sa mga kaibigan ko. Miss na miss ko na sila kaso wala akong choice kundi mag stay pa din dito upang mag aral.Bakasyon na din naman namin dito pero hindi ako makakauwi ng Pilipinas dahil may mga kailangan pa din akong gawin dito kahit bakasyon namin. Gustuhin ko man umuwi para makapag bakasyon man lang at makasama ang pamilya at mga kaibigan ko pero hindi talaga pupwede.Pupuntahan naman daw ako ng mga magulang ko dito. Mag stay din daw sila ng ilang araw dito para kahit papano eh makasama ko naman sila.Madalang na din ako makatawag sa mga kaibigan ko sa Pilipinas bukod sa magka iba nga ang oras dito at sa Pilipinas ay busy din talaga ako palagi. Miss ko na nga ang mga kwentuhan at kulitan namin eh. Miss na miss ko na din ang best friend ko na si Bella.Minsan natatawagan ko nam
Chapter 16BELLA POVNaiwan naman na ulet si Bella sa kanilang probinsya. Nakaalis na ang mga kaibigan nya kaninang madaling araw pabalik sa Maynila. Sabay sabay na din silang umalis. Kailangan kasi nilang bumalik kaagad dahil may mga kailangan pa silang gawin bago ang pasukan.Bumangon naman na si Bella at nagligpit ng hinigaan nya bago lumabas ng kwarto nya. Naabutan naman nya ang nanay nya na nagkakape sa kusina nila."Good morning po nay!" bati ni Bella sa kanyang ina."Good morning din anak" bati din ni nanay Brenda kay Bella. " Umalis na pala ang mga kaibigan mo anak" pagpapatuloy pa ni nanay Brenda."Opo nay. Kanina pong madaling araw sila umalis. Kailangan po nila bumalik agad bago magpasukan eh." sagot naman ni Bella."Ah ganon ba anak. Ikaw okay na ba ang mga kailangan mo sa pagpasok mo? " tanong naman ng kanyang ina."Opo nay. Ayos na po ang mga kailangan ko sa pasukan." sagot naman ni Bella. "Nay si tatay po pala parang hindi ko nakikita" sabi pa ni Bella."Ah ang tatay mo
CHAPTER 17KINABUKASAN....Maaga naman nagising si Bella. Gusto nya kasing ipag handa ng agahan ang kanyang tatay. Naisip nya kasi kagabi na ipag luto ito ngayong umaga bago eto umalis. Ilang buwan din kasi nila etong hindi makakasama. At mamimiss nila ang tatay nya lalo na ng kanyang nanay.Paglabas ng kwarto ni Bella ay naabutan nya ang nanay nya na naghahanda ng iluluto na agahan."Good morning po nay" bati ni Bella sa kanyang ina."Oh... Good morning din anak. Ang aga mo yata nagising ngayon!? May lakad ka ba ngayon anak!?" sabi naman ng kanyang ina na nagulat pa nv biglang dumating si Bella sa kusina nila dahil maaga pa."Ah wala po akong lakad nay inagahan ko po talaga ng gising ngayon nay. Gusto ko po sana kayong tulungan na magluto ng agahan." Sagot naman ni Bella."Ay ganon ba. Oh sya sige halika dito." sagot naman ng nanay nya.Lumapit naman na si Bella sa kanyang ina para tulungan eto."Nay kumusta nga po pala pakiramdam mo ngayon? Okay na po ba kayo?" sabi ni Bella."Ayos
CHAPTER 18Unang araw na ng klase nila Bella ngayon. Excited na syang pumasok sa school. Maaga syang nagising dahil malayo pa ang kanyang school sa bayan pa kasi eto at 30 minutes pa ang byahe papunta doon.Kagigising lang naman ng nanay nya at naabutan sya ng nanay nya na nakabihis na at paalis na din."Ang aga mo anak ah" sabi ni Nanay Brenda kay Bella dahil nagulat sya na paalis na eto."Good morning po nay. Opo nay inagahan ko po talaga. Malayo pa po ang school ko ayaw ko namn po malate sa unang araw ng klase ko. May pagkain na po pala dyan nay nakaluto na po ako kain na lang po kayo" sabi ni Bella."Ah sige. Mag iingat sa pagpasok ha." sagot ni nanay Brenda."Opo nay. Alis na po ako. Babye po." Sabi ni Bella at lumabas na rin sya ng kanilang bahay.Naninibago naman na sya dahil isang taon din kasi sya tumigil sa pag aaral. At malayo pa ang school nya sa kanila. Namiss na naman nya si Vin naalala nya kasi na palagi silang magkasabay ni Vin dati kapag papasok sa school.Pagkadating
CHAPTER 19"Tsk.. kala mo kung sino" sabi ni Kyla sa mga kasama nya."Hayaan mo Kyla may araw din yang mga yan sa atin." sabi naman ni Beth."Kaya nga Kyla. Hayaan mo muna sila." sagot naman ni Levi.Sila Kyla, Levi at Beth ay magkakaibigan na simula ng high school pa lamang ang mga eto. Mga bully na din talaga sila noon pa lang.Natanaw naman ni Rhian ang grupo nila Kyla na nakatingin sa pwesto nila na pairap irap pa."Sus.. paikot ikot na naman ang mata ng mga bruha" sabi ni Rhian.Napatingin naman sila Bella at Cess kay Rhian at sinundan nila ng tingin ang tinitingnan neto at nakita nila sila Kyla."Naku. Hayaan nyo na lang sila. Dapat kasi lumipat na lang tayo kanina eh. Baka mapag initan pa tayo ng mga yan" sabi ni Bella."Naku... naku.. naku... Hindi pwede yun Bella. Nauna tayo dun kanina eh. Aba palate late sila tas siga sila pagdating nila sa room. No way" sagot naman ni Rhian."Hi girls" bati ni Raymond ng bigla etong dumating sa pwesto nila Bella."Oh wala ka bang mga kaib
Chapter 20SPORTSFEST DAY"Kinakabahan talaga ako" sabi ni Bella kay Rhian at Cess. Inaayusan na kasi si Bella para sa mr and ms sportsfest at kasama nya ngayon sila Rhian at Cess sa dressing room at todo suporta sa kanya ang dalawa. Wala na din naman pinroblema pa si Bella sa mga susuotin nya at sa mag aayos sa kanya kasi sinagot na ng mga teacher nya iyon. "Kayang kaya mo yan Bella. Ang ganda ganda mo oh." sagot ni Rhian."Oo nga Bella. Kering keri mo yan. Ikaw pa ba." Sagot din ni Cess."First time ko kasi to. Hindi naman kasi talaga ako nasali sa mga ganito eh." sagot ni Bella."Support ka namin wag kang mag alala. Sa ganda mong yan panalo ka na." sagot ni Rhian."Pumila na po dito yung mga kasali" sigaw ng organizer ng event."Good luck Bella" sabay na sabi nila Cess at Rhian.Pumila naman na ang mga kasali at kasunod lang din ni Bella si Kyla sa pila. Hindi din talaga eto nagpapigil at talagang sumali pa din eto. Kapartner din pala ni Bella si Raymond."Hi Bella... Sobrang gan
CHapter 21Inayos naman na muna ni Bella ang mga gamit nya pagkatapos nyang magbihis bago nya tawagan ang nanay Brenda nya.Nang tatawagan na nya sana ang nanay Brenda nya ay nag ring na ang cellphone nya at tumatawag na ulet ang nanay nya. Agad nya naman etong sinagot."Hello po nay" sagot agad ni Bella. "Nay nana - -" hindi na naituloy ni Bella ang sasabihin ng magsalita ang nanay nya"H - hello a - anak" sagot ng nanay nya na humihikbi pa."Nay umiiyak po ba kayo?" tanong ni Bella ng marinig nya na humikbi ang nanay nya."A - anak k - kumusta pala?" sagot ng nanay nya" Panalo po ako nay." Masiglang sagot ni Bella sa kanyang ina pero nawala din ang ngiti nya ng marinig nya na naman na humikbi ang kanyang ina. " Nay may problema po ba? Bakit parang naiyak po kayo?" pagpapatuloy pa ni Bella."Anak... Huhuhu" sagot ni nanay Brenda na hindi na nga napigilan pa ang umiyak."Bakit po nay!?" tanong ni Bella na nataranta na din dahil umiiyak na ang nanay nya."A - ang tatay mo.... Huhuhu"
CHAPTER 22Napabuntong hininga naman si Brenda sa sinabi ni Bella. "Nay gustuhin man natin na makatapos po ako ng college pero parehas lang po tayo mahihirapan. Kung nandito lang po si tatay sigurado po ako na maiintindihan nya naman tayo nay" sabi pa ni Bella."Sigurado ka ba anak? Yan ang gusto mo?" tanong ni Brenda kay Bella."Opo nay. Siguradong sigurado po ako. Kapag pumayag po kayo tatawagan ko po sila Myca baka po may alam sila na bakanteng trabaho doon sa Maynila." sagot ni Bella.Tanging pagtango lang ang naging tugon ni Brenda kay Bella. Hindi na sya makasagot sa anak dahil pinag iisipan nya kung papayagan nya ba talaga eto na makipag sapalaran sa Maynila.Kinabukasan kinailangan pumunta ni Bella sa school dahil sa may mga kailangan syang ipasa na project nya."Hi Bella." bati kaagad ni Rhian at Cess sa kanya."Hello. Nakapag pasa na kayo?" tanong nya sa dalawa."Hindi pa. Hinihintay ka namin eh. Tara sabay sabay na tayo" sagot ni Rhian.Pagkatapos nilang magpasa ng kanilan
Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da
CHAPTER 240Isa isa naman na nagsilapit sa kanila ang mga kaibigan nila. At nauna ng lumapit sa kanila ang mag asawang Vin at Bella. "Congratulations sa inyo," bati ni Bella kila Mark at Kate."Salamat," nakangiti naman na sagot nila Mark at Kate sa kanya."Finally hindi na bato ang puso ni Kate," natatawa na sabi ni Bella habang himas himas ang malaki na nitong tyan. Natawa naman si Kate dahil sa sinabi ni Bella."Bro ibang klase ka talaga. Wala ng patumpik tumpik pa. Haha," tatawa tawang sabi ni Vin kay Mark. "Syempre baka makawala pa e," natatawa rin naman na sagot ni Mark kay Vin. Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nilang kaibigan sa kanila."Hoy Mark. Ikaw ha ni hindi mo man lang kami sinabihan. Ang akala namin ay birthday party lang ito. Magpopropose ka na pala," himig nagtatampo na sabi ni Ian kay Mark dahil wala talaga syang kaalam alam tungkol dito kahit na magkasama lang naman sila sa bahay ni Mark."Hindi ko talaga sinabi kaagad sa'yo kasi ang daldal mo. Hahaha," tataw
CHAPTER 239"Hon ang tagal kong hinintay yung araw na sasagutin mo ako. Kaya naman ng dumating ang araw na yun ay sobrang saya ko dahil ilang taon din akong naghintay na mahalin mo rin ako," sabi pa ni Mark habang dahan dahan na humahakbang palapit kay Kate.Nagtataka naman na tinitingnan ni Kate si Mark. Nagpatuloy naman sa pagsasalita nya si Mark."Nung una akala ko wala na talagang pag asa na mahalin mo ako. Muntik na nga akong panghinaan ng loob non e kamuntik na akong sumuko dahil binasted mo kaagad ako noong unang beses na umamin ako sa'yo tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'yo. Pero matapos ang kasal nila Vin at Bella ay naglakas loob ulit ako na manligaw sa'yo kahit pa iniiwasan mo ako palagi pero hindi ako tumigil hanggat hindi kita napapasagot dahil ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito," madamdaming sabi pa ni Mark.Bigla naman nagbukas ang ilaw sa isang parte ng restaurant kaya naman napalingon si Kate roon at ang unang nakita ni Kate ay ang mga kaibigan nya na n
CHAPTER 238Pagdating ng hapon ay sinundo naman na muna ni Mark si Kate mula sa school saka ito hinatid sa bahay nito."Hindi na ako papasok sa loob ha. Mamaya susunduin ulit kita," sabi ni Mark kay Kate pagkatigil ng kotse ni Mark sa harapan ng bahay nila. Napapansin naman ni Kate na parang aligaga si Mark."S-sige," sagot ni Kate. "Mark may problema ba? Napapansin ko kasi na parang hindi ka maapakali e," hindi na napigilan na itanong ni Kate kay Mark. Bigla namang parang natauhan si Mark dahil sa tanong ni Kate."Ha? Wala ito. Wag mo akong pansinin," sagot ni Mark. " Sige na. Aalis na ako. Balikan kita mamaya ha," pagpapaalam na ni Mark kay Kate saka nya ito hinalikan sa noo."Sige. Mag iingat ka. Hintayin kita mamaya," sagot ni Kate."Sige. Bye," sagot ni Mark saka sya kumaway rito bago pinaandar ang kanyang kotse.Umuwi naman na muna si Mark upang magpalit ng damit at mag ayos ng kanyang sarili. Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay agad na rin syang umalis dahil kailangan pa ny