CHapter 21Inayos naman na muna ni Bella ang mga gamit nya pagkatapos nyang magbihis bago nya tawagan ang nanay Brenda nya.Nang tatawagan na nya sana ang nanay Brenda nya ay nag ring na ang cellphone nya at tumatawag na ulet ang nanay nya. Agad nya naman etong sinagot."Hello po nay" sagot agad ni Bella. "Nay nana - -" hindi na naituloy ni Bella ang sasabihin ng magsalita ang nanay nya"H - hello a - anak" sagot ng nanay nya na humihikbi pa."Nay umiiyak po ba kayo?" tanong ni Bella ng marinig nya na humikbi ang nanay nya."A - anak k - kumusta pala?" sagot ng nanay nya" Panalo po ako nay." Masiglang sagot ni Bella sa kanyang ina pero nawala din ang ngiti nya ng marinig nya na naman na humikbi ang kanyang ina. " Nay may problema po ba? Bakit parang naiyak po kayo?" pagpapatuloy pa ni Bella."Anak... Huhuhu" sagot ni nanay Brenda na hindi na nga napigilan pa ang umiyak."Bakit po nay!?" tanong ni Bella na nataranta na din dahil umiiyak na ang nanay nya."A - ang tatay mo.... Huhuhu"
CHAPTER 22Napabuntong hininga naman si Brenda sa sinabi ni Bella. "Nay gustuhin man natin na makatapos po ako ng college pero parehas lang po tayo mahihirapan. Kung nandito lang po si tatay sigurado po ako na maiintindihan nya naman tayo nay" sabi pa ni Bella."Sigurado ka ba anak? Yan ang gusto mo?" tanong ni Brenda kay Bella."Opo nay. Siguradong sigurado po ako. Kapag pumayag po kayo tatawagan ko po sila Myca baka po may alam sila na bakanteng trabaho doon sa Maynila." sagot ni Bella.Tanging pagtango lang ang naging tugon ni Brenda kay Bella. Hindi na sya makasagot sa anak dahil pinag iisipan nya kung papayagan nya ba talaga eto na makipag sapalaran sa Maynila.Kinabukasan kinailangan pumunta ni Bella sa school dahil sa may mga kailangan syang ipasa na project nya."Hi Bella." bati kaagad ni Rhian at Cess sa kanya."Hello. Nakapag pasa na kayo?" tanong nya sa dalawa."Hindi pa. Hinihintay ka namin eh. Tara sabay sabay na tayo" sagot ni Rhian.Pagkatapos nilang magpasa ng kanilan
CHAPTER 23Lumipas pa ang isang linggo ay naghihintay pa din si Bella sa tawag ni Myca. Umaasa sya na sana ay may makita iyon na pwede nyang pasukan na trabaho sa Maynila.Naglilinis naman ngayon si Bella ng kanilang bahay ng biglang mag ring ang cellphone nya. Laking tuwa nya ng si Myca ang tumatawag. Umaasa sya na may magandang balita eto. Agad nyang sinagot ang tawag ni Myca."Hello Myca. Kumusta?" Sabi kaagad ni Bella."Hello Bella. Good news may nakita ako dito na bakanteng trabaho. May bakante daw na trabaho dun sa pinapasukan ng kakilala ko. Hindi naman daw mahirap ang trabaho mag xerox ka lang dw dun sa department nila ng mga kailangan nila minsan uutusan ka daw na magdala ng mga papel sa ibang department. Ganon daw basta hindi naman daw mahirap." Mahabang sabi ni Myca."Talaga? Okay na yun kesa wala. Sasabihin ko kay nanay mamaya" sagot naman ni Bella."O sige balitaan mo ako kung kelan ka pupunta dito ha. Sige na ha. May gagawin pa kasi ako. Binalita ko lang talaga sayo yan.
CHAPTER 24 Maagang nagising si Bella ngayon dahil ngayon ang araw na mag aaply sya ng trabaho sa sinasabi ni Myca. Pinapanalangin nya na sana naman ay matanggap kaagad sya."Good morning Bella. Ang aga mo naman nagising" sabi ni Kate."Good morning din Kate. Oo inagahan ko talaga ang gising. Ngayon kasi ako mag aaply dun sa sinasabi ni Myca eh" sagot ni Bella."Ah ganon ba. Si Myca nasaan?" Tanong ni Kate ng hindi nya makita si Myca."May bibilhin lang daw sa labas. Halika na kain na tayo. Nakaluto na ako ng agahan natin." Sabi ni Bella.Sakto naman na dumating na si Myca at kumain na sila ng agahan nila."Bella hindi ko na kayo sasamahan ha. Pupunta kasi ako kay Colleen ngayon tutulungan ko sya maglipat dito." Sabi ni Kate."Sige okay lang. Ituturo naman na sa akin ni Myca kung saan yon. Sana matanggap kaagad ako" sagot ni Bella."Oo matatanggap ka. Tiwala lang saka sinabi ko na dun sa kakilala ko na mag aaply ka ngayon kaya iaasisst ka din non." sabat naman ni Myca."Salamat Myca h
CHAPTER 25Naka ilang ring lang din at sinagot na ni nanay ang tawag ko."Hello po nay!" bati agad nya sa kanyang ina."Hello Bella anak kumusta ka dyan?" Sagot naman agad ng kanyang ina."Ayos lang po ako nay dito. Nay natanggap na nga po pala ako sa trabaho nagsimula na po ako kaagad kanina. Kayo po nay kumusta na po kayo dyan?" sagot ni Bella."Talaga anak? Mabuti naman kung ganon hindi ka na nahirapan pa maghanap ng trabaho. Ayos lang naman ako dito wag mo akong alalahanin ang sarili mo intindihin mo dyan wag mong pababayaan sarili mo dyan ha" sagot ng kanyang ina."Opo nay mag iingat po palagi ako dito." sagot naman ni Bella."Lagi nga pala nandito sila Viela at Vanessa binilinan mo daw sila na puntahan ako dito paminsan minsan ikaw talagang bata ka." sabi ng kanyang ina."Opo nay nasabi ko po sa kanila yun kasi alam ko po na malulungkot kayo dyan kasi mag isa na lang po kayo dyan sa bahay" sagot naman ni Bella."Ikaw talaga. O sya sige na. Matulog ka na at gabi na. Babye na." Sa
CHAPTER 26TWO YEARS LATER....Nagtatrabaho pa din si Bella sa 4V EMPIRE. Yun pa din ang trabaho nya pero minsan kapag may mga nag leave na tauhan sa kanilang department ay sya muna ang pumapalit. Natrain naman na din sya at sanay na sya mga gagawin nya.Gagraduate na din ang mga kaibigan nya na sila Myca, Kate at Coleen pati na din sila Ian at Mark. Halos magkakasunod na araw ang graduation ng mga kaibigan nya kaya inisang celebration na lang nila.Magkakasama sila ngayon sa inuupahang bahay nila Bella para mag celebrate. Naghanda sila ng konting salo salo para mag celebrate."Congrats guys" bati ni Bella sa mga kaibigan nya."Thank you Bella. Finally graduate na ako." kinikilig na sagot ni Myca."Oo nga eh.. Finally natapos din natin. Graduate na tayo sa mga project at thesis na yan. Hahaha" sabat naman ni Kate."Korek. Jusko pagod na ako sa mga yan. Gusto ko ng magtrabaho. Para magkapera naman. Hahaha" sabat din naman ni Colleen."Sus kunwari ka pa dyan. Kung hindi pa namin alam eh
CHAPTER 27VIN POVIlang taon na din ang nakalipas simula ng umalis ako ng Pilipinas. Nung mga unang taon ay natatawagan ko pa naman ang mga kaibigan ko pero makalipas non hindi ko na sila matawagan man lang kasi busy na ako sa pag aaral ko ni hindi man lang nga ako maka bakasyon sa Pilipinas. Dinadalaw na lang ako ng mga magulang ko dito paminsan minsan.Ngayon ay gagraduate na din ako sa wakas. Sigurado ako na graduate na din ang mga kaibigan ko sa Pilipinas. Kumusta na kaya sila. Kumusta na kaya ang best friend ko na si Bella. Ang huling balita ko sa kanya ay lumuwas na eto ng Maynila upang magtrabaho at kwinento lang eto sa akin nila Viela at Vanessa. Minsan ko na lang din makausap ang mga kapatid ko na iyon.Graduation ko na ngayon at nandito ang mga magulang ko para umattend sa aming graduation ceremony."Congrats anak! Proud ako sayo dahil nakaya mong tumira mag isa dito ng ilang taon. Akala ko kasi eh pipilitin mo ng umuwi ng mga time na nalulungkot ka dito eh." bati ni Valer
CHAPTER 28Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Nagtatrabaho pa din si Bella sa 4V EMPIRE habang ang mga kaibigan nya ay mga nagsisimula na din sa kani kanilang mga trabaho. Magkakasama pa din sila sa bahay nila Myca, Kate at Colleen. Hinahatid pa din siya ni Bernard tuwing uwian para makita si Myca. Minsan ay hindi nakikita ni Bernard si Myca dahil gabi na minsan nakaka uwi. Linigawan na din kasi ni Bernard si Myca pagka graduate neto at hanggang ngayon ay hindi pa din sya sinasagot ni Myca."Pasok ka muna Bernard. Mamaya maya andyan naman na din si Myca." Sabi ni Bella.Pumasok naman na sila ni Bernard sa loob ng bahay at maya maya ng konte ay dumating na din naman si Myca. At nagulat pa eto na nandoon si Bernard."Hi M - Myca.. Flowers nga pala" sabi ni Bernard."Salamat. Ano nga pala ginagawa mo dito?" sagot ni Myca sabay abot sa bulakalak na dala ni Bernard."Ahm.. Ano kasi ah pwede ba kitang maaya na mag dinner?" sabi ni Bernard na parang nahihiya pa."Ah. Sige. Magpapal
Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da
CHAPTER 240Isa isa naman na nagsilapit sa kanila ang mga kaibigan nila. At nauna ng lumapit sa kanila ang mag asawang Vin at Bella. "Congratulations sa inyo," bati ni Bella kila Mark at Kate."Salamat," nakangiti naman na sagot nila Mark at Kate sa kanya."Finally hindi na bato ang puso ni Kate," natatawa na sabi ni Bella habang himas himas ang malaki na nitong tyan. Natawa naman si Kate dahil sa sinabi ni Bella."Bro ibang klase ka talaga. Wala ng patumpik tumpik pa. Haha," tatawa tawang sabi ni Vin kay Mark. "Syempre baka makawala pa e," natatawa rin naman na sagot ni Mark kay Vin. Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nilang kaibigan sa kanila."Hoy Mark. Ikaw ha ni hindi mo man lang kami sinabihan. Ang akala namin ay birthday party lang ito. Magpopropose ka na pala," himig nagtatampo na sabi ni Ian kay Mark dahil wala talaga syang kaalam alam tungkol dito kahit na magkasama lang naman sila sa bahay ni Mark."Hindi ko talaga sinabi kaagad sa'yo kasi ang daldal mo. Hahaha," tataw
CHAPTER 239"Hon ang tagal kong hinintay yung araw na sasagutin mo ako. Kaya naman ng dumating ang araw na yun ay sobrang saya ko dahil ilang taon din akong naghintay na mahalin mo rin ako," sabi pa ni Mark habang dahan dahan na humahakbang palapit kay Kate.Nagtataka naman na tinitingnan ni Kate si Mark. Nagpatuloy naman sa pagsasalita nya si Mark."Nung una akala ko wala na talagang pag asa na mahalin mo ako. Muntik na nga akong panghinaan ng loob non e kamuntik na akong sumuko dahil binasted mo kaagad ako noong unang beses na umamin ako sa'yo tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'yo. Pero matapos ang kasal nila Vin at Bella ay naglakas loob ulit ako na manligaw sa'yo kahit pa iniiwasan mo ako palagi pero hindi ako tumigil hanggat hindi kita napapasagot dahil ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito," madamdaming sabi pa ni Mark.Bigla naman nagbukas ang ilaw sa isang parte ng restaurant kaya naman napalingon si Kate roon at ang unang nakita ni Kate ay ang mga kaibigan nya na n
CHAPTER 238Pagdating ng hapon ay sinundo naman na muna ni Mark si Kate mula sa school saka ito hinatid sa bahay nito."Hindi na ako papasok sa loob ha. Mamaya susunduin ulit kita," sabi ni Mark kay Kate pagkatigil ng kotse ni Mark sa harapan ng bahay nila. Napapansin naman ni Kate na parang aligaga si Mark."S-sige," sagot ni Kate. "Mark may problema ba? Napapansin ko kasi na parang hindi ka maapakali e," hindi na napigilan na itanong ni Kate kay Mark. Bigla namang parang natauhan si Mark dahil sa tanong ni Kate."Ha? Wala ito. Wag mo akong pansinin," sagot ni Mark. " Sige na. Aalis na ako. Balikan kita mamaya ha," pagpapaalam na ni Mark kay Kate saka nya ito hinalikan sa noo."Sige. Mag iingat ka. Hintayin kita mamaya," sagot ni Kate."Sige. Bye," sagot ni Mark saka sya kumaway rito bago pinaandar ang kanyang kotse.Umuwi naman na muna si Mark upang magpalit ng damit at mag ayos ng kanyang sarili. Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay agad na rin syang umalis dahil kailangan pa ny