CHAPTER 217"Naniniwala naman ako sa'yo Mark. Natakot lamang ako dahil akala ko ay mauulit na naman ang nangyari sa akin dati. Hinihintay ko kasi na magpaliwanag ka noong pumunta ka rito pero wala naman akong narinig na paliwanag sa'yo," sagot ni Kate. Nginitian naman ni Mark si Kate saka nya pinisil ang kamay neto."Pasensya ka na Kate. Hindi ko kasi alam ang tungkol sa bagay na yon ng gabi na yon. Kahapon ng umaga ko lang kasi nalaman ang tungkol doon dahil sinabi sa akin ni Ian," sagot ni Mark. "P-pumuta nga pala ako rito kahapon p-pero hindi na ako tumuloy," malungkot na pagkakasabi ni Mark sa dalaga. Napabuntong hininga naman si Kate dahil sya naman ang kailangang magpaliwanag ngayon. Panigurado ay nakita nga ni Mark na magkasama sila ni Edward kahapon."Nakita mo ba kami?" tanong ni Kate. Tumango tango naman si Mark rito."S-Sino ba yung kasama mo kahapon dito?" tanong ni Mark."Si Edward yun Mark. Sya yung ex boyfriend ko. Pumunta sya rito para mag sorry at pinatawad ko na rin
CHAPTER 218Naging maayos naman ang naging relasyon nila Mark at Kate sa mga nakalipas na mga araw at buwan. Wala naman silang nagiging problema na dalawa. Naging open din sila sa isa't isa kaya lalo silang napamahal na dalawa sa isa't isa. Halos araw araw na rin na hatid sundo ni Mark si Kate sa eskwelahan kung saan eto nagtuturo. Maliban na lamang kapag may mga importante talaga syang lakad o meeting"Ms. Kate andyan na si sir pogi," tawag ng co-teacher ni Kate sa kanya. Agad naman na napalingon si Kate sa pinto ng kanilang faculty room at napangiti na lamang sya ng masilayan nya si Mark na nakatayo roon habang may dala dala etong bulaklak. Agad na rin naman nyang kinuha ang kanyang bag saka lumapit sa kanyang nobyo dahil kanina pa naman sya tapos sa kanyang mga ginagawa at hinihintay na lamang nya talaga si Mark na dumating."Happy monthsary hon," bati ni Mark kay Kate. "Flowers for you my beautiful love of my life," sabi ni Mark sabay abot ng bulaklak sa dalaga. Nginitian naman n
CHAPTER 219Pagkaalis naman nila Mark sa school na pinagtuturuan ni Kate ay dali dali naman na pumasok si Cindy sa loob ng eskwelahan nang mapansin nya ang guard na naglalakad ay agad nya etong linapitan."Good afternoon ma'm," bati ng gwardya kay Cindy."Matagal ka na ba rito?" tanong ni Cindy."Yes ma'm," sagot ng guard at tumangobtango pa eto."Ah. Nakita mo yung babae na sumakay sa kotse na yun? Kilala mo ba sya?" tanong ni Kate at ininguso pa nya ang papaalis na kotse ni Mark."Ay. Si ma'm Kate po iyon. Isa po sya sa mababait na teacher dito," sagot ng guard. Napataas naman ang kilay ni Cindy dahil doon. "Bakit po ma'm?" tanong pa ng guard."Wala naman. Sige na bumalik ka na sa trabaho mo," mataray na sagot ni Cindy saka nya tinalikuran ang guard. Napakamot na lang ng ulo nya ang gwardya dahil bigla na lamang nagsungit ang babaeng kaharap nya.Agad naman na bumalik sa loob ng opisina ng school si Cindy para kunin ang pakay nya roon. Agad na rin naman syang umuwi at pagkauwi nya a
CHAPTER 220"May nangyare kay Mark at Cindy noong nasa Cebu silang dalawa. Kaya kailangang panagutan ng anak mo ang anak ko," matapang na sagot ni Randy kay Louie. Napaawang naman ang bibig ni Louie dahil sa sinabi ni Randy."Sigurado ka ba sa sinasabi mo Mr. Roxas? Baka naman nagkakamali ka lamang," kunot noo na sagot ni Louie."Sinasabi mo ba na sinungaling ang anak ko? May pruweba kami. Nakuhanan sila ng larawan na parehas silang pumasok sa iisang room ng anak ko kahit na magkabukod naman ang kanilang kwarto. Eto tingnan mo ang mga larawan nila" sagot ni Randy sabay abot ng ilang larawan dito. Agad naman na kinuha ni Louie iyon at isa isa na nyang tiningnan."Kakausapin ko muna ang anak ko tungkol dito," sagot ni Louie."Dapat lang at dapat lang din na pag usapan na natin kaagad kung kailan gaganapin ang kasal nilang dalawa," sagot ni Randy. "Mauna na ako at pagbalik ko rito ay siguraduhin mo na handa na ang anak mo na panagutan ang anak ko dahil hindi ako makapapayag na maagrabyad
CHAPTER 221 Nang hapon din na yon ay sinundo ni Mark si Kate. Agad naman na napansin ni Kate na matamlay si Mark. "May problema ba? Bakit parang malungkot ka yata ngayon," sabi ni Kate pagkasakay nya sa kotse ni Mark. Nginitian naman sya ni Mark saka nito pinaandar ng sasakyan. "Wag mo akong pansinin. Ayos lamang ako," sagot ni Mark. Tumango tango naman si Kate dito kahit na pakiramdam nya ay may mali talaga kay Mark. Buong byahe ay tahinik lamang silang dalawa hanggang sa makarating sila sa bahay ng dalaga. Pagkarating sa bahay nila Kate ay wala pa sila Myca at Colleen. Pumasok naman na muna roon si Mark at pabagsak na naupo sa sofa. Muli ay tinitigan ni Kate ang nobyo nya saka sya tumabi rito. Hinawakan naman na ni Kate ang kamay ni Mark saka nya iyon pinisil. "May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa akin," sabi ni Kate saka nya nginitian si Mark. Humarap naman sa kanya si Mark. "Kate i love you. Kahit na anong mangyare tandaan mo na mahal na mahal kita ha. Ikaw lang ang baba
CHAPTER 222Lumipas pa ang mga araw at hindi pa rin sinasabi ni Mark kay Kate ang tungkol sa problema nya. Gusto nya kasi munang maresolba iyon bago nya sabihin sa dalaga.Samantalang nagtataka naman si Kate dahil masyado ng naging abala palagi si Mark pero iniisip nya na baka busy lamang eto sa trabaho."Ms. Kate diba si sir pogi etong nasa balita," sabi ng isang co teacher nila kay Kate. Agad naman na binasa ni Kate ang balita."Dating sikat na modelo na si Ms. Cindy Roxas ay nakatakdang ikasal sa isang businessman na si Mr. Mark De Villa," basa ni Kate sa balita. Para namang biglang nanghina ang tuhod nya dahil sa nabasa nya. Kamuntik pa syang matumba buti na lamang at nasalo sya ng isa pang teacher na naroon."Ms. Kate ayos ka lang ba?" tanong ng kasamahan nya roon at agad na diyang linapitan ng mga ito.Hindi naman makapagsalita si Kate at pinipilit nyang pigilan ang kanyang mga luha pero kusa na itong tumulo. Pinaupo naman na muna sya ng mga kasamahan nya roon."A-ayos lang ako.
CHAPTER 223Nang gabi din na yon ay agad na pinuntahan ni Mark si Kate sa bahay nito. Naabutan pa nya si Myca roon pero paalis daw eto ngayong gabi dahil may pupuntahan habang si Colleen naman ay sinadyang sunduin ni Ian para makapag usap sila Mark at Kate ng masinsinan."Kate," tawag ni Mark sa nobya nya ng pumasok sya sa bahay ng mga ito. Gulat naman na napatingin si Kate sa gawi ng pinto nila dahil hindi nya inaasahan na darating si Mark."Mark? Anong ginagawa mo rito? Gabi na a," gulat na sabi ni Kate kay Mark. Pumasok naman na si Mark at isinara na rin nya ang pintuan ng bahay nila Kate."Kate pwede ba tayong mag usap?" agad na sabi ni Mark. Napabuntong hininga naman si Kate bago tumango. Naupo naman na muna silang dalawa."K-Kate alam kong nakita mo na ang mga nasa balita ngayon. Kate maniwala ka sa akin hindi totoo ang mga yun," sabi ni Mark sa kanyang nobya saka nya hinawakan ang kamay nito."Magsabi ka nga sa akin ng totoo Mark. Pinapagkasundo ka ba sa Cindy ng pamilya mo kag
CHAPTER 224 Kinabukasan noon ay maaga naman na nagpunta si Mark sa bahay nila Vin. Natawagan naman na nya ito kagabi at sinabi na nya ang mga nangyare at willing naman daw syang tulungan ni Vin kaya sya pumunta ng maaga sa bahay nito para makapag usap sila ng maayos. "May tinawagan na akong tao para pumunta sa hotel sa Cebu at imbestigahan ang nangyare roon. Kaya wag ka ng mag alala. Handa kitang tulungan Mark," sabi ni Vin kay Mark ng makapasok na sila sa kanyang opisina sa loob din ng bahay nila. "Salamat Vin. Sana talaga ay makahanap ako ng ebidensya na nagpapatunay na walang nangyare sa amin ng Cindy na yun," sagot ni Mark. "Mukhang malakas ng tama sayo ng babae na yan a. Pinapalabas nya na may nangyare kaagad sa inyo," iiling iling pa na sabi ni Vin. "Tsk. Wala akong pakialam sa kanya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay malinis ko ang pangalan ko. Tutal ay sila rin naman ata ang nagpakalat ng balita na yun ay bahala na silang mapahiya," inis na sagot ni Mark. "Kumusta si Kate? A