hello po.... pasensya na po kayo kung paisa isa lang po ang update ko... marami lamang po akong ginagawa kaya po maikli lang ang update ko. pasensya na po kayong muli. babawi na lamang po ako.... maraming salamat po sa pagbabasa^_^
CHAPTER 225Lumipas pa ang mga araw at laking pasalamat naman ni Mark dahil hindi nangungulit si Cindy ng tungkol sa kasal nila pero hindi nito pinabubulaanan ang tungkol sa kumakalat na balita tungkol sa nalalapit nilang kasal. Hindi naman na nababahala si Mark tungkol doon dahil alam naman na ni Kate ang totoo kaya wala na syang dapat ipag alala pa.Abala ngayon si Mark sa kanyang opisina ng dumating ang hindi nya inaasahang bisita."Hi. Good morning," bati ni Cindy pagkapasok nya sa opisina ni Mark. Blangko lang naman na tiningnan ni Mark ang bagong dating."What are you doing here?" tanong ni Mark kay Cindy. "Binibisita ka. Wala ka ba man lang balak na puntahan ako sa amin para pormal na pag usapan ang tungkol sa kasal natin?" sagot ni Cindy habang naglalakad palapit sa pwesto ni Mark saka ito naupo sa upauan na nasa harap ng table ni Mark."Tsk. At bakit ko naman gagawin yun? Baka nakakalimutan mo na kayo lang naman ang may gusto ng kasal na yan. At isa pa bakit ka ba nagsisinun
CHAPTER 226"Ahm. Pasensya na po Ms. Cindy iginagalang ko po kayo at iginagalang ko rin po ang ang eskwelahan na aking pinagtuturuan pero hindi naman po yata tama na pati ang personal kong buhay ay pakikialaman nyo po," diretsahang sagot ni Kate kay Cindy habang hindi inaalis ang tingin dito."Tsk. Bakit ayaw mo bang mapromote? Madadagdagan pa ang sahod mo pag nagkataon," sabi pa ni Cindy."Kung mapopromote man po ako ay gusto ko po na pinaghirapan ko at hindi dahil sa may kapalit ito. Ayos naman po ako sa trabaho ko ngayon masaya naman po ako at kahit hindi po ako mapromote ay masaya rin naman po kami ni Mark kaya wala naman na po akong ibang mahihiling pa," matapang na sagot ni Kate rito."Talaga lang ha. Ang yabang mo rin talaga e no," inis na sabi ni Cindy at akmang susugurin na sana nito si Kate ng magsalita si Kate."Sige subukan mo akong saktan kahit pa ikaw ang may ari ng eskwelahan na ito ay lalabanan talaga kita," sabi ni Kate."Kung ipatanggal kaya kita sa pagiging guro rit
CHAPTER 227Kinabukasan ay pinuntahan naman ni Mark si Kate sa tinitirhan neto. Naging abala kasi sya sa trabaho kaya hindi na nya nasusundo at naihahatid ang nobya."Bakit parang ang lalim naman yata ng iniisip mo?" tanong ni Mark kay Kate saka nya ito yinakap mula sa likuran. Kanina pa nya kasi napapansin si Kate na para bang may malalim na iniisip at hindi nagsasalita."Ha? H-hindi a. Wag mo akong pansinin," sagot ni Kate. Iniharap naman ni Mark si Kate saka nya ito pinakatitigan sa mata."Kate kung may problema ka ay wag mong kimkimin. Pwede mo yang sabihin sa akin at maging ako ay ganon din ang gagawin sa'yo kaya please magtiwala ka sa akin ha. Kung ano man yang iniisip mo ay pwede mong sabihin sa akin at kung may problema ka sabihin mo rin sa akin baka sakaling matulungan kita," sinserong sabi ni Mark sa nobya saka nya ito dinampian ng magaan na halik sa labi. Napangiti na lamang si Kate saka sya bumuntong hininga."Sorry. Ayoko na kasi sanang sabihin pa sa'yo ang tungkol sa nan
CHAPTER 228"Bwiset talaga ang babae na yun. Ang arte arte. Ayaw pa nyang pumayag ipopromote ko na nga sya sa trabaho hiwalayan nya lamang si Mark ayaw pa nya," inis na bulalas ni Cindy sa kanyang kaibigan na si Liezel."Girl bakit ba kasi hindi mo na lang pabayaan yang Mark na yan? Taken na pala sya bakit ipagpipilitan mo pa yang sarili mo sa lalake na yun. Mag isip ka nga makasal man kayo hindi ka rin naman magihing masaya dahil iba ang mahal nya," sagot ni Liezel kay Cindy. Inirapan naman ni Cindy ang kaibigan dahil imbes na kampihan sya neto ay mukhang mas pabor pa ito kay Kate."Kaibigan ba talaga kita Liezel? Bakit imbes na ako ang kampihan mo ay yung Kate na yun pa yata ang kinakampihan mo," naiinis na sagot ni Cindy sa kaibigan.Si Liezel ay kaibigan ni Cindy at isa rin itong modelo. Prangka magsalita si Liezel na madalas na kinaiinisan ni Cindy dito pero nananatili pa rin naman silang magkaibigan kahit na ganon ang ugali ni Liezel." Oo Kaibigan mo ako Cindy at sinasabi ko la
CHAPTER 229"Mark please maupo ka na muna," pakiusap ni Louie kay Mark."Pero dad wala naman talaga akong dapat panagutan sa babae na yan," inis na sagot ni Mark sa kanyang ama."Sige na. Saglit lamang ito," sabi pa ni Louie. Napabuntong hininga naman si Mark at saka sya pahintamad na naupo sa upuan na katabi ng kanyang ama. Pagbigyan na lamang niya ang mga ito ngayon.Nag usap usap naman ang mga magulang nila tungkol sa kasal nila Mark at Cindy. Wala namang pakialam si Mark sa mga ito at halos hindi nga sya makinig sa mga pinag uusapan tungkol sa kasal na iyon."Mark pwede ba na makinig ka naman," sabi ni Randy kay Mark ng mapansin nya na hindi ito nakikinig at abala pa ito sa kanyang phone."Sinabi ko na kasi sa inyo na wala akong dapat panagutan sa babae na yan," sagot ni Mark saka sya tumayo. "Kailangan ko ng umalis dahil may importante pa akong pupuntahan. Maiwan ko na kayo," pagpapaalam pa ni Mark saka ito dire diretsong lumabas ng kanilang bahay.Naikuyom naman ni Randy ang kan
CHAPTER 230"Oo nga pala kumusta ka sa school nyo? Ginugulo ka pa rin ba ni Cindy doon?" tanong ni Mark sa kanyang nobya dahil natatakot sya na baka palagi itong guluhin ni Cindy at baka pag initan pa dahil ang mga ito ang may ari ng school kung saan nagtuturo si Kate."Hindi naman nya ako muling pinuntahan pa sa school. Pero wag mo akong alalahanin kaya ko naman ang sarili ko at magsasabi naman ako sa'yo kung sakaling kausapin nya ulet ako.. Ang mabuti pa ay pagtuunan mo na lamang ng pansin ay ang pag iimbestiga nyo para matigil na rin ang Cindy na yun," sagot ni Kate sa kanyang nobyo."Wag kang mag alala dahil kumikilos naman na ang mga tao ni Vin para hanapin ang mga lalakeng nagdala sa akin sa silid na iyon," sagot ni Mark kay Kate. Tumango tango naman si Kate rito.Nag stay pa sila roon sa restaurant at hindi rin naman nagtagal ay umuwi na rin naman sila. Inihatid naman na muna ni Mark si Kate bago ito umuwi sa bahay nila ni Ian.Kinabukasan ay nagising naman si Mark dahil sa tun
CHAPTER 231Hindi na rin naman nagtagal at kinabukasan din noon ay naipadala na ni Vin ang mga kuha sa CCTV sa hotel at kalakip nito ang video ng statement ng dalawang lalake na umaamin sa kanilang ginawa dahil inutusan lamang sila ni Cindy.Tuwang tuwa naman si Mark ng matanggap na nya ang lahat ng iyon. Kaya naman dali dali na syang nagpasya na pumunta sa bahay ng pamilya ni Cindy. Isinama rin ni Mark ang kanyang mga magulang para malinawan din ang mga ito na hindi nya kailangan pakasalan si Cindy.Sa bahay naman ng pamilya nila Mr. Roxas ay nagpahanda pa sila ng makakain ng mga darating nilang bisita habang si Cindy naman ay tuwang tuwa dahil ang buong akala nila ay makikipagtulungan na si Mark sa magaganap nilang kasal.Nang matanaw ni Cindy mula sa kanyang silid ang bagong dating na mga bisita ay muli nyang sinipat ang kanyang sarili mula sa salamin at napapangiti na lamang sya dahil sa pag aakala na tanggap na ni Mark ang lahat."Magandang hapon po Mr. Roxas," pormal na bati ni
CHAPTER 232"I'm sorry dad. Nagawa ko lamang po iyon dahil mahal ko si Mark. Matagal ko na po syang gusto pero hindi naman po nya ako pinapansin man lang kaya ko po nagawa ang bagay na yun. I'm sorry," pag amin ni Cindy sa ama. Hindi na kasi nya kayang pabulaanan pa ang lahat dahil may matibay na ebidensya na si Mark laban sa kanya.Napabuga na lamang ng hangin sa bibig si Randy dahil sa sinabi ng kanyang anak. Nahihiya rin sya sa pamilya ni Mark dahil sa ginawa ni Cindy kay Mark. Kahit kay Mark ay nahihiya rin sya dahil pinipilit nya na magpakasal ito sa ka yang anak. Hinarap naman na muna ni Randy ang pamilya ni Mark."P-Pasensya na kayo sa ginawa ng anak ko," nahihiyang sambit ni Randy sa pamilya ni Mark. "H-hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute ng anak kong yan at nagawa nya ang bagay na yun. Pasensya na talaga kayo dahil wala talaga akong kaalam alam sa pinaggagawa ng anak ko," paghingi pa ng paumanhin muli ni Randy.Napabuntong hininga naman si Louie dahil kahit silang mag