CHAPTER 228"Bwiset talaga ang babae na yun. Ang arte arte. Ayaw pa nyang pumayag ipopromote ko na nga sya sa trabaho hiwalayan nya lamang si Mark ayaw pa nya," inis na bulalas ni Cindy sa kanyang kaibigan na si Liezel."Girl bakit ba kasi hindi mo na lang pabayaan yang Mark na yan? Taken na pala sya bakit ipagpipilitan mo pa yang sarili mo sa lalake na yun. Mag isip ka nga makasal man kayo hindi ka rin naman magihing masaya dahil iba ang mahal nya," sagot ni Liezel kay Cindy. Inirapan naman ni Cindy ang kaibigan dahil imbes na kampihan sya neto ay mukhang mas pabor pa ito kay Kate."Kaibigan ba talaga kita Liezel? Bakit imbes na ako ang kampihan mo ay yung Kate na yun pa yata ang kinakampihan mo," naiinis na sagot ni Cindy sa kaibigan.Si Liezel ay kaibigan ni Cindy at isa rin itong modelo. Prangka magsalita si Liezel na madalas na kinaiinisan ni Cindy dito pero nananatili pa rin naman silang magkaibigan kahit na ganon ang ugali ni Liezel." Oo Kaibigan mo ako Cindy at sinasabi ko la
CHAPTER 229"Mark please maupo ka na muna," pakiusap ni Louie kay Mark."Pero dad wala naman talaga akong dapat panagutan sa babae na yan," inis na sagot ni Mark sa kanyang ama."Sige na. Saglit lamang ito," sabi pa ni Louie. Napabuntong hininga naman si Mark at saka sya pahintamad na naupo sa upuan na katabi ng kanyang ama. Pagbigyan na lamang niya ang mga ito ngayon.Nag usap usap naman ang mga magulang nila tungkol sa kasal nila Mark at Cindy. Wala namang pakialam si Mark sa mga ito at halos hindi nga sya makinig sa mga pinag uusapan tungkol sa kasal na iyon."Mark pwede ba na makinig ka naman," sabi ni Randy kay Mark ng mapansin nya na hindi ito nakikinig at abala pa ito sa kanyang phone."Sinabi ko na kasi sa inyo na wala akong dapat panagutan sa babae na yan," sagot ni Mark saka sya tumayo. "Kailangan ko ng umalis dahil may importante pa akong pupuntahan. Maiwan ko na kayo," pagpapaalam pa ni Mark saka ito dire diretsong lumabas ng kanilang bahay.Naikuyom naman ni Randy ang kan
CHAPTER 230"Oo nga pala kumusta ka sa school nyo? Ginugulo ka pa rin ba ni Cindy doon?" tanong ni Mark sa kanyang nobya dahil natatakot sya na baka palagi itong guluhin ni Cindy at baka pag initan pa dahil ang mga ito ang may ari ng school kung saan nagtuturo si Kate."Hindi naman nya ako muling pinuntahan pa sa school. Pero wag mo akong alalahanin kaya ko naman ang sarili ko at magsasabi naman ako sa'yo kung sakaling kausapin nya ulet ako.. Ang mabuti pa ay pagtuunan mo na lamang ng pansin ay ang pag iimbestiga nyo para matigil na rin ang Cindy na yun," sagot ni Kate sa kanyang nobyo."Wag kang mag alala dahil kumikilos naman na ang mga tao ni Vin para hanapin ang mga lalakeng nagdala sa akin sa silid na iyon," sagot ni Mark kay Kate. Tumango tango naman si Kate rito.Nag stay pa sila roon sa restaurant at hindi rin naman nagtagal ay umuwi na rin naman sila. Inihatid naman na muna ni Mark si Kate bago ito umuwi sa bahay nila ni Ian.Kinabukasan ay nagising naman si Mark dahil sa tun
CHAPTER 231Hindi na rin naman nagtagal at kinabukasan din noon ay naipadala na ni Vin ang mga kuha sa CCTV sa hotel at kalakip nito ang video ng statement ng dalawang lalake na umaamin sa kanilang ginawa dahil inutusan lamang sila ni Cindy.Tuwang tuwa naman si Mark ng matanggap na nya ang lahat ng iyon. Kaya naman dali dali na syang nagpasya na pumunta sa bahay ng pamilya ni Cindy. Isinama rin ni Mark ang kanyang mga magulang para malinawan din ang mga ito na hindi nya kailangan pakasalan si Cindy.Sa bahay naman ng pamilya nila Mr. Roxas ay nagpahanda pa sila ng makakain ng mga darating nilang bisita habang si Cindy naman ay tuwang tuwa dahil ang buong akala nila ay makikipagtulungan na si Mark sa magaganap nilang kasal.Nang matanaw ni Cindy mula sa kanyang silid ang bagong dating na mga bisita ay muli nyang sinipat ang kanyang sarili mula sa salamin at napapangiti na lamang sya dahil sa pag aakala na tanggap na ni Mark ang lahat."Magandang hapon po Mr. Roxas," pormal na bati ni
CHAPTER 232"I'm sorry dad. Nagawa ko lamang po iyon dahil mahal ko si Mark. Matagal ko na po syang gusto pero hindi naman po nya ako pinapansin man lang kaya ko po nagawa ang bagay na yun. I'm sorry," pag amin ni Cindy sa ama. Hindi na kasi nya kayang pabulaanan pa ang lahat dahil may matibay na ebidensya na si Mark laban sa kanya.Napabuga na lamang ng hangin sa bibig si Randy dahil sa sinabi ng kanyang anak. Nahihiya rin sya sa pamilya ni Mark dahil sa ginawa ni Cindy kay Mark. Kahit kay Mark ay nahihiya rin sya dahil pinipilit nya na magpakasal ito sa ka yang anak. Hinarap naman na muna ni Randy ang pamilya ni Mark."P-Pasensya na kayo sa ginawa ng anak ko," nahihiyang sambit ni Randy sa pamilya ni Mark. "H-hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute ng anak kong yan at nagawa nya ang bagay na yun. Pasensya na talaga kayo dahil wala talaga akong kaalam alam sa pinaggagawa ng anak ko," paghingi pa ng paumanhin muli ni Randy.Napabuntong hininga naman si Louie dahil kahit silang mag
CHAPTER 233Samantala naman pagkaalis na pagkaalis nila Mark sa bahay nila Mr. Roxas ay agad na hinarap ni Randy ang anak saka ito malakas na sinampal. Gulat na gulat naman si Cindy sa ginawa ng kanyang ama sa kanya. Hindi nya akalain na magagawang syang saktan ng sarili nyang ama."Grabeng kahihiyan ang ginawa mo sa akin. Paano mo naatim na gawin ang bagay na yun? Wala ka na bang kahihiyan sa sarili mo at nagawa mo ang bagay na yun? Nakakahiya ka kababae mong tao nagawa mo ang bagay na yun," galit na sigaw ni Randy kay Cindy."Sorry dad. Sorry po," umiiyak na sabi ni Cindy habang sapo ang pisngi na sinampal ng kanyang ama."Sana nag isip ka man lang. Hindi kita pinalaki ng ganyan Cindy. Sinabi ko naman sa'yo diba ayoko sa arrange marriage na yan pero nagawa kong ipagpilitan dahil ayokong maagrabyado ka dahil babae ka dahil ang sabi mo ay may nangyare sa inyo ni Mark. Hindi ka ba man lang nahiya sa pinagsasabi mo sa akin. Naniwala ako sa'yo Cindy tapos puro kasinungalingan lang pala
CHAPTER 234Pagkapasok naman ni Kate sa school kung saan sya nagtuturo ay nagulat pa sya dahil nakita nya si Cindy sa labas ng faculty room nila na para bang may hinihintay ito roon. Dahan dahan pa syang lumapit dito at akmang lalagpasan na sana nya ito ng bigla itong magsalita."Kate pwede ba tayong mag usap. Kahit saglit lang please," sabi ni Cindy kay Kate. Napabuntong hininga naman si Kate saka nya hinarap si Cindy. "Sige," sagot nya sa dalaga. Napangiti naman si Cindy saka sya nagpatiuna ng naglakad patungo sa garden ng kanilang school tahimik naman na nakasunod sa kanya si Kate.Pagakarating nila sa garden ay wala naman masyadong tao roon kaya hinarap na ni Cindy si Kate."Ms. Kate i'm sorry," sabi ni Cindy. Nagulat naman si Kate dahil hindi nya inaasahan na pati sa kanya ay hihingi ng tawad si Cindy. "I'm sorry sa nagawa ko sa'yo at kay Mark. Pasensya ka na kung nagulo ko pa kayo. Nadala lamang ako sa nararamdaman ko para kay Mark kaya ko nagawa ang bagay na yun. Sorry talag
CHAPTER 235Pagkababa naman ng tawag ni Kate ay nakahinga naman ng maluwag si Mark. Nito kasing mga nakalipas na mga araw ay naging abala sya sa pagpaplano para sa gagawin nyang pagpropose kay Kate. Kagaya nga ng nabanggit nya kay Vin matapos nyang maayos ang problema nya kay Cindy ay magpopropose na sya kay Kate. Alam na ni Vin at Bella ang balak nyang ito at tuwang tuwa si Bella dahil doon. Sakto naman na magdiriwang ng kaarawan si Kate at itinaon talaga ito ni Mark doon para hindi makahalata si Kate sa mga plano nya.Kagaya ngayon ang sabi nya sa dalaga ay marami syang trabaho pero ang totoo ay unuwi sya ng probinsya upang puntahan ang mga magulang ni Kate upang ipaalam at humingi ng basbas sa mga ito dahil balak na nyang ayain na magpakasal si Kate."Magandang hapon nanay Teresa at tatay Carlo," bati ni Mark sa mga magulang ni Kate. Nagulat naman ang mag asawa sa biglaang pagsulpot ni Mark sa kanilang bahay."Mark ikaw pala. Pasok ka muna. Napadalaw ka hijo? Kasama mo ba si Kate?