Share

Chapter 235

CHAPTER 235

Pagkababa naman ng tawag ni Kate ay nakahinga naman ng maluwag si Mark. Nito kasing mga nakalipas na mga araw ay naging abala sya sa pagpaplano para sa gagawin nyang pagpropose kay Kate. Kagaya nga ng nabanggit nya kay Vin matapos nyang maayos ang problema nya kay Cindy ay magpopropose na sya kay Kate. Alam na ni Vin at Bella ang balak nyang ito at tuwang tuwa si Bella dahil doon.

Sakto naman na magdiriwang ng kaarawan si Kate at itinaon talaga ito ni Mark doon para hindi makahalata si Kate sa mga plano nya.

Kagaya ngayon ang sabi nya sa dalaga ay marami syang trabaho pero ang totoo ay unuwi sya ng probinsya upang puntahan ang mga magulang ni Kate upang ipaalam at humingi ng basbas sa mga ito dahil balak na nyang ayain na magpakasal si Kate.

"Magandang hapon nanay Teresa at tatay Carlo," bati ni Mark sa mga magulang ni Kate. Nagulat naman ang mag asawa sa biglaang pagsulpot ni Mark sa kanilang bahay.

"Mark ikaw pala. Pasok ka muna. Napadalaw ka hijo? Kasama mo ba si Kate?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Beth Serrano
ang galing nmn ng plan ni mark...thank you author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status