CHAPTER 233Samantala naman pagkaalis na pagkaalis nila Mark sa bahay nila Mr. Roxas ay agad na hinarap ni Randy ang anak saka ito malakas na sinampal. Gulat na gulat naman si Cindy sa ginawa ng kanyang ama sa kanya. Hindi nya akalain na magagawang syang saktan ng sarili nyang ama."Grabeng kahihiyan ang ginawa mo sa akin. Paano mo naatim na gawin ang bagay na yun? Wala ka na bang kahihiyan sa sarili mo at nagawa mo ang bagay na yun? Nakakahiya ka kababae mong tao nagawa mo ang bagay na yun," galit na sigaw ni Randy kay Cindy."Sorry dad. Sorry po," umiiyak na sabi ni Cindy habang sapo ang pisngi na sinampal ng kanyang ama."Sana nag isip ka man lang. Hindi kita pinalaki ng ganyan Cindy. Sinabi ko naman sa'yo diba ayoko sa arrange marriage na yan pero nagawa kong ipagpilitan dahil ayokong maagrabyado ka dahil babae ka dahil ang sabi mo ay may nangyare sa inyo ni Mark. Hindi ka ba man lang nahiya sa pinagsasabi mo sa akin. Naniwala ako sa'yo Cindy tapos puro kasinungalingan lang pala
CHAPTER 234Pagkapasok naman ni Kate sa school kung saan sya nagtuturo ay nagulat pa sya dahil nakita nya si Cindy sa labas ng faculty room nila na para bang may hinihintay ito roon. Dahan dahan pa syang lumapit dito at akmang lalagpasan na sana nya ito ng bigla itong magsalita."Kate pwede ba tayong mag usap. Kahit saglit lang please," sabi ni Cindy kay Kate. Napabuntong hininga naman si Kate saka nya hinarap si Cindy. "Sige," sagot nya sa dalaga. Napangiti naman si Cindy saka sya nagpatiuna ng naglakad patungo sa garden ng kanilang school tahimik naman na nakasunod sa kanya si Kate.Pagakarating nila sa garden ay wala naman masyadong tao roon kaya hinarap na ni Cindy si Kate."Ms. Kate i'm sorry," sabi ni Cindy. Nagulat naman si Kate dahil hindi nya inaasahan na pati sa kanya ay hihingi ng tawad si Cindy. "I'm sorry sa nagawa ko sa'yo at kay Mark. Pasensya ka na kung nagulo ko pa kayo. Nadala lamang ako sa nararamdaman ko para kay Mark kaya ko nagawa ang bagay na yun. Sorry talag
CHAPTER 235Pagkababa naman ng tawag ni Kate ay nakahinga naman ng maluwag si Mark. Nito kasing mga nakalipas na mga araw ay naging abala sya sa pagpaplano para sa gagawin nyang pagpropose kay Kate. Kagaya nga ng nabanggit nya kay Vin matapos nyang maayos ang problema nya kay Cindy ay magpopropose na sya kay Kate. Alam na ni Vin at Bella ang balak nyang ito at tuwang tuwa si Bella dahil doon. Sakto naman na magdiriwang ng kaarawan si Kate at itinaon talaga ito ni Mark doon para hindi makahalata si Kate sa mga plano nya.Kagaya ngayon ang sabi nya sa dalaga ay marami syang trabaho pero ang totoo ay unuwi sya ng probinsya upang puntahan ang mga magulang ni Kate upang ipaalam at humingi ng basbas sa mga ito dahil balak na nyang ayain na magpakasal si Kate."Magandang hapon nanay Teresa at tatay Carlo," bati ni Mark sa mga magulang ni Kate. Nagulat naman ang mag asawa sa biglaang pagsulpot ni Mark sa kanilang bahay."Mark ikaw pala. Pasok ka muna. Napadalaw ka hijo? Kasama mo ba si Kate?
CHAPTER 236Gaya nga ng napag usapan nila Mark at Kate ay isinama ni Mark si Kate sa kanilang bahay upang pormal na ipakilala sa mga magulang nya. Sinundo na nya muna rin si Kate para sabay na silang pumunta sa bahay ng mga magulang nya."Mark ayos lang ba ang suot ko? Hindi ba nakakahiya?" tanong ni Kate kay Mark habang nasa sasakyan pa sila pero nasa tapat na sila ng bahay ng magulang ni Mark."Kate kahit ano pa ang suotin mo ay maganda ka pa rin naman," sagot ni Mark. Inirapan naman ni Kate si Mark ng makita na natatawa ito sa kanya. "Kinakabahan kasi ako Mark. Sa susunod na lang kaya tayo pumunta rito. Nahihiya pa ako e," sabi ni Kate."Tsk. Andito na tayo. Saka hinihintay na nila tayo sa loob," sagot ni Mark. Bumuntong hininga naman si Kate dahil totoong kinakabahan sya na makaharap ang pamilya ng nobyo nya. Hindi naman ito ang unang beses na makikita nya ang mga ito pero nahihiya pa rin sya dahil ipapakilala sya ni Mark bilang nobya nito.Bumaba naman na ng kotse si Mark at
CHAPTER 237Mabilis naman na lumipas ang araw at ngayon nga ay kaarawan na ni Kate.Maagang maaga naman na sinundo ni Mark si Kate upang ihatid ito sa eskwelahan kung saan ito nagtuturo."Happy birthday hon," bati ni Mark kay Kate pagkasakay nito sa kanyang kotse. Iniabot nya na rin ang fresh roses at chocolates na binili nya bago sya pumunta kay Kate."Thank you," sagot naman ni Kate sa kanyang nobyo saka nya tinanggap ang iniaabot nito. Dinampian naman ng magaan na halik ni Mark si Kate sa labi nito bago nya pinaandar ang kanyang kotse."Mamaya nga pala mag celebrate tayo ng birthday mo," sabi ni Mark kay Kate habang nagmamaneho sya."Sige. Pero balak ko sana na sa bahay na lang tayo tapos dun na lamang tayo magsalo salo. Iimbitahan ko rin sana sila Vin at Bella e," sagot ni Kate."Ah. Ganon ba. Nasabihan mo na ba sila?" tanong ni Mark."Hindi pa naman," sagot ni Kate." Next time na lang siguro yan hon. Dinner na lang muna tayo mamaya. Sa Saturday na lang tayo mgsalo salo sa bahay
CHAPTER 238Pagdating ng hapon ay sinundo naman na muna ni Mark si Kate mula sa school saka ito hinatid sa bahay nito."Hindi na ako papasok sa loob ha. Mamaya susunduin ulit kita," sabi ni Mark kay Kate pagkatigil ng kotse ni Mark sa harapan ng bahay nila. Napapansin naman ni Kate na parang aligaga si Mark."S-sige," sagot ni Kate. "Mark may problema ba? Napapansin ko kasi na parang hindi ka maapakali e," hindi na napigilan na itanong ni Kate kay Mark. Bigla namang parang natauhan si Mark dahil sa tanong ni Kate."Ha? Wala ito. Wag mo akong pansinin," sagot ni Mark. " Sige na. Aalis na ako. Balikan kita mamaya ha," pagpapaalam na ni Mark kay Kate saka nya ito hinalikan sa noo."Sige. Mag iingat ka. Hintayin kita mamaya," sagot ni Kate."Sige. Bye," sagot ni Mark saka sya kumaway rito bago pinaandar ang kanyang kotse.Umuwi naman na muna si Mark upang magpalit ng damit at mag ayos ng kanyang sarili. Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay agad na rin syang umalis dahil kailangan pa ny
CHAPTER 239"Hon ang tagal kong hinintay yung araw na sasagutin mo ako. Kaya naman ng dumating ang araw na yun ay sobrang saya ko dahil ilang taon din akong naghintay na mahalin mo rin ako," sabi pa ni Mark habang dahan dahan na humahakbang palapit kay Kate.Nagtataka naman na tinitingnan ni Kate si Mark. Nagpatuloy naman sa pagsasalita nya si Mark."Nung una akala ko wala na talagang pag asa na mahalin mo ako. Muntik na nga akong panghinaan ng loob non e kamuntik na akong sumuko dahil binasted mo kaagad ako noong unang beses na umamin ako sa'yo tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'yo. Pero matapos ang kasal nila Vin at Bella ay naglakas loob ulit ako na manligaw sa'yo kahit pa iniiwasan mo ako palagi pero hindi ako tumigil hanggat hindi kita napapasagot dahil ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito," madamdaming sabi pa ni Mark.Bigla naman nagbukas ang ilaw sa isang parte ng restaurant kaya naman napalingon si Kate roon at ang unang nakita ni Kate ay ang mga kaibigan nya na n
CHAPTER 240Isa isa naman na nagsilapit sa kanila ang mga kaibigan nila. At nauna ng lumapit sa kanila ang mag asawang Vin at Bella. "Congratulations sa inyo," bati ni Bella kila Mark at Kate."Salamat," nakangiti naman na sagot nila Mark at Kate sa kanya."Finally hindi na bato ang puso ni Kate," natatawa na sabi ni Bella habang himas himas ang malaki na nitong tyan. Natawa naman si Kate dahil sa sinabi ni Bella."Bro ibang klase ka talaga. Wala ng patumpik tumpik pa. Haha," tatawa tawang sabi ni Vin kay Mark. "Syempre baka makawala pa e," natatawa rin naman na sagot ni Mark kay Vin. Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nilang kaibigan sa kanila."Hoy Mark. Ikaw ha ni hindi mo man lang kami sinabihan. Ang akala namin ay birthday party lang ito. Magpopropose ka na pala," himig nagtatampo na sabi ni Ian kay Mark dahil wala talaga syang kaalam alam tungkol dito kahit na magkasama lang naman sila sa bahay ni Mark."Hindi ko talaga sinabi kaagad sa'yo kasi ang daldal mo. Hahaha," tataw