After all the things that I've said, I have no intention to deny it from Kio. Dahil wala naman rin ibang ibig sabihin ang mga sinabi ko na hindi ko kaya nang wala si Elijah. It's not about me safety anymore...Dahan-dahan ako na tumango kay Kio at sinundan rin 'yon ng pagsagot."I-I like him... but he only sees me as a little sister, Kio," sabi ko sa kaniya."Ohh..." namilog naman ang mga labi niya at tumango-tango siya. Napahimas na naman siya sa noo niya at pagkatapos ay sa batok. Mukhang hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa akin."I am aware of the age difference, Kio. He's thirty, and I am eighteen—a huge difference. But one day I realized that I like Eli, not just because he can protect me from Grandpa, but because he makes me feel special in every way. How he takes care of me, how he treats me—everything. And he's so gentle when it comes to me."Napangiti naman siya at napatango sa akin."Can you imagine how stern he is, but he's sweet and gentle to me?""Hindi ko nga ma-im
Since last night, Elijah has been looking at Kio and me with suspicion in his eyes. Lalo na nang sabihin ko sa kaniya na nagpadala na ako ng message kay papa na manatili si Kio bilang bodyguard ko r in which I immediately get a response that he agreed.At ang mga tingin na ito ni Eli ay hindi ko nagugustuhan lalo pa at ang sungit-sungit niya pagdating kay Kio. Parang pinag-iinitan. Kaninang umaga nang nasa hapagkainan kami at nagbe-breakfast ay ilang beses niya na inutusan si Kio para kumuha ng tubig. I mean, we have maids to do that, pero ito talaga ang inutusan niya.Tapos when Kio gave him water, he said that he wanted it warm.When the latter went back to the kitchen to get warm water, Eli said that it was too hot for him. Nang makabalik na ulit si Kio at may dala nang hindi ganoon kainit ay sinabi naman niya na ang gusto na daw niya ay malamig na tubig.Tapos pwede naman na sa iisang sasakyan kami sumakay pero sinabi niya na sa likod daw namin si Kio at magbantay.I mean! Why is h
Ang unang pumasok sa isipan ko nang makita ko ang galit sa mukha ni Elijah ay harapin siya at ilayo agad kay Sebastian but the hand of the latter was holding me so tight that I can't even step-forward para makalapit ulit kay Eli."What do you think you are doing, Ynares?" tanong ko pero wala sa akin ang atensyon niya.Pareho sila ni Elijah na nakatingin sa isa't-isa at walang kumukurap. Walang gusto na magbaba ng tingin dahil ayaw nilang magpatalo.Ugh. T-These two! I felt like they've known each other to act like this! Ang isura ni Sebastian ay nang-aasar at pakiramdam ko ang nakakuyom na kamay ni Eli ay malapit nang umangat at suntukin ang mukha ng kaharap.We will be in trouble if that happens!Muli ko na sinubukan na bawiin ang kamay ko at doon na napatingin sa akin si Sebastian. And when I glared at him, his smiled became wide as if he's enjoying what's happening."Shouldn't you be at my side, Pristine? I suppose nagkausap na kayo ng lolo mo.""Nagkausap pero hindi ibig sabihin n
Sebastian didn't attend any of our classes for the entire day after what happened. Hindi sa hinahanap ko ito dahil nag-aalala ako, kung hindi dahil may parte ko ang iniisip pa rin ang naging pagtatalo nila ni Elijah kanina.He became confident with the 'fiancée' thing, just like Gael did. But I've never seen Elijah so angry as he was earlier. What really set him off were Sebastian's words—that he would do something to remove Eli as my bodyguard. Ako rin ay ikinatigil 'yon, hindi sa naniniwala ako na kaya nga 'yon gawi ni Sebastian, pero may parte ko ang natakot lalo na sa mga naging pag-uusap namin ni Kio tungkol sa nararamdaman ko.Na maaaring matanggal si Elijah sa trabaho sa oras na malaman ng boss nito na may nararamdaman ako dito. And that's what I cannot control, I know. Ang sa papa kasi kung sakali na malaman niya man ay mapapakiusapan ko, pero what about Eli? And his company?Isa pa, the way Sebastian questioned Elijah earlier it's as if Eli has feelings for me. He will never
Binawi ko agad ang kamay ko. Ipinaloob ko 'yon sa isa ko pa na kamay. I rubbed the spot where I felt Sebastian's lips, feeling something wrong within myself as I saw Elijah watching us—realizing that I had just let him kiss my hand like that."I-I don't know what to say to you right now, Ynares," I said, glancing at Eli out of the corner of my eye. He wasn't looking at us anymore; his head was slightly bowed, and his hands were clenched into fists."Hindi ko kailangan ng sagot ngayon, Pristine. I understand how you feel because you've known me as an arrogant, grumpy, and bad person who never talked to you. And then suddenly, I'm confessing my feelings that I've had for a long time," sagot niya na naiiling pa habang nakangiti. Isinuklay rin niya ang mga daliri sa buhok at umatras. Binibigyan na ako ng distansya. "Pero sasabihin ko na ngayon na hindi ako basta susuko. Now that I've taken a step closer to you, I won't waste any steps I take from here on."Hindi ako sumagot dahil ang at
I waited the whole night, but Elijah didn't come back.Ito ang unang beses na hindi niya natupad ang mga sinabi niya sa akin. For almost a year of being with me, he always made sure to keep his word. But last night... I waited for his call and messages, but I received nothing. I waited until midnight, but he didn't come back.Alam niya na nag-aalala ako kapag wala siyang pasabi. But he still didn't even bother e-even just a few seconds to tell me what's happening to him.Si Kio na ang nagpapasok sa akin sa loob ng silid ko dahil naghihintay ako sa labas ng mansion. Ilang beses nya ako na sinabihan. Hindi rin ako makakatulog kung sakali dahil sa pag-iisip. Kahit kasi mensahe talaga ay wala. My heart is aching, ito na ba ang kinakatakutan ko? Ang mga narinig niya kay Sebastian, ang sinabi nito na minamahal ako ni Elijah is that the reason?"Okay ka lang, Pristine?"Kio poured water on his glass."I'm fine," sagot ko na halos hindi marinig. Napangiwi si Kio na parang sinasabi ng ekspresy
"Oh my... ang ganda-ganda mo, Pristine!" Ate Lena said that caught my attention. Nakaharap ako ngayon sa salamin at tapos na sa paghahanda para sa gala.Tipid lamang ako na ngumiti sa mga papuri nila. I am not really in the mood. At kahit nang dumating na si Sebastian sa mansion ay tinanguan ko lang ito hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya."I guess you didn't heard earlier," sabi niya."You are stunning, Pristine."He said that? At mukhang sigurado siya na hindi ko 'yon nabigyan ng pansin dahil nga inulit niya. Tipid ako na ngumiti."Salamat."Kio was behind us. Nakasunod ito sa amin ni Sebastian. Mayroon ring dalawang sasakyan sa likod na bodyguards rin na dala naman ni Sebastian. He said that it was for my safety. Pero sinabi ko na ayos lang.When we came at the gala a lot of people was looking at us sa labas pa lang. Nagbubulungan."They look good together! Mga bata pa sila pero I heard that may pagpaplano na daw ng kasal. May date na nga rin daw ng engagement party ang Do
"Pristine!"I heard Kio called me pero mas binilisan ko ang paglalakad at tinakasan ito dahil gusto ko na mapag-isa."Asan na 'yon? Sht. Papatayin talaga ako ni Elijah."Elijah... but where is he? N-Nasaan?Nang makapasok ako sa maze ay napaupo ako at naibaba ko ang kopita na hawak ko. And in no matter of seconds, I cried. I cried silently. Mas napagtanto ko na hindi ko talaga kaya ng wala si Eli dahil sa bawat minuto, hinahanap-hanap ko siya."I-I can't be like this... p-paano na nga kung hindi na siya bumalik?""At isa pa t-this is not forever. Hindi siya habambuhay na makakasama ko. Why are you so selfish, Pristine?"Kalokohan rin hilingin na manatili si Eli kapag ikinasal na ako. How am I able to live while married to another man and still loving my bodyguard?Napahikbi ako sa naisip ko. Wala ba talaga akong kalayaan na pumili? B-Because I really want Elijah... no... I love him. A-And if he will ask me again, sasama ako sa kaniya. Hindi ko na iisipin ang kung ano ang gagawin ng lo
Nakatingin lang ako kay Elijah, at kahit mukhang nagmamadali siya ay hindi naman marahas ang pagkakahila niya sa akin. Tumahimik na rin ako dahil hindi naman niya ako sinagot. At nang makarating kami sa sasakyan niya na nakapark sa gilid ay pinagbuksan niya ako at nauna na akong pumasok sa loob.My lips pouted as I looked outside the window, seeing Kio and Esther heading to their car. At si Eli ay nilingon ko naman nang makasakay na rin. I was watching him, waiting for him to start the engine, but then I noticed his eyes were closed, and his head was resting.Napabuntong-hininga talaga ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nang hindi ako makatiis ay hinawakan ko ang kamay niya.The silence between us is making us think the wrong things about what we’re feeling.“If this is about the kiss, Elijah, you don’t need permission. You’re always allowed to. You have every right because you’re my man,” I reminded him and my lips pressed together and I took courage to say what’s on my mind nex
“Wala,” walang ngiting sagot ko at nilingon ko na lang ang labas ng bintana. And as soon as I turned my head, I was caught off guard. My lips parted as the city lights gleamed beautifully before my eyes.“W-Wow…”Hindi ko namalayan na nasa tuktok na kami ngayon habang nakasakay sa ferris wheel and that, it suddenly stopped. Mas napagmasdan ko at na-appreciate ko pa lalo kung gaano kaganda ang mga ilaw sa baba. At nang bahagya naman akong tumingin sa itaas ay nailapat ko pa ang isang palad ko sa bintana nang makita naman ang iilang mga bituin. Up in the sky, the stars were starting to show—twinkling softly, as if they, too, were part of this moment.Lilingunin ko na sana non si Elijah para sabihin kung gaano kaganda ang labas nang bigla ay hawakan niya ako sa kamay ko na mismong nakalapat sa bintana.“Why…” I paused, thrown off by the way he was looking at me.“Are you mad at me?” he asked—and that’s when I noticed it. His eyes flickered with unease, like he was searching my face for a
I couldn’t wipe the smile off my face even as the Ferris wheel went higher. Pero hindi na ako tumingin pa ulit sa baba, sa dalawang nagbabangayan pa rin. I shook my head at them. But honestly, just the thought of Esther and Kio being together made me giggle. Napapangiti ako at napapailing. What if nga, ano?Sometimes it’s true that the more you hate, the more you love.“Nakakatuwa talaga silang dalawa.”A few seconds passed by after I recovered from the kilig I was feeling for the two, I looked at Eli in front of me. Medyo nagulat ako ng kaunti sa paraan ng tingin niya. His attention is still focused on me!And the way Elijah was positioned made it seem even more intense, drawing me in without saying a word.His legs were crossed, his elbow resting on his knee. Nakasalumbaba siya habang malalim ang tingin sa akin. Nang magkatitigan kami ng ilang segundo ay sandali akong natigilan. His eyes pull me in, those that once seemed emotionless are now gazing at me intently, filled with warmth
Napapangiti ako pero pinipigil ko. Nang makita ko naman na nilingon ‘yon ni Elijah ay pagbaling sa akin saka siya tumango. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad na kami palapit sa gate–ay teka, wala pa kaming ticket.“Eli, bibili pa tayo ng–” pero napahinto ako bigla para sabihin na wala nga kaming ticket nang makita ko si Esther at si Kio na pababa ng kahihinto pa lang na ferris wheel.Hala! Sumakay sila?“Pristine!” sigaw ni Esther sa akin at nauna na siyang lumapit. She’s smiling at me, nakasuot siya ng faded jeans at simpleng sky blue na blouse. Nakatali rin ang buhok niya. And Kio, who’s always wearing a bodyguard suit, was now dressed in casual clothes. Naka-faded blue jeans rin ito at sky blue na t-shirt. Para silang naka-couple attire ni Esther! Not to mention they’re both wearing a white sneakers!“Esther…” sambit ko nang yakapin ako ni Esther, napangit ako at hinimas ang likod niya. Si Kio ay dumiretso naman kay Eli at nag-abot ng ticket. At napaawang ang mga labi ko
Mas naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa kamay ko, hinila rin niya ako ng mas malapit at sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko na napapatingin sa amin ang ibang mga nagdaraan.Sa sagot na ‘yon ni Eli ay mas napagtanto ko lang na tama ako kaya naman umiling agad ako sa kaniya.“I am not thinking that you cannot protect me alone, Eli, hindi ganoon, saka alam kong hindi mo ako pababayaan, masyado lang rin akong nag-iisip pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam natin pareho na hindi naman titigil ang lolo, but this time he won’t just take me away from you, m-malakas ang kutob ko na babalikan ka niya o si Ma’am Kamila at ‘yon… ‘yon ang ikinakatakot ko.”Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Sa sandaling ‘yon, dumaan ang malamig na hangin sa gitna naming dalawa. Nang idilat ko ang mga mata ko, at pagtingin ko kay Elijah, saka ko biglang narinig ang boses ng lolo na papatayin niya rin ako… katulad ng ginawa niya sa mama.My body trembled and I lowered my head again
Habang kasama ko si Elijah, hindi mawala sa isipan ko na baka ang saya na nararamdaman ko ngayon ay may kapalit. I couldn’t avoid overthinking. I tend to feel this a lot when I’m at my happiest—like something bad is bound to happen, waiting just around the corner to hit me.Siguro dahil sanay ako na ang buhay ko ay umiikot sa takot, lungkot, at puro pagbabanta. Na sandaling kaligayahan lang, hindi ko na ma-enjoy dahil sa isip ko na may mangyayari na mas mabigat.It’s just that what’s happening feels surreal, like a dream.Umangat ang tingin ko kay Eli na kasabay ko naglalakad. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at nandito kami sa isang amusement park. Sinunod niya ang gusto ko kanina, pero hindi kami sumakay sa kahit anong rides. We just walked around, played some games, and walked some more while he held my hand. Masaya ako simula kanina, pero ito nga, at nawala ang saya na 'yon nang mapagtanto ko na pakiramdam ko may kapalit ang nararanasan kong ligaya.Hindi pa naman kasi tapos an
PristineI never thought that one day, Elijah and I would be out in the daylight, simply enjoying the view of the lake while watching the swans glide gracefully across the water. Kahit noong bodyguard ko pa siya, hindi ko talaga naisip na makakalabas ako ng ganito kasama siya. Siguro dahil dati, noong nasa bahay pa ako, hindi ko man lang sinubukan na magpaalam para lumabas o kahit maglibot sa mall. That’s because I knew Lolo wouldn’t agree, and Papa would also tell me to just stay at home.My world back then was limited to the mansion and school, doon lang talaga, kahit nga field trip? Hindi ako pwedeng sumama. It wasn’t just about strict rules, it was about safety. Lolo’s enemies were always lurking, and I knew that stepping outside meant taking a risk. Syempre, ayokong mag-alala ang papa noon kaya’t sumusunod rin ako. Isa pa, wala rin akong mga kaibigan na maaari kong maisama dahil nga takot na makipaglapit sa akin ang mga ito dahil isa akong Vera Esperanza.The surname alone speaks
“What did you say? Ulitin mo nga ang sinabi mo!”Rinig na rinig sa labas ng malaking gate ng mansion ng mga Ynares ang boses ni Halyago Vera Esperanza. Hindi siya makapaniwala na maaga siyang tumungo doon para makausap si Margus ngunit ang ibubungad sa kaniya ng guard ay bawal siyang pumasok! “Sinusunod ko lang po ang trabaho ko, sir.”What the hell just happened!“Bago ka lang ba dito, ha? Hindi mo ba ako nakikilala?!” he shouted. Umabante pa siya upang mas malapitan ang guard na bahagyang nakayuko. Ang dalawang tauhan niya na nasa likod niya ay naglakad rin palapit at ang isa ay nagsalita pa.“Kasosyo sa negosyo ni Mr. Ynares ang amo namin, pwede na tawagan mo siya at sabihin na narito si Mr. Vera Esperanza para makausap siya.The old man’s hands clenched as he took his phone out from his pocket. Dati-rati ay nakakapasok naman siya kaagad ng diretso sa mansion ng mga Ynares dahil pinagbubuksan siya ng kahit na sinong guard. “Kung bago ka dito, I’ll make sure you’re fired once Mar
Pierre ignored it before because he hoped that one day, his father would treat them well.“I-I’m sorry… I’m s-so sorry…”Nanghihina ang katawan ni Pierre na napahawak sa gilid ng sofa at muling napaupo. His head tilted to the side, his gaze unfocused and his eyes wide and unblinking in shock while tears kept on falling. Patuloy rin siya sa pagbulong ng patawad pero ganoon rin si Kamila, nagpatuloy rin ito sa paglabas ng saloobin at hinanakit sa kaniya.“Tapos ngayon gusto mo pa rin na kausapin ang ama mo? You tried last night, and for me, that was enough! Wala ka nang nakuhang maayos na salita, tapos sasabihin mo pa ‘yon for the last time? Gumising ka, Pierre! Your words will never change him! Even if you beg, or even if your life was on it, hinding-hindi na magbabago si Halyago!”His mind still refused to process it. Yet Kamila’s firm voice echoed in his ears. Alam ni Pierre na hindi ito magsisinungaling para lang idiin ang ama niya dahil ramdam niya ang bigat at sakit sa bawat salit