Lumipas ang isang buwan na parang ang daming nagbago sa sarili ko, pati sa katawan ko. Ganito ba kapag buntis? Kailangan todo ingat ka sa paggalaw. Parang anytime natatakot na akong tumakbo kasi baka malaglag ang anak ko.
"Kailan mo ba balak sabihin kay Levi iyang kondisyon mo?" isang araw tanong ni Lei sa akin. Tanging pag-iling lang ang isinagot ko sakanya kas hindi ko alam. Yan ang sagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sakanya, natatakot ako na baka hindi niya matanggap, natatakot ako na baka iwanan niya ako dahil dito sa kondisyon ko. Baka hindi pa siya ready for the responsibilities.
Natatakot ako na baka ayawan niya ako, at natatakot ako kasi nandiyan iyong ex niya at baka kapag buntis na ako at magkasama na kami, magsawa siya sa akin kasi hindi ko na nabibigay iyong hanap ng katawam niya kapag gusto niyang makipagtalik. Baka maghanap siya ng ibang babae na makakapagbigay sakanya ng kasiyahan
Buntis na ako that time baka maging losyang na ako, maghanap siya ng mas sexy at mas maganda kaysa sa akin? Baka iwan niya ako? Baka... Baka hindi pala niya ako mahal.
"Ayan, overthink! sige mag-overthink ka babaita!" Suway sa akin ni Lei nang hindi ako sumagot sa tanong niya. "Kailan mo sasabihin kapag napalitan ka na nang bago. Gising Allison! Bumalik iyong ex na parang linta na umaaligid sa jowa mo, gusto mo ba na magpaakit 'yang jowa mo doon sa higad na iyon ha?!"
"Hindi ko alam Lei, ayoko. Kinakabahan ako. Natatakot ako." gulong-gulo na din ako, hindi ko alam paano ko aayusin iyong sarili ko. Ang hirap ng sitwasyon ko.
"Edi sana kasi bago niyo ginawa ang bagay na iyon, inisip mo muna yung magiging consequences ng actions niyo, diba?! Ayan! Nasa huli ang pagsisisi hane?"
"Pwede ba Lei, please! kahit ngayon lang, kahit ngayon lang huwag mo muna akong pagalitan, naririndi na ako sa iyo. Gulong-gulo din ako kaya please... please gusto ko munang mapag-isa." kalmado kong sabi sakanya. Naiirita na kasi ako sakanya, simula nang nalaman namin na buntis ako, walang araw na hindi niya ako sinermonan.
Daig pa niya ang mama ko. Wait, kailan ba naging nanay sa akin ang sarili kong ina? Wala akong matandaan. Kahit tama ang ginagawa ko, mali pa din naman sakanya iyon.
Baka nga kapag nalaman niya na buntis ako matuwa pa iyon eh. Ay ewan ko! naguguluhan na ako.
"Bahala ka na Allison, malaki kana!" Sigaw niya sa akin at lumabas at pumunta sa garden nila Zyren Nandito pala kami sa bahay nila Zy kasi pinapunta kami dito ni tita.
Nakita ko pa ang naguguluhan na si Zy. Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Lei na nilagpasan lang siya. Bwisit! Ngayon pa kami mag-aaway ni Lei. Hayst! Magso-sorry nalang ako sakanya. Naiintindihan ko naman kasi siya, para sa akin din naman yung mga panenermon niya eh. She's like my sister.
Kaligtasan ko at ng baby ko ang inaalala niya. Walang pakialam ang pamilya ko sa akin kaya siya nalang ang nag-aalaga sa akin na kahit hindi naman dapat. Hindi naman niya ako kargo pero since nasa iisang bubong kami nakatira, kargo namin ang isa't-isa and she's my best friend.
Hindi pa alam ni Zy na buntis ako kasi ayokong malaman nila. Ayokong magalit siya, he's like a brother to me at kami ang prinsesa niya kaya magagalit talaga iyon.Dumaan ang ilang linggo at nake-crave na ako sa iba't-ibang pagkain. Gusto kong kain lang ako ng kain. Katulad nalang ngayon nagpapabili ako kay Levi ng mangga, gabi na kasi at tinawagan ko siya na bumili ng mangga.
"Hon yung native na mangga ba o indian mango?" He asked in the telephone. Bumili nga siya sa market. Grabe talaga itong boyfriend ko. He didn't have any idea na naglilihi na ako. I'm pregnant hon and you're the father of my baby, our baby.
"Yung native hon gusto ko kasi ng maasim. Tapos pakwan at santol please!"
"Halla! Hon baka naman masira ang tiyan mo niyan. Para ka naman naglilihi dyan." Natatawa niyang sabi sa akin. Kung alam mo lang Levi, naglilihi talaga ako.
"Baliw sige na bilihan mo na ako niyan. Gusto ko ng kumain."
"Okay noted ma'am. I'll call you later kapag nandiyan na ako sa apartment niyo okay? I love you!" I smiled.
"I love you too Hon."
Naghintay ako ng ilang minuto at nag-ring ulit ang phone ko, si Levi daw nasa baba na kaya kinuha ko ang jacket ko at ang phone ko saka ako lumabas ng kwarto. Nadatnan ko pa si Lei na nasa sala kumakain ng chocolate, kapag kumakain yan ng chocolate meaning stress na stress na siya.
Magso-sorry ako sakanya mamaya. Ayoko naman na patagalin itong away namin. She just looked at me at ibinalik ang tingin sa laptop, nanunuod pala siya ng k-drama. Eating chocolate while watching k-drama are her stress reliever.
"Saan ka pupunta?" She asked. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya.
"Diyan lang sa labas, nasa baba si Levi." Hindi ko na hinintay pa iyong sagot niya at lumabas na ako ng apartment. Nakarating na din naman ako agad sa labas at nakita ko ang boyfriend ko na nakasandal sa sasakyan niya at mukhang kanina pa ako hinihintay.
Nang makita niya ako ay naglakad siya palapit sa akin at hinalikan ako sa sintido ko at niyakap. I hugged him back. I miss this man, parang ang tagal namin na hindi nagkita, when in fact kakatapos lang ng date namin dalawa kahapon.
"Miss me already huh?" He said. I laughed, lagi naman kitang miss eh.
"Hindi ah."
"Asus! Yung girlfriend kong parang naglilihi dahil gabing-gabi nagpapabili ng mga prutas. Nagpapataba ka ba hon? Huwag na kasi para sexy ka lagi." then he winked at me.
"Ah so, kapag mataba na ba ako maghahanap ka ng ibang babae na sexy ganoon ba?" Bigla akong nawala sa mood dahil sa sinabi niya.
"Huy! Wala akong sinabing ganiyan ah." Bigla niyang sabi nang naramdaman niyang galit na ako. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. "I love you at sobrang taba mo na, I will never replace you. You're my one and only baby. Ang mamahalin ko habambuhay."
"Huwag mo akong chinacharot-charot diyan Levi!" Walang epekto sa akin yang mga sinasabi mo. Galit ako sayo.
"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal po kita, Allison." inirapan ko lang siya at tumingin ako sa bitbit niyang plastic bag. Bigla akong natakam nang maamoy ko ang native na mangga. Parang gusto ko ng kainin ito kahit may balat pa.
"Wala bang kiss diyan?" Sabi ni Levi.
"Gutom ako Levi kaya chupi, alis!" pantataboy ko sakanya at biglang tumalikod pero bigla niyang nahuli iyong braso ko at hinila ako papalapit sakanya at niyakap.
"Sorry na hon. Sige na pumasok kana doon at kainin mo na iyang mga prutas mo. I love you. Goodnight. See you in my dreams!" Then he kissed me in my lips pero saglit lang iyon. Bigla naman akong kinilig dahil doon.
"Isa pa, yung matagal." request ko sakanya kaya natawa siya ng bahagya.
"Ikaw ha, tinotoyo ka talaga, kanina lang galit ka tapos ngayon nagpapa-request ng matagal na halik. Pasalamat ka mahal kita." saad niya kaya natawa ako doon.
Mabilis niyang hinuli ang labi ko at siniil iyon ng pagkatamis. Binitawan niya din agad at pinapasok na ako sa loob.
Kailan ko ba sasabihin sakanya na buntis ako. Kapag nandiyan siya, umuurong ang buntot ko. Bahala na, masasabi ko din siguro sakanya kapag ready na ako. Kailan kapag nanganak na ako? Kapag visible na yung laki ng tiyan ko?
"Ano, sinabi mo na ba sakanya?" Tanong ni Lei nang makarating ako sa apartment namin. Dumiretso ako sa kusina at binalatan ko iyong mangga at lumapit kay Lei na seryoso na nakamasid sa akin.
"Hindi pa." Sagot ko at nilantakan na iyong mangga ko. Yummy, ang sarap talaga ng mangga kahit kailan lalo na kapag maasim tapos may sawsawan na suka with chili.
"Matulog ka pagkatapos mo niyan. Mauuna na akong matulog sa iyo, goodnight." Sabi ni Lei habang nililigpit iyong laptop niya at ang mga kalat niya sa sahig, sa floor kasi siya nakaupo tapos iyong laptop niya nasa mini table dito sa sala.
"Sorry." Sambit ko kaya natigilan siya sa pag-aayos ng kalat niya."Wala iyon. Kasalanan ko din kasi nakikialam pa ako sa iyo. Dami mo na ngang problema nakikidagdag pa ako." Sagot niya. Hindi naman siya nakikialam eh, she's here to helped me.
"Tinutulugan mo ako Lei, hindi pakikialam ang tawag doon." Tahimik lang siya habang sinabi ko iyon. "Bati na tayo please, ayoko ng ganito tayo eh." Sabi ko at nilapag ko ang plato sa mini table at lumapit sakanya. I held her hand and squeezed it.
"Ano ka ba, siyempre hindi naman kita matitiis, Ally. Kaibigan kita eh." Sambit niya at niyakap ako, niyakap ko din siya. Namiss ko kasi siya eh. I love this girl so much.
Iyong times na walang-wala ako, nandiyan si Lei para sa akin. She never leaves me, she's here through my ups and down. Hindi niya din hahayaan na umiyak ako sa tabi kasi gusto niya siya lagi ang magpupunas ng luha ko. Ayaw niya din na nag-iisa ako kapag may problema ako kasi ayaw niyang saktan ko na naman ang sarili ko.
She's the best girl in the world. That's why I am grateful dahil kahit sobrang unfair ng mundo sa akin, may tao pa din na katulad ni Lei na handang gawin ang lahat para sa akin.
Galit lang siya kasi mali ako, pinapa-realize niya lang sa akin na mali ako, na kailangan kong itama lahat ng iyon. A true friend, will never tolerate your mistakes.
"Allison may pera ka na ba? Pautang naman ako oh." Isang araw nagawi ako sa bahay namin dahil nagpapatulong si Abegail, yung pamangkin ko na panganay na anak ni ate Andrea.Si Abegail, close kaming dalawa to the point na kami yata ang mag-ina sa sobrang close naming dalawa. Every time na may projects or assignments siya ako ang tinatawag niya dahil hindi naman siya tinutulugan ng mama niya.Senior high school na si Abegail and she's 18 years old. Simula bata yan, ako na ang nag-alaga kaya siguro ako ang kinikilala niyang mama. Wala na din kasing time si ate sa mga anak niya."Ate wala pa, marami pa akong pinaggagastusan." Sambit ko kasi totoo naman. Lalo na ngayon, buntis ako kaya kailangan kong magtipid at kailangan ko maging madamot pagdating sa pera kasi may pinag-iipunan akong mahalaga, iyon ang panganganak ko."Sobrang damot mo naman. Akala mo ba hindi ko nakita ang pasimpleng pagbigay mo ng pera diyan kay Gail ha?! Parang hindi ka naman kapatid diyan!" Galit niyang sabi at lumap
"Hindi mo pa din ba sasabihin sakanya, Ally?" Zy asked. Yes alam na din ni Zyren. Kaibigan ko naman sila kaya kailangan alam nila. Nandito ako sa bahay nila Zyren kasi lagi kaming pinapapunta ni tita dito."Hindi ko alam. Parang ayoko ng sabihin lalo na't lagi nalang kami nag-aaway."Two months pregnant na ako at ramdam na ramdam ko na talaga ang pagiging buntis. After ng nangyari sa restaurant hindi na kami nagkita pa ni Levi. He didn't text me, he didn't make a time to call me... kung buhay pa ba ako o hindi na. Feeling ko wala na akong boyfriend kasi wala naman siyang time sa akin.Parang nasa normal stage na naman ako ng buhay ko, iyong walang Levi akong nakikita. Mga kaibigan ko lang ang nakikita ko. Ang hirap pala akala ko kaya ko na hindi ko makita si Levi pero nandito ako sa condo niya, inaabangan siya. Gusto ko siyang makita.Baliw na ata ako sakanya. Hindi na nga siya nagpaparamdam sa akin pero nandito ako ngayon, naghihintay sa labas ng condo unit niya. Ni hindi ko nga alam
"Hon hindi kita maihahatid bukas kasi may aasikasuhin ako. Importante kasi ito eh." sabi ni Levi sa phone. Hindi na nga kami nakapag-celebrate ng monthsarry namin kahapon tapos hindi pa siya makikipagkita sa akin ngayon. Ayaw ko lang mag-overthink kasi paulit-ulit niya naman na pinaparamdam sa akin na mahal niya ako."Okay lang hon, ano ka ba. Naiintinidihan ko naman na marami kang responsibilities and priority na kailangan mong unahin. Ikaw ang pinagkakatiwalaan ng daddy mo sa company niyo. So, go lang hon." I said trying to hide my sad tone. Nakakapagtampo pero hindi lang naman sa akin tumatakbo ang mundo ni Levi."Tumataba ka ata ah." Isang araw tanong ni mama sa akin. Birthday kasi ni mama so pumunta ako para maki-celebrate and also nagbigay ako ng panghanda kasi alam ko naman na ako ang aasahan nila na bumili ng pangrekado ng mga handa ni mama. Si ate, pinangsusugal niya lahat ng binibigay ni mama. Favoritism eh, hindi naman yan mawawala. Okay lang, I am not everyone's favorite.
"So alam na niya and he's planning na mag-live in kayong dalawa sa unit niya?" Lei asked as I told her about the news, na sinabi ko na kay Levi na buntis ako at gusto ni Lev na doon ako titira sa unit niya para mabantayan, maalagaan ako at ang pagbubuntis ko.May part sa akin na gusto ko na doon tumira kasi makakasama ko na si Lev at mas masasanay kaming dalawa na mag-handle ng relationship namin nang magkasama at maaalagaan namin ng maayos ang pagbubuntis ko pero may part sa akin na ayaw kong umalis kasi iiwanan ko si Lei na mag-isa dito sa apartment."You look so happy so yeah I'm always here to support you." Lei smiled at me and held my hands. "Pwede ba kaming sumama ni Zy para alam din namin kung maayos ba ang tutuluyan mo.""Yeah, sure! Nasabi ko na rin naman kay Lev na isasama ko kayo and approved naman sakaniyan iyon.""That's great!" and she looked at her phone kasi nag-ring iyon, baka si Zy na iyon. "So tara na at nandoon na daw si Zy sa baba pati na rin ang future husband mo
"What?" Ine-expect ko na talaga na ganito ang magiging reaction ng pamilya ni Levi kapag nalaman nila na buntis ako. Ano pa nga bang aasahan ko? Tutol sila sa relasyon namin ni Levi, siyempre mas lalo silang magagalit sa akin dahil nagpabuntis ako sa anak nila."Mom I'm sorry po pero nangyari na eh." "I'm sorry nagulat lang ako hijo. I didn't expect na mapapaaga ng ganito. Ang bata niyo pa for f*cking sake." Nagulat si Levi sa sinabi ng mommy niya at ako hindi na nagulat. Pakitang tao lang naman ang mommy niya. Mabait kapag nakaharap si Levi pero kapag wala ang anak niya, halos isumpa na ako."I am planning to marry her mom and dad." Napatayo bigla ang mommy niya atsaka tumingin sa akin ng masama. Aba! bakit ako sisisihin niya? Ako ba nag-aya magpakasal? hindi naman ah, anak niya nag-aya hindi ako."Anak look hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo and also si Allison. Mahihirapan kayo niyan to build a family. Last year mo na sa college and five months from now ga-graduate kana and you'll
"Para kang zombie dyan." Sabi ni Lei na nag-a-asikaso ng breakfast namin. Maaga kasi yan pumunta dito dahil sinabi ko sakaniya yung narinig ko kagabi. Feeling ko talaga si Dianne iyon eh."Hindi lang ako nakatulog ng maayos." napa-face palm ako. Nag-o-overthink na naman ako."Baka naman kasi ka-boses lang iyon ng ex niyang higad be." Sabi niya habang papalapit sa akin dito sa table. Inilapag niya yung pagkain at umupo sa tapat ko. Binigay niya sa akin yung milk na tinimpla niya at yung tocilog na gawa niya."Hindi eh, parang boses talaga niya iyon.""Hay nako Allison, ma-stress ka lang diyan. Makakasama yan sa baby mo. Ito ikain mo nalang." susubuan niya sana ako nang kuhain ko sa kamay niya yung kutsara.May kamay naman ako bakit pa ako susubuan? Babaeng ito talaga."Niloloko lang kaya ako ni Levi?" Sabi ko sabay nguya ng pagkain. Sinamaan naman ako ni Lei ng tingin."Allison mahal ka ni Levi atsaka bahala ka mag-isip diyan.""Tignan mo ito, akala ko ba ayaw mo kay Levi? Bakit parang
"Are you still thinking about her?" Levi asked while playing with my hair. Is he pertaining to Dianne? Siya lang naman ang pinag-awayan namin kanina.Nandito kami sa kwarto at nakahinga kami sa kama. Nakaunan ako sa dibdib niya habang siya naman ay pinaglalaruan ang buhok ko. Nakayapos naman ang braso ko sa baywang niya. Nilalanghap ko rin ang pabango niya na.Nang hindi ako sumagot ay itinigil niya ang paglalaro sa buhok ko at nagulat ako nang halikan niya ako sa noo ko. I smiled."You don't need to think about Dianne, wifey. You're now my girl and soon to be my wife. Magkakaroon na tayo ng anak so bakit kita lolokohin? Nagbago na ako wifey." Ramdam ko ang sincerity niya doon sa sinabi niya. I know he's changed and I trust him but I don't trust that girl.Alam kong mahal pa rin ni Dianne si Levi. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kahit kaunting panahon ko lang nakilala si Dianne, alam ko na agad ang motibo niya. Mas lalo siyang nagkaroon ng lakas ng loob
Aaminin ko nakaka-boring dito sa condo ni Levi. Kahit may TV, kahit maraming pwedeng pagkaabalahan, kahit may phone ako, iba pa rin talaga iyong nakakagalaw ka ng maayos, iyong nakakapag-exercise ka, iyong nagtatrabaho ka para kumita ng pera. Nakakamiss iyong ganoon na ginagawa ko.Alam ko naman na maraming nagbago, hindi ko naman pwede na ipagpilitan na magtrabaho dahil buntis ako. Kahit gusto kong nandito lang si Levi ay hindi ko pwedeng hilingin dahil siya ang pinagkakatiwalaan sa kompanya nila. Hindi lang ako ang priority niya at naiintindihan ko naman.Hindi ko rin pwede na papuntahin lagi dito sila Lei at Zy, may mga sarili pa rin silang buhay. Kahit gusto ko naman lumabas ay hindi ko pwedeng gawin baka kung ano lang ang mangyari sa akin lalo na't wala akong kasama.Maya't-maya naman tumatawag si Levi sa akin kaya nababawasan ang pagka-boring ko. Kapag tumatawag si Levi ay saglit lang pero maya-maya ay tatawag ulit. Gugustuhin niyang umuwi kaso marami siyang kailangan tapusin. N
Chapter 42 Mabilis din naman natapos ang araw at dinagsa nga kami ng mga customer kanina kaya worth it ang pagod. Mas maganda ang maraming customer kasi mas malaki ang income namin. Yung iba nagre-rent ng gowns dito sa shop at yung iba nagpapa-design ng gowns and their clothes. May customer nga ulit kami ni Amy eh. After namin maibigay kay Boss yung sketch namin ay masaya naman siya, maaga niya din kaming pinauwi.Pumunta kami sa lugar kung saan laging tumatambay ang boyfriend ni Amy. Nag-order muna kami ng pagkain at wine para kahit papaano may thrill ang paghihintay namin dito. Uhaw na uhaw na din ako kaya wine ang iinumin namin. Kwentuhan moments muna kami ni Amy hanggang sa umayos siya ng upo at sumenyas na nakita na niya ang boyfriend niya, 'di kalayuan sa pwesto namin. Hindi naman kami basta-basta makikita kasi nandito kami sa loob ng restaurant at ang boyfriend niya nasa labas. Halatang may hinihintay."Huwag mo lalapitan, hintayin natin na dumating yung taong hinihintay niya
"Ang sipag mo naman!" Sabi ng nakarating na si Amy. Kahit dito ba naman sa trabaho magkasama pa din kami. Sinundan ba naman ako ng lokang ito. Accounting kinuha naming course pero ang bagsak namin dito sa pagiging Fashion Designer."Ganyan talaga kaya idadamay kita sa kasipagan ko." Sambit ko habang nag-do-drawing ng gown. May customer kasi akong magde-debut next year at kailangan ko talagang mag-focus sa paggawa ng gown niya. I need to finish it para na rin makapag-start na for making this gown. Syempre bago iyon, ipapakita ko muna sa kanya if she's satisfied or what then saka na ako mag-proceed sa pagtatahi."Yes! Need ko 'yan kasi hindi ko pa tapos yung ginagawa kong gown." Sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya sa table niya. Ang kalat kasi ng table niya kapag nagmamadali siya sa mga bagay-bagay."Tapusin mo na 'yan at nang may mai-present ka na kay Boss." Sambit ko saka mariing tinignan ang gawa ko. It's a simple gown, off shoulder then heart shaped siya since iyon ang gusto
"But you still love him?" He asked again. Kunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit siya ganito? Bigla-bigla siyang nagtatanong ng ganoon?"I don't love him anymore, Andrew. Kung may nararamdaman man ako sa ex ko, iyon ang galit. Galit dahil tinago nila sa akin ang anak ko. If you're still asking me about my feelings for him? Wala na, hindi ko na siya mahal at hinding-hindi ko na siya mamahalin pa. For what? para masira na naman ako, I will never do that again. Never again. I love myself more than anyone else.""I'm so proud of you, Allison." Hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Andrew dahil sa sinabi ko. Even I, I'm so proud of myself dahil hindi na ako yung marupok na Allison. Na isang sorry lang ni Levi, bibigay na agad ako. Hindi na ako yung dating Allison na mahina, dahil ayoko nang maging talo. Ayoko nang umiyak ng umiyak. Pagod na ako kakaiyak noon, kaya I need to change para sa sarili ko.Pain changed me at nagpapasalamat ako sa mga taong nanakit sa akin dahil natauhan na ako. Mas n
"Allison?" Sa lahat ng boses na narinig ko, ito lang ang kinaiinisan ko. Ang boses ni Dianne. Ang boses ng taong kinaiinisan ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa dalawang tao na nandito ngayon sa event ng Lolo ni Andrew.Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito?"Nice to meet you again, Allison." Malanding sabi ni Dianne at nakita ko ang paggapang ng kamay niya sa braso ni Levi. Napataas ang kilay ko doon, as if naman na maglulumpasay ako sa selos dahil sa ginawa niya. Ulol! Sakanya na si Levi! Isinuka ko na 'yan matagal na!Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Andrew. Siya ang nasa unahan ko ngayon at hinawakan niya ang kamay ko, agad naman iyong napansin ni Levi kasi ang paningin ko ay nasa Ex ko kaya nakita ko ang paggalaw ng mata niya papunta sa mga kamay namin ni Andrew. Napangisi ako doon."Bakit kayo nandito?" Tanong ni Andrew sakanilang dalawa, natawa naman si Dianne doon. Tahimik pa din si Levi at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya at kahit mabasa
Si Althea na ba iyon? Ang laki na niya. Nandito na ang anak ko, kailangan ko siyang makita, kailangan ko na siyang kunin. Hindi ko na sila naabutan pa, saan na ba sila? Bakit ang bilis nilang mawala sa paningin ko?"Althea!" Sigaw ko. Pinagtitinginan lang ako ng mga tao dito sa tapat ng convenience store. Nilibot ko ang paningin ko baka nagtatago lang sila pero wala."Allison!" Rinig kong tawag ni Andrew kaya lumingon ako sakanya. Tumakbo ako papunta sakanya saka siya niyakap. Mukhang nagulat naman siya doon pero sa huli niyakap niya din ako pabalik nang humikbi na ako. Hinimas niya ang likod ko, pinapatahan ako.Nag-stay kami sa ganoong posisyon hanggang sa tumahan na ako. Bago niya ako bitiwan ay hinalikan niya muna ang gilid ng noo ko saka ako tuluyang bitawan. He held my face, tinitigan ang mukha ko."What happened?" He asked. Nag-aalala ang mga mata niyang tumingin sa akin."I saw her. Si Althea, nandito siya Andrew." Luminga-linga ako habang hawak pa niya ang mukha ko."Baka nag
"Ma, tulong! Ma! Tulungan niyo po ako!" Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga dahil sa malakas na boses, babaeng humihingi ng tulong. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Si Althea ba iyon? Bakit siya humihingi ng tulong? Bakit parang takot na takot siya? Bakit siya umiiyak?Ang anak ko, kailangan ako ng anak ko. Althea, nasaan ka ba?Halos mag-iisang taon na ang nakalipas, next week na ang birthday ni Althea. Ang bilis ng panahon. Kung saan-saan ko siya hinagilap, hindi pa din ako tumitigil pumunta sa mansion nila, nagbabakasakali na nandoon sila pero wala pa din.Pumupunta din ako sa kompanya nila, nagbabakasali din na nandoon sila Levi. Hintayin niyo lang ako, Levi kukunin ko si Althea sa inyo.Nagta-trabaho pa din ako sa coffee shop nila Andrew at pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko, ito final exam na for first sem. Kinakaya ko naman ang working student, sanay naman na ako dati pa. Estudyante sa maghapon, at bago pumasok sa coffee shop didiretso m
"Allison hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Julie, yung katrabaho ko dito sa coffee shop. Mag-overtime ako ngayon kasi kailangan kong kumayod nang kumayod. Nag-iipon ako ng pera para makapunta sa Italy, kung nandoon nga ang anak ko."OT ako ngayon." Sambit ko sakanya. Napailing nalang siya sa sinabi ko at kinuha niya ang mga gamit niya na nilagay kanina sa table malapit sa akin."Ang sipag mo talaga kaya wala ka pang nagiging jowa dahil wala kang time." Napatawa nalang ako sa sinabi niya saka ko pinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape ng customer.Six in the afternoon na kaya dagsaan ang mga customer dito sa shop. Maraming mga estudyante ang pumupunta dito lalo na't katapat lang ng shop ang University. Halos lahat ng College Students need ng kape, pampagising ng diwa nila."Nako, hindi ko kailangan 'yan, Julie. Trabaho at kape ay okay na sa akin." Hindi ko kinwento sakanya na may anak na ako o may ex-boyfriend. Hindi ako pala-kwento sa buhay lalo na kapag bago lang kaming magkakilala.My li
Monts passed at hanggang ngayon wala pa ding balita kung nasaan ang anak ko. Everyday akong nag-iisip kung okay lang ba siya? Kung tinitimplahan ba siya ng gatas? Kung naaalagaan ba siya ng mabuti? Binibigyan ba nila ng maayos na higaan ang anak ko. Nakakatulog kaya siya ng maayos kung saan man siya naroroon? Althea dinala kita sa sinapupunan ko ng nine months pero hindi naman kita nakita nang pinanganak kita.Ipinagkait agad nila sa akin na maging Ina sa iyo, na mahalin ka, alagaan ka, mahagkan ka. Anak ko, sana magkita na tayo dahil gabi-gabi ako umiiyak, gabi-gabi ako humihiling na sana... sana magkita na tayo at sana magbago na ang daddy mo at ibigay ka sa akin. Miss na miss na kita anak.Kung alam ko lang na mangyayari ito, edi sana hindi ko nalang sinabi sa dad mo na buntis ako, na magkakaroon kami ng anak. Hindi ko naman alam na mangyayari ito kasi pinaramdam sa akin ni Levi na mahal na mahal niya ako, na masaya siya dahil magkakaroon na tayo ng masayang pamilya dahil dumating
"Ma'am hindi po kayo pwedeng tumapak dito." Sabi ng guard dito sa kompanya nila Levi. Napansin ko din na bago lang itong guard. Pero ayaw kaming papasukin sa loob."Anong hindi pwede? May kakausapin lang kami!" Sabi ko sakanya kahit na pilit niya kaming tinataboy. Pinagtitinginan na nga kami ng mga empleyado dito sa labas. Pati ba naman dito ayaw kami papasukin? Masyado na ba silang takot na baka makuha ko ang anak ko? Malamang kailangan nilang matakot kasi hindi talaga ako papayag na sa puder nila lumaki ang anak ko."Si Levi ba ang nag-utos na huwag kami papasukin?!" Tanong ni Andrew. "Nandiyan ba yung magaling mong amo?" "Sir hindi po talaga kayo pwedeng pumasok dito, ako po ang malalagot. Ayaw ko po sana mawalan ng trabaho." Bakas sa pagmumukha ng guard na sinusunod niya lang ang utos sakanya ng mga amo niya. Alam ko naman iyon pero kakausapin lang naman namin si Cianne, yung secretary ni Levi."Manong maawa na po kayo, saglit lang naman po kami. May kakausapin lang naman po kami