Titigil na ako sa pag-o-overthink ko kapag nalaman ko na hindi si Dianne ang first love ni Levi. Mahirap kasi kalaban ang first love. Sobrang hirap kalaban.
I looked at him and he's so serious looking at the way. Ihahatid na niya ako sa apartment since wala na akong gana na makipag-plastikan doon. Mabigat sa dibdib kapag kasama mo iyong ex ng boyfriend mo tapos lahat ng nakapaligid sa iyo, siya ang gusto.
Ano bang laban ko sa matagal na nilang kilala, eh ako bago palang. Ay ewan, basta mahal ko si Levi, at alam kong mahal niya din ako kaya wala dapat akong ipag-alala dito.
"She's my ex." diretso na sabi ni Lev habang ang tingin pa din ay nasa kalsada. He's so damn serious.
"First, second, third, dami mong exes hon. Pang ilan siya?" Pabiro kong tanong sakanya.
I heard him heaved a sighed at tumabingi pa ang ulo niya saka ako nilingon. I stared at his eyes and he's the first who looked away.
"Look Ally I mean Hon, she's my past and you're now my girlfriend. You don't have to worry, I don't love her anymore. Ikaw ang nandiyan ngayon so bakit ko pa siya babalikan? You are my girlfriend and she's just my ex."
"I'm sorry, curious lang naman kasi ako." sagot ko at umayos ng upo tapos tumingin sa labas. Malapit na din kami sa apartment at gusto ko ng humiga sa kama at magpahinga, feel ko kasi sobrang pagod na pagod ako ngayong araw.
Akala ko kasi magiging masaya ako ngayong araw, akala ko magugustuhan ako ng mommy niya. Para akong trinaydor kanina.
Nagulat ako nang biglang itabi ni Levi yung sasakyan sa gilid ng kalsada at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. I looked at him and he's so serious staring at my eyes. There's a sadness in his eyes kaya bigla akong na-guilty dahil baka isipin niya kine-kwestyon ko iyong pagmamahal niya sa akin. Na baka isipin niya na wala akong tiwala sakanya.
"I'm sorry hon. You don't have to worry about Dianne. Hindi ko na siya mahal kasi ikaw na ang mahal ko ngayon. I can't live without you Hon. I love you and don't question my love for you. She's just my ex okay? Ikaw ang girlfriend ko, ang gusto kong makasama habambuhay, remember that. Hmm?" The way he tell me that, hindi nawala ang tingin niya sa mga mata ko. I know he's serious, lahat ng sinabi niya ay totoo.
Tama siya, ex na si Dianne at ako na ang present niya. Ako ang mahal niya at hindi si Dianne. Masyado lang akong nagselos dahil close yung mom niya at si Lexi kay Dianne. Huwag dapat ako mag-overthink dito kasi mahal ako ni Levi.
Mahal na mahal.
"I'm sorry hon kung kine-kwestyon ko iyong pagmamahal mo sa akin. I'm sorry masyado lang akong nainggit kay Dianne." Yumuko ako kasi feel ko tutulo na ang luha ko. Ayoko ng ganito.
"Hindi mo kailangan mainggit kay Dianne, hon. Look if she's closed kay mom at kay Lexi, huwag ka mag-focus doon. Siya dapat ang mainggit kasi ikaw na ang mahal ng isang Levi Scott Basque."
Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya. He held my chin para ipaharap sakanya. Nagtagpo ang aming mga mata at ngumiti siya sa akin. Damn! Nakakabaliw kapag siya ang ngumiti sa iyo. Mas lalo lang akong na-inlove sakanya.
Kahit sobrang toyoin ko, madaling magalit isang ngiti niya lang napapawi agad iyon. Grabe kana, Levi. Masyado na akong inlove sayo.
"Kinilig ka naman diyan." Pang-aasar niya kaya tinignan ko siya ng masama pero bigla niya akong hinalikan ng mabilis at umayos siya ng upo.
"Isa pa." kasi ang bilis ng halik niya eh, hindi ako na-inform doon. Tumingin lang siya sa akin at umiling. "Matagal na halik cutie!!!" Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Okay!" Lumawak ang ngiti ko sa sagot niya. Tinanggal niya ang seatbelt niya at lumapit sa akin para halikan ako then our lips met. Ang lambot talaga ng labi ng boyfriend ko kaya dapat ako lang ang makakahalik dito, wala ng iba. Akala ko aalis na siya at aayos na ng upo pero nagulat ako nang magpalit kami ng pwesto at siya na ngayon ang nakaupo sa passenger seat at ako ang nakaupo sakanya.
Hindi ko alam kung paano kami nagkapalit ng pwesto, mabilis ang pangyayari. We continue our kssing scene here in his car. Naglalaban ang mga dila namin pareho then his hands slowly driving my upper body, at naka-skirt lang ako kaya medyo nalihis ang palda kaya kita ang balat ko, I felt his warmth hand in my thighs. Bigla akong kinilabutan doon sa paghaplos niya. Damn! bigla akong nag-init! Baka may kababalaghan kaming gawin dito sa kotse niya at nakakahiya dahil nandito kami sa gilid ng kalsada.
"Hon." Pigil ko kay Levi nang unti-unti niyang ipasok ang kamay niya sa loob ng underwear ko. He stared at me at makikita mo doon ang pagnanasa, makikita mo sakanya na gusto niyang ipagpatuloy iyong gagawin niya. "Nasa gilid tayo ng kalsada hon." pagpapa-alala ko sakanya baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili niya.
"I'm sorry hon, hindi ko napigilan. I can't control my body when it comes to sex. I'm sorry hon." Napasapo siya sa noo niya dahil doon. Natawa nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Its okay hon, next time nalang. Tara na baka hinahanap na din ako ni Lei at baka hanapin ka na ni tita." Sabi ko sakanya, nagnakaw pa siya ng halik bago siya bumalik sa driver seat at inayos ko na din iyong sarili ko. Pinagpawisan ako doon ah.
"Next time hon ah." He said, napailing nalang ako sakanya at natawa pero sa huli, tumango nalang ako. Miss ko na kasi siya. Nakarating na din kami dito sa apartment at bago ako bumaba sa sasakyan niya, ginawaran ko pa siya ng matagal na halik at bumaba na ako. I'm waiting for his car to disappear from my sight saka ako pumasok sa loob ng apartment.
Nawala pansamantala iyong bigat ng dibdib ko dahil sa nangyari sa sasakyan ni Levi. Muntik na iyon ah. Pero bigla na naman pumapasok sa isip ko na uuwi na si Levi at madadatnan niya doon si Dianne kasama iyong pamilya ni Levi.
Lalo na't vote si tita at Lexi kay Dianne, hindi maiiwasan na hindi sila paglapitin na dalawa. Ito na naman tayo, nag-o-overthink.
"Ano ba 'yan nakakahilo kana Allison!" Bulyaw ni Lei sa akin. Kanina pa kasi ako lakad ng lakad sa harapan niya. "Tawagan mo na kasi para hindi kana nag-o-overthink diyan!"
Kinwento ko lahat kay Lei iyong nangyari kanina. Lahat naman ng nangyayari sa akin alam ni Lei. Umusok ang ilong niya dahil sa galit nang nalaman niya na plastik at pakitang tao lang iyong mommy ni Levi sa akin. Mas lalo siyang nagalit dahil kay Dianne.
"Busy iyon ngayon."
"Busy kay Dianne." Binato ko siya ng unan na malapit sa akin, natamaan siya sa mukha kaya binato pabalik sa akin iyong unan pero nasalo ko naman. "Tawagan mo na kasi para hindi kana nag-o-overthink diyan! Sabihin mo iwasan iyong ex niyang parang linta!"
"Baka magalit." sabi ko at umupo sa tabi niya.
"Bakit siya magagalit?"
"Ewan."
"Tawagan mo na para matahimik kana kasi dinadamay mo ako. Nagre-review iyong tao palakad-lakad ka diyan, nakaka-distract kaya!" Singhal niya at lumayo sa akin.
"Sorry na. Ito na tatawagan na po. Review well!" sabi ko at kinuha ang phone sa bulsa ng short ko at pumasok sa kwarto. Iniwan ko na si Lei sa sala kasi nagre-review pa daw siya. Maaral talaga iyon kaya laging nakakapasok sa DL eh. Ako ito, tamang chill lang pero pasado pa rin naman.
Nakailang ring na pero hindi niya sinasagot, siguro baka busy nga. Nagkakatuwaan siguro sila doon sa bahay nila. Hindi ko na nga siya kukulitin, bahala na! Inaantok na ako.
Nagising nalang ako na parang hinahalukay ang tiyan ko. Umagang-umaga nananakit ang ulo ko. Hawak ko pala ang phone ko habang tulog, kakahintay na baka tumawag si Levi. Nilapag ko muna iyon sa kama ko at nagmadali akong pumunta sa banyo kasi ayoko naman magkalat dito sa kwarto ko.
Wala pa naman banyo dito sa kwarto ko kaya nagmadali akong lumabas at nadatnan ko pa si Lei na mukhang kakatapos lang maligo. Nagulat siya sa pagtakbo ko sa banyo at halatang nag-aalala.
Nang mailabas ko ang kalat na nanggaling sa bibig ko, wala naman laman puro tubig lang, ano bang nangyayari sa akin? Nagmumog na ako at binigay sa akin ni Lei iyong towel ko.
"Anyare sa iyo?" She asked na para bang in-o-obserbahan ang buong pagkatao ko. She also raised her brow at bigla na naman akong tumakbo sa CR kasi nasusuka na naman ako. Wala na naman lumabas kundi parang tubig lang.
Inabutan ako ni Lei ng tubig nang makapunta ako sa kusina. Nag-aalala siya and at the same time sobrang seryoso niya habang nakatingin sa akin.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" Tanong ko kasi grabe siya tumingin sa akin, na para bang may kasalanan akong ginawa.
"Kailan ka huling nagka-period?" seryoso niyang tanong na nagpakaba naman sa akin. Last month hindi ako dinatnan, akala ko late lang kasi ganoon naman minsan iyong period ko, paiba-iba ng schedule.
"Sagutin mo ako, Allison!" Halla, nagalit na. Nataranta naman akong nagsalita.
"Last month hindi ako dinatnan." Natatakot kong sinabi sakanya iyon, nagulat ako ng bigla niyang hinampas iyong kamay niya sa lababo, masakit iyon ah!
"Putcha naman Allison! Paano kung... kung buntis ka?! Akala ko ba nag-ingat ka?!"
Para akong hinahabol ng aso sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa kaba. No, hindi pwede! Hindi ako pwedeng mabuntis kasi hindi pa ako nakaka-graduate at nagta-trabaho pa ako, magagalit si mama nito, at mas lalo lang siyang magagalit sa akin nito.
"Hindi Lei, huwag kang negative diyan, hindi ako buntis okay? Sigurado akong walang nabuo, okay! Kalma! Baka late lang period ko kasi hindi naman normal ang menstruation ko." sagot ko sakanya pero kinakabahan pa din ako.
Bigla siyang umalis at iniwan ako dito sa kusina, galit ba siya? Pumasok siya sa kwarto niya at lumabas din agad. May dala siyang maliit na box at binuksan niya iyon. I saw pregnancy text. Bakit siya may ganito? Oo pala nursing siya baka required sakanila na may ganito. Required ba iyon? Malay ko, hindi naman ako nursing students.
"Bakit ka may ganiyan?" I asked her pero tumikhim lang siya kaya tumahimik ako.
"For emergency purposes at sa tingin ko ikaw ang unang makakagamit nito." Seryoso pa din niyang sabi. Nakakatakot naman ito sa pagiging seryoso niya. Inabot niya sa akin ang PT at habang hawak ko iyon, nanginginig ang kamay ko at tadtad ako ng pawis. Kinakabahan ako!
"Think positive Lei, huwag lang sa PT!" Pagpapakalma ko sakanya pero hindi ata effective kasi mas lalo lang dumilim ang tingin niya sa akin. Tumakbo na ako papunta sa CR at isinara iyon. Huminga ako ng malalim pagkasara ko ng pintuan. Ayoko naman ipakita kay Lei na kinakabahan ako. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ko ang buong pagkatao ko. What if... what if buntis nga ako?
No! bakit naman ako mabubuntis, nag-ingat nga ako, diba?! Na-delay lang kasi iyong menstruation period ko kaya hindi ako dinatnan. Be positive huwag lang sa pregnancy test!
Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan diba? Kaya kahit kinakabahan ay gagawin ko pa rin. Katulad nga ng utos ni Lei, ginawa ko na. Ayokong tignan iyong PT gusto ko siya ang makakakita kasi hindi ko kayang malaman iyong result.
Lumabas akong nakangiti kay Lei at ganoon pa din ang awra niya, seryoso pa din siya. "Anong resulta? positive ba o negative?" Tanong niya
"Hindi ko pa tinitignan eh. Gusto ko ikaw ang tumingin." Pinakita ko sakanya iyong PT na nasa palad ko habang nakatingin ako sa kisame. Ayokong makita.
Sana negative, sana negative!! pero negative plus negative then the answer is posi-
"Positive ka Allison!" Bigla akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinabi ni Lei. No! Ayoko, hindi pwede!
"Bakit naman kasi hindi ka nag-ingat Allison?! Ilang beses ko na kasing sinabi sa iyo yan! Ga-graduate kana tapos nangyari pa ito! My goodness, Allison! Paano na yan?! Paano mo sasabihin 'yan sa mama mo? Paano mo 'yan sasabihin kay Levi. Sige nga?!"
"Sorry." bigla nalang tumulo iyong luha ko dahil doon. Sorry kasi na-dissapoint kita Lei. Sorry. Hindi ko naman sinasadya. Sorry.
"Nandiyan na yan e, ano pa bang magagawa natin, diba." Bigla niya akong niyakap kaya mas lalo lang akong naiyak. Allison ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at ginawa mo iyon? bakit ka pumayag?
"Panaginip lang ito, Lei. Hindi naman ito totoo."
"Totoo ito, Allison. Ayusin mo yang sarili mo dahil may bata na diyan sa sinapupunan mo." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang luha ko. "Ingatan mo ang sarili mo, okay?" I nod.
"Matatanggap kaya ito ni Levi?"
"Iwasan mo nga 'yang pagiging negative mo, oo tatanggapin niya yan at pananagutan ka niya kasi kung hindi, seryoso ako sa sinabi ko sayo last time na babasagin ko ang pagmumukha niya pati ulo niya sa baba, sinasabi ko sayo Allison!"
"Paano kung ayaw niya?"
"Edi ako tatayong ama dyan!"
"Eh? Pwede naman siguro na ipalaglag ko di-" bigla niya akong sinampal.
"Para magising ka Allison! I'm not sorry for slapping you. Sira ka ba? ipapalaglag mo yan? eh kasalanan iyon diba. Para kang sira!""Sorry na."
Nagpa-check-up kami at sinamahan ako ni Lei, tama nga kami four weeks pregnant ako. Nag-advice lang na huwag ko daw papabayaan ang sarili ko dahil may bata na sa sinapupunan ko na kailangan kong alagaan. Niresetahan niya ako ng vitamins na iinumin ko para daw healthy ang baby ko at marami pang iba na sinabi si doctora.
Magkaka-baby na ako pero kinakabahan ako, sana... sana matanggap at panagutan ako ni Levi. Kasi kung hindi, hindi ko alam ang mangyayari, baka mas piliin ko nalang na ipalaglag ang batang ito. Hindi ko kayang iwan ako ni Levi. Ayoko!
Pero sabi naman niya mahal niya daw ako kaya iyon ang panghahawakan ko. He's serious when he say those three words that he really loves me. Hindi dapat ako matakot.
Kada gigising ako hindi na katulad ng dati na kahit wala akong kinain sa umaga okay na, ang mahalaga maaga ako na makarating sa university, mahalaga na makapag-attendance ako kahit wala ng kain kain pero ngayon pinipilit ko ang sarili ko na kumain ng umagahan kasi hindi lang ang sarili ko ang kailangan kong alagaan at intindihin. May bata na sa sinapupunan ko na kailangan kong unahin.Lumipas ang isang buwan na parang ang daming nagbago sa sarili ko, pati sa katawan ko. Ganito ba kapag buntis? Kailangan todo ingat ka sa paggalaw. Parang anytime natatakot na akong tumakbo kasi baka malaglag ang anak ko."Kailan mo ba balak sabihin kay Levi iyang kondisyon mo?" isang araw tanong ni Lei sa akin. Tanging pag-iling lang ang isinagot ko sakanya kas hindi ko alam. Yan ang sagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sakanya, natatakot ako na baka hindi niya matanggap, natatakot ako na baka iwanan niya ako dahil dito sa kondisyon ko. Baka hindi pa siya ready for the responsibilities.Nat
"Allison may pera ka na ba? Pautang naman ako oh." Isang araw nagawi ako sa bahay namin dahil nagpapatulong si Abegail, yung pamangkin ko na panganay na anak ni ate Andrea.Si Abegail, close kaming dalawa to the point na kami yata ang mag-ina sa sobrang close naming dalawa. Every time na may projects or assignments siya ako ang tinatawag niya dahil hindi naman siya tinutulugan ng mama niya.Senior high school na si Abegail and she's 18 years old. Simula bata yan, ako na ang nag-alaga kaya siguro ako ang kinikilala niyang mama. Wala na din kasing time si ate sa mga anak niya."Ate wala pa, marami pa akong pinaggagastusan." Sambit ko kasi totoo naman. Lalo na ngayon, buntis ako kaya kailangan kong magtipid at kailangan ko maging madamot pagdating sa pera kasi may pinag-iipunan akong mahalaga, iyon ang panganganak ko."Sobrang damot mo naman. Akala mo ba hindi ko nakita ang pasimpleng pagbigay mo ng pera diyan kay Gail ha?! Parang hindi ka naman kapatid diyan!" Galit niyang sabi at lumap
"Hindi mo pa din ba sasabihin sakanya, Ally?" Zy asked. Yes alam na din ni Zyren. Kaibigan ko naman sila kaya kailangan alam nila. Nandito ako sa bahay nila Zyren kasi lagi kaming pinapapunta ni tita dito."Hindi ko alam. Parang ayoko ng sabihin lalo na't lagi nalang kami nag-aaway."Two months pregnant na ako at ramdam na ramdam ko na talaga ang pagiging buntis. After ng nangyari sa restaurant hindi na kami nagkita pa ni Levi. He didn't text me, he didn't make a time to call me... kung buhay pa ba ako o hindi na. Feeling ko wala na akong boyfriend kasi wala naman siyang time sa akin.Parang nasa normal stage na naman ako ng buhay ko, iyong walang Levi akong nakikita. Mga kaibigan ko lang ang nakikita ko. Ang hirap pala akala ko kaya ko na hindi ko makita si Levi pero nandito ako sa condo niya, inaabangan siya. Gusto ko siyang makita.Baliw na ata ako sakanya. Hindi na nga siya nagpaparamdam sa akin pero nandito ako ngayon, naghihintay sa labas ng condo unit niya. Ni hindi ko nga alam
"Hon hindi kita maihahatid bukas kasi may aasikasuhin ako. Importante kasi ito eh." sabi ni Levi sa phone. Hindi na nga kami nakapag-celebrate ng monthsarry namin kahapon tapos hindi pa siya makikipagkita sa akin ngayon. Ayaw ko lang mag-overthink kasi paulit-ulit niya naman na pinaparamdam sa akin na mahal niya ako."Okay lang hon, ano ka ba. Naiintinidihan ko naman na marami kang responsibilities and priority na kailangan mong unahin. Ikaw ang pinagkakatiwalaan ng daddy mo sa company niyo. So, go lang hon." I said trying to hide my sad tone. Nakakapagtampo pero hindi lang naman sa akin tumatakbo ang mundo ni Levi."Tumataba ka ata ah." Isang araw tanong ni mama sa akin. Birthday kasi ni mama so pumunta ako para maki-celebrate and also nagbigay ako ng panghanda kasi alam ko naman na ako ang aasahan nila na bumili ng pangrekado ng mga handa ni mama. Si ate, pinangsusugal niya lahat ng binibigay ni mama. Favoritism eh, hindi naman yan mawawala. Okay lang, I am not everyone's favorite.
"So alam na niya and he's planning na mag-live in kayong dalawa sa unit niya?" Lei asked as I told her about the news, na sinabi ko na kay Levi na buntis ako at gusto ni Lev na doon ako titira sa unit niya para mabantayan, maalagaan ako at ang pagbubuntis ko.May part sa akin na gusto ko na doon tumira kasi makakasama ko na si Lev at mas masasanay kaming dalawa na mag-handle ng relationship namin nang magkasama at maaalagaan namin ng maayos ang pagbubuntis ko pero may part sa akin na ayaw kong umalis kasi iiwanan ko si Lei na mag-isa dito sa apartment."You look so happy so yeah I'm always here to support you." Lei smiled at me and held my hands. "Pwede ba kaming sumama ni Zy para alam din namin kung maayos ba ang tutuluyan mo.""Yeah, sure! Nasabi ko na rin naman kay Lev na isasama ko kayo and approved naman sakaniyan iyon.""That's great!" and she looked at her phone kasi nag-ring iyon, baka si Zy na iyon. "So tara na at nandoon na daw si Zy sa baba pati na rin ang future husband mo
"What?" Ine-expect ko na talaga na ganito ang magiging reaction ng pamilya ni Levi kapag nalaman nila na buntis ako. Ano pa nga bang aasahan ko? Tutol sila sa relasyon namin ni Levi, siyempre mas lalo silang magagalit sa akin dahil nagpabuntis ako sa anak nila."Mom I'm sorry po pero nangyari na eh." "I'm sorry nagulat lang ako hijo. I didn't expect na mapapaaga ng ganito. Ang bata niyo pa for f*cking sake." Nagulat si Levi sa sinabi ng mommy niya at ako hindi na nagulat. Pakitang tao lang naman ang mommy niya. Mabait kapag nakaharap si Levi pero kapag wala ang anak niya, halos isumpa na ako."I am planning to marry her mom and dad." Napatayo bigla ang mommy niya atsaka tumingin sa akin ng masama. Aba! bakit ako sisisihin niya? Ako ba nag-aya magpakasal? hindi naman ah, anak niya nag-aya hindi ako."Anak look hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo and also si Allison. Mahihirapan kayo niyan to build a family. Last year mo na sa college and five months from now ga-graduate kana and you'll
"Para kang zombie dyan." Sabi ni Lei na nag-a-asikaso ng breakfast namin. Maaga kasi yan pumunta dito dahil sinabi ko sakaniya yung narinig ko kagabi. Feeling ko talaga si Dianne iyon eh."Hindi lang ako nakatulog ng maayos." napa-face palm ako. Nag-o-overthink na naman ako."Baka naman kasi ka-boses lang iyon ng ex niyang higad be." Sabi niya habang papalapit sa akin dito sa table. Inilapag niya yung pagkain at umupo sa tapat ko. Binigay niya sa akin yung milk na tinimpla niya at yung tocilog na gawa niya."Hindi eh, parang boses talaga niya iyon.""Hay nako Allison, ma-stress ka lang diyan. Makakasama yan sa baby mo. Ito ikain mo nalang." susubuan niya sana ako nang kuhain ko sa kamay niya yung kutsara.May kamay naman ako bakit pa ako susubuan? Babaeng ito talaga."Niloloko lang kaya ako ni Levi?" Sabi ko sabay nguya ng pagkain. Sinamaan naman ako ni Lei ng tingin."Allison mahal ka ni Levi atsaka bahala ka mag-isip diyan.""Tignan mo ito, akala ko ba ayaw mo kay Levi? Bakit parang
"Are you still thinking about her?" Levi asked while playing with my hair. Is he pertaining to Dianne? Siya lang naman ang pinag-awayan namin kanina.Nandito kami sa kwarto at nakahinga kami sa kama. Nakaunan ako sa dibdib niya habang siya naman ay pinaglalaruan ang buhok ko. Nakayapos naman ang braso ko sa baywang niya. Nilalanghap ko rin ang pabango niya na.Nang hindi ako sumagot ay itinigil niya ang paglalaro sa buhok ko at nagulat ako nang halikan niya ako sa noo ko. I smiled."You don't need to think about Dianne, wifey. You're now my girl and soon to be my wife. Magkakaroon na tayo ng anak so bakit kita lolokohin? Nagbago na ako wifey." Ramdam ko ang sincerity niya doon sa sinabi niya. I know he's changed and I trust him but I don't trust that girl.Alam kong mahal pa rin ni Dianne si Levi. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kahit kaunting panahon ko lang nakilala si Dianne, alam ko na agad ang motibo niya. Mas lalo siyang nagkaroon ng lakas ng loob
Chapter 42 Mabilis din naman natapos ang araw at dinagsa nga kami ng mga customer kanina kaya worth it ang pagod. Mas maganda ang maraming customer kasi mas malaki ang income namin. Yung iba nagre-rent ng gowns dito sa shop at yung iba nagpapa-design ng gowns and their clothes. May customer nga ulit kami ni Amy eh. After namin maibigay kay Boss yung sketch namin ay masaya naman siya, maaga niya din kaming pinauwi.Pumunta kami sa lugar kung saan laging tumatambay ang boyfriend ni Amy. Nag-order muna kami ng pagkain at wine para kahit papaano may thrill ang paghihintay namin dito. Uhaw na uhaw na din ako kaya wine ang iinumin namin. Kwentuhan moments muna kami ni Amy hanggang sa umayos siya ng upo at sumenyas na nakita na niya ang boyfriend niya, 'di kalayuan sa pwesto namin. Hindi naman kami basta-basta makikita kasi nandito kami sa loob ng restaurant at ang boyfriend niya nasa labas. Halatang may hinihintay."Huwag mo lalapitan, hintayin natin na dumating yung taong hinihintay niya
"Ang sipag mo naman!" Sabi ng nakarating na si Amy. Kahit dito ba naman sa trabaho magkasama pa din kami. Sinundan ba naman ako ng lokang ito. Accounting kinuha naming course pero ang bagsak namin dito sa pagiging Fashion Designer."Ganyan talaga kaya idadamay kita sa kasipagan ko." Sambit ko habang nag-do-drawing ng gown. May customer kasi akong magde-debut next year at kailangan ko talagang mag-focus sa paggawa ng gown niya. I need to finish it para na rin makapag-start na for making this gown. Syempre bago iyon, ipapakita ko muna sa kanya if she's satisfied or what then saka na ako mag-proceed sa pagtatahi."Yes! Need ko 'yan kasi hindi ko pa tapos yung ginagawa kong gown." Sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya sa table niya. Ang kalat kasi ng table niya kapag nagmamadali siya sa mga bagay-bagay."Tapusin mo na 'yan at nang may mai-present ka na kay Boss." Sambit ko saka mariing tinignan ang gawa ko. It's a simple gown, off shoulder then heart shaped siya since iyon ang gusto
"But you still love him?" He asked again. Kunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit siya ganito? Bigla-bigla siyang nagtatanong ng ganoon?"I don't love him anymore, Andrew. Kung may nararamdaman man ako sa ex ko, iyon ang galit. Galit dahil tinago nila sa akin ang anak ko. If you're still asking me about my feelings for him? Wala na, hindi ko na siya mahal at hinding-hindi ko na siya mamahalin pa. For what? para masira na naman ako, I will never do that again. Never again. I love myself more than anyone else.""I'm so proud of you, Allison." Hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Andrew dahil sa sinabi ko. Even I, I'm so proud of myself dahil hindi na ako yung marupok na Allison. Na isang sorry lang ni Levi, bibigay na agad ako. Hindi na ako yung dating Allison na mahina, dahil ayoko nang maging talo. Ayoko nang umiyak ng umiyak. Pagod na ako kakaiyak noon, kaya I need to change para sa sarili ko.Pain changed me at nagpapasalamat ako sa mga taong nanakit sa akin dahil natauhan na ako. Mas n
"Allison?" Sa lahat ng boses na narinig ko, ito lang ang kinaiinisan ko. Ang boses ni Dianne. Ang boses ng taong kinaiinisan ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa dalawang tao na nandito ngayon sa event ng Lolo ni Andrew.Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito?"Nice to meet you again, Allison." Malanding sabi ni Dianne at nakita ko ang paggapang ng kamay niya sa braso ni Levi. Napataas ang kilay ko doon, as if naman na maglulumpasay ako sa selos dahil sa ginawa niya. Ulol! Sakanya na si Levi! Isinuka ko na 'yan matagal na!Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Andrew. Siya ang nasa unahan ko ngayon at hinawakan niya ang kamay ko, agad naman iyong napansin ni Levi kasi ang paningin ko ay nasa Ex ko kaya nakita ko ang paggalaw ng mata niya papunta sa mga kamay namin ni Andrew. Napangisi ako doon."Bakit kayo nandito?" Tanong ni Andrew sakanilang dalawa, natawa naman si Dianne doon. Tahimik pa din si Levi at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya at kahit mabasa
Si Althea na ba iyon? Ang laki na niya. Nandito na ang anak ko, kailangan ko siyang makita, kailangan ko na siyang kunin. Hindi ko na sila naabutan pa, saan na ba sila? Bakit ang bilis nilang mawala sa paningin ko?"Althea!" Sigaw ko. Pinagtitinginan lang ako ng mga tao dito sa tapat ng convenience store. Nilibot ko ang paningin ko baka nagtatago lang sila pero wala."Allison!" Rinig kong tawag ni Andrew kaya lumingon ako sakanya. Tumakbo ako papunta sakanya saka siya niyakap. Mukhang nagulat naman siya doon pero sa huli niyakap niya din ako pabalik nang humikbi na ako. Hinimas niya ang likod ko, pinapatahan ako.Nag-stay kami sa ganoong posisyon hanggang sa tumahan na ako. Bago niya ako bitiwan ay hinalikan niya muna ang gilid ng noo ko saka ako tuluyang bitawan. He held my face, tinitigan ang mukha ko."What happened?" He asked. Nag-aalala ang mga mata niyang tumingin sa akin."I saw her. Si Althea, nandito siya Andrew." Luminga-linga ako habang hawak pa niya ang mukha ko."Baka nag
"Ma, tulong! Ma! Tulungan niyo po ako!" Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga dahil sa malakas na boses, babaeng humihingi ng tulong. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Si Althea ba iyon? Bakit siya humihingi ng tulong? Bakit parang takot na takot siya? Bakit siya umiiyak?Ang anak ko, kailangan ako ng anak ko. Althea, nasaan ka ba?Halos mag-iisang taon na ang nakalipas, next week na ang birthday ni Althea. Ang bilis ng panahon. Kung saan-saan ko siya hinagilap, hindi pa din ako tumitigil pumunta sa mansion nila, nagbabakasakali na nandoon sila pero wala pa din.Pumupunta din ako sa kompanya nila, nagbabakasali din na nandoon sila Levi. Hintayin niyo lang ako, Levi kukunin ko si Althea sa inyo.Nagta-trabaho pa din ako sa coffee shop nila Andrew at pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko, ito final exam na for first sem. Kinakaya ko naman ang working student, sanay naman na ako dati pa. Estudyante sa maghapon, at bago pumasok sa coffee shop didiretso m
"Allison hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Julie, yung katrabaho ko dito sa coffee shop. Mag-overtime ako ngayon kasi kailangan kong kumayod nang kumayod. Nag-iipon ako ng pera para makapunta sa Italy, kung nandoon nga ang anak ko."OT ako ngayon." Sambit ko sakanya. Napailing nalang siya sa sinabi ko at kinuha niya ang mga gamit niya na nilagay kanina sa table malapit sa akin."Ang sipag mo talaga kaya wala ka pang nagiging jowa dahil wala kang time." Napatawa nalang ako sa sinabi niya saka ko pinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape ng customer.Six in the afternoon na kaya dagsaan ang mga customer dito sa shop. Maraming mga estudyante ang pumupunta dito lalo na't katapat lang ng shop ang University. Halos lahat ng College Students need ng kape, pampagising ng diwa nila."Nako, hindi ko kailangan 'yan, Julie. Trabaho at kape ay okay na sa akin." Hindi ko kinwento sakanya na may anak na ako o may ex-boyfriend. Hindi ako pala-kwento sa buhay lalo na kapag bago lang kaming magkakilala.My li
Monts passed at hanggang ngayon wala pa ding balita kung nasaan ang anak ko. Everyday akong nag-iisip kung okay lang ba siya? Kung tinitimplahan ba siya ng gatas? Kung naaalagaan ba siya ng mabuti? Binibigyan ba nila ng maayos na higaan ang anak ko. Nakakatulog kaya siya ng maayos kung saan man siya naroroon? Althea dinala kita sa sinapupunan ko ng nine months pero hindi naman kita nakita nang pinanganak kita.Ipinagkait agad nila sa akin na maging Ina sa iyo, na mahalin ka, alagaan ka, mahagkan ka. Anak ko, sana magkita na tayo dahil gabi-gabi ako umiiyak, gabi-gabi ako humihiling na sana... sana magkita na tayo at sana magbago na ang daddy mo at ibigay ka sa akin. Miss na miss na kita anak.Kung alam ko lang na mangyayari ito, edi sana hindi ko nalang sinabi sa dad mo na buntis ako, na magkakaroon kami ng anak. Hindi ko naman alam na mangyayari ito kasi pinaramdam sa akin ni Levi na mahal na mahal niya ako, na masaya siya dahil magkakaroon na tayo ng masayang pamilya dahil dumating
"Ma'am hindi po kayo pwedeng tumapak dito." Sabi ng guard dito sa kompanya nila Levi. Napansin ko din na bago lang itong guard. Pero ayaw kaming papasukin sa loob."Anong hindi pwede? May kakausapin lang kami!" Sabi ko sakanya kahit na pilit niya kaming tinataboy. Pinagtitinginan na nga kami ng mga empleyado dito sa labas. Pati ba naman dito ayaw kami papasukin? Masyado na ba silang takot na baka makuha ko ang anak ko? Malamang kailangan nilang matakot kasi hindi talaga ako papayag na sa puder nila lumaki ang anak ko."Si Levi ba ang nag-utos na huwag kami papasukin?!" Tanong ni Andrew. "Nandiyan ba yung magaling mong amo?" "Sir hindi po talaga kayo pwedeng pumasok dito, ako po ang malalagot. Ayaw ko po sana mawalan ng trabaho." Bakas sa pagmumukha ng guard na sinusunod niya lang ang utos sakanya ng mga amo niya. Alam ko naman iyon pero kakausapin lang naman namin si Cianne, yung secretary ni Levi."Manong maawa na po kayo, saglit lang naman po kami. May kakausapin lang naman po kami