Literal na hindi nakatulog si Yvonne matapos makita ni Alaric si Chelsea. Mabuti na nga lang at nagka-ayos sila ni Connor, kun'di ay isa pa iyong po'problema-hin niya."Someone rang the bell," ani Connor na ayaw pang umalis mula sa pagkakayakap sa kanya."I'll check it out and see. I'll wake you up once breakfast is ready."Umingit ito at ayaw pa siyang pakawalan ngunit walang nagawa noong kinalas niya ang yakap nito. Agad niya ring sinuot ang kanyang roba, nakahihiya naman kung haharap siyang naka-nighties lang.Humihikab pa siya dahil sa antok noong silipin mula sa peep hole kung sino ang bisita kaya lang ay wala siyang nakita. Kunot ang noong binuksan niya ang pinto. Tanging isang cup ng kape ang naroon, may nakadikit na papel sa cup.Mabilis niyang kinuha ang kape, luminga sa paligid bago pumasok sa loob. Nagtataka pa siya kung kanino galing iyon kaya't agad niyang inalis ang papel na nakadikit at binasa.I will be your next neighbor, and we might end up being neighbors with benef
Humingi siya ng dalawang araw na leave. Himala nga na pumayag si Alaric, sinabi pa nitong hindi na kailangan ang presensya niya sa susunod na shoot. Ang kapal di ba?! Kung hindi lang siya problemado, papatulan niya sana pero di na lang niya pinansin dahil binigyan siya ng problema ng kanyang ama. Ngayon nga'y patapos na ang dalawang araw pero hindi pa rin siya nagpupunta sa mansyon para kausapin ang ama niya."Yaya Melly, my uncle gwapo is so handsome. He is so cool!" dinig niyang pagmamayabang ni Chelsea sa Nanny nitong kahapon lang din dumating."Bebe girl, is he single? I'm single and ready to mingle," sagot ni Yaya Melly.Napailing siya sa usapan ng dalawa. Isa pa iyang problema niya, bukambibig na ni Chelsea kahit na isang araw lang nitong nakasama."You will fall in love with him, Yaya. He is every girl's dream!"Napangisi siya sa narinig mula kay Chelsea. Agad niyang sinara ang lipstick na ginamit at kinuha ang bag niya. Baka kung saan pa mapunta ang usapan ng dalawa."That's e
Nangilabot siya sa suhestiyon ni Nina. Hindi naman sa nag-iinarte siya pero hindi niya gagawin iyon. May boyfriend siya at may asawa ito."Iyang suggestion mo ang papatay sa akin, Nina." Inirapan niya ito ngunit kumibit balikat ito."Maniwala ka, kapag lumapit ka kay Alaric, isang pitik lang iyan ng daliri niya, lalakas na ang kumapanya ninyo. Wala man ngang isang taon pero napaka-successful na ng winery niya," pagmamayabang nito.Hindi pa rin siya kumbinsido. Kung asawa na nga ito ni Margarita pero walang naitulong, ano pang silbi kung lalapit siya?"Hindi na. Kakausapin ko na lang ang Daddy ko. Sa iba na lang siya magpatulong, aalis na rin naman ako ng bansa. Dito muna sina Chelsea pero ipapasundo ko sila mamaya para makauwi, Nina."Pinipilit pa nito ang sariling suhestiyon ngunit hindi siya nakinig. Mas pinili niyang magtungo sa mansyon ng kanyang ama. Nasa tapat pa lang ng gate ay nakita na niya ang paalis na katulong. May bitbit pa itong malaking bag."Si Mr. Michael Montenegro p
"Ano ba, Alaric! Ibaba mo ko!"Ilang beses niyang hinampas ang likod nito ngunit hindi ito natinag. Narinig niyang pinatunog nito ang isang sasakyan. Muntik pa siyang mauntog noong basta na lang siya nitong isakay sa passenger seat ng sasakyan."Tabi, hindi pa ako uuwi!"Sinubukan niya itong itulak ngunit mabilis nitong nailagay ang seatbelt niya at naisara ang pinto. Noong subukan niyang buksan iyon ay ayaw magbukas. Nakita niya na lang na pasakay na ito sa driver seat."Behave, or I will not send you home," pagbabanta nito bago paandarin ang sasakyan.Galit niya itong tiningnan, walang pakialam kahit nagmukha na siyang bruha dahil sa magulong buhok niya."Hindi pa ako uuwi! Kay Fufu ako sasabay! Ibaba mo na ako!"Hindi siya nito pinansin at minaniobra lang paalis ng venue ang sasakyan. Masakit ang loob niyang sumandal sa upuan. Malabong ibaba siya nito."Ibaba mo na lang ako sa may sakayan, kaya kong umuwing mag-isa.""You're drunk. At nakalimutan mo yatang supermodel ka."Inirapan
Hindi pa rin makapaniwala si Yvonne na si Alaric nga ang bago niyang kapitbahay. Hindi siya pinatulog ng kaalamang iyon. Paggising niya ay parang hinahati sa dalawa ang ulo niya. Mabuti nga at naroon si Yaya Melly para asikasuhin si Chelsea.Nasa sofa siya, nakasandal at dinadamdam ang sakit ng ulo niya. Hindi nga siya kumilos kahit noong dumating si Fufu."Mommy, Miss Fufu is here! She brought fruits and chocolates for me!" si Chelsea na naririnig niyang tumatakbo na papunta sa kusina.Hinilot lang niya ang sentido. Lalapit din naman si Fufu."Anyare sa'yo? Para kang bruha diyan," bulgar na puna nito.Napamulat siya ng mga mata. Nakapamewang na pala ito sa harap niya."Ang sakit ng ulo ko. Ayoko munang magshoot."Dinig niyang napabuntong hininga ito, "Nilaklak mo yata lahat ng wine sa event."Napalabi siya at hindi sumagot. Kasalanan ng alak na iyan kung bakit siya sumagot sa h*likan nila ni Alaric! Lalong sumasakit ang ulo niya kapag naaalala niya. Mabuti nga at hindi pa tumatawag s
Mariing pinikit ni Yvonne ang mga mata matapos bumaba ang h*lik ni Alaric sa kanyang panga."Forget about your fiancé. I don't want to continue doing this if you're thinking of him," madiing bulong ni Alaric.Nagmulat siya ng mga mata at nasalubong ang mabagsik nitong tingin."I'm not thinking of him. Alam mo kung bakit ako nandito. This is against my will!"Totoo namang ayaw niyang magkasala pero para sa daddy niya, gagawin na niya. Isang gabi lang naman. Isang gabi lang at masasagot na ang problema niya."Against your will? F*ck, fine! Let's see if this is really against your will."Napaawang ang mga labi niya at muntik ng mapa-ungol matapos maramdaman ang mainit nitong palad sa pagitan ng mga hita niya. Bumigat ang paghinga niya at muling napapikit, hindi niya kayang tingnan ang naglalagablab nitong titig."You will beg for me to be inside you. I swear," muling galit na bulong nito.Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang pag-ungol. Napakapit siya sa matipuno nitong braso.
Kipkip ni Yvonne ang kumot. Nakaupo lang siya sa gitna ng kama at sapo ang noo. Ngayon niya napagtanto ang nangyari. Ni hindi niya alam kung ano'ng oras na at gusto na lang niyang umuwi.Napapikit siya nang mariin, baka mamaya ay kanina pa tumatawag si Connor. Kinagat niya ang ibabang labi matapos makonsensya. Kahit sabihing isang gabi lang ay kinakain pa rin siya ng pagsisisi pero sa tuwing maiisip na maisasalba ni Alaric ang kumpanya nila, kumakalma siya. Di bale, isang gabi lang naman at hindi na mauulit pa! Wala namang makakaalam."It's 3am. Here, drink this."Napaangat siya ng tingin matapos marinig ang mga yabag nito papalapit. Nakatapis pa rin ito ng tuwalya. May bitbit itong baso ng gatas na kinairap niya. Ano tingin nito sa kanya? Buntis agad?Hindi niya iyon kinuha kaya't nilapag nito sa bedside table. Namewang ito at mariin siyang tiningnan."Uuwi na ako. Bukas na lang natin pag-usapan ang pagtulong sa Daddy ko," mahinang bigkas niya.Kanina pa niya talaga gustong umuwi kay
"Clean the mess, Jericho. Tawagan mo ulit ang mga investors na pinaalis ko. Set me an appointment sooner or later. Ako mismo ang kakausap sa kanila pabalik," nakangising pagka-usap ni Alaric sa empleyado niya."Yes, Sir! Kaunti na lang, mission accomplish ka na po."Lalo siyang nangisi. Sinulyapan si Yvonne na mahimbing pa ring natutulog sa kama niya."I know right, and thanks to you. Siguraduhin mo lang na walang ibang makakaalam nito kun'di dalawa tayong mananagot."Humalakhak ito at nangako pang ititikom ang bibig. Pagkatapos ng tawag ay tiningnan niya ang oras sa relong pambisig. Alas nuwebe na iyon ng umaga. Nakaayos naman siya pero hindi niya maiwan-iwan si Yvonne mag-isa sa condo niya. Balak niya sana itong gisingin ngunit noong maalalang pinagod niya ito ay pinigilan niya ang sarili.Napangisi siya sa naisip. Lahat ng plano niya ay sumasang-ayon sa kanya."I will leave you here for awhile, but I'll be back soon," bulong niya rito kahit pa mahimbing ang tulog nito.Inayos niya
"Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin
"I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin
"Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k
Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw
"G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta
Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig
"A-no bang pinagsasabi mo, Alaric? P-aanong kasal pa tayo?"Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ayaw na nitong sumagot. Pilit siya nitong pinapatulog. Paano naman siya makatutulog kung ganoon ang sinabi nito kanina?"Just sleep, Yvonne—""The f*ck, Alaric? Tingin mo ba makatutulog ako ngayon?!"Hinila niya ang buong kumot para ibalot sa katawan niya. Walang pakialam kahit pa mangisay sa lamig ng aircon si Alaric."Hind ako nakikipagbiruan, Alaric. Ji-no-joke time mo ba ako?""Just don't marry that Connor guy."Napatawa siya nang mapakla. Gusto niyang maiyak bigla. Sayang lang ang pag-alis niya at pagpaparaya kung kasal pa rin naman pala siya rito."Connor is my fiance, pakakasalan ko siya no matter what," pagdidiin niya.Bigla itong humarap sa kanya at kitang-kita niya ang gigil sa panga nito. Naningkit ang mga mata nito at bigla na lang hinawakan ang braso niya."I'm still your husband, Aber—""Don't call me that! Hiwalay na tayo! Dapat pinroseso mo ang annulment papers natin! May pi
Buong araw siyang tinuruan ni Alaric. Kinabukasan naman ay ilang meetings din ang dinaluan nila maghapon. Lahat iyon medyo nakaka-frustrate lalo pa't ayaw na talaga ng ilang investors. Ma-i-stress siguro siya ng sobra kung hindi nila napapayag ang huling investors. Dahil doon ay nakangiti pa naman siyang naka-uwi."Mommy, you became so busy," si Chelsea na agad yumakap sa bewang niya noong makapasok siya sa condo."I'm sorry, Baby. I'm helping your grandfather, hm. After this problem is solved, we can go on vacation. Alright?"Napalabi ito pero tumango rin, "Am I being a burden to you, Mommy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Melly dahil doon."Ma'am, kahapon pa iyan ganyan. Sabi ko mahal mo siya ng sobra kaya huwag niyang isipin iyon," kwento ni Yaya Melly.Napatango siya. Lumuhod at pinantayan ang tangkad ni Chelsea, "Baby, nope, you are not. You are my happiness and strength. Remember that, hm.""But, Mommy, someone told me that you might no
"Dad, hindi naman na kailangan. Hindi naman ako obligasyon ni Alaric," pangungumbinsi ni Yvonne sa ama nito.Kahapon kasi ay sa mansyon siya nito umuwi sa sobrang sakit ng damdamin niya. Naikwento niya ang nangyari dito, maging ang paghingi niya ng tulong kay Alaric. Ngayon naman ay basta na lang siya nitong niyaya sa kumpanya ni Alaric."Look at him now? He is beyond successful. Noon ay allergic iyan sa salitang kumpanya," komento nito habang naghihintay sila sa opisina ni Alaric.Napalabi siya. Himala ngang nagpatayo ito ng kumpanya gayong puro dagat ang hilig nito."This only means he didn't love you at all. Kung mahal ka talaga niyan dati, siya mismo ang magkukusang tumulong sa kumpanya noon pa!" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Ayaw na nga niyang magbalik tanaw pero pinipilit talaga nitong hindi siya mahal ni Alaric."I know, Dad," labas sa ilong na sagot niya.Natatandaan pa naman niya ang pagsabi sa kanya ni Alaric ng I love you, maging paglab