"She's not your Mom?" pagtatama ni Alaric.Imbis na magdiwang ay nalungkot pa siya matapos makitang umiling ni Chelsea. Napaawang ang mga labi niya sa nakikitang sakit sa mga asul nitong mga mata."I wish she was," malungkot nitong bigkas.Napalunok siya. Bakit imbis na takutin ito, mas natatakot pa siya para rito. Paano nga kung makatuluyan ni Yvonne si Connor? Mapapahamak lang ang bata."I was three years old when she got me from an orphanage. She was so lovely that day, but very sad," kwento nito.Napasandal siya sa upuan at maliit na nanguso. Bigla siyang naging interesado sa buhay ni Yvonne sa abroad."Really? Wasn't she scary?""Of course not! She adopted me and let me call her Mommy. I love her, and I hope that Uncle Connor will treasure her."Ngumiti ito pero alam niyang hindi abot sa mga mata.Nanliit ang mga mata niya, "Why do I feel like you don't really want Connor for her?" pang-i-intriga niya."What? It's not like that. Connor loves Mommy, but I am still hoping that My M
"Don't go with him again, Chelsea," paalala ni Yvonne sa anak."But Uncle Gwapo is kind. He's perfect match to Yaya Melly, right, Yaya?" Nilingon pa nito ang si Yaya Melly na nag-aayos ng buhok nito."Ano pong sinasabi ni Chelsea, Ma'am?"Napangiwi siya, "Gusto niya po na ligawan kayo ni Alaric—""Po?! Susmiyong bata ire! Ang tanda ko na sa ganyang ligaw-ligaw. Baka mamaya ay bumnagon mula sa libingan ang asawa ko at paluin pa ako no'n sa p*wet!"Napahalakhak siya habang si Chelsea ay naguguluhan."I don't understand, Mommy."Umiling siya rito. Hin*likan na lang niya ang noo nito, "There are things that are not allowed to be discussed with kids. Behave here. I'll go now."Nakasimangot pa ito pero kumaway na siya. Pagbukas niya naman ng pinto ay nawala ang ngiti niya. Naroon na si Alaric, nakasandal sa pader at kunot-noong nakatingin sa relong pambisig nito."We'll be late," tamad nitong bigkas bago umayos ng tayo.Umirap siya at nauna ng naglakad, "Pupuntahan ko muna si Daddy sa kulu
"Where have you been? I told you not to run after her! Hindi ka talaga marunong makinig!" Galit na sermon kay Alaric ng kanyang Lolo Frederick.Pinagsalubong niya ang kilay at hindi sumagot. Dumiretso siya sa bar area nila para kumuha ng alak.Hinabol niya nga kanina si Yvonne pero matapos makitang sumakay ito sa taxi ay hindi na. Malamang na uuwi lang iyon sa condo nito. Tinawagan niya na lang ulit ang ilang investor upang makumbinse ngunit nahirapan siya."God, Alaric! Kailan ka ba matututo? Bakit kasi hanggang ngayon hindi mo pa ipasa ang annulment paper ninyo?!" pagpapatuloy ng Lolo niya.Maling desisyon yatang umuwi siya sandali sa mansyon. Pumikit siya nang mariin. Ayaw niyang masagot ang matanda. Wala siya sa mood at gusto lang uminom ng alak."Lo, Kuya is up for revenge. Hayaan mo muna siyang gawin ang gusto niya," si Apollo na inabutan siya ng baso ng brandy.Sumandal siya sa bar counter at inisang lagok ang binigay ng kapatid. Hindi niya mapigilang ipagtagis ang mga ngipin.
"Dad, hindi naman na kailangan. Hindi naman ako obligasyon ni Alaric," pangungumbinsi ni Yvonne sa ama nito.Kahapon kasi ay sa mansyon siya nito umuwi sa sobrang sakit ng damdamin niya. Naikwento niya ang nangyari dito, maging ang paghingi niya ng tulong kay Alaric. Ngayon naman ay basta na lang siya nitong niyaya sa kumpanya ni Alaric."Look at him now? He is beyond successful. Noon ay allergic iyan sa salitang kumpanya," komento nito habang naghihintay sila sa opisina ni Alaric.Napalabi siya. Himala ngang nagpatayo ito ng kumpanya gayong puro dagat ang hilig nito."This only means he didn't love you at all. Kung mahal ka talaga niyan dati, siya mismo ang magkukusang tumulong sa kumpanya noon pa!" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Ayaw na nga niyang magbalik tanaw pero pinipilit talaga nitong hindi siya mahal ni Alaric."I know, Dad," labas sa ilong na sagot niya.Natatandaan pa naman niya ang pagsabi sa kanya ni Alaric ng I love you, maging paglab
Buong araw siyang tinuruan ni Alaric. Kinabukasan naman ay ilang meetings din ang dinaluan nila maghapon. Lahat iyon medyo nakaka-frustrate lalo pa't ayaw na talaga ng ilang investors. Ma-i-stress siguro siya ng sobra kung hindi nila napapayag ang huling investors. Dahil doon ay nakangiti pa naman siyang naka-uwi."Mommy, you became so busy," si Chelsea na agad yumakap sa bewang niya noong makapasok siya sa condo."I'm sorry, Baby. I'm helping your grandfather, hm. After this problem is solved, we can go on vacation. Alright?"Napalabi ito pero tumango rin, "Am I being a burden to you, Mommy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Melly dahil doon."Ma'am, kahapon pa iyan ganyan. Sabi ko mahal mo siya ng sobra kaya huwag niyang isipin iyon," kwento ni Yaya Melly.Napatango siya. Lumuhod at pinantayan ang tangkad ni Chelsea, "Baby, nope, you are not. You are my happiness and strength. Remember that, hm.""But, Mommy, someone told me that you might no
"A-no bang pinagsasabi mo, Alaric? P-aanong kasal pa tayo?"Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ayaw na nitong sumagot. Pilit siya nitong pinapatulog. Paano naman siya makatutulog kung ganoon ang sinabi nito kanina?"Just sleep, Yvonne—""The f*ck, Alaric? Tingin mo ba makatutulog ako ngayon?!"Hinila niya ang buong kumot para ibalot sa katawan niya. Walang pakialam kahit pa mangisay sa lamig ng aircon si Alaric."Hind ako nakikipagbiruan, Alaric. Ji-no-joke time mo ba ako?""Just don't marry that Connor guy."Napatawa siya nang mapakla. Gusto niyang maiyak bigla. Sayang lang ang pag-alis niya at pagpaparaya kung kasal pa rin naman pala siya rito."Connor is my fiance, pakakasalan ko siya no matter what," pagdidiin niya.Bigla itong humarap sa kanya at kitang-kita niya ang gigil sa panga nito. Naningkit ang mga mata nito at bigla na lang hinawakan ang braso niya."I'm still your husband, Aber—""Don't call me that! Hiwalay na tayo! Dapat pinroseso mo ang annulment papers natin! May pi
Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig
"G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta