Share

Chapter Two

Author: Artista Kho
last update Huling Na-update: 2022-01-12 13:05:34

Sofia

"HINDI ko talaga kayang lumabas ngayon sa sakit ng puson ko, Yan. Kakausapin ko si Mike na kung pwede ay siya nalang ang pumalit sa akin ngayon." Sapo niya ang puson habang namimilipit sa sakit. Kanina pa siya nagpagulong-gulong sa kanyang kama pero wala paring nangyayari.

Photoshoot sa isang inside cover ng Infinity Mag ang gagawin nila ngayon kaya hindi naman gaanong importante ang featured photographer. Hindi talaga niya kaya ang sakit ng puson niya.

"Inuman mo nalang iyan ng pain reliever. I'm sure mawawala rin iyan. We can't postpone the shoot, Sof, dahil nandito na ang mga models. Nakakahiya naman."

"Kaya nga tatawagan ko si Mike. Hindi ako makakapagtrabaho ng maayos na ganito ang nararamdaman ko. At alam mong magaling rin si Mike," she said, wincing in pain.

Katulad niya ay graduate rin si Mike sa UP. They used to share the same ideals when it comes to their passion about photography. Iyon ngalang ay scenic photography ang forte nito. Minsanan lang itong tumatanggap ng fashion photography.

"Pakisabing hindi ko talaga kaya ngayon. I'm sorry about this, Yan. Pakisabi nalang kay Glenn at kay Gia."

"Naku Sof, Glenn will nag about this pero may magagawa pa ba ako?"

Nakahinga siya ng maluwang. "Thanks, Yan."

"Alright Sof, get well soon."

Pagkababa ng tawag ay agad niyang tinawagan si Mike. Sandali lang siyang nakipag-usap kay Mike at hindi man lang ito nagdalawang isip. Good thing Mike was free the entire day.

Thank God! Na-save ako dun!

Matapos ay bumalik muli siya sa pagtuwad sa kanyang kama pero hindi parin mawala-wala ang sakit. Tinawagan narin niya si Manong Lito na hindi na siya magpapasundo.

Diyos ko, puson tantanan mo na ako!

Hawak-hawak ang puson na tumakbo siya sa kusina para kumuha ng hot water bag. Saka niya hinalungkat ang kanyang medicine cabinet para uminom ng pain reliever. Sa kasamaang palad ay isa nalang ang natitira roon. Ininom niya muna iyon bago muling bumalik at gumulong-gulong sa kanyang kama.

Maya-maya ay napaiyak na talaga siya sa sobrang sakitKahit yata anong gulong at posisyon ang gawin niya ay wala talaga siyang balak na kaawaan ng kanyang puson.

Gab nasaan kana ba? Kailangan yata nito ang healing touch mo. Ang sakit-sakit!

Ilang minuto lang ay walang sabing tumunog ang kanyang doorbell. Wala siyang inaasahang bisita ngayon. Baka naman pinuntahan siya ni Glenn para talakan?

She lazily got up from her bed at hindi na inabalang tingnan ang mukha sa salamin. Alam niyang mukha na siyang bruha sa gulo ng buhok niya at namumula na ang ilong niya sa kakaiyak.

Suminghot muna siya bago binuksan ang kanyang pinto. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaking nakatayo roon. She didn't expect that he would be back this early. Hindi na niya mapigilan ang muling mapaiyak.

"Gab..."

Agad itong lumapit sa kanya, hinaplos ang kanyang magkabilang pisngi. "What happened?" nag-aalalang tanong nito.

"Ang sakit ng puson ko..." naiiyak niyang sabi at agad na napayakap dito.

"Sinasabi ko na nga ba." Walang sabing binuhat siya nito. "I'll take you to your room. Uminom kana ba ng gamot?"

Tumango siya at kumapit sa batok nito at isiniksik ang mukha sa malapad nitong d****b. Gab always smelled so nice. Nanunuot sa ilong niya ang bango nito. At tuwing nakukulong siya sa mga bisig nito palagi ay nararamdaman niya ang ibayong seguridad doon.

She was always comforted by his embrace...

Always.

"Ang aga mo naman?" tanong niya at lalong isiniksik ang mukha sa d****b ni Gab para samyuin ang bango nito.

"I boarded the earliest flight."

Maingat na inilapag siya nito sa kanyang kama bago nito inayos ang kanyang pagkakahiga. "May natira pa ba dun sa gamot mo?"

"Wala na."

Kinuha nito ang hot water bag at maingat na inilagay sa kanyang puson. "Magluluto na muna ako ng makakain mo."

He was about to leave pero mabilis na hinawakan niya ang kamay nito. "Dito ka muna, Gab."

He heaved out. Umusog siya sa kama. Tinabihan siya nito saka niyakap habang bahagyang hinimas-himas ang kanyang puson. Napapikit siya. Nakakawala talaga ng sakit ang haplos ni Gab.

"Masakit pa ba?" malambing nitong tanong.

She nodded her head.

"Magpapatingin tayo sa doktor pagkatapos nito, Sofia. You've been like this every month."

"Saka nalang, mas gusto kong magpahinga," sabi niyang napatitig sa mukha nito.

Nakaharap siya kay Gab habang ito naman ay nakatagilid sa kanya. God must have really blessed Gab. Nang magsabog talaga ng grasya si God ay sinalong lahat ni Gab.

She couldn't blame why her friends always talk about him. And she couldn't blame his women either. She had often heard from her friends that Gab had the sexiest face. Paano ngaba naman? He got a pair of piercing deep-set brown eyes that were a bit chinky, his face chiseled, his nose carved perfectly, and he got the lips that could have belonged to a woman. Even his stubbles complemented his features.

Maraming mga gwapong lalaki na siyang nakita pero iba ang dating ng aura ni Gab. Meron kasi na by definition gwapo pero hindi naman maka-agaw pansin, pero si Gab, according sa mga kaibigan niya'y titig palang umano eh maglalaway kana at dating palang umanamo'y mapapanganga at mapapatigil ka. Mataas na uri ang kagwapuhang taglay ni Gab. Tama nga si Glenn na nagmumukha na itong illegal.

"You've been looking at my face for more than a minute now, Sofia. May dumi ba sa mukha ko?" he asked while rubbing her belly.

"Wala."

"Sobrang gwapo ko ba?" nanunukso na ang boses nito.

Pinaikot niya ang mga mata. "Yabang nito!"

"Bakit hindi ba totoo?"

"Are you fishing for compliments, Gabriel Montero?"

He chuckled. "Bakit ba ayaw mong aminin?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Oo na gwapo kana, ngayon masaya kana?"

Sarap kalmutin ng mukha! Salamat ka't ayaw kong bahidan ng kalmot ko ang mukha mo!

Muli itong natawa at inangat ang isang kamay para haplusin ang ulo niya. "Anong gusto mong kainin?"

Ngumuso siya. "Type kong kainin iyong macaroni soup mo, miss ko na yun. Siya nga pala, kumusta ang DINNER meeting mo kagabi?" sabi niyang inidiin pa ang dinner.

Nakakalokong tinitigan siya nito. "Why do I have a feeling that you're being sarcastic?"

"Ako sarcastic? Hindi ah, kinakamusta ko lang ang meeting mo."

"Okay naman ang meeting. Kailangan lang mafinalized ang blueprint ng ipapatayong hotel doon."

"Babae pala ang architect niyo?"

"We have three architects, Sof."

"Tatlo? Eh ba't kay Lexi kalang nag excuse kagabi?"

Sinasabi ko nga nga ba at may side trip din ang business na pinuntahan nito kahapon.

"Si Lexi lang ang kausap ko kagabi dahil siya ang head architect."

"Teka lang may naalala akong Lexi Jimenez na kaklase mo noon? Siya ba yun?" Bigla siyang napalunok ng maalala iyon. Gab was an architect too. Kung hindi siya nagkakamali ay ang Lexi na iyon ang kasama ni Gab?

"Yeah, ba't mo ba natanong?"

Oh my gosh! Muli siyang napalunok at naalala ang isang tagpong hindi niya malilimutan noon. Dalawang taon ang tanda ni Gab sa kanya at kahit na college na siya ng mga panahong iyon ay hindi pa masyadong bukas ang isip niya sa mga makamundong bagay kagaya ng naabutan niya noon.

"Sofia?" untag nito.

"Wala may naalala lang ako."

Naalala ko kung pano mong dinungisan ang inosenteng utak ko! Gusto sana niyang idagdag.

Even before, Gab was always discreet with his affairs when it comes to women. Alam niyang may mga naging babae ito, aside sa mga naging girlfriends nito noon pero hindi nito iyon minsang isini-share sa kanya. Nagugulat nalang siya kung minsan na may nang-susugod o 'di kaya ay may nang-aaway sa kanyang babae. Gab was also very private with his sex life. Well, he must have been so discreet para hindi niya malaman ang mga 'privy slash filthy' activities nito pero ang hindi nito alam ay ilang beses na niya itong nahuli in action and the worst was with that Lexi the BitchyPano kasi, magkatabi lang ang condo nilang dalawa noong nag-aaral pa sila sa UP. Malaya rin siyang nakakapasok sa condo nito dahil may spare key naman siya niyon.

"Sofia?" untag nito na hinahaplos na ang kanyang ulo na tila bata ngayon. "Masakit pa ba ang puson mo?"

"Masakit parin pero hindi na gaya kanina." Nagsimula na siyang pumikit. Bakit ba nadidistract siya ngayon sa kagwapuhan ni Gab? Noon pa naman niya alam na gwapo ito.

What is happening to me now? inis na d***g niya.

Must be your hormones Sofia.

Yes!

Baka nga nag ra-riot lang ang hormones niya dahil may dalaw siya ngayon.

"Matulog ka nalang muna, Sof. Gigisingin nalang kita mamaya."

"Uhmm... mamaya kana umalis pagnakatulog na ako."

"I'll stay here, Angel. Matulog kana."

Napahinga siya ng malalim saka umusog para isiksik ang ulo sa d****b ni Gab. Angel ang kadalasang ginagamit ni Gab na endearment sa kanya lalo na pagnalalambing ito. Awtomakito naman nitong pinulupot ang braso sa kanyang tagiliran. Naramdaman pa niya ang pagbuntong hininga nito. And she could almost hear the beating of his heart. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso nito o sa kanya ba iyon?

Nakagat niya ang pangibabang labi. She couldn't let Glenn's idea drift over her head. Hindi pwede! Hindi! Not after what happened ten years ago. And definitely not with Gab!

Naramdaman niya ang marahang pagtaas baba ng haplos nito sa kanyang likod. She felt too drowsy at the moment. "Gab?"

"Uhm?"

"Huwag mo akong iwan ha?" sabi niya sa inaantok ng boses.

"Dito lang ako, Angel. Go to sleep now."

"Uhm... thanks. Yung soup ko ha?"

Naramdaman niya ang pagngiti nito. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Ang kulit. Matulog kana."

"Uhmm...I'm sleeping na..."

Hindi na sumagot si Gab, siguro ay para hindi na siya mangulit. Napasiksik lalo siya sa d****b nito at maya-maya ay naging payapa ng ang kanyang paghinga.

__

Gab

TUWING ganitong pagkakataon lang siya nagkakaroon ng kalayaan na mapagmasdan si Sofia.

His Sofia.

She'd gone asleep dahil naging mapayapa na ang paghinga nito. Maingat na hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha nito. She was just only a small cute girl the first time he met her. He hadn't noticed that the years had passed and it had been almost two decades since he met her. Now, she had grown and the years must have been really good to her because she was the most beautiful sight that he had ever seen--immaculately beautiful from head to toe.

And he admired how she was able to go through with her life despite the tragic deaths of her loved ones.

Unang beses na makita niya si Sofia ay pinangako niyang po-protektahan ito sa lahat ng taong gustong manakit dito. He vowed to protect her with all his life.

Pinadaan niya ang mga daliri sa mahabang buhok nito at napatingin sa bedside table kung saan nakapatong ang isang picture frame. The picture seemed like it was just taken recently but it had been fifteen years.

Tatlo silang nasa litrato. Nasa gitna si Sofia habang nasa magkabilang gilid naman sila ni Ethan. The picture was taken at the famous Grand Canyon in Arizona.

"Tol, I won't live long enough to take care of Sofia. Ikaw na sanang bahala sa kanya kung mawala na ako."

Naalala niyang sabi ni Ethan ng minsang magkasarilinan sila nito.

Ethan was his cousin and he was also his very best friend. They grew together all their lives. And they grew up all their lives protecting the woman that was both dear to them.

He felt a tug in his heart watching Sofia right now. Alam niya kung gaano kahirap at kasakit ang mawalan ng mga mahal sa buhay. Kaya naman ng nawala si Ethan ay hindi na siya kailanman nawala sa tabi ni Sofia.

Sampung taon na ang lumipas. Sampung taon rin niyang dala-dala ang isang sekretong hindi niya pwedeng sabihin dito.

There was too much that he wanted to tell her. Too much. But he knew that the truth would break her, and he couldn't stand that sight. Hindi niya kakayaning makita itong labis na masaktan. Even if he would bear the hurt all by himself ay okay lang.

Huwag lang si Sofia.

"Huwag mo akong iwan..." Sandali siyang natigilan mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ang boses ni Sofia. Tulog pa ito at mukhang nanaginip. Naramdaman niyang maslalo nitong isiniksik ang mukha sa kanyang d****b.

Marahang hinaplos niya ang ulo nito. "I won't leave you, Angel," sabi niya at bahagyang hinalikan ang noo nito.

Nanatili muna siya roon ng ilang minuto habang pinapakiramdaman ang payapang paghinga nito. Ilang sandali lang ay maingat siyang bumangon at tinungo ang kusina para lutuin ang request nito. Kahit na medyo puyat at pagod mula sa byahe ay sinikap niyang gumalaw. Maaga ring tumawag ang kanyang sekretarya na may pipirmahan siyang mga importanteng papeles mula sa iba nilang contractors.

He had no spare t-shirt kaya hinubad na muna niya ang suot na puting t-shirt bago nagsimulang magluto.

Mamaya-maya ay tumunog ang kanyang telepono. Ang sekretarya niya iyon. Hininaan muna niya ang gas at nagpunas ng kamay bago iyon dinampot.

"Goodmorning po, Sir. Pasensiya na po sa istorbo, itatanong ko lang po sana kung anong oras po kayo makakabalik ng office? Hinihingi na po kasi ni Mister Chan noong isang araw ang kontrata."

"Just prepare the contracts, Jen. Ako nang bahalang tumawag kay Lito para kunin iyan. Hindi ako makakapasok ngayon. I'll let him send the contracts here, ipapadala ko nalang mamaya.'"

"Ah-eh...okay po, Sir. Sige po, sorry po ulit sa istorbo."

"It's okay, Jen. Thanks."

Matapos ang tawag ay si Lito naman ang tinawagan niya para kunin nito ang kontrata at para narin bumili ng mga personal na kailangan ni Sofia at gamot nito bago niya binalikan ang niluluto at tinikman kung tama lang ang alat niyon. Ayaw ni Sofia ng matabang at gusto nito ng maraming paminta. Pag-ayaw nito ang isang bagay at kung hindi nito gusto ay hindi nito iyon pinangengemihang sabihin.

Wala sa loob siyang biglang napangiti. He can't really blame her. Masyado nila itong na spoiled ni Ethan.

"Luto na ba 'yan?" he was strayed in his tracks when he heard that soft mewling voice.

He cleared his throat. "Masakit pa ba ang puson mo, Sof?" Pinatay niya muna ang gas bago ito binalingan.

God help him but she was really beautiful. Sabog ang buhok nito at medyo naniningkit pa ang mga mata. Nakasuot ito ng isang puting oversized t-shirt pero maskin ang maluwang nitong damit ay hindi naikubli ang makurbang katawan nito. Hindi niya alam kung paano niya nakakayanan ang lahat ng araw na-nakakasama ito, kahit ngayon ay katakot-takot na kontrol at pagpipigil sa sarili ang ginagawa niya, hindi lang ito masunggaban.

"Masakit parin pero medyo okay na." Pupungay-pungay na umupo ito sa dining table. "Gutom na ako, Gab, okay naba 'yan?"

"Hindi ka pa sana bumangon," sabi niya at nagsimula na itong sinalinan ng sopas sa mangkok.

"Masakit lang ang puson ko, hindi naman ako super sick."

"You could have at least stay there, Sofia." Nilapag niya ang sopas sa harap nito.

Sandali itong natahimik at napatingin sa kanya.

"What?"

"Ah eh, baka busy ka ngayon, okay naman na ako..."

"You have weird episodes of cramps, Sofia. I won't leave, not when you're already good."

I'd still want to take care of you, Angel.

Kaugnay na kabanata

  • My Angel Gabriel   Chapter Three

    SofiaBAKITba siya nadi-distract sa hubad na katawan ni Gab ngayon? Kanina sa mukha nito ngayon naman sa katawan nito?Gosh, this is so weird!Hindi niya napansing napailing-iling siya sa tinakbo ng kanyang isip."Bakit? Hindi mo nagustuhan ang lasa?"Gosh! Don't talk to me right now Gab, I'm having weird dilemmas right now--if I'm going to eat this soup o ikaw nalang kaya papakin ko?"Sofia?"Napapikit siyang nakagat ang pang-ibabang labi."Hey!" Inangat ni

    Huling Na-update : 2022-01-12
  • My Angel Gabriel   Chapter Four

    Sofia"THAT'Sa wrap guys! Great job!" narinig nilang sigaw ni Stephanie na siyang art director at editor-in-chief rin ngMiliage.Tiningnan niya ang mga nakuhang ramdom shots sa isang monitor.Napangiti siya.Hindi siya masyadong nahirapan sa shoot. Brandon was really a natural. Nasa ika-fifteenth floor sila ngayon ng Sunset Hotel kung nasaan ang pool area na pinagdarausan ng kanilang photoshoot.Nagulantang siya ng may kung anong mainit na hanging umihip sa tenga niya. Agad siyang napalingon at napalunok ng makitang nakatayo si Brandon sa kanyang likuran at mataman siyang pinakatitigan.

    Huling Na-update : 2022-01-12
  • My Angel Gabriel   Chapter Five

    Gab"NOWtell me? Paano mong nakilala si Brandon? Bakit nung napagusapan natin siya ay hindi mo naman siya kilala?" Sunod sunod na tanong ni Sofia.They were squatting on the floor face to face. Ang nakapagitan lang sa kanila ay ang maliit na mesa. Dinala niya si Sofia sa isang Japanese restuarant sa mismong hotel na pinagdausan rin nito ng photoshoot dahil alam niyang paborito nito ang naturang pagkain at lagi ay agad na nawawala ang tampo nito pagnakakatikim ng tempura. Pero mukhang wala itong planong palipasin ang nangyari kanina."Sofia, maano lang ba't kumain ka muna?"Naningkit ang bilugang mga mata nito. "Hindi ako kakain hangga't hindi mo sinasabi!"

    Huling Na-update : 2022-01-15
  • My Angel Gabriel   Chapter Six

    SofiaBWISIT!wala nabang masta-traffic pa rito?Binusinahan ni Sofia ng pagkalakas ang isang kulay pulangFord Mustangna kung magitgit sa sasakyan niya ay wagas. Nag Roxas Boulevard na nga siya dahil akala niya makakaluwang-luwang siya sa traffic pero hindi parin pala!Galing siyang Quezon City para pumirma ng kontrata sa isang upcoming project ng PNC Network. The network chose her to be the featured photographer for some of their talents magazine exposure.Lalong gumitgit ang harapang bumper ng Mustang sa gilid ng sasakyan niya para makasingit. Sa malas niya ay rush hour pa siya nagpasyang umuwi.

    Huling Na-update : 2022-01-15
  • My Angel Gabriel   Chapter Seven

    Sofia"SA HAGIA ANOSsiya tumutuloy ngayon, Jen?""Opo Ma'am Sof..." Antok na antok pa ang boses ng sekretarya ni Gab, halatang naantala ang tulog nito. Alas sies palang kasi ng umaga. Sinigurado lang naman niyang sa resort ni Gab ito tumutuloy."Sige Jen, thank you. Sorry sa istorbo."She ended the call.She boarded the earliest flight today kaya medyo inaantok pa siyang lumabas ng Davao International Airport. Pero napangiti siya ng masilayan ang pamilyar na tanawin mula sa labas ng airport.Ilang taon rin ba siyang hindi nakabalik sa Davao? Two, three? It was so good to be bac

    Huling Na-update : 2022-01-15
  • My Angel Gabriel   Chapter Eight

    SofiaFlashback: Sometime eight years ago..."OHGab...Oh you feel so good..." nagulantang si Sofia nang marinig ang ungol ng isang babae.At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita si Gab at ang isang babae sa counter ng mismong sink nito. Gab was on his back, wala na itong suot na damit, nakalilis ang denim pants at ang boxers nito sa may bandang hita nito.Napalunok siya ng mapagmasdan ang malapad na likod ni Gab at ang malusog na puwet nito. But what struck her in her tracks was the scandalizing view--the woman's legs on either side of Gab's hips!Unti-unting napaangat ang kanyang mukha at muntikan na

    Huling Na-update : 2022-01-20
  • My Angel Gabriel   Chapter Nine

    SofiaContinuation some eight years ago..."ANONGgagawin natin dito, Sofia?" napakunot noo na napatitig si Gab sa labas ngPintado. Pag-aari iyon ni Borgy Manalo, isa sa mga kaklase niya sa UP. Kagaya niya ay may pasyon rin ito sa art, sa pagta-tattoo nga lang ang forte nito."Basta halika na!" Nangingiti-ngiting hinila niya ito papasok sa glass door."Bogs!" masiglang sigaw niya ng makapasok na sila ni Gab sa loob."Sofia, napadalaw ka?" Napatayo si Bogs mula sa counter na kinauupuan nito. Nangingintab sa tattoo ang buong braso at leeg nito. Tinanguan nito si Gab na nasa kanyang likod. "Gab."

    Huling Na-update : 2022-01-20
  • My Angel Gabriel   Chapter Ten

    Sofia "HIMALAyata't nag-aya kang lumabas ngayong gabi, Sofia? Saan kaba galing, ha? Bakit itong si Mike ang gumawa ng photoshoot mo dapat kanina saChic Mag?" sunod-sunod na tanong ni Glenn sa kanya habang pumipilantik pa ang mga pilik mata. Katabi nito si Mike na mukhang alam na kung anong rason ng pinagmamarakulyo ng kaluluwa niya. Sa kanilang magbabarkada kasi ay si Mike talaga ang isa sa mga pinakaclose niya dahil pareho sila ng forte at pareho silang galing UP. They were currently atRedlight. Isa sa mga elite bars sa Global City. Pagkadating niya galing Davao kanina ay agad niyang tinawagan ang kanyang mga kaibigan. Kailangan ng alcohol ng dugo niya ngayon.

    Huling Na-update : 2022-01-20

Pinakabagong kabanata

  • My Angel Gabriel   Special Chapter Four

    [Sofia's POV]"CANyou just leave? Gusto kong mapag-isa," I said calmly though I'm really dying to slap his face. Anong akala niya, na madadaan niya ako sa mga paglalambing at paglalandi niya ngayon?Napapiksi ako nang maramdaman ko ang mga palad niya sa talampakan ng isa kong binti. He was beginning to do that mouthwatering massage again."Gab!" Sinamaan ko siya ng tingin. I tried to let go from his grip pero tuloy niyang pinadaan ang mga daliri niya roon. This was his usual routine. Ang pagmamasahe sa mga talampakan ko. "Ano ba!"" I don't think this has something to do with what the kids and I did. Ano bang problema, Angel?"malambing niyang tanong. Aba, kung maka asta siya akala niya wala siya

  • My Angel Gabriel   Special Chapter Three

    [Sofia's POV]"AREyou okay, Sof?" tanong ni Dyan nang mapansin niyang napatulala na naman ako.Manong Lito's already outside. He already sent the kids home so I guess I have no choice but to go home too. I'll have to act like nothing's wrong with me in front of the kids. And the worst was, I'll have to endure Gab's presence tonight."I'm not okay. You know that," sagot ko."Then, do as I say. Kausapin mo si Gab habang maaga pa."I hope it was just as easy as that. Talk to him and ask him who the hell that bitch was. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging kalmado kapagka nakita ko siya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko siya ng

  • My Angel Gabriel   Special Chapter Two

    [ Sofia's POV]WHAT'Sthe best gift that you could give to a person who practically has everything? Hay, ang hirap! My husband has everything and anything that anyone could ever wish for. Yes! Eversince, he'd tell me na wala nadaw siyang mahihiling pa. He has me and our kids ( the most important to him next to his company as he would always tell)."Ma'am ito po baka magustuhan ng asawa niyo."Dumukwang ako sa estante ng mga mamahaling relo. The sales lady brought out a rolex watch. "Latest model po namin iyan ng men's watches," she smiled as I took and examined the watch.It was a simple leather strapped watch with an aluminum case and glow-in-the-dark hands. I think it would suit Gab just

  • My Angel Gabriel   Special Chapter One

    [Gab's POV]"PUSHit more, baby! One more!" Sofia tightly squeezed my hand as she went for another push. I hoped I could just take in all the pain that she was feeling right now.Kada ere niya ay pinagdarasal kong iyon na ang huli. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon, it's her fifth delivery but she was taking it so bad."Last na talaga 'to, Gab! Ayoko na!" she yelled. "Akin na yung isa mong kamay!"Binitawan ko ang telang pinangpupunas ko sa pawis ng asawa ko saka ko iyon inabot sa kanya . She grabbed my free hand impatiently. I knew what she was about to do next."Arrrggghhhh..."she pushed once again habang kagat kagat niya ang kamay

  • My Angel Gabriel   Last Chapter

    [Sofia's POV]Me:Where are you?Anong oras na?Umuwi kana!I heaved a sigh as I typed in the words in my cellphone's keypad with deep conviction.That guy had been going home late for three consecutive nights. Malilintikan na talaga sa'kin ang lalaking iyon ngayon. It's past ten in the evening and I've already tucked the kids to bed. Nakapag-half bath narin ako and I was able to clear out the dishes and some stuff in the kitchen. Hindi na naman namin nakasama ang asawa kong mag dinner ngayon. I've been looking forward kasi our dinner time being a little lone family time, like our little bonding moment because we're kind of busy in the morning.

  • My Angel Gabriel   Chapter Thirty Five

    SofiaTHEYhad been okay. Umalis parin si Gab patungong Thailand pero bago ang araw na iyon ay nagulat nalang si Sofia na pinapunta pala ni Gab si Tita Astrid sa tinitirhan nito. Hindi umano ito kampanteng mag-isa siya ngayon, lalo't buntis siya. Wala siyang naging ibang choice. She stayed at Gab's town house kasama si Tita Astrid."Sofia, you'd been working all day long, kumain kana muna." Naglapag ito ng pakain sa mini table kung saan siya naka upo. Kararating lang niya mula sa isang photo shoot and she was really drowsy.The past few days were great. She felt like making up lost moments with Tita Astrid. Nagsisimula na muli siyang maging komportable dito at madalas sila nitong nagkikwentuhan.

  • My Angel Gabriel   Chapter Thirty Four

    Sofia"CONGRATULATIONS!You're pregnant!" nakangiting anunsiyo ng OB.Tulalang napatitig siya sa doktor. She was expecting this pero she was still shock of the confirmation.Magkaka-baby na sila ni Gab? She will have a little Montero for real? A little Gab or her little version?Oh my God!Wala sa sariling napatitig siya kay Gab na naka-upo paharap sa kanya. Handa na sana siyang sikmatan ito pero natigilan siya nang makita itong naluluha habang nakikinig sa pinapaliwanag ng kanyang OB na hindi niya maintindihan.Gosh! Talagang umiyak? Tears of misery or tears of joy

  • My Angel Gabriel   Chapter Thirty Three

    Sofia"SOFIEyou know, we can't afford to lose your shots," daing ni Glenn habang nagliligpit siya ng mga naiwang gamit sa mini office niya sa Infinity. "The management is just asking you to apologize.""No! I won't apologize. Hindi ko na kasalanan kung ipinanganak na bruha ang lecheng Leximina George Jeminez nayan! Kung iyan ang gusto ng head ay wala na akong magagawa."Nagpapadyak si Glenn. "Sofie naman. Nakiusap na nga ako kay Madam na iyon nalang ang gagawin mo. Apologize.""No!" Hindi niya ito binalingan at tuloy lang sa pagsilid sa mga gamit niya sa dala-dalang box."Sof, we're the best client you--"

  • My Angel Gabriel   Chapter Thirty Two

    EthanHEunderwent all the best treatment. Hindi kahit kailan sumuko ang kanyang ina kahit na sobrang napakaliit ng posibilidad na pwede pa siyang mabuhay.He too wanted to live.Gusto pa niyang mabuhay para sa kanyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya. Gusto pa niyang mabuhay para kay Sofia noon.Napakarami niyang pangarap para sa kanila. Asang asa rin siya noong gagaling pa siya kaya halos gumuho ang mundo niya ng tinaningan na siya ng doktor. Si Sofia agad ang naisip niya. Natakot siyang hindi na niya ito muling mahawakan, mayakap at mahalikan. Takot na takot siyang mangyari iyon. Pero kalakip ng takot niya ay ang labis labis na pagmamahal na nararamdaman rin niya par

DMCA.com Protection Status