Sofia
"SA HAGIA ANOS siya tumutuloy ngayon, Jen?"
"Opo Ma'am Sof..." Antok na antok pa ang boses ng sekretarya ni Gab, halatang naantala ang tulog nito. Alas sies palang kasi ng umaga. Sinigurado lang naman niyang sa resort ni Gab ito tumutuloy.
"Sige Jen, thank you. Sorry sa istorbo."
She ended the call.
She boarded the earliest flight today kaya medyo inaantok pa siyang lumabas ng Davao International Airport. Pero napangiti siya ng masilayan ang pamilyar na tanawin mula sa labas ng airport.
Ilang taon rin ba siyang hindi nakabalik sa Davao? Two, three? It was so good to be back at her hometown. She can definitely breath the familiar air. Marami siyang masasayang ala-ala sa lugar...
At marami ring malulungkot...
Pinuno muna niya ng hangin ang kanyang baga bago nagsimulang maglakad. Bitbit ang maliit niyang bagahe ay nagtuloy-tuloy siya sa paradahan ng taxi. Mangilan-ngilan lang ang taong naroon, siguro dahil maaga pa at ang iba ay may mga sundo.
Agad namang may lumapit na taxi sa kinatatayuan niya.
"Sasa Wharf po ako, Kuya,"
sabi niya sa driver nang maibaba nito ang bintana ng sasakyan. Sandali muna siyang kunot noong tinitigan ng driver bago ito lumabas ng taxi para tulungan siyang maipasok sa backseat ang kanyang bagahe.Nang makapasok ay saka lang niya naalala na kailangan pa pala niya ng sasakyan hanggang sa Samal. "Ay siya nga pala Kuya, makakatawid ka po ba ng Samal?"
"Pwede po Ma'am pero medyo malayo-layo po iyon. One five po ang singil ko doon."
"Okay po Kuya, wala pong problema."
"Ah Ma'am naifeature na po ba kayo sa magazine?"
Hmm...mukhang magandang pangbugad ang driver na 'to. Gandang-ganda siguro sa beauty ko.
"Bakit po ninyo naitanong, Kuya?" abot tengang ngiti niya.
"Mukhang nakita ko na po kasi mukha ninyo sa isang magazine, photographer po kayo at kayo po kumuha sa mga litrato ng crush kong si Angel Locsin.
Takte iyon pala iyon!
Minsan na kasi siyang naifeature kasama ang ibang magagaling na photographer sa i-ilang magazine sa Pilipinas.
Panira naman ang isang 'to, pero di bale na.
"Kayo po ba iyon, Ma'am?"
"Hindi ako yun, kamukha ko lang siguro."
"Ah ganun ba? Mukhang kamukha niyo po kasi, magkasing kulay kayo ng buhok nung nasa magazine."
At kailan pa naging magkamukha ang taong may parihong buhok? Kaloka!
Hindi na niya sinagot si Manong driver.
"Saan po kayo sa Samal, Ma'am?" maya-maya'y tanong nito.
"Sa Hagia Anos Resort po, Kuya."
"Ah Guest po kayo ng mga Montero, Ma'am? Diba, meron naman po silang mga tagasundo ng guest sa airport? Meron nga rin po silang mga chopper na sumusundo sa mga guest sa airport."
Itsurero talaga 'tong tsuper na 'to! Pero ayaw niyang mabadtrip kaya pinanatili niya ang magandang mood.
"Hindi po ako nakapabook kuya kasi agaran po ang pagpunta ko rito."
"Ganun po ba, Ma'am? Sakto rin po ang dating niyo ngayon dahil mga kulang-kulang beinte minuto ay tatawid narin ang barge papuntang Samal. Makakahabol pa po tayo."
Napangiti siya.
Mabuti naman at maaga niyang masusurpresa si Gab. Sigurado siyang natutulog pa ang kumag.
Humanda talaga ang lalaking iyon at hindi man lang nagparamdam!
First time nitong hindi tumawag o mag text man lang but it wasn't really her concern. Papatawarin niya ito dahil birthday naman nito. At kahit grabeng pagtatalak ang inabot niya kay Miles ay sulit naman. Makakasama niya si Gab sa mismong twenty ninth birthday nito.
"Kuya music naman po diyan, pang goodvibes," untag niya sa driver ng maputol ang kanyang pag-iisip.
"Aw sorry, Ma'am. Sige."
Binuksan ng driver ang stereo nito at naghanap ng estasyon.
Dahil sa nalibang narin siya sa pakikinig ng music ay hindi na niya namalayang nakatawid na sila ng Samal at ngayon ay nasa gate na sila ng resort ni Gab.
Napangiti siya nang makita ang napakagandang tanawin.
"Naku Ma'am, 'di po pwedeng pumasok ang kotse sa loob, golf cart po ang nagdadala sa mga turista sa loob ng resort."
"Alam ko po, Manong." Nag-abot siya dito ng dalawang libo. "Keep the change."
Abot hanggang tenga ang ngiti ni Manong Driver. "Naku salamat po, Ma'am. Pang good vibes po kayo sa umaga."
Dahil magaan lang ang kanyang dala ay siya na mismo ang kumuha niyon at hindi na nagpatulong.
Hmm...maka stay na nga rin ng ilang araw man lang dito at namiss ko 'to.
The resort used to be a private property of the Monteros. Lately lang iyong ginawang resort when Gab came back from the US. Si Gab mismo ang nagdevelop at pinangalan nitong Hagia Anos. It sounded weird and she didn't have the slightest idea kung saan iyon hinugot ni Gab.
"Goodmorning po Ma'am! Any reservation?" bati ng isang nakaunipormeng babae sa kanya na mukhang siyang naka assign na sumalubong ng mga bisita sa gate. Binati rin siya ng isang lalaking katabi nito. Todo smile ang mga ito sa kanya. Feeling good vides tuloy siya. Napakalinis at napakadesente pa ng mga itsura at uniform ng mga ito.
Pang world-class.
Well, hindi nakapagtataka.
Maarte kasi ang may ari ng resort.
Binigyan niya rin ang mga ito ng malawak na ngiti. "I don't have any reservation. Nandito pa ba si Tatay Pino?"
Sana naman ay naroon pa ito at kailangan niya ang tulong nito. Sigurado siyang hindi siya basta-bastang papasukin ng mga ito sa alinmang private villas ng mga Montero lalo't mukhang hindi siya kilala ng mga ito.
"Nandito po siya, Ma'am. Sandali lang po at ipapatawag po namin," magalang na sagot ng babae.
"Pakisabi nalang na andito si Sofia Fernandez."
"Sure po, Ma'am."
"Ma'am please follow me po, doon po muna kayo maghintay sa entrance lobby para matanaw naman po ninyo ang view habang hinihintay si Mang Pino," the male crew offered. "Ako na po magdadala ng luggage niyo."
"Uhm, mukhang well trained kayo ha? Last time I've been here ay hindi pa kasi ito binubuksan sa publiko," sabi niya habang nakasunod dito.
"Salamat po." Nilapag nito ang kanyang luggage malapit sa isang rattan na lounge chair. "Maiwan ko na po kayo, Ma'am. Babalikan ko nalang po kayo kung napatawag na namin si Mang Pino."
She gave him one of her sweetest smiles. "Thanks, Jet," she said while looking at his nameplate.
Magalang muli itong nagpaalam saka siya napatanaw sa kalawakan ng beach resort.
Pag may pagkakataon noong mga bata pa sila ni Gab at ni Ethan ay lagi silang nagagawi roon. Mahigit kumulang twenty hectares ang lupang pagmamay-ari ng pamilya ni Gab doon, kaya hindi nakapagtatakang nagpa extend ito ng ibang project kagaya ng hotel. And she must admit that the place was a must visit tourist destination-bluish green ang kulay ng dagat at pinong mamutimuti ang buhangin sa dalampasigan.
"Sofia, Neng?" napasinghap siya at napalingon ng marinig ang pamilyar na boses.
"Tay Pino!" excited na sinalubong niya agad ang matanda at niyakap. "Na miss ko po kayo!"
"Naku na miss din kita ng sobra, Neng. Mabuti't napasyal ka dito. Kay tagal kitang hindi nakita. Balita ko kay Gab eh isa kanang sikat na poto-graper," nangingiting saad nito.
"Hindi naman po masyadong sikat, slight lang, Tay," she laughed.
"O siya, halika na at ng makapagalmusal kana, ba't hindi kaman lang nagpasabing pupunta ka dito? Hindi ka tuloy nasundo. Alam ba ito ni Gab?" Napatingin ito sa maleta niyang akma niya na sanang bubuhatin. "Iwan mo na iyan at ipapahatid natin iyan doon sa tutuluyan mong villa. Siguro naman ay magbabakasyon ka rito ng ilang araw."
Sumunod siya rito sa isang nakaparadang golf cart. "Actually po Tay, eh nandito po ako ngayon para po surpresahin si Gab, kasi po diba birthday niya?"
Biglang natigilan ang matanda. "Abay, oo nga 'no? Naku! Nakalimutan ko! Hindi naman kasi iyon nagsi-silibrit kahit noon pa!"
Natawa siya. "Oo nga po may pagka-KJ kasi ang isang iyon kaya nga po nandito ako."
Sabay silang sumakay sa golf cart. "Saang villa po ba tumutuloy si Gab ngayon, Tay? Sa family villa po ba nila?"
"Sa Silvana villa iyon tumutuloy sa pinakadulo nitong resort."
"Doon niyo nalang po ako ihatid, Tay."
Nagsimula nang umusad ang golf cart nang mapatingin ito sa kanya at napangiti. "Natutuwa ako at sobrang close parin kayo sa isat-isa kahit ang tatanda niyo na. Sana ay kayo nalang rin ang magkatuluyan." Binuntutan pa nito iyon ng nakakalokong tawa.
If Tatay Pino meant that for a joke ay ba't hindi siya natatawa?
Ahay Sofia ayan kana naman! Erase!Erase!Erase!
__
HUMANDA ka Montero!Ang lapad ng ngiti ni Sofia ng makababa na ng mismong Silvana villa. Napakalayo pala niyon mula sa mga facilities ng resort at mukhang secluded area pa!
Weird talaga ang lalaking 'to!
Sa sobrang excited niya ay nanginginig pa ang mga kamay niyang pumihit sa pinto. Syempre, pinahiram siya ni Tatay Pino ng spare key.
Teka lang ba't ba siya kinakabahan ng ganito ngayon? Ilang araw ba silang hindi nagkita ni Gab? Dalawang araw palang naman ah?
Dahan-dahan siyang pumasok sa side entrance na malapit sa porch ng villa.
Lord sana naman tulog pa ang lalaking iyon.
Sinigurado niya munang walang ingay mula sa loob ng villa bago nagpasyang maglakad. Agad niyang ipinatong ang kanyang tote bag sa isang sofa at inilabas doon ang regalo niya kay Gab. Pinagpuyatan niya iyong gawin kahapon.
Napangiti siya nang makita ang kanyang masterpiece. It was an album compilation of Gab's random stolen shots. Hindi nito alam iyon.
Tama nga si Glenn, if Gab was to grace the cover of their mag, siguradong dudumugin sila ng sales. Stolen shots panga lang nito ay nakakapanglaway na.
Meron doong mga moments na nakangiti ito, natutulog, meron namang seryoso, meron din noong bata-bata pa ito, pero kahit anong anggulo at anong mukha nito ay maituturing niyang candid. At huwag ka, dahil may topless photo din ito na nakatagilid. Syempre, siya lang nakaka-alam nun dahil ayaw niya maglaway mga kaibigan niya ng dahil doon. Mahirap na at baka kumalat sa internet, maging instant celebrity pa bestfriend niya at sigurado siyang hindi ni Gab ikatutuwa iyon.
Luminga-linga muna siya bago nagpasyang muling humakbang bitbit ang album at ang kanyang camera, mukhang tulog pa nga ito. Nanakawan niya muli ito ng litrato.
Dahan dahan siyang umakyat sa hagdan at ewan niya ba kung bakit kalabog ng kalabog ang d****b niya. Surprising Gab wasn't new to her, and her excitement wasn't new to her as well pero bakit merong siyang kakaibang hindi talaga ma-explain na naman ngayon?
Shit tumigil kana ano bang nangyayari sayo, ha?! Parang sirang kausap niya sa nagririgudong d****b.
Nang matapat na sa kaisa-isang kwarto roon sa taas ay pinuno muna niya ng hangin ang d****b bago dahan dahang pinihit ang pinto sa nanginginig na mga kamay.
Ang madilim na silid ang unang tumambad sa kanyang paningin. Dahan-dahan ay inilibot niya ang kanyang paningin at ganun nalang ang panglalaki ng mga mata niya ng makita ang nakadapang si Gab na hubot h***d.
Kahit hindi pa nakapag-adjust ang mga mata niya sa dilim ay kitang kita niya ang female cat tattoo nito sa may bandang taas ng kaliwang puwetan nito. She also had the same tattoo but hers was a male cat. Sabay silang nagpatattoo noon ng minsang inabot siya ng topak niya dahil dito.
Napalunok siya, sandaling napaatras at napapikit. Ilang beses naba niyang nakita ang malusog na puwet ni Gab? Twice? Those were the times that she'd caught him with his women. Once with a woman that she couldn't remember at ang isa ay ang bitch na si Lexi.
Wala sa sariling napailing-iling siya. God, I think this is not a good time. I can't sneak in here at baka makita ko ang hindi ko dapat makita.
Pero bigla ay nagbago ang isip niya. Siguro ay kukuhanan lang niya ito ng nakaw na litrato saka nalang niya kunyaring kakalampagin ang pinto nito para magising.
Parang loka-lokang napangiti siya sa naisip.
Papasok na muli siya ng may narinig siyang ungol. "Uhmmm..."
Ungol ba iyon ni Gab? Pero bakit mukhang ungol ng babae?
Dahan-dahan ay muli siyang napahakbang papasok. Hindi paman siya nakatitig muli sa kama ay kinakabahan na siya. Sana naman guni-guni lang niya iyon.
"Uhmm..."
Hindi na siya nakatiis, bigla ay natapat muli ang mga mata niya sa kama at kitang kita niya ang isang babaeng katabi ni Gab, na hubot-h***d!
Hindi niya ito napansin kanina, siguro dahil natatakpan pa ng kumot ang h***d na katawan nito.
Nakadantay na ang mahahabang legs nito sa puwetan ni Gab. Ang mga kamay nito ay nang-aakit na pinasadahan ang likod ng tulog pang lalaki.
Pinikit pa muli niya ang mga mata saka minulat para maka-adjust muli sa dilim at ang nakakalokang ngiti ng pamilyar na babae ang bumulaga sa kanya. Biglang nanlambot ang mga tuhod niya ng mapagsino ang babae.
The bitch was grinning wickedly. Sa kanya ito nakatingin.
It was Lexi!
So ito ang dahilan why Gab was so eager to have flew in right away to Davao? Dahil lang pala sa babaeng ito.
Ibang agenda with the architect pala ang ipinunta ng gago!How dare him!!!
Nasapo niya ang d****b dahil sa bigla niyong paninikip, saka siya sunod sunod na napalunok sa pagpipigil na mapaluha. At kahit na nanlalambot ang mga tuhod ay nakuha niyang humakbang palabas ng kwarto.
Maingat na isinara niya ang pinto kahit gusto na niya iyong ibalibag nang ubod ng lakas. Ayaw niyang magising si Gab at maabutan siyang naroon.
Ayaw niyang mapahiya!
Pagkababa sa hagdan ay nagmamadaling kinuha niya ang kanyang mga gamit. Hindi niya maintindihan kung bakit pati simpleng paghinga ay hirap na hirap siya.
Lutang na lutang siya habang papalabas ng villa.
SHE WOKE UP VERY EARLY TO BOARD THE EARLIEST FLIGHT! PINAGPUYATAN NIYA KAGABI ANG SURPRESA NIYA PARA DITO! AT KINANSELA NIYA ANG ISA SA PINAKAMALAKING PROJECT NIYA NGAYON!!!
YES! She cancelled one of her biggest commitments all for Gab's birthday! And YES! She decided to surprise Gab today! Pero heto lang pala't nakikipagharutan sa isa sa mga architect 'kuno' nito!
Tang-ina niya! Bwisit siya! Letse! Gago! Hindi kana talaga nadala Sofia!
SofiaFlashback: Sometime eight years ago..."OHGab...Oh you feel so good..." nagulantang si Sofia nang marinig ang ungol ng isang babae.At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita si Gab at ang isang babae sa counter ng mismong sink nito. Gab was on his back, wala na itong suot na damit, nakalilis ang denim pants at ang boxers nito sa may bandang hita nito.Napalunok siya ng mapagmasdan ang malapad na likod ni Gab at ang malusog na puwet nito. But what struck her in her tracks was the scandalizing view--the woman's legs on either side of Gab's hips!Unti-unting napaangat ang kanyang mukha at muntikan na
SofiaContinuation some eight years ago..."ANONGgagawin natin dito, Sofia?" napakunot noo na napatitig si Gab sa labas ngPintado. Pag-aari iyon ni Borgy Manalo, isa sa mga kaklase niya sa UP. Kagaya niya ay may pasyon rin ito sa art, sa pagta-tattoo nga lang ang forte nito."Basta halika na!" Nangingiti-ngiting hinila niya ito papasok sa glass door."Bogs!" masiglang sigaw niya ng makapasok na sila ni Gab sa loob."Sofia, napadalaw ka?" Napatayo si Bogs mula sa counter na kinauupuan nito. Nangingintab sa tattoo ang buong braso at leeg nito. Tinanguan nito si Gab na nasa kanyang likod. "Gab."
Sofia "HIMALAyata't nag-aya kang lumabas ngayong gabi, Sofia? Saan kaba galing, ha? Bakit itong si Mike ang gumawa ng photoshoot mo dapat kanina saChic Mag?" sunod-sunod na tanong ni Glenn sa kanya habang pumipilantik pa ang mga pilik mata. Katabi nito si Mike na mukhang alam na kung anong rason ng pinagmamarakulyo ng kaluluwa niya. Sa kanilang magbabarkada kasi ay si Mike talaga ang isa sa mga pinakaclose niya dahil pareho sila ng forte at pareho silang galing UP. They were currently atRedlight. Isa sa mga elite bars sa Global City. Pagkadating niya galing Davao kanina ay agad niyang tinawagan ang kanyang mga kaibigan. Kailangan ng alcohol ng dugo niya ngayon.
Sofia"NO.She will come with me, and that's final!"Sofia steaded her gait nang mapalingon siya sa pinanggalingan ng huling nagsalita. At gusto niyang pagsisihang nagkatitigan na naman sila nito sa mata.Lang'ya bakit kasi kahit tingin lang ng gagong 'to nagwawala kana?Pasimpleng napahawak siya sa dibdib.Hindi ka naman ganito dati ah?O hindi ngaba, Sofia?Sabad ulit ng isa niyang konsensiya.Gusto na talaga niyang i-umpog ang sariling ulo sa matigas na pader at nang tumigil na ito. Kung bakit kasi nag-aya pa siyang uminom ngayon.
Gab"UMANDARna naman iyang legendaryOA-nessmo ngayon Montero, ano bang nakain mo?"It's true, Angel. I missed you so much.Tiniis niya ang dalawang araw na hindi ito mai-text at matawagan dahil baka kung mabasa niya ang text messages ni Sofia o marinig man lang ang boses nito ay wala sa oras na mapabalik siya ng Maynila na ginawa na niya ngayon.He even had an important meeting with one of his subcontractors from Thailand tomorrow pero kagaya ng mga nakaraan ay hindi niya talaga natiis.He decided to surprise Sofia kaya siya umuwi. Sinadya rin niyang tawagan si Mike para itanong kung nasaan ito pero
SofiaNANAYOang lahat ng balahibo niya sa batok dahil sa sinabi ni Gab. Ramdam na ramdam pa niya ang init ng hininga nito sa kanyang tenga.I-ki-kiss niya ako?As in for real?Biglang trumiple ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya sa susunod na sandali'y kusa na iyong tatalon sa dibdib niya.Juice ko na e-excite ako! Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng isang Gabriel Montero? Pero sige, pagbibigyan ko na siya pero kiss lang muna."Angel..."Ay sandali lang, magpapakipot pa pala ako.Kunyaring kum
SofiaBABY LASTnight was hands downOne of the best nightsThat I've had no doubtBetween the bottle of wineAnd the look in your eyes and the Marvin Gaye,Then we danced in the dark under September stars in the pourin' rainAnd I know that I can't ever tell you enoughThat all I need in this life is your crazy loveIf I never get to see the Northern lightsOr if I never get to see the Eiffel Tower at night,Oh if all I got is yourhand in my hand,Baby I could die a happy manA happy man, baby, hmm...
Sofia"AYAN,you look more personalized than before." Nakangiti niyang pinagpag ang 'suppose' birthday gift niya kay Gab. It was the same album compilation of his stolen shots pero mas ginawa niyang mas personalized kaya nagdesisyon siyang hindi muna iyon ibigay.Maagang natapos ang isa niyang photoshoot sa MBTMagkaya maaga rin siyang nakauwi.Tumayo siya mula sa kanyang studio desk bitbit ang album at tinungo ang isang chiffonier kung saan nakatago ang ilan sa kanyang mga nagawang scrapbook. Isinilid niya sa loob ang album saka lumabas ng kwarto.Gab's currently in Tagaytay dahil may kung ano itong project na inaasikaso roon.
[Sofia's POV]"CANyou just leave? Gusto kong mapag-isa," I said calmly though I'm really dying to slap his face. Anong akala niya, na madadaan niya ako sa mga paglalambing at paglalandi niya ngayon?Napapiksi ako nang maramdaman ko ang mga palad niya sa talampakan ng isa kong binti. He was beginning to do that mouthwatering massage again."Gab!" Sinamaan ko siya ng tingin. I tried to let go from his grip pero tuloy niyang pinadaan ang mga daliri niya roon. This was his usual routine. Ang pagmamasahe sa mga talampakan ko. "Ano ba!"" I don't think this has something to do with what the kids and I did. Ano bang problema, Angel?"malambing niyang tanong. Aba, kung maka asta siya akala niya wala siya
[Sofia's POV]"AREyou okay, Sof?" tanong ni Dyan nang mapansin niyang napatulala na naman ako.Manong Lito's already outside. He already sent the kids home so I guess I have no choice but to go home too. I'll have to act like nothing's wrong with me in front of the kids. And the worst was, I'll have to endure Gab's presence tonight."I'm not okay. You know that," sagot ko."Then, do as I say. Kausapin mo si Gab habang maaga pa."I hope it was just as easy as that. Talk to him and ask him who the hell that bitch was. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging kalmado kapagka nakita ko siya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko siya ng
[ Sofia's POV]WHAT'Sthe best gift that you could give to a person who practically has everything? Hay, ang hirap! My husband has everything and anything that anyone could ever wish for. Yes! Eversince, he'd tell me na wala nadaw siyang mahihiling pa. He has me and our kids ( the most important to him next to his company as he would always tell)."Ma'am ito po baka magustuhan ng asawa niyo."Dumukwang ako sa estante ng mga mamahaling relo. The sales lady brought out a rolex watch. "Latest model po namin iyan ng men's watches," she smiled as I took and examined the watch.It was a simple leather strapped watch with an aluminum case and glow-in-the-dark hands. I think it would suit Gab just
[Gab's POV]"PUSHit more, baby! One more!" Sofia tightly squeezed my hand as she went for another push. I hoped I could just take in all the pain that she was feeling right now.Kada ere niya ay pinagdarasal kong iyon na ang huli. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon, it's her fifth delivery but she was taking it so bad."Last na talaga 'to, Gab! Ayoko na!" she yelled. "Akin na yung isa mong kamay!"Binitawan ko ang telang pinangpupunas ko sa pawis ng asawa ko saka ko iyon inabot sa kanya . She grabbed my free hand impatiently. I knew what she was about to do next."Arrrggghhhh..."she pushed once again habang kagat kagat niya ang kamay
[Sofia's POV]Me:Where are you?Anong oras na?Umuwi kana!I heaved a sigh as I typed in the words in my cellphone's keypad with deep conviction.That guy had been going home late for three consecutive nights. Malilintikan na talaga sa'kin ang lalaking iyon ngayon. It's past ten in the evening and I've already tucked the kids to bed. Nakapag-half bath narin ako and I was able to clear out the dishes and some stuff in the kitchen. Hindi na naman namin nakasama ang asawa kong mag dinner ngayon. I've been looking forward kasi our dinner time being a little lone family time, like our little bonding moment because we're kind of busy in the morning.
SofiaTHEYhad been okay. Umalis parin si Gab patungong Thailand pero bago ang araw na iyon ay nagulat nalang si Sofia na pinapunta pala ni Gab si Tita Astrid sa tinitirhan nito. Hindi umano ito kampanteng mag-isa siya ngayon, lalo't buntis siya. Wala siyang naging ibang choice. She stayed at Gab's town house kasama si Tita Astrid."Sofia, you'd been working all day long, kumain kana muna." Naglapag ito ng pakain sa mini table kung saan siya naka upo. Kararating lang niya mula sa isang photo shoot and she was really drowsy.The past few days were great. She felt like making up lost moments with Tita Astrid. Nagsisimula na muli siyang maging komportable dito at madalas sila nitong nagkikwentuhan.
Sofia"CONGRATULATIONS!You're pregnant!" nakangiting anunsiyo ng OB.Tulalang napatitig siya sa doktor. She was expecting this pero she was still shock of the confirmation.Magkaka-baby na sila ni Gab? She will have a little Montero for real? A little Gab or her little version?Oh my God!Wala sa sariling napatitig siya kay Gab na naka-upo paharap sa kanya. Handa na sana siyang sikmatan ito pero natigilan siya nang makita itong naluluha habang nakikinig sa pinapaliwanag ng kanyang OB na hindi niya maintindihan.Gosh! Talagang umiyak? Tears of misery or tears of joy
Sofia"SOFIEyou know, we can't afford to lose your shots," daing ni Glenn habang nagliligpit siya ng mga naiwang gamit sa mini office niya sa Infinity. "The management is just asking you to apologize.""No! I won't apologize. Hindi ko na kasalanan kung ipinanganak na bruha ang lecheng Leximina George Jeminez nayan! Kung iyan ang gusto ng head ay wala na akong magagawa."Nagpapadyak si Glenn. "Sofie naman. Nakiusap na nga ako kay Madam na iyon nalang ang gagawin mo. Apologize.""No!" Hindi niya ito binalingan at tuloy lang sa pagsilid sa mga gamit niya sa dala-dalang box."Sof, we're the best client you--"
EthanHEunderwent all the best treatment. Hindi kahit kailan sumuko ang kanyang ina kahit na sobrang napakaliit ng posibilidad na pwede pa siyang mabuhay.He too wanted to live.Gusto pa niyang mabuhay para sa kanyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya. Gusto pa niyang mabuhay para kay Sofia noon.Napakarami niyang pangarap para sa kanila. Asang asa rin siya noong gagaling pa siya kaya halos gumuho ang mundo niya ng tinaningan na siya ng doktor. Si Sofia agad ang naisip niya. Natakot siyang hindi na niya ito muling mahawakan, mayakap at mahalikan. Takot na takot siyang mangyari iyon. Pero kalakip ng takot niya ay ang labis labis na pagmamahal na nararamdaman rin niya par