Sofia
BWISIT! wala nabang masta-traffic pa rito?
Binusinahan ni Sofia ng pagkalakas ang isang kulay pulang Ford Mustang na kung magitgit sa sasakyan niya ay wagas. Nag Roxas Boulevard na nga siya dahil akala niya makakaluwang-luwang siya sa traffic pero hindi parin pala!
Galing siyang Quezon City para pumirma ng kontrata sa isang upcoming project ng PNC Network. The network chose her to be the featured photographer for some of their talents magazine exposure.
Lalong gumitgit ang harapang bumper ng Mustang sa gilid ng sasakyan niya para makasingit. Sa malas niya ay rush hour pa siya nagpasyang umuwi.
Lang'yang gagong 'to!Gasgasan ko yang kotse mo makita mo!
Kakapunta pa naman niyang simbahan kaninang umaga para ipagtirik ang mga magulang niya at si Ethan ng kandila at para narin ipagdasal na sana ay tuluyan ng maging normal na tao si Gab at sana ay mabigyan pa ito ng maraming birthday pero ito na naman siya at nagmumura.
Lord patawarin niyo po ako. Kainis lang kasi! Nakalimutan ko din palang ipagdasal sa Inyo na sana ay wala ng manggulong asungot na babae sa buhay ko.
Simula nang nalaman niyang ang Zoe na nang bwisit sa kanya noong isang gabi ay ang Zoe ring naging ex-girlfriend ni Gab ay hindi na mawala-wala ang bad trip niya.
After last night, ay regular nang nagte-text at tumatawag si Brandon sa kanya. Nag invite muli ito ng dinner pero tumanggi muna siya dahil sa hectic ng schedule niya ngayong week.
And speaking of Gab. Hindi man lang ito nagparamdam simula noong araw na umalis ito, though nangungulit si Manong Lito sa kanya na ipagdrive siya pero tinanggihan niya ito at nagsinungaling na magpapasundo nalang siya kay Dyan o kay Glenn.
Pinakalma niya ang sarili at hinayaang makasingit ang Mustang. Binuksan niya ang kanyang car stereo at nakinig ng music saka napalingon-lingon sa gilid ng kalsada habang hinihintay ang pag-usad ng sasakyan. Mula sa gilid ng kalsada ay nagsisulputan naman ang ilang mga gusgusing bata. Tingin niya ito iyong mga batang nangangatok para mamalimos.
May isang batang babaeng may dala-dala pang isang maliit at uhuging bata. May isang bata namang lalaki na maybitbit na supot ng isang perasong tinapay, at may isang batang lalaki na may punit-punit na damit rin na may bitbit na supot na may roong limang stick ng isaw.
Sa sasakyan niya tumungo iyong batang lalaking may bitbit ng isaw. Bahagya nitong kinatok ang kanyang bintana. Naawang dumukot naman siya ng isang daan at bahagya lang niyang binuksan ang kanyang bintana para iabot sana ang pera pero nagulat siya nang magsalita ang bata.
"Ate alam ko pong sosyal po kayo pero tikman po ninyo itong isaw na gawa ng nanay ko. Masarap po ito, para po sa inyo beinte nalang po itong lima. May suka na po yan sa loob at huwag po kayong mag-alala dahil malinis po iyan!" masiglang sabi nito.
Gusto niyang mahiya. Akala niya ay kagaya rin ito ng ibang bata na namamalimos. Sa tingin niya ay nasa mga seven to ten years old lang ito pero heto at naghahanap buhay na sa gitna ng daan.
Nilakihan niya ang pagkakabukas ng bintana. "Sigurado kang masarap yan?" nakangiting tanong niya.
"Opo ate! Nanay ko po gumawa nito eh!"
"Okay sige, bibilhin ko na 'yan," iniabot niya rito ang isang daan. Inabot naman nito ang supot ng isaw.
"Ate wala po ba kayong beinte? Wala po kasi akong panukli nito?"
Thank you Lord! Nakakagood vibes naman ang batang 'to!
"Sayo nayan, keep the change. Sa susunod bibili ulit ako sayo."
Halata ang tuwa sa mukha nito ng tumingin muli sa kanya. "Salamat po ng marami ate! Hayaan niyo sa susunod na dumaan po kayo dito libre na po isaw niyo at ipagbabalot ko po kayo ng marami."
Napangiti siya. "Ano bang pangalan mo?"
"Gabriel po!"
Anak ng tupa!
"Ako daw po kasi ang anghel ng nanay ko, kaya po Gabriel po pinangalan niya sakin kagaya po kay Saint Gabriel. Pero tawagin niyo nalang po akong Tan-tan, iyan po kasi tawag sakin ng nanay ko."
Hindi niya alam kung pinagloloko siya ng pagkakataon. Gabriel? Tan-tan? Talagang pinakyaw nito ang pangalan ng dalawa sa pinaka-importanteng lalaki sa buhay. Ang isa ay basta nalang siyang iniwan ng walang pasabi at ang isa naman ay nanatili sa buhay niya ngayon at patuloy na nangingialam.
Hindi niya alam pero pakiramdam niya'y biglang bumara ang kanyang lalamunan. "Sige Gab...este, Tan-tan salamat sa isaw mo. Kita tayo ulit sa susunod!"
"Salamat rin po ulit ng marami. Mag-iingat po kayo, ipagdarasal ko po kayo."
Kasabay ng pag-alis ng bata ay ang pag-usad rin ng napakabagal na traffic.
Kumuha siya ng isang stick ng isaw at kumagat mula doon habang prenteng nagmamaneho. Masarap nga iyon kagaya ng sabi ng bata kahit hindi pa niya iyon nalalagyan ng suka.
May naaalala tuloy siya noong mga highschool pa silang tatlo--siya, si Gab at si Ethan.
Tatlo silang pumapasok sa Ateneo de Davao noon at kada uwian nila sa hapon ay lagi siyang nagyaya na dumederetso sa Roxas para kumain. Sila ni Ethan ang mahilig sa street foods. Ang maarteng si Gab naman ay hindi talaga kumakain maliban nalang siguro sa nilagang m**i dahil sigurado daw talaga itong safe iyon.
Natatandaan niyang minsang may laro ng basketball si Ethan noon at si Gab naman ay may kung anong meeting sa student council na dinaluhan. Imbes na hintayin ang dalawa ay emeksena na siyang tumakas at ang plano niya ay e-text nalang ang dalawa pagkadating na niya sa Roxas kasama ang ilan sa mga kaklase niyang babae. Pero hindi paman siya nakapagtext ay umepal na si Gab.
"Diba sinabi ko na huwag kang kumain ng ganyang pagkain, Sofia?" Nagulat siya ng makita si Gab roon, bahagya siya nitong hinila palayo sa cart ng isaw.
"Huy! Huwag kang makialam at gutom na gutom na ako!" Bumalik siya para sana ipagpatuloy ang pagsawsaw sa suka na siya ring sinawsawan ng ibang estudyante. Pero bago pa niya iyon maisawsaw ay nagsalita na ang kumag.
"Pwede bang humingi ng bagong suka, Manong? Iyong hindi nakalagay dito sa pampublikong sawsawan. Pakilagay nalang po sa plastic cup."
Natigilan si Manong mula sa paghuhulog nang naitusok na mga stick ng isaw sa kalan. "Aba'y wala akong ibang suka maliban diyan. Ano bang problema diyan sa sawsawan ko?"
Naiinis siya dahil nangingialam na naman si Gab at mukhang naamoy na niya ang susunod nitong sasabihin.
"Mas makabubuti po kasi para sa mga bumibili na--"
Bago pa nito maituloy ang sasabihin ay agad na niya itong hinila. Napatingin tuloy sa kanila ang mga kaklase niya at ang ibang kumakain roon. Syempre, alam niya kung bakit lahat ay napalingon, dahil makaagaw eksena rin ang mukha ng lalaking umepal.
"Gab ikaw ang OA mo, malinis naman iyong sawsawan dahil sawsaw muna iyon bago salang sa bibig, ano bang problema mo? At akala ko ba mamaya pa matatapos ang meeting niyo? Pa'no mo nalamang nandito ako?"
"Paano ka nakakasigurong malinis nga iyan, Sofia? Ilang beses ko nang nakitang may paulit-ulit na sumasawsaw diyan kahit naisalang na nila sa bibig nila ang isaw. Hindi mo ba alam kung anong sakit ang pwede mong makuha diyan? Pwede kang ma-food poison, magka-amoeba o worst magka-hepa."
'Ano raw?' sabad ng isip niya. Siguro ay maagang natapos ang meeting nito.
"Nabayaran mo na ba nakain mo?" Kinuha nito ang isaw sa kamay niya.
"Huy kakain pa ako!Hindi pa ako magbabaya--"
Hindi ito nakinig at muling binalikan si Manong magiisaw para abutan ng isang daan.
Sinundan naman niya ito.
Binalingan ni Gab ang kanyang mga kasama. "Kat, Hessa, pasensiya na, sasamahan ko na muna si Sofia. Maiwan na namin kayo." Inabot nito ang isaw kay Kat. "Sayo nalang."
"Ah sige, Gab, okay lang. Salamat dito." Pa-cute na sagot ni Kat na halata ang pamumula ng mukha.
"Teka-teka lang, Dong, para sa'an 'tong isang daan mo? Ilan ba kinain mo?" Kunot noong sabat ni Manong mag-iisaw.
"Bayad po iyan sa kinain nilang tatlo. Keep the change nalang po," sabi nito sabay hila sa kanya. "Halika at kakain tayo ng totoong pagkain."
"Teka-teka lang!" Napalakad takbo siya dahil sa laki ng mga hakbang nito. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos sa mga kasama niya. Tuloy, ay bad trip na naman siya sa pakikialam nito.
"Huy Gab, nakakainis ka! Alam mo bang bitin na bitin pakiramdam ko ngayon? Wala akong ibang gustong kainin kundi isaw!"
"Hindi kana kakain ng isaw, Sofia."
Napatigil sila nang matapat sa isang itim na Subaro SUV. Ipinagbukas siya nito ng pinto. "Pasok na."
Pinanggigilang tinitigan niya ito. "Siguraduhin mong masarap kagaya ng isaw ang ipapakain mo sakin kundi ay ikaw ang itutusok ko sa stick at gagawing isaw!"
"Pasok na Sof, mamaya mo na ako awayin pagnakakain kana. Susunod na sa atin si Ethan."
Pumasok siya sa back seat, sumunod naman ito sa kanya. "Sa po tayo Grillsbay, Manong Jun."
Sa inis ay hindi niya ito inimik sa loob ng sasakyan hanggang sa matapat sila sa Grillsbay . Medyo umaliwalas ang pakiramdam niya ng makalanghap ng simoy ng hangin. Dinala siya ni Gab sa isang sea side restaurant.
"Umupo kalang dito Sof, ako na ang o-order."
Hindi niya ito pinansin at napatitig nalang sa dalampasigan. Feel na feel lang niyang magtampo-tampuhan at maggalit galitan dito.
Matapos ang kulang-kulang beinte minutos ay bumalik na ito roon kasama ang isang serbedura. Hindi naman kasi pang-fine dining ang restaurant na iyon.
"Ba't ang tagal mo?"supladang bungad agad niya pero mukhang natatakam na siya sa amoy ng mga pagkain. Infairness, alam na alam talaga ng kumag ang paborito niyang mga pagkain. Buttered shrimp at kung ano-anong inihaw na sea food.
"Aba'y, tumulong iyang magluto samin sa kitchen, Ineng,"sabi naman ng sa tingin niyang middle-aged ng babae.
"Talaga?"
"Oo, binantayan yata kami kung malinis pagkakahanda namin eh," sagot ni ate at napangiting tumitig kay Gab. "O siya sige alis na ako, tawagin niyo lang ako kung may kailangan pa kayo. Enjoy your meal."
Hindi na niya nakuhang sumabat at napatitig kay Gab. "Talagang dinala mo pa dito ang pagka OA mo?"
"Dami pang sinasabi. Maghugas kana doon ng kamay at ng makakain kana." Nagsimula na itong maglagay ng rice sa plato niya, naglagay din ito ng ilang pirasong stick ng inihaw na pusit, naghanda ng sawsawan at ipinaghimay narin siya nito ng paborito niyang sugpo.
"Maghugas kana, Sofia."
Nagmamaktol siyang tumayo para maghugas ng kamay. Pagbalik ay wala na siyang nagawa kundi ang sumubo at gutom na gutom na talaga siya.
"Masarap?" tanong nitong nakatingin lang sa kanya. Hindi pa ito sumubo ng pagkain.
Gusto niyang mapaungol sa sarap pero nagpigil siya. "Okay lang," pagkikibit balikat niya.
Nabistahan niya ang nakakalokong tingin nito. "Okay lang? Ba't lumalabas yang dimples mo? Nasasarapan ka eh, ayaw mo lang aminin."
Iyon ang problema niya. Kilalang-kilala siya ni Gab, alam na alam nito kung nagsisinungaling siya.
"Sino ba nagluto nito?"
"Ang cook nila."
Sunod-sunod ang naging subo niya. Sa totoo lang ay sobrang sarap, kahit ulo ng sugpo ay hindi niya mabitawan dahil sa sarap ng kumapit na sauce.
"Sabihin mo lang kung gusto mo talagang kumain ng isaw, I can give you an exception. Pwede kanang kumain pero dito lang dahil alam kong malinis silang magluto dito. Huwag kana ulit kakain doon."
Biglang umaliwalas ang mukha niya. "Uhm sa totoo lang ay masarap naman ang food nila, lalo na itong buttered shrimp. Ang galing ng cook nila." Hindi na niya napigilang aminin.
Napailing na natawa ito. "Salamat."
"Anong salamat?" nakataas ang kilay na sabat niya.
"Ako kasi nagluto niyan."
"Weeh, ikaw?" Alam niyang mahilig magluto si Gab pero seriously?Hindi pa niya natitikman ang version nito ng buttered shrimp. "Lakas mong mang trip ngayon, Grabriel Montero? Ano ba nakain mo? Naka score kaba dun sa nililigawan mo?"
"Kumain kana ngalang, Sof." Hindi na ito muling nagkomento. Pero knowing Gab, hindi ito marunong magsinungaling dahil seryoso ang tipo nito.
If she was to describe him, wala sa bokabularyo nito ang pangtri-trip. At kung mangingialam ito, kagaya ng nangyari kanina, ibig sabihin niyon ay may ginawa siyang mali sa paningin nito, at lahat niyon ay may tamang rason para dito.
Si Gab rin ang klase ng taong hindi nagpapadalos-dalos magdesisyon. If she was to define Gab she would choose the word "decisive". Ibig sabihin, ay pinag-iisipan muna nito ang isang bagay bago nito ginagawa. VERY independent and VERY self sufficient din ito sa lahat ng pagkakataon. Napakaorganize din nito sa lahat ng bagay at napaka goal oriented. Pero ang pinakagusto niya sa lahat ng katangian nito ay ang maturity ng way of thinking nito even at such a young age at ang pagiging praktikal nito. Lahat ng nakakakilala kay Gab ay alam kung paano ito ka mature mag-isip. Si Gab rin ang tipo ng taong marunong at mabilis makahanap ng solusyon sa isang problema, and the good thing about it, is that, he's really able to work it out good naturally.
To put two and two together--he's someone that she can definitely rely on. Iyon ngalang ay nasobrahan din yata sa taas ang IQ nito at pakiramdam niya ay napakatechnical na nito, idagdagpang napakadominante din nito.
Totally opposite ito ni Ethan. Hindi nga niya alam kung paanong nagkakasundo ang dalawa.
Unlike Gab, Ethan was free-spirited and impulsive. Masayahin din si Ethan at palabiro. He's always "in" for adventure and he wouldn't think twice if he'd like to do a thing at the moment. Ginawa na nga nitong motto ang tagged line ni James Dean na, "Dream as if you'll live forever, live as if you'll die today."
Kaya sa suma-total, sa dalawa, ay kasundong-kasundo niya si Ethan dahil sa tingin niya ay ganoon rin siya...
Napabalik siya sa kasalukuyan ng mapansing may kung anong nalaglag na tubig sa pisngi niya. Hindi niya namalayang tumulo na pala ang luha niya. Ni hindi rin niya napansing tatlong stick na ng isaw ang naubos niya.
Ano ba tong araw na 'to? Papa-badtripin ka, papa-good vibes, tapos pa-iiyakin rin pala pagkatapos?
She had to admit that she missed Ethan so much, but apart from that, ay hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang ang lungkot na nararamdaman niya ng dahil kay Gab. At ang katotohanang hindi ito makakauwi sa birthday nito dahil sa abala ito sa trabaho.
Wala sa loob na inabot niya ang kanyang cellphone na nakapatong malapit sa stick gear.
Kahit kailan ay hindi niya talaga matiis ang kumag!
"Sof napatawag ka?" si Miles na EIN ng Chic Magazine.
"Sorry talaga Miles pero may emergency akong pupuntahan bukas. I decided to pull out the cover's shoot tomorrow. I'll call Mike to take over for me."
"What the hell, Sofia? Ikaw ang magiging featured photographer for next month's cover!"
"I'm sorry pero mas-importante ang pupuntahan ko bukas, Miles. I'll let you know once I've called Mike."
"Tang--"
She drop the call bago pa makapagtalak si Miles. Alam niya kung gaano ka trashy ang bibig nito pagnagtatalak.
Napahugot siya ng malalim na buntong hininga saka tahimik na minura si Gab.
Walanghiya ka talaga Montero! Pag itong career ko nasira ng dahil sayo gigilitan rin kita ng leeg kagaya ng Zoe na iyon!
Sofia"SA HAGIA ANOSsiya tumutuloy ngayon, Jen?""Opo Ma'am Sof..." Antok na antok pa ang boses ng sekretarya ni Gab, halatang naantala ang tulog nito. Alas sies palang kasi ng umaga. Sinigurado lang naman niyang sa resort ni Gab ito tumutuloy."Sige Jen, thank you. Sorry sa istorbo."She ended the call.She boarded the earliest flight today kaya medyo inaantok pa siyang lumabas ng Davao International Airport. Pero napangiti siya ng masilayan ang pamilyar na tanawin mula sa labas ng airport.Ilang taon rin ba siyang hindi nakabalik sa Davao? Two, three? It was so good to be bac
SofiaFlashback: Sometime eight years ago..."OHGab...Oh you feel so good..." nagulantang si Sofia nang marinig ang ungol ng isang babae.At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita si Gab at ang isang babae sa counter ng mismong sink nito. Gab was on his back, wala na itong suot na damit, nakalilis ang denim pants at ang boxers nito sa may bandang hita nito.Napalunok siya ng mapagmasdan ang malapad na likod ni Gab at ang malusog na puwet nito. But what struck her in her tracks was the scandalizing view--the woman's legs on either side of Gab's hips!Unti-unting napaangat ang kanyang mukha at muntikan na
SofiaContinuation some eight years ago..."ANONGgagawin natin dito, Sofia?" napakunot noo na napatitig si Gab sa labas ngPintado. Pag-aari iyon ni Borgy Manalo, isa sa mga kaklase niya sa UP. Kagaya niya ay may pasyon rin ito sa art, sa pagta-tattoo nga lang ang forte nito."Basta halika na!" Nangingiti-ngiting hinila niya ito papasok sa glass door."Bogs!" masiglang sigaw niya ng makapasok na sila ni Gab sa loob."Sofia, napadalaw ka?" Napatayo si Bogs mula sa counter na kinauupuan nito. Nangingintab sa tattoo ang buong braso at leeg nito. Tinanguan nito si Gab na nasa kanyang likod. "Gab."
Sofia "HIMALAyata't nag-aya kang lumabas ngayong gabi, Sofia? Saan kaba galing, ha? Bakit itong si Mike ang gumawa ng photoshoot mo dapat kanina saChic Mag?" sunod-sunod na tanong ni Glenn sa kanya habang pumipilantik pa ang mga pilik mata. Katabi nito si Mike na mukhang alam na kung anong rason ng pinagmamarakulyo ng kaluluwa niya. Sa kanilang magbabarkada kasi ay si Mike talaga ang isa sa mga pinakaclose niya dahil pareho sila ng forte at pareho silang galing UP. They were currently atRedlight. Isa sa mga elite bars sa Global City. Pagkadating niya galing Davao kanina ay agad niyang tinawagan ang kanyang mga kaibigan. Kailangan ng alcohol ng dugo niya ngayon.
Sofia"NO.She will come with me, and that's final!"Sofia steaded her gait nang mapalingon siya sa pinanggalingan ng huling nagsalita. At gusto niyang pagsisihang nagkatitigan na naman sila nito sa mata.Lang'ya bakit kasi kahit tingin lang ng gagong 'to nagwawala kana?Pasimpleng napahawak siya sa dibdib.Hindi ka naman ganito dati ah?O hindi ngaba, Sofia?Sabad ulit ng isa niyang konsensiya.Gusto na talaga niyang i-umpog ang sariling ulo sa matigas na pader at nang tumigil na ito. Kung bakit kasi nag-aya pa siyang uminom ngayon.
Gab"UMANDARna naman iyang legendaryOA-nessmo ngayon Montero, ano bang nakain mo?"It's true, Angel. I missed you so much.Tiniis niya ang dalawang araw na hindi ito mai-text at matawagan dahil baka kung mabasa niya ang text messages ni Sofia o marinig man lang ang boses nito ay wala sa oras na mapabalik siya ng Maynila na ginawa na niya ngayon.He even had an important meeting with one of his subcontractors from Thailand tomorrow pero kagaya ng mga nakaraan ay hindi niya talaga natiis.He decided to surprise Sofia kaya siya umuwi. Sinadya rin niyang tawagan si Mike para itanong kung nasaan ito pero
SofiaNANAYOang lahat ng balahibo niya sa batok dahil sa sinabi ni Gab. Ramdam na ramdam pa niya ang init ng hininga nito sa kanyang tenga.I-ki-kiss niya ako?As in for real?Biglang trumiple ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya sa susunod na sandali'y kusa na iyong tatalon sa dibdib niya.Juice ko na e-excite ako! Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng isang Gabriel Montero? Pero sige, pagbibigyan ko na siya pero kiss lang muna."Angel..."Ay sandali lang, magpapakipot pa pala ako.Kunyaring kum
SofiaBABY LASTnight was hands downOne of the best nightsThat I've had no doubtBetween the bottle of wineAnd the look in your eyes and the Marvin Gaye,Then we danced in the dark under September stars in the pourin' rainAnd I know that I can't ever tell you enoughThat all I need in this life is your crazy loveIf I never get to see the Northern lightsOr if I never get to see the Eiffel Tower at night,Oh if all I got is yourhand in my hand,Baby I could die a happy manA happy man, baby, hmm...
[Sofia's POV]"CANyou just leave? Gusto kong mapag-isa," I said calmly though I'm really dying to slap his face. Anong akala niya, na madadaan niya ako sa mga paglalambing at paglalandi niya ngayon?Napapiksi ako nang maramdaman ko ang mga palad niya sa talampakan ng isa kong binti. He was beginning to do that mouthwatering massage again."Gab!" Sinamaan ko siya ng tingin. I tried to let go from his grip pero tuloy niyang pinadaan ang mga daliri niya roon. This was his usual routine. Ang pagmamasahe sa mga talampakan ko. "Ano ba!"" I don't think this has something to do with what the kids and I did. Ano bang problema, Angel?"malambing niyang tanong. Aba, kung maka asta siya akala niya wala siya
[Sofia's POV]"AREyou okay, Sof?" tanong ni Dyan nang mapansin niyang napatulala na naman ako.Manong Lito's already outside. He already sent the kids home so I guess I have no choice but to go home too. I'll have to act like nothing's wrong with me in front of the kids. And the worst was, I'll have to endure Gab's presence tonight."I'm not okay. You know that," sagot ko."Then, do as I say. Kausapin mo si Gab habang maaga pa."I hope it was just as easy as that. Talk to him and ask him who the hell that bitch was. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging kalmado kapagka nakita ko siya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko siya ng
[ Sofia's POV]WHAT'Sthe best gift that you could give to a person who practically has everything? Hay, ang hirap! My husband has everything and anything that anyone could ever wish for. Yes! Eversince, he'd tell me na wala nadaw siyang mahihiling pa. He has me and our kids ( the most important to him next to his company as he would always tell)."Ma'am ito po baka magustuhan ng asawa niyo."Dumukwang ako sa estante ng mga mamahaling relo. The sales lady brought out a rolex watch. "Latest model po namin iyan ng men's watches," she smiled as I took and examined the watch.It was a simple leather strapped watch with an aluminum case and glow-in-the-dark hands. I think it would suit Gab just
[Gab's POV]"PUSHit more, baby! One more!" Sofia tightly squeezed my hand as she went for another push. I hoped I could just take in all the pain that she was feeling right now.Kada ere niya ay pinagdarasal kong iyon na ang huli. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon, it's her fifth delivery but she was taking it so bad."Last na talaga 'to, Gab! Ayoko na!" she yelled. "Akin na yung isa mong kamay!"Binitawan ko ang telang pinangpupunas ko sa pawis ng asawa ko saka ko iyon inabot sa kanya . She grabbed my free hand impatiently. I knew what she was about to do next."Arrrggghhhh..."she pushed once again habang kagat kagat niya ang kamay
[Sofia's POV]Me:Where are you?Anong oras na?Umuwi kana!I heaved a sigh as I typed in the words in my cellphone's keypad with deep conviction.That guy had been going home late for three consecutive nights. Malilintikan na talaga sa'kin ang lalaking iyon ngayon. It's past ten in the evening and I've already tucked the kids to bed. Nakapag-half bath narin ako and I was able to clear out the dishes and some stuff in the kitchen. Hindi na naman namin nakasama ang asawa kong mag dinner ngayon. I've been looking forward kasi our dinner time being a little lone family time, like our little bonding moment because we're kind of busy in the morning.
SofiaTHEYhad been okay. Umalis parin si Gab patungong Thailand pero bago ang araw na iyon ay nagulat nalang si Sofia na pinapunta pala ni Gab si Tita Astrid sa tinitirhan nito. Hindi umano ito kampanteng mag-isa siya ngayon, lalo't buntis siya. Wala siyang naging ibang choice. She stayed at Gab's town house kasama si Tita Astrid."Sofia, you'd been working all day long, kumain kana muna." Naglapag ito ng pakain sa mini table kung saan siya naka upo. Kararating lang niya mula sa isang photo shoot and she was really drowsy.The past few days were great. She felt like making up lost moments with Tita Astrid. Nagsisimula na muli siyang maging komportable dito at madalas sila nitong nagkikwentuhan.
Sofia"CONGRATULATIONS!You're pregnant!" nakangiting anunsiyo ng OB.Tulalang napatitig siya sa doktor. She was expecting this pero she was still shock of the confirmation.Magkaka-baby na sila ni Gab? She will have a little Montero for real? A little Gab or her little version?Oh my God!Wala sa sariling napatitig siya kay Gab na naka-upo paharap sa kanya. Handa na sana siyang sikmatan ito pero natigilan siya nang makita itong naluluha habang nakikinig sa pinapaliwanag ng kanyang OB na hindi niya maintindihan.Gosh! Talagang umiyak? Tears of misery or tears of joy
Sofia"SOFIEyou know, we can't afford to lose your shots," daing ni Glenn habang nagliligpit siya ng mga naiwang gamit sa mini office niya sa Infinity. "The management is just asking you to apologize.""No! I won't apologize. Hindi ko na kasalanan kung ipinanganak na bruha ang lecheng Leximina George Jeminez nayan! Kung iyan ang gusto ng head ay wala na akong magagawa."Nagpapadyak si Glenn. "Sofie naman. Nakiusap na nga ako kay Madam na iyon nalang ang gagawin mo. Apologize.""No!" Hindi niya ito binalingan at tuloy lang sa pagsilid sa mga gamit niya sa dala-dalang box."Sof, we're the best client you--"
EthanHEunderwent all the best treatment. Hindi kahit kailan sumuko ang kanyang ina kahit na sobrang napakaliit ng posibilidad na pwede pa siyang mabuhay.He too wanted to live.Gusto pa niyang mabuhay para sa kanyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya. Gusto pa niyang mabuhay para kay Sofia noon.Napakarami niyang pangarap para sa kanila. Asang asa rin siya noong gagaling pa siya kaya halos gumuho ang mundo niya ng tinaningan na siya ng doktor. Si Sofia agad ang naisip niya. Natakot siyang hindi na niya ito muling mahawakan, mayakap at mahalikan. Takot na takot siyang mangyari iyon. Pero kalakip ng takot niya ay ang labis labis na pagmamahal na nararamdaman rin niya par