Share

Chapter One

Author: Artista Kho
last update Huling Na-update: 2022-01-12 12:30:26

Sofia

"SOFIE, I want the woman empowerment theme for the next issue," sabi ng art director nila saka nito initsa sa harap niya ang isang folder na naglalaman ng concept proposal nito para sa shoot nila sa susunod na buwan.

She took the folder and scanned through the pages pero agad ring tiniklop. "Hindi ko gusto ang mga napiling mai-feature para sa shoot, Glenn," sabi niya at napasandig sa kanyang silya. "Do you think mas magiging makatotohanan ang woman empowerment na gusto mo kung itong mga artista at mga modelong ito ang kukunin natin para sa cover?"

Tumaas ang kilay ng bading nilang art director. "These women are successful in their own right, Sofia. Ano ang ibig mong sabihin?"

She almost rolled her eyeballs. "Alam kong mga successful na ang mga babaeng iyan, pero, mas may kabuluhan kung ibang mukha naman ang mai-feature natin. Why don't we choose random ordinary women? Iyong mga araw-araw nating nakakasalamuha o nakikita sa daan? A successful single mother, a lady vendor, a lady guard, a teacher or a doctor, and so forth. We usually feature famous people for our covers but we don't actually dig deep into the true theme of our issues. I guess it's high time that we bring back authentic inspiration for our subscribers."

"Agree ako sa gustong mangyari ni Sofie," sabad ng assistant editor nilang si Dyan na nakaupo sa kanyang kanan.

"So you mean to say na peke ang mga naife-feature nating mga tao ganun?" si Glenn na mukhang ilang milya na ang itinaas ng isang kilay.

"Every month tayong nagkakaroon ng photoshoot and themes for our covers Glenn, but we usually feature same old people, same old stories. Ikaw na mismo ang nagsabing woman empowerment ang gusto mong concept. Diba, mas mama-materialized ang concept mong iyan kung gawin natin ito sa mga ordinaryong babae ngayon? And I don't mean ordinary women because all woman are extraordinary in their own ways so as how they put substance in what they believe and what they do. Hindi iyong puro ganda nalang ang makikita ng mga subscribers natin."

Isa siyang photographer at sa mga nakalipas na buwan pakiramdam niya ay nagiging napakababaw na ng tinakbo ng kanyang propesyon. She doesn't take pictures for the sole intent of taking. She'd like that people will also find deeper meaning and significance in her shots. Hindi iyong purong magagandang nilalang lang ang nakikita sa cover pero wala namang laman. Gusto niyang totoong mayroong sariling karakter ang kanyang mga subject hindi dahil sa binihisan sila kundi dahil iyon ang isinisigaw nila. Para sa kanya kasi ay hindi lang nagtatapos sa pagpitik sa buton ng camera ang kanyang propesyon. She had exclusive contract with Infinity Mag but no one holds her rights of exclusivity dahil mahal ang talent fee niya at lahat halos ng mga magazine sa bansa ay siya ang kinukuhang photographer.

She did take photography VERY seriously.

"Sa tingin mo ay mabebenta ang magazine natin kung hindi kilalang mga mukha ang maife-feature sa cover, Sofie?"

"We can ask the marketing kung paano nila e-ma-market ang magazine. Pero alam naman natin na kahit wala nang maraming promotions at pakulong gawin ang marketing ay mabebenta parin ang magazine natin. We have die hard subscribers, Glenn." Kampante parin siyang nakasandig sa kanyang upuan at pinakatitigan ang bading nilang art director. "Parang kagaya rin iyan sa pagbili ng mamahalin at branded na sapatos. Sometimes, the buyers doesn't really care and doesn't give a fuss about the design so as it's the newest edition and it's the most expensive."

"We have die hard subscribers dahil SIKAT..." sagot nitong nag-quote and quote sign pa sa huling sinabi. "Sikat ang lagi nating naife-feature, Sofia. At alam mo iyan."

"That's a given, Glenn. But don't you think we could make some mean turn this time and give it a shot?" Binalingan niya si Dyan. "What do you think?"

"Yes, that's more of a challenging work for the team. Why don't we try to get out of our comfort zone just for once?"

"At paano kung hindi ako pumayag?" hamon ni Glenn na nakataas parin ang isang kilay.

"I won't take the job for the shoot then. Kumuha nalang kayo ng ibang photographer," walang pikit mata niyang sagot.

"You aren't serious, Sofia!" medyo napalakas ang boses ni Glenn kasabay pang pumipilantik ang maarteng kamay nito.

She knew that the team can't afford to lose her shots. Tatatlo lang silang mga magagaling na fashion photographer sa bansa and she was definitely the team's choice. No question. Kaya nga siya ang nakakontratang photographer ng Infinity.

She was their best choice.

Napabuntong hininga si Glenn at napailing na napatitig sa kanya, nanlambot na ang kaninang matigas nitong mukha. "Ano bang pinaglalaban mo ngayon Sofie at ang tindi ng mga banat mo sakin? I mean no harm for the team pero ayaw ko lang mag suicide."

"We're entitled to commit suicide sometimes," she laughed. "May pagkasuicidal din kasi ako."

May natawa sa kanilang mesa. Meron namang hindi, siguro ay dahil hindi nakasabay sa joke niya. Ipinagkibit balikat nalang niya iyon. Hindi na nga nakapagsalita ang ibang parte ng kanilang team sa mesa.

"Hay naku kung hindi ko lang gusto ang mga shots mo ay nunkang ico-consider ko iyang gusto mo, girl!"

Papayag rin pala ang dami pang sinabi! Hay naku kaloka 'tong baklitang 'to!

Bahagya siyang ngumiti. "Thanks, Glenn ikaw naman ang head kaya ikaw rin ang mananagot pagnagkataon."

"Kaya nga gusto na kitang batukan ngayon, bruha!"

Natawa nalang siya sa sinabi nito. Kasabay niyon ay ang walang sabing pagtunog ng kanyang cellphone. Tinitigan niya ang oras sa kanyang wrist watch. It was past twelve noon. Now she knew why she was receiving the call.

Pinaikot muna niya ang mga mata at sandaling nag excuse sa meeting bago iyon sinagot. " What now?"

"Nasa labas ako ngayon, halika na at kakain na tayo."

"Nasa meeting pa ako."

"Meeting? It's past lunchtime, Sofia. You could at least resume that meeting later. Kailangan mong kumain."

Muli niyang pinaikot ang mga mata. "I can't, mamaya pagkatapos ng meeting."

"Hindi pwede. Ngayon ka dapat na kumain. Kung hindi ka kakain kasama ako ay dadalhan nalang kita diyan."

"Hindi pwede," sabi niyang ginaya ang sinabi nito. "What do you expect, kakain ako habang tinititigan ng mga kasama ko?"

"Ilan ba kayo?"

Napangiti siya. Napakadali talagang kausap ng lalaking ito. "Anim lang naman kami...and oh pwedeng magrequest? Type kong kainin yung baby back ribs sa Ranchero tsaka paki samahan mo narin buttered shrimps and crabs."

Narinig niya ang bahagyang pagbuntong hininga nito at ang mahina pero baritonong tawa nito.

"Tsaka pasali narin ng--"

"Kinilaw." Ito na ang tumapos sa gusto niyang sabihin. Alam na alam ni Gab na paborito niyang ipares ang baby back ribs at kinilaw. Natatakam na tuloy siyang kumain. Sa totoo lang ay kanina pa talaga siya nagugutom.

"Ay galing mo talaga Gab, kaya love na love kita. Pakibilisan nalang. Love you!" Hindi na niya binigyan ng pagkakataong makasagot si Gab at agad narin siyang bumalik ng upo. "Shall we?" tanong niya sa mga tao roon na pansamantalang tinigil ang diskusyon tungkol sa magazine.

Nagresume ang kanilang meeting pero wala pang trienta minutos ay humahangos na pumasok ang guard nilang si Kuya Rey bitbit ang tatlong supot ng ibat-ibang pagkain.

Hmm... bilis naman ni Gab, trip ko tuloy h***k-h***kan ang lalaking iyon ngayon.

"Anong meron Kuya Rey? Fiesta ba?" nagtatakang tanong ni Gia na concept stylist nila.

Nilapag muna ng guard ang mga supot sa gilid ng mesa at nagkamot ng ulo. "Pinabibigay po ni Sir Gab kay Ma'am Sofia."

"Aba'y nasa labas ang fafa Gabriel ko ngayon?" excited na sabad ni Glenn. "Bakit hindi mo pinapasok, Kuya Rey?"

"Eh...umalis po agad, Sir Glenn."

"Naku hindi ko man lang nasilayan ang mala-anghel niyang kagwapuhan at ang to-die-for-body niya. Siya na sana magpapakompleto ng araw ko." Binalingan siya ni Glenn at pinaningkitan. "Trip ko tuloy ibahin ang concept ng theme natin sa susunod nating shoot, Sofie. Instead of woman empowerment ay hotness illegality nalang kaya? Sa sobrang yummy niyang kaibigan mo ay nagmumukha na siyang illegal. Hindi na tama!"

She laughed and rolled her eyes heavenwards. Narinig lang ni Glenn ang pangalan ni Gab ay lumabas na ang pagkamalandi nito.

"Wholesome ang magazine natin at hindi erotic!"

"Sa bagay, pero trip ko talaga siyang gawing next prospect sa cover natin. Pagnagkataon magvo-volunteer akong maging stylist niya."

Napailing-iling siya. Kilalang-kilala niya si Gab. "He will not do such a thing, Glennie dahling. You can dream on though," she said while digging the food on the table. Sinenyasan niya si Kuya Rey na maupo narin at kumain.

"Naku mukhang nakakatakam ang mga ito, kagaya ng nagdala," si Luchie na isa sa mga assistant editor din nila.

She sighed. Lahat halos ng mga kasama niya ay si Gab lagi ang bukang bibig. Sa bagay, gwapo nga naman ang lalaking iyon. Pero dahil sa may nag-umaapaw itong kagwapuhan ay kabi-kabila rin ang mga babae. Huwag nang isaling ilang beses na siyang inaway ng ilan sa mga naging babae nito dahil lagi siyang napagkakamalang third party o di naman kaya e-lagi siyang pinagsiselosan.

Nagsimula na silang kumain nang maisipan niyang abutin ang cellphone at tawagan si Gab.

"Hello, Gab?" she said sweetly.

"Bakit may nakalimutan ako?" pasuplado agad nitong sagot.

"Wala, gusto ko lang mag-thank you dahil hindi mo nakalimutan ang blue berry cheesecake ko. Ikaw kumain kana ba?" she asked habang sumusubo ng pagkain. Pinandilatan naman siya ni Glenn.

"Hindi pa."

"Sumabay ka nalang sana ditong kumain?" Half-hearted lang ang alok niya dahil panigurado niyang lalandiin na naman ng mga

mahaharot niyang kaibigan si Gab. Lalo na si Glenn baka ma-harass ng wala sa oras ang pobreng lalaking 'to sisihin pa ako.

"Saka na ako kakain, nag emergency call ang sekretarya ko. I'm off to Davao to meet some contractors."

Nanlaki ang mga mata niya at medyo napalakas rin ang boses niya. "Davao?! Makakabalik kaba agad?"

"I'll probably stay there overnight. Si Lito na ang susundo sayo mamaya at bukas ng umaga."

Knowing Gab ay baka ibang mga contractors ang katatagpuin nito o baka naman may kasama ito ngayon kaya nagmadaling umalis ng hindi man lang siya sinilip.

Pero wala naman siguro, yayain kaba naman niyang maglunch kanina kung may iba siyang kasama? kontra ng konsensiya niya.

"Hintayin mo si Lito mamaya, Sofia. I have to drop this call at may tumatawag sa isa kong telepono."

"I can drive my car tomorrow para hindi na ako makaistorbo kay Manong Lito."

"Wala akong tiwala sa driving skill mo, Sofia."

Napanguso siya habang nilaro-laro ang ngayong pinapapak na niyang baby back ribs. "Alam mo ikaw ang labo mo rin. Tinuru-turuan mo akong mag drive pero ayaw mo naman akong magmaneho?"

"No. You almost gave me three heart attacks the last time you drove your car. Si Lito ang susundo sayo bukas. Now, will you let me answer my call?"

Tatlong beses narin kasi siyang nakabangga noon dahil sa sobrang overwhelmed yata siya nung natuto siyang magmaneho. Kaya iyon, hindi na siya nito pinayagang magmanehong muli.

"AO talaga nito. Sige na Gab, sagutin mo nayan. You drive safely. Thank you ulit sa food. Mwuahugs!"

"I'll see you tomorrow, Sof. Take care." Iyon lang at nawala na ang boses nito sa kabilang linya. Bigla tuloy siyang nalungkot na hindi si Gab ang makakasama niya mamaya. Kahit gaano kasi ito kaabala sa negosyo at mga babae nito ay hindi parin siya nito nakakalimutan.

"Oh, bakit mukhang pinagsakluban na iyang mukha mo ngayon?" puna ni Glenn. "Miss mo na agad si Gab?"

"Hindi ano!"

"Huwag ganyan at magseselos ako. Hindi ka pwedeng ma inlove sa bestfriend mong iyon! O siguro ay inlove kana at in-denial lang ang peg?"

Agad niyang nalunok ang kakasubo lang na isang buong hipon.

Mainlove? With Gab?Hindi pwede! No way!

That's the last thing on earth that she'd like to happen. Prente na siyang nandiyan lang si Gab sa tabi niya kung kailangan niya ng kaaway, kalambingan, kaharutan at kakulitan.

Pwede siyang mainlove sa kahit kanino. Pwede na siyang sumaya, sumugal at masaktan muli.

Huwag lang kay Gab.

Not in her lifetime and never will be.

Not after her past.

"Oh, ba't natahimik ka diyan?"

"Kumain kana ngalang, Glenn! Sige ka hindi kita ilalakad doon!"

Umismid ito. " As if naman may pag-asa ako!"

Pinilit niyang mai-alis sa isip ang sinabi ni Glenn at ibinaling na lamang sa pagkain ang kanyang atensiyon.

__

"HAY, ano ba 'yan! Bakit ko naman ini-isip ang sinasabi ni Glenn kanina?" Inis siyang tumayo mula sa kanyang velvet settee saka tinungo ang ref at sinilip kung may mga tira-tira pa siyang sweets doon. Trip niyang kumain ng mga matatamis ngayon pero dismayadong isinara niya ang ref. Kahit man lang asukal na pwede niyang papakin ay wala. "Ano ba yan!"

Pasalampak na muli siyang naupo sa settee at inabot ang cellphone. May text na mula doon galing kay Gab.

"Kumain kana ba , Sof?"

She bit her bottom lip and composed a message for him. "I had dinner pero trip kong kumain ng matamis ngayon kaya lang tinatamad na akong bumaba para bumili."

Ilang segundo lang ay nagreply kaagad ito. "Ano bang gusto mong kainin?"

Napaisip muna siya bago muling nag-type."Kakanin."

"Kakanin? You usually have weird cravings when you have your period. Dumating naba sayo?"

She bit her lower lip again. Tama si Gab, baka bukas o makalawa ay datnan siya. "Wala pa naman pero trip ko talagang kumain ng matamis na kakanin."

"Hintayin mo nalang si Lito diyan."

Napangiti siya. Buti nalang at to the rescue talaga si Gab lagi sa kanya. "Thanks, Gab. Can I call you?"

Inayos niya ang pwesto sa settee at tuluyan nang humiga.

"I'm working right now, Sof."

Working? Itchusero 'to nakakareply pero hindi pwedeng tawagan? Baka naman he's working on some 'handy' ministrations kamo while texting me. Tindi din nitong si Gab.

Hindi na niya natiis at makulit na pinindot ang call button. Bahala siya!

Nakatatlong ring pa iyon bago nito sinagot. "Ano ba kasing ginagawa mo? Pwede kang mag text pero hindi pwedeng tawagan. Ano yun?" ratsada agad niya habang hindi pa ito nakapagsalita.

"For a while, Lexi," sabi nito sa kabilang linya.

Lexi?

"Sof, I have a dinner meeting right now. Hindi kita pwedeng kausapin ngayon. I'll call you up late--"

"Teka lang Gab, sandali! Sino ba iyang ka dinner meeting mo?"

"The construction architect." Narinig niya ang buntong hininga nito. "Look Sof, I really need to drop this call--"

"Teka- teka lang, Gab..." bakit pakiramdam niya ay nai-iyak siya?

"What?" Nawawalan na ng pasensiya ang tono nito.

"I miss you," deretsang saad niyang napalunok. At kailan pa siya naging ganito ka clingy kay Gab? May-pagka clingy siya pero hindi iyong tipong ganitong nangungulit kapag may ginagawa si Gab. Epekto ba ito ng nalalapit niyang period?

Bigla itong natahimik sa kabilang linya. "Gab? Nandiyan ka pa ba?" Inalis niya sandali ang cellphone sa tenga at tinitigan ang screen. Naroon pa naman ito. "Hello Gab?"

"I miss you too, Sof. I'll see you tomorrow," came the low masculine voice on the other line.

Nakahinga siya ng maluwang. " Sige na nga tuloy mo nayan. Kinamusta lang naman kita. Ingat ka diyan. Bye!"

Siya na ang naunang nagbaba ng tawag.

Meeting lang sa architect may pa dinner-dinner pang nalalaman?

Sa bagot ay nagpasya muna siyang manood ng TV. Ilang sadali lang ay nakarinig na siya ng doorbell. Nakangiting pinagbuksan niya si Manong Lito. Dala dala nito ang ibat-ibang klaseng kakanin.

"Okay naba ang mga iyan, Sofia? Sabi ni Sir Gab eh bilhin ko nalang daw lahat ng kakaning makita ko."

"Naku ang dami na nga po nito. Salamat po, naabala pa tuloy kayo."

"Walang anuman. Paano, aalis na ako at susunduin nalang kita bukas."

"Sige po Manong, ingat po kayo!" Hinintay pa niyang makapaglakad si Manong Lito papuntang elevator at kinawayan bago niya sinara ang pinto ng kanyang unit.

Bumalik muli siya sa kaninang pwesto at excited na kinain ang kaninang pinag-iinitan niyang kainin.

Bigla tuloy siyang napaisip habang kumakain.

Paano nalang kaya kung hindi dumating si Gab sa buhay niya? Siguro ang tagal na niyang nagpatiwarik. Nasanay kasi siyang ini-spoil siya nito sa lahat ng bagay at nasanay na siyang nasa tabi lang niya ito lagi.

Teka lang, ba't ba ang lalaking iyon nalang ang naiisip ko? At bakit ba umiinit ang sulok nitong mga mata ko? Kainis! For sure iba na naman ang agenda ng isang iyon! Bahala na nga siya!

Kaugnay na kabanata

  • My Angel Gabriel   Chapter Two

    Sofia"HINDIko talaga kayang lumabas ngayon sa sakit ng puson ko, Yan. Kakausapin ko si Mike na kung pwede ay siya nalang ang pumalit sa akin ngayon." Sapo niya ang puson habang namimilipit sa sakit. Kanina pa siya nagpagulong-gulong sa kanyang kama pero wala paring nangyayari.Photoshoot sa isang inside cover ngInfinity Magang gagawin nila ngayon kaya hindi naman gaanong importante ang featured photographer. Hindi talaga niya kaya ang sakit ng puson niya."Inuman mo nalang iyan ng pain reliever. I'm sure mawawala rin iyan. We can't postpone the shoot, Sof, dahil nandito na ang mga models. Nakakahiya naman.""Kaya nga tatawagan ko si Mike. Hindi ako makakapag

    Huling Na-update : 2022-01-12
  • My Angel Gabriel   Chapter Three

    SofiaBAKITba siya nadi-distract sa hubad na katawan ni Gab ngayon? Kanina sa mukha nito ngayon naman sa katawan nito?Gosh, this is so weird!Hindi niya napansing napailing-iling siya sa tinakbo ng kanyang isip."Bakit? Hindi mo nagustuhan ang lasa?"Gosh! Don't talk to me right now Gab, I'm having weird dilemmas right now--if I'm going to eat this soup o ikaw nalang kaya papakin ko?"Sofia?"Napapikit siyang nakagat ang pang-ibabang labi."Hey!" Inangat ni

    Huling Na-update : 2022-01-12
  • My Angel Gabriel   Chapter Four

    Sofia"THAT'Sa wrap guys! Great job!" narinig nilang sigaw ni Stephanie na siyang art director at editor-in-chief rin ngMiliage.Tiningnan niya ang mga nakuhang ramdom shots sa isang monitor.Napangiti siya.Hindi siya masyadong nahirapan sa shoot. Brandon was really a natural. Nasa ika-fifteenth floor sila ngayon ng Sunset Hotel kung nasaan ang pool area na pinagdarausan ng kanilang photoshoot.Nagulantang siya ng may kung anong mainit na hanging umihip sa tenga niya. Agad siyang napalingon at napalunok ng makitang nakatayo si Brandon sa kanyang likuran at mataman siyang pinakatitigan.

    Huling Na-update : 2022-01-12
  • My Angel Gabriel   Chapter Five

    Gab"NOWtell me? Paano mong nakilala si Brandon? Bakit nung napagusapan natin siya ay hindi mo naman siya kilala?" Sunod sunod na tanong ni Sofia.They were squatting on the floor face to face. Ang nakapagitan lang sa kanila ay ang maliit na mesa. Dinala niya si Sofia sa isang Japanese restuarant sa mismong hotel na pinagdausan rin nito ng photoshoot dahil alam niyang paborito nito ang naturang pagkain at lagi ay agad na nawawala ang tampo nito pagnakakatikim ng tempura. Pero mukhang wala itong planong palipasin ang nangyari kanina."Sofia, maano lang ba't kumain ka muna?"Naningkit ang bilugang mga mata nito. "Hindi ako kakain hangga't hindi mo sinasabi!"

    Huling Na-update : 2022-01-15
  • My Angel Gabriel   Chapter Six

    SofiaBWISIT!wala nabang masta-traffic pa rito?Binusinahan ni Sofia ng pagkalakas ang isang kulay pulangFord Mustangna kung magitgit sa sasakyan niya ay wagas. Nag Roxas Boulevard na nga siya dahil akala niya makakaluwang-luwang siya sa traffic pero hindi parin pala!Galing siyang Quezon City para pumirma ng kontrata sa isang upcoming project ng PNC Network. The network chose her to be the featured photographer for some of their talents magazine exposure.Lalong gumitgit ang harapang bumper ng Mustang sa gilid ng sasakyan niya para makasingit. Sa malas niya ay rush hour pa siya nagpasyang umuwi.

    Huling Na-update : 2022-01-15
  • My Angel Gabriel   Chapter Seven

    Sofia"SA HAGIA ANOSsiya tumutuloy ngayon, Jen?""Opo Ma'am Sof..." Antok na antok pa ang boses ng sekretarya ni Gab, halatang naantala ang tulog nito. Alas sies palang kasi ng umaga. Sinigurado lang naman niyang sa resort ni Gab ito tumutuloy."Sige Jen, thank you. Sorry sa istorbo."She ended the call.She boarded the earliest flight today kaya medyo inaantok pa siyang lumabas ng Davao International Airport. Pero napangiti siya ng masilayan ang pamilyar na tanawin mula sa labas ng airport.Ilang taon rin ba siyang hindi nakabalik sa Davao? Two, three? It was so good to be bac

    Huling Na-update : 2022-01-15
  • My Angel Gabriel   Chapter Eight

    SofiaFlashback: Sometime eight years ago..."OHGab...Oh you feel so good..." nagulantang si Sofia nang marinig ang ungol ng isang babae.At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita si Gab at ang isang babae sa counter ng mismong sink nito. Gab was on his back, wala na itong suot na damit, nakalilis ang denim pants at ang boxers nito sa may bandang hita nito.Napalunok siya ng mapagmasdan ang malapad na likod ni Gab at ang malusog na puwet nito. But what struck her in her tracks was the scandalizing view--the woman's legs on either side of Gab's hips!Unti-unting napaangat ang kanyang mukha at muntikan na

    Huling Na-update : 2022-01-20
  • My Angel Gabriel   Chapter Nine

    SofiaContinuation some eight years ago..."ANONGgagawin natin dito, Sofia?" napakunot noo na napatitig si Gab sa labas ngPintado. Pag-aari iyon ni Borgy Manalo, isa sa mga kaklase niya sa UP. Kagaya niya ay may pasyon rin ito sa art, sa pagta-tattoo nga lang ang forte nito."Basta halika na!" Nangingiti-ngiting hinila niya ito papasok sa glass door."Bogs!" masiglang sigaw niya ng makapasok na sila ni Gab sa loob."Sofia, napadalaw ka?" Napatayo si Bogs mula sa counter na kinauupuan nito. Nangingintab sa tattoo ang buong braso at leeg nito. Tinanguan nito si Gab na nasa kanyang likod. "Gab."

    Huling Na-update : 2022-01-20

Pinakabagong kabanata

  • My Angel Gabriel   Special Chapter Four

    [Sofia's POV]"CANyou just leave? Gusto kong mapag-isa," I said calmly though I'm really dying to slap his face. Anong akala niya, na madadaan niya ako sa mga paglalambing at paglalandi niya ngayon?Napapiksi ako nang maramdaman ko ang mga palad niya sa talampakan ng isa kong binti. He was beginning to do that mouthwatering massage again."Gab!" Sinamaan ko siya ng tingin. I tried to let go from his grip pero tuloy niyang pinadaan ang mga daliri niya roon. This was his usual routine. Ang pagmamasahe sa mga talampakan ko. "Ano ba!"" I don't think this has something to do with what the kids and I did. Ano bang problema, Angel?"malambing niyang tanong. Aba, kung maka asta siya akala niya wala siya

  • My Angel Gabriel   Special Chapter Three

    [Sofia's POV]"AREyou okay, Sof?" tanong ni Dyan nang mapansin niyang napatulala na naman ako.Manong Lito's already outside. He already sent the kids home so I guess I have no choice but to go home too. I'll have to act like nothing's wrong with me in front of the kids. And the worst was, I'll have to endure Gab's presence tonight."I'm not okay. You know that," sagot ko."Then, do as I say. Kausapin mo si Gab habang maaga pa."I hope it was just as easy as that. Talk to him and ask him who the hell that bitch was. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging kalmado kapagka nakita ko siya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko siya ng

  • My Angel Gabriel   Special Chapter Two

    [ Sofia's POV]WHAT'Sthe best gift that you could give to a person who practically has everything? Hay, ang hirap! My husband has everything and anything that anyone could ever wish for. Yes! Eversince, he'd tell me na wala nadaw siyang mahihiling pa. He has me and our kids ( the most important to him next to his company as he would always tell)."Ma'am ito po baka magustuhan ng asawa niyo."Dumukwang ako sa estante ng mga mamahaling relo. The sales lady brought out a rolex watch. "Latest model po namin iyan ng men's watches," she smiled as I took and examined the watch.It was a simple leather strapped watch with an aluminum case and glow-in-the-dark hands. I think it would suit Gab just

  • My Angel Gabriel   Special Chapter One

    [Gab's POV]"PUSHit more, baby! One more!" Sofia tightly squeezed my hand as she went for another push. I hoped I could just take in all the pain that she was feeling right now.Kada ere niya ay pinagdarasal kong iyon na ang huli. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon, it's her fifth delivery but she was taking it so bad."Last na talaga 'to, Gab! Ayoko na!" she yelled. "Akin na yung isa mong kamay!"Binitawan ko ang telang pinangpupunas ko sa pawis ng asawa ko saka ko iyon inabot sa kanya . She grabbed my free hand impatiently. I knew what she was about to do next."Arrrggghhhh..."she pushed once again habang kagat kagat niya ang kamay

  • My Angel Gabriel   Last Chapter

    [Sofia's POV]Me:Where are you?Anong oras na?Umuwi kana!I heaved a sigh as I typed in the words in my cellphone's keypad with deep conviction.That guy had been going home late for three consecutive nights. Malilintikan na talaga sa'kin ang lalaking iyon ngayon. It's past ten in the evening and I've already tucked the kids to bed. Nakapag-half bath narin ako and I was able to clear out the dishes and some stuff in the kitchen. Hindi na naman namin nakasama ang asawa kong mag dinner ngayon. I've been looking forward kasi our dinner time being a little lone family time, like our little bonding moment because we're kind of busy in the morning.

  • My Angel Gabriel   Chapter Thirty Five

    SofiaTHEYhad been okay. Umalis parin si Gab patungong Thailand pero bago ang araw na iyon ay nagulat nalang si Sofia na pinapunta pala ni Gab si Tita Astrid sa tinitirhan nito. Hindi umano ito kampanteng mag-isa siya ngayon, lalo't buntis siya. Wala siyang naging ibang choice. She stayed at Gab's town house kasama si Tita Astrid."Sofia, you'd been working all day long, kumain kana muna." Naglapag ito ng pakain sa mini table kung saan siya naka upo. Kararating lang niya mula sa isang photo shoot and she was really drowsy.The past few days were great. She felt like making up lost moments with Tita Astrid. Nagsisimula na muli siyang maging komportable dito at madalas sila nitong nagkikwentuhan.

  • My Angel Gabriel   Chapter Thirty Four

    Sofia"CONGRATULATIONS!You're pregnant!" nakangiting anunsiyo ng OB.Tulalang napatitig siya sa doktor. She was expecting this pero she was still shock of the confirmation.Magkaka-baby na sila ni Gab? She will have a little Montero for real? A little Gab or her little version?Oh my God!Wala sa sariling napatitig siya kay Gab na naka-upo paharap sa kanya. Handa na sana siyang sikmatan ito pero natigilan siya nang makita itong naluluha habang nakikinig sa pinapaliwanag ng kanyang OB na hindi niya maintindihan.Gosh! Talagang umiyak? Tears of misery or tears of joy

  • My Angel Gabriel   Chapter Thirty Three

    Sofia"SOFIEyou know, we can't afford to lose your shots," daing ni Glenn habang nagliligpit siya ng mga naiwang gamit sa mini office niya sa Infinity. "The management is just asking you to apologize.""No! I won't apologize. Hindi ko na kasalanan kung ipinanganak na bruha ang lecheng Leximina George Jeminez nayan! Kung iyan ang gusto ng head ay wala na akong magagawa."Nagpapadyak si Glenn. "Sofie naman. Nakiusap na nga ako kay Madam na iyon nalang ang gagawin mo. Apologize.""No!" Hindi niya ito binalingan at tuloy lang sa pagsilid sa mga gamit niya sa dala-dalang box."Sof, we're the best client you--"

  • My Angel Gabriel   Chapter Thirty Two

    EthanHEunderwent all the best treatment. Hindi kahit kailan sumuko ang kanyang ina kahit na sobrang napakaliit ng posibilidad na pwede pa siyang mabuhay.He too wanted to live.Gusto pa niyang mabuhay para sa kanyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya. Gusto pa niyang mabuhay para kay Sofia noon.Napakarami niyang pangarap para sa kanila. Asang asa rin siya noong gagaling pa siya kaya halos gumuho ang mundo niya ng tinaningan na siya ng doktor. Si Sofia agad ang naisip niya. Natakot siyang hindi na niya ito muling mahawakan, mayakap at mahalikan. Takot na takot siyang mangyari iyon. Pero kalakip ng takot niya ay ang labis labis na pagmamahal na nararamdaman rin niya par

DMCA.com Protection Status