Sofia
"THAT'S a wrap guys! Great job!" narinig nilang sigaw ni Stephanie na siyang art director at editor-in-chief rin ng Miliage.
Tiningnan niya ang mga nakuhang ramdom shots sa isang monitor.
Napangiti siya.
Hindi siya masyadong nahirapan sa shoot. Brandon was really a natural. Nasa ika-fifteenth floor sila ngayon ng Sunset Hotel kung nasaan ang pool area na pinagdarausan ng kanilang photoshoot.
Nagulantang siya ng may kung anong mainit na hanging umihip sa tenga niya. Agad siyang napalingon at napalunok ng makitang nakatayo si Brandon sa kanyang likuran at mataman siyang pinakatitigan.
Anak ng isdang walang hasang!
"Did I scare you?"
Bahagya siyang napahakbang sa harapan para bigyang distansiya ang pagitan nila. She could almost feel his breath fanning against her face. "Hindi naman." Nagpakawala siya ng tipid na ngiti. " You were great. Hindi ako nahirapan."
He grinned sheepishly. "Ginalingan ko talaga para hindi ka mahirapan. Ayaw kong mapagod ka."
Juice mio marimar naman itong lalaking 'to!
He hasn't had his shirt on so she could actually have a view of his sinewy body against the bath of sunlight. Halatang alaga sa gym at proper diet ang katawan nito.
But unlike Gab, kahit hindi regular na nagpupunta sa gym at hindi naman nagda-diet ang kumag ay biniyayaan parin ng napakagandang katawan. Everything about Gab was effortless and that made him look more unjustifiable from the others. Ika-nga--nasaan ang justice?
Teka lang bakit ko na naman naisip ang lalaking iyon?
Wala siyang masabi kaya ibinalik niya ang tingin sa monitor at dumukwang para piliin ang mga pinakamagaganda niyang shots.
Maya-maya ay napansin niyang nakatingin rin si Brandon sa mga litrato. He was leaning towards her, at nararamdaman niya ang hininga nito sa batok niya.
Napatikhim siya at nagsalitang hindi ito tinitingnan. "I guess this shot is great for the cover. Ano sa tingin mo?"
"Maganda lahat ang kuha mo. I won't mind if you choose that photo for the cover."
Napangiti siya at bahagya itong sinulyapan. "Bolero karin ano?"
This man operates well ha!
"Hindi kita binobola. Totoong magaling ka, Sofia. Hindi na nga ako makapaghintay sa susunod ko pang cover. Gawin nalang kaya kitang exclusive kong photographer?"
Hindi na niya napigilang mapaikot ang mga mata saka natawa. "Don't flatter me with your words, Brandon, baka maniwala na ako."
"I mean every words that I said, Sofia,"seryoso ang boses na sabi nito.
Muli siyang napatikhim. Hindi siya sanay na nako-corner ang dila niya at lalong hindi siya sanay sa makareñong lalaki.
"Hindi natuloy ang dinner sana natin last two weeks so I guess pagbibigyan mo na ako ngayon?"
Hindi iyon natuloy dahil wala siya sa mood at may dalaw pa siya niyon.
"I take no for an answer now, Sofie."
Aba kung maka Sofie, feeling close na!
Pumili muna siya ng mga litrato mula sa screen para mai-transfer iyon sa isang file bago niya ito muling hinarap. "Sige ba."
Luma-lovelife kana Sofia!
Nagpakawala ito ng malawak na ngiti. "A'right, dinner tomorrow at seven. Susunduin nalang kita."
Magtatanong pa sana siya kung bakit agad agad ay bukas na pero iba ang lumabas sa kanyang bibig. "Uhmm...Okay."
Napalingon sila sa kabilang dako ng pool ng marinig nilang tinawag si Brandon ni Stephanie.
"I guess I have to pack up na, tinatawag kana rin ni Steph. I'll just see you tomorrow."
"Alright Sofie, I'll see you."
Tumango siya at babalingan na sana muli ang ginagawa pero may pahabol pa itong sinabi na binulong pa nito sa kanyang tenga.
"You smell so good, Sofie." Napakindat ito bago tuluyang naglakad patungo sa kinatatayuan ni Stephanie.
Bakit bigla siyang kinilabutan? Naalala tuloy niya ang sinabi ni Gab. He just wanna get inside your skirt, Angel...
Hindi naman siguro lahat ng lalaki kagaya ni Gab? Natutop niya ang noo. Hay! Ano ba yan! Post menstrual blues pa ba to'? Aba'y two weeks na 'to ah?!
Napailing-iling siyang parang sira at nagsimula nang magligpit ng tumunog ang kanyang cellphone. Lunch time na pala. Alam niyang si Gab iyon.
Dinampot niya ang phone at agad na sinalang sa tenga. "Teka lang Gab, one minute."
"Igagarahe ko lang ng maayos ang sasakyan ko, Sof."
"Hindi na kailangan Gab, aalis narin naman ako, magpapaalam lang ako sa team sandali."
"Dito na tayo kakain,"sagot nito. "Saan kaba at pupuntahan nalang kita?"
Diyos ko hindi pwedeng makita si Gab dito at siguradong pagpipyestahan na naman ang kumag! May pagka snob pa naman ag isang 'to.
"Ah eh, hintayin mo nalang ako sa Beau Grill sa may second floor doon nalang tayo kumain, pababa naman ako."
"Nasaan ka ba?"
"Bababa na nga ako!" sabi niya at ibinaba na agad ang cellphone. Isinukbit na niya ang kanyang laptop at ang kanyang camera saka tinungo muna ang kinaroroonan ng team at nagpaalam.
"Sige, Steph I'll just send you the edited photos tonight."
"Thanks, Sof."
"Sige mauna na ako,"
Napangiting nilapitan siya ngayon ni Brandon.
Salamat naman at may t-shirt na ang isang 'to!
"Gusto mo bang sabay na tayong kumain ngayon, Sofie? I guess wala ka namang gagawin?"
"Uhm...may kasama kasi--"
Natigilan siya ng marinig ang bulong ng isa sa mga crew ng Miliage. "Gin, may naligaw yatang anghel ng kagwapuhan dito. Sino ang lalaking iyan?"
"My oh my... ang pagkakaalam ko tapos na ang photoshoot natin? May next session pa ba at nakalimutan ko yata?! Pahubarin na 'yan at ready na ako! Dali!"
"Steph, pwede siyang pang cover sa next issue ng Miliage!" Tili ng isang kasama rin ng team. "Babahain tayo ng sales!"
Hindi na niya naituloy ang sagot kay Brandon at napalingon sa tinutukoy ng mga babae.
Nanliit ang mga mata niya ng makita si Gab. Sinasabi na nga ba! Shit!Takte ka naman Gab, ba't ba kasi ang gwapo mo?Kainis!
At talagang pinuntahan pa siya nito?
Pakiramdam niya ay may biglang malamig na hanging dumaan at lahat ay napatigil at napatingin kay Gab. Sino naman kasi ang hindi mapapatingin? He was wearing one of those winning white shirt that molded his body, faded jeans, a cowboy boots and a pair of dark aviator sun glasses.
"Hey, Sof?" untag ni Brandon sa kanya, bahagya pang dinama ng isang palad nito ang kanyang pisngi.
"Uh eh, maykasama na kasi akong magla-lunch ngayon." Nakagat niya ang pangibabang labi ng sa direksiyon niya naka tingin si Gab, palapit ito kung saan siya nakatayo. Hindi niya alam kung anong nilalaman ng mga mata nito dahil natatakpan iyon ng sunglasses.
Oh my! Gab, anong ginagawa mo?
Normally, Gab doesn't really meddle with her workmates. Kung sinusundo siya nito ay prente lang itong naghihintay sa kanya sa isang sulok o di kaya ay sa labas.
"Gab!" pinilit niya na ngumiti para maikubli ang pagka-tense.
"Halika kana, Sofia," walang kangiti-ngiting sagot nito at agad na kinuha ang bag ng kanyang laptop at camera. Hindi nito pinansin ang nasa likod na niya ngayong si Brandon. Narinig niyang may ilang taong napatikhim.
"Uhm Sofia, may kailangan ka yatang ipakilala?" bulong ni Stephanie. "Ikaw ha, may tinatago ka palang yaman hindi mo sinasabi."
Napatingin siya kay Gab at napatikhim. " Uhm by the way guys, this is Gabriel Montero, kaibigan ko." Binalingan niya ang mga taong naroon. "Gab, this is Stephanie the team's EIC."
Pa-cute na inabot ni Steph ang kamay nito. "Nice to meet you, Gab!"
Pormal ang mukha ni Gab ng inabot ang kamay ni Steph. "Nice to meet you too, Stephanie."
Steph gave him a flirty smile.
Napatikhim ang mga babaeng kasama nila doon. Muntikan na niyang paikutin ang mga mata.
Ngayon lang kayo nakakita ng gwapong lalaki? Araw-araw naman yatang gumagawa ng photoshoot ang mga 'to! Ano first time lang?
"This is Tanya, Gina, Auttie." Saka niya binalingan si Brandon na nakakunot ang noo sa kanyang likuran. "Si Brandon."
Isa-isang nakipagkamustahan ang mga babae kay Gab na halatang nagpapacute!
Diyos ko naman ano bang nakain ng lalaking 'to!
Matapos niyon ay inabot ni Brandon ang kamay para makipagkamusta kay Gab pero seryosong napatitig lang si Gab dito, bahagya pang nagtagis ang mga bagang nito. Hindi nito inabot ang kamay ni Brandon at basta lang tumango.
Narinig niyang may ilang na pa 'Oh' pero hindi na niya natingnan kung sinu-sino ang mga iyon dahil sa dalawang lalaki siya nakatingin.
"Nice to see here, pare," nakangiting sabi ni Brandon na tila balewala lang dito ang ginawa ni Gab. Pero siya ang nahiya sa inasta ng mahadero niyang sundo!
Hindi nito pinansin si Brandon at basta nalang hinila ang kanyang kamay. "Halika na, Sofia."
"Hey wait Gab, do you do modeling?" pahabol ni Steph na mukhang hindi man lang natinag sa kasupladuhan ni Gab.
"No I don't," deretsang sabad nito. "If you'll excuse us, we need to go."
Hindi paman siya nakapagpaalam ng maayos ay basta nalang siyang hinila nito. Pinilit niyang magpakawala ng mapaumanhing ngiti sa mga tao doon lalo na kay Brandon habang hila-hila siya ni Gab.
Kating-kati na ang dila niyang ratsadahan ito pero nagpakatimpitimpi siya dahil sa may ilan pa silang taong nakasalubong hanggang sa tuluyan na silang makalabas at matapat sa isang elevator.
Pumiksi siya mula sa pagkakahawak nito. Binitiwan naman siya nito. "What was that for, Gab?"
"Wala akong ginawa Sofia, nandito ako para sunduin ka." Pinindot nito ang panel ng elevator at bumukas ang mga pinto niyon.
"Wala? Wala kang ginawa? Pinahiya mo ako lalo na kay Brandon!" Hindi na niya napigilan ang bahagyang pagtaas ng kanyang boses.
Pumasok ito, tinanggal ang sunglasses sa mata at napatitig sa kanya." Hindi ako pumunta dito para makipagpalitan ng pleasantry." Pumindot muli ito mula sa panel ng elevator at muli siyang binalingan. "Pumasok kana, Sofia."
"Makipagpalitan ng pleasantry? Maano lang ba at makipagbatian ka kay Brandon? At hindi ko sinabing puntahan mo ako, ang sinabi ko hintayin mo ako sa baba!" naniningkit ang mga matang sikmat niya dito. "Wala na akong ganang kumain, kumain kang mag-isa mo!"
Sa tinding inis ay nagwalk out siya at lakad takbong binaybay ang lobby ng hotel sa floor na iyon. Maghahanap nalang siya ng ibang elevator. Nagngingitngit ang kalooban niya sa ginawa nito. Pinahiya siya ng gago!
Kaya ilag ang mga lalaki sa kanya dahil hindi paman nakaporma ay binabara na ng walanghiya.
"Bwisit!" inis niyang sambit.
"Sofia, hey!" lalo siyang nabwisit ng marinig ang boses nito.
"Go away, Gab!" sigaw niyang hindi ito nililingon. Nahagip naman nito ang kanyang kamay. "Ano ba!" pumiksi siya at bahagyang napaharap dito. "I said, just go away!"
"Alright, I'm sorry."
"Sorry? Napahiya mo na ako, Gab! Ano bang nagawa ni Brandon sayo at binastos mo siya ng ganoon?"
"Wala akong tiwala sa taong iyon, Sofia."
"Walang tiwala? Bakit kilala mo ba siya para husgahan ng ganyan ha, Gab?"
"Kilala ko at alam ko kung ano lang ang kailangan ng gagong iyon sayo." Makatwirang sagot nito bago muli nitong inabot ang kanyang kamay. " Now, let's resume this over lunch dahil alam kong hindi ka nag-agahan kanina," malumanay na ang tono ng boses nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. "Makakakain naman akong mag-isa. At anong ibig mong sabihing kilala mo siya?"
"Saka ko na sasabihin sayo, halika na."
"Hindi! Now, tell me now! Anong ibig sabihin mong kilala mo si Brandon?"
Nawawalan na ng pasensiyang inangat nito ang isang kamay at frustrated na sinuklay ng mga daliri nito ang buhok. "Christ, Sofia, can you let this pass for now? Gutom na ako at alam kong gutom kana rin."
"Let this pass? Bakit sino ba ang nambastos at sumugod-sugod doon? Diba ikaw?" May mga napapadaan na sa lobby ng hotel na nakatingin sa kanila, akala yata ng mga ito'y magkasintahan sila na nagkaroon ng LQ.
"Ayaw mo akong sunduin ka dahil hahayaan mo ang lalaking iyon na malaya kang mahawakan? Bakit Sofia, may namamagitan naba sa inyo ng lalaking iyon?"
Napanganga siya sa sinabi nito. Sa inis ay iba ang lumabas sa bibig niya. "Magkakaroon na sana siguro kami ng relasyon kung hindi ka umepal ngayon! Leste ka! Ano bang problema mo kay Brandon, ha?"
Simpleng haplos lang sa mukha ang ginawa ni Brandon kanina.
Ang hirap talagang ma-spell ng mga lalaki lalo na ang isang 'to! Lord pigilan niyo akong kalmutin ang gwapong pagmumukha nito, isa nalang at masasapak ko na 'to eh! Lakas makatrip at pinahiya talaga ako ng gago!"
"Halika na at hindi magandang mag-usap dito," napahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "Ang lakas ng boses mo nakakabulahaw kana sa mga tao dito."
Pumiksi siya muli sa pagkakahawak nito pero lalo lang nito iyong hinigpitan.
"Isa nalang, Sofia. Tumigil kana." Mahina lang ang boses nito pero nahihimigan niya ang pagbabanta roon.
Letse! Bwisit! Ako pa ngayon ang titigil eh siya naman ang nag-umpisa!"
Raratsada pa sana muli siya ng marinig niya ang boses ng isang babae. "Naku napakawalang breeding naman ng babaeng iyan. Sayang hindi sila bagay ng guy, mukhang palengkera at two timer. Sayang ang gwapo pa naman ng guy."
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita ang dalawang babaeng mukhang sosyalera na nakatayo malapit sa reception, sa harap ng mga ito ay ang dalawa ring babaeng receptionist. Sa palagay niya'y kanina pa nga sila nag-aagaw eksena doon.
Ngayon lang niya napansin na nakatayo na pala sila sa harap ng mismong reception ng floor na iyon, lahat ng mga mata doon ay sa kanila nakatutok, inaabangan siguro kung ano ang susunod niyang iraratsada.
Letse talaga! Mukha ba akong two timer?At paanong nasayang ang kagwapuhan ng animal na 'to?Akala niyo lang sayang kasi gwapo pero impakto ang lalaking 'to!
Muntikan na niyang maabot ang isang malaking babasaging vase sa harapan nila para sana ibato sa bruhang umepal! Alam niyang maganda siya pero nakakababa ng self-esteem ang mga sinabi ng bruha, kahit maganda siya ay mababang uri parin pala siya in comparison to Gab. Hindi sila bagay ganun?
At kailan kapa naging concern kung bagay kayo ng lalaking iyan Sofia? Sabad ng kanyang konsensiya.
Letse! Bwisit talaga!
"Halika na, Sofia," sabad ng kontrabidang nagmumukhang bida sa harap ng mga babaeng nakikita niya.
Binalingan niya si Gab ngayon, hindi niya alam kung narinig rin ba nito ang bulong ng bruhang babae. "I really hate you! I wish you just rot in hell right now and stay there!" sabi niya sa mahina pero nanggigigil na boses, "I will really wring your neck, Montero! Bwisit ka!"
"You can do that later," balewalang sagot nito.
"Bati na ba sila? Bakit mukhang humina yata mga boses nila?" narinig niyang bulong ng isang tsismosang receptionist.
Napahagikhik ang kasama nito na tila kinikilig. "Mukhang hindi pa yata eh. Sobrang gwapo ng guy no? Model kaya siya?"
Mahina lang ang boses ng mga tsismosang nag-uusap pero hindi iyon nakaligtas sa kanyang tenga.
At talagang mas lalo pang dinagdagan ng mga mahaderang ito ang bwisit ko! FYI, ang lalaking sinasabi niyong gwapo lang naman ang nang bibwisit dito tapos pupuri-purihin niyo pa! Magsama kayo!Mga bwisit!
Dahil sa nakakaagaw pansin na sila ay wala narin siyang nagawa kundi ang bahagyang kumalma at ang sumunod sa bwisit na lalaking nagbabalatkayo lang sa gwapong mukha.
Gab"NOWtell me? Paano mong nakilala si Brandon? Bakit nung napagusapan natin siya ay hindi mo naman siya kilala?" Sunod sunod na tanong ni Sofia.They were squatting on the floor face to face. Ang nakapagitan lang sa kanila ay ang maliit na mesa. Dinala niya si Sofia sa isang Japanese restuarant sa mismong hotel na pinagdausan rin nito ng photoshoot dahil alam niyang paborito nito ang naturang pagkain at lagi ay agad na nawawala ang tampo nito pagnakakatikim ng tempura. Pero mukhang wala itong planong palipasin ang nangyari kanina."Sofia, maano lang ba't kumain ka muna?"Naningkit ang bilugang mga mata nito. "Hindi ako kakain hangga't hindi mo sinasabi!"
SofiaBWISIT!wala nabang masta-traffic pa rito?Binusinahan ni Sofia ng pagkalakas ang isang kulay pulangFord Mustangna kung magitgit sa sasakyan niya ay wagas. Nag Roxas Boulevard na nga siya dahil akala niya makakaluwang-luwang siya sa traffic pero hindi parin pala!Galing siyang Quezon City para pumirma ng kontrata sa isang upcoming project ng PNC Network. The network chose her to be the featured photographer for some of their talents magazine exposure.Lalong gumitgit ang harapang bumper ng Mustang sa gilid ng sasakyan niya para makasingit. Sa malas niya ay rush hour pa siya nagpasyang umuwi.
Sofia"SA HAGIA ANOSsiya tumutuloy ngayon, Jen?""Opo Ma'am Sof..." Antok na antok pa ang boses ng sekretarya ni Gab, halatang naantala ang tulog nito. Alas sies palang kasi ng umaga. Sinigurado lang naman niyang sa resort ni Gab ito tumutuloy."Sige Jen, thank you. Sorry sa istorbo."She ended the call.She boarded the earliest flight today kaya medyo inaantok pa siyang lumabas ng Davao International Airport. Pero napangiti siya ng masilayan ang pamilyar na tanawin mula sa labas ng airport.Ilang taon rin ba siyang hindi nakabalik sa Davao? Two, three? It was so good to be bac
SofiaFlashback: Sometime eight years ago..."OHGab...Oh you feel so good..." nagulantang si Sofia nang marinig ang ungol ng isang babae.At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita si Gab at ang isang babae sa counter ng mismong sink nito. Gab was on his back, wala na itong suot na damit, nakalilis ang denim pants at ang boxers nito sa may bandang hita nito.Napalunok siya ng mapagmasdan ang malapad na likod ni Gab at ang malusog na puwet nito. But what struck her in her tracks was the scandalizing view--the woman's legs on either side of Gab's hips!Unti-unting napaangat ang kanyang mukha at muntikan na
SofiaContinuation some eight years ago..."ANONGgagawin natin dito, Sofia?" napakunot noo na napatitig si Gab sa labas ngPintado. Pag-aari iyon ni Borgy Manalo, isa sa mga kaklase niya sa UP. Kagaya niya ay may pasyon rin ito sa art, sa pagta-tattoo nga lang ang forte nito."Basta halika na!" Nangingiti-ngiting hinila niya ito papasok sa glass door."Bogs!" masiglang sigaw niya ng makapasok na sila ni Gab sa loob."Sofia, napadalaw ka?" Napatayo si Bogs mula sa counter na kinauupuan nito. Nangingintab sa tattoo ang buong braso at leeg nito. Tinanguan nito si Gab na nasa kanyang likod. "Gab."
Sofia "HIMALAyata't nag-aya kang lumabas ngayong gabi, Sofia? Saan kaba galing, ha? Bakit itong si Mike ang gumawa ng photoshoot mo dapat kanina saChic Mag?" sunod-sunod na tanong ni Glenn sa kanya habang pumipilantik pa ang mga pilik mata. Katabi nito si Mike na mukhang alam na kung anong rason ng pinagmamarakulyo ng kaluluwa niya. Sa kanilang magbabarkada kasi ay si Mike talaga ang isa sa mga pinakaclose niya dahil pareho sila ng forte at pareho silang galing UP. They were currently atRedlight. Isa sa mga elite bars sa Global City. Pagkadating niya galing Davao kanina ay agad niyang tinawagan ang kanyang mga kaibigan. Kailangan ng alcohol ng dugo niya ngayon.
Sofia"NO.She will come with me, and that's final!"Sofia steaded her gait nang mapalingon siya sa pinanggalingan ng huling nagsalita. At gusto niyang pagsisihang nagkatitigan na naman sila nito sa mata.Lang'ya bakit kasi kahit tingin lang ng gagong 'to nagwawala kana?Pasimpleng napahawak siya sa dibdib.Hindi ka naman ganito dati ah?O hindi ngaba, Sofia?Sabad ulit ng isa niyang konsensiya.Gusto na talaga niyang i-umpog ang sariling ulo sa matigas na pader at nang tumigil na ito. Kung bakit kasi nag-aya pa siyang uminom ngayon.
Gab"UMANDARna naman iyang legendaryOA-nessmo ngayon Montero, ano bang nakain mo?"It's true, Angel. I missed you so much.Tiniis niya ang dalawang araw na hindi ito mai-text at matawagan dahil baka kung mabasa niya ang text messages ni Sofia o marinig man lang ang boses nito ay wala sa oras na mapabalik siya ng Maynila na ginawa na niya ngayon.He even had an important meeting with one of his subcontractors from Thailand tomorrow pero kagaya ng mga nakaraan ay hindi niya talaga natiis.He decided to surprise Sofia kaya siya umuwi. Sinadya rin niyang tawagan si Mike para itanong kung nasaan ito pero
[Sofia's POV]"CANyou just leave? Gusto kong mapag-isa," I said calmly though I'm really dying to slap his face. Anong akala niya, na madadaan niya ako sa mga paglalambing at paglalandi niya ngayon?Napapiksi ako nang maramdaman ko ang mga palad niya sa talampakan ng isa kong binti. He was beginning to do that mouthwatering massage again."Gab!" Sinamaan ko siya ng tingin. I tried to let go from his grip pero tuloy niyang pinadaan ang mga daliri niya roon. This was his usual routine. Ang pagmamasahe sa mga talampakan ko. "Ano ba!"" I don't think this has something to do with what the kids and I did. Ano bang problema, Angel?"malambing niyang tanong. Aba, kung maka asta siya akala niya wala siya
[Sofia's POV]"AREyou okay, Sof?" tanong ni Dyan nang mapansin niyang napatulala na naman ako.Manong Lito's already outside. He already sent the kids home so I guess I have no choice but to go home too. I'll have to act like nothing's wrong with me in front of the kids. And the worst was, I'll have to endure Gab's presence tonight."I'm not okay. You know that," sagot ko."Then, do as I say. Kausapin mo si Gab habang maaga pa."I hope it was just as easy as that. Talk to him and ask him who the hell that bitch was. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging kalmado kapagka nakita ko siya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko siya ng
[ Sofia's POV]WHAT'Sthe best gift that you could give to a person who practically has everything? Hay, ang hirap! My husband has everything and anything that anyone could ever wish for. Yes! Eversince, he'd tell me na wala nadaw siyang mahihiling pa. He has me and our kids ( the most important to him next to his company as he would always tell)."Ma'am ito po baka magustuhan ng asawa niyo."Dumukwang ako sa estante ng mga mamahaling relo. The sales lady brought out a rolex watch. "Latest model po namin iyan ng men's watches," she smiled as I took and examined the watch.It was a simple leather strapped watch with an aluminum case and glow-in-the-dark hands. I think it would suit Gab just
[Gab's POV]"PUSHit more, baby! One more!" Sofia tightly squeezed my hand as she went for another push. I hoped I could just take in all the pain that she was feeling right now.Kada ere niya ay pinagdarasal kong iyon na ang huli. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon, it's her fifth delivery but she was taking it so bad."Last na talaga 'to, Gab! Ayoko na!" she yelled. "Akin na yung isa mong kamay!"Binitawan ko ang telang pinangpupunas ko sa pawis ng asawa ko saka ko iyon inabot sa kanya . She grabbed my free hand impatiently. I knew what she was about to do next."Arrrggghhhh..."she pushed once again habang kagat kagat niya ang kamay
[Sofia's POV]Me:Where are you?Anong oras na?Umuwi kana!I heaved a sigh as I typed in the words in my cellphone's keypad with deep conviction.That guy had been going home late for three consecutive nights. Malilintikan na talaga sa'kin ang lalaking iyon ngayon. It's past ten in the evening and I've already tucked the kids to bed. Nakapag-half bath narin ako and I was able to clear out the dishes and some stuff in the kitchen. Hindi na naman namin nakasama ang asawa kong mag dinner ngayon. I've been looking forward kasi our dinner time being a little lone family time, like our little bonding moment because we're kind of busy in the morning.
SofiaTHEYhad been okay. Umalis parin si Gab patungong Thailand pero bago ang araw na iyon ay nagulat nalang si Sofia na pinapunta pala ni Gab si Tita Astrid sa tinitirhan nito. Hindi umano ito kampanteng mag-isa siya ngayon, lalo't buntis siya. Wala siyang naging ibang choice. She stayed at Gab's town house kasama si Tita Astrid."Sofia, you'd been working all day long, kumain kana muna." Naglapag ito ng pakain sa mini table kung saan siya naka upo. Kararating lang niya mula sa isang photo shoot and she was really drowsy.The past few days were great. She felt like making up lost moments with Tita Astrid. Nagsisimula na muli siyang maging komportable dito at madalas sila nitong nagkikwentuhan.
Sofia"CONGRATULATIONS!You're pregnant!" nakangiting anunsiyo ng OB.Tulalang napatitig siya sa doktor. She was expecting this pero she was still shock of the confirmation.Magkaka-baby na sila ni Gab? She will have a little Montero for real? A little Gab or her little version?Oh my God!Wala sa sariling napatitig siya kay Gab na naka-upo paharap sa kanya. Handa na sana siyang sikmatan ito pero natigilan siya nang makita itong naluluha habang nakikinig sa pinapaliwanag ng kanyang OB na hindi niya maintindihan.Gosh! Talagang umiyak? Tears of misery or tears of joy
Sofia"SOFIEyou know, we can't afford to lose your shots," daing ni Glenn habang nagliligpit siya ng mga naiwang gamit sa mini office niya sa Infinity. "The management is just asking you to apologize.""No! I won't apologize. Hindi ko na kasalanan kung ipinanganak na bruha ang lecheng Leximina George Jeminez nayan! Kung iyan ang gusto ng head ay wala na akong magagawa."Nagpapadyak si Glenn. "Sofie naman. Nakiusap na nga ako kay Madam na iyon nalang ang gagawin mo. Apologize.""No!" Hindi niya ito binalingan at tuloy lang sa pagsilid sa mga gamit niya sa dala-dalang box."Sof, we're the best client you--"
EthanHEunderwent all the best treatment. Hindi kahit kailan sumuko ang kanyang ina kahit na sobrang napakaliit ng posibilidad na pwede pa siyang mabuhay.He too wanted to live.Gusto pa niyang mabuhay para sa kanyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya. Gusto pa niyang mabuhay para kay Sofia noon.Napakarami niyang pangarap para sa kanila. Asang asa rin siya noong gagaling pa siya kaya halos gumuho ang mundo niya ng tinaningan na siya ng doktor. Si Sofia agad ang naisip niya. Natakot siyang hindi na niya ito muling mahawakan, mayakap at mahalikan. Takot na takot siyang mangyari iyon. Pero kalakip ng takot niya ay ang labis labis na pagmamahal na nararamdaman rin niya par