"POV- Szarina.
Nakilala ko ang mga bago kong kaibigan na sina Isadora Ajaziah, Aria Zelle, Marian, Rasselle at Chyrll. Sa Tuwing may gimik ang mga kaibigan ko ay hindi ako nawawala kung nasaan sila ay naandon din ako. Sa aming magkakaibigan ay si Isadora ang naunang nagkaroon ng kasintahan at ito ay si Anthony na ka klase namin. May manliligaw itong gwapo at sikat na negosyante pero sa hindi namin alam na dahilan ay si Anthony ang mas pinili nito. Si kuya Eutanes at Jeran ay magkaibigan na matalik. Hindi ko na hinintay pa ang dalawa kong kaibigan na kasama ko sa dorm, Nauna na ako sa kanila pumasok. Habang naglalakad ako papasok sa university na pinapasukan namin ng aming kaibigan ay nakasalubong ko ang kapitbahay namin sa probinsya na si ate Marie. "Oh Bunso, kumusta kana. Tama nga ang usap usapan sa Kubo ng Barangay natin na dito kana nag aaral sa Manila." Wika ni Ate Marie ng makilala n'ya ako. "Ikaw po pala ate Marie.. Okay lang po ako... Ikaw po kumusta?" Balik tanong ko sa kanya. "Ito tsesmosa parin. Ang swerte mo, Ito lang ang maipapayo ko sayo dahil hindi kana rin iba sa akin sana makapagtapos ka ng pag aaral at h'wag mong gayahin yong ibang kapitbahay natin na kapag nakakaluwas ng alta syudad at makakilala ng gwapong mayaman ay bumubukaka kaagad hindi na iniisip kung bakit sila pumunta dito. H'wag mo sanang masamain Szarina ang mga sinabe ko saiyo dahil gusto kong umangat ang buhay ninyo at hindi habang buhay na nahihirapan sa pang araw araw. "Salamat po ate Marie. Napakabait n'yo po talaga, hayaan po ninyo hindi ko po kayo bibiguin katulad nila nanay at tatay at ang dalawa ko pang kuya na nasa Probinsya. Makakapagtapos po ako ng pag aaral at matutupad ko ang aking pangarap na hindi bumubukaka sa mga mayayamang gwapong lalaki dito sa Manila." Nakangiti kong sagot kay ate Marie. "Mabute naman kung ganun. Nabalitaan mona ba ang nangyare sa mama at tiyahin mo tungkol sa lupa na nakasanla?" Tanong nito sa akin. "Hindi po. Ano po iyong tungkol kina mama tiyang at sa lupang nakasanla. "Pumunta don ang magaling mong tiya Beth mo... Nag eskandalo don sa labas ng bakuran ninyo na kapag hindi pa natubos ang lupang nakasanla sa tiyang Beth mo ay hindi na nila ito makukuha pa sa kanila kaya ang nanay mo ay sinugod sa hospital dahil inatake ito sa puso..." Pagbabalita sa akin ni ate Marie. Nakaramdam ako ng awa sa aking nanay at pagkasuklam sa tiyahin ko. Gusto kong umiyak sa nalaman ko. "Kumusta naman po ang nanay? Wala po sa akin nasasabe ang mga kuya ko kapag sila ay tumatawag sa akin.. "Naku! Ang daldal ko talaga, h'wag mona lang sabihin sa kanila na sinabe ko saiyo kung anong nangyare sa nanay mo at h'wag kana rin mag alala dahil okay na ang nanay mo, ako na ang nagbayad ng lahat ng bill sa hospital... Hayaan mo kapag malaki ang padala ng asawa ko pahiramin ko kayo ng pantubos sa lupa kahit hulog hulogan n'yo na lang kaysa naman nakasanla sa tiyang Beth mo na matapobre." Mahabang saad ni ate Marie. "Maraming salamat ate Marie, Utang na loob ko po sainyong mag asawa ang pagtulong po ninyo sa amin... Nakakahiya naman po kong pati iyong lupa namin ay ihihiram pa namin ng pera sainyo. Magtatrabaho na lang po ako dito habang nag aaral para makapag ipon at maitubos ng lupang nakasanla namin. "Naku hija! Ano pa't naging magkapitbahay tayo, pag aaral na lang ang unahin mo.... Wala naman na akong pinag aaral na anak kaya may naiipon narin naman kami kaya kapag malaki ang ipapadala ng asawa ko ay ipapahiram ko mona sainyo para hindi na kayo nahihirapan magsaka sa tiyang Beth mo.... Nayakap ko na lamang si Ate Marie ng mahigpit, hindi ko alam ang sasabihin ko para magpasalamat sa kanya. Sobra sobra na ang naitutulong niya sa amin. "Pumasok kana, baka magkaiyakan pa tayo dito. Basta magtapos ka ng pag aaral mo dito ha, h'wag magboboyfriend para hindi mabuntis...." Nakangiting wika sa akin ni ate Marie. "Maraming salamat ate Marie... Hinding hindi po ako magboboyfriend promised ko po yan saiyo." Pagkatapos namin mag usap ni Ate Marie ay pumasok na ako sa gate ng university namin. Iniisip ko parin ang nangyare kay nanay, Nagkaroon na ako ng phobia ng mahospital si tatay kaya pinapangako ko sa aking sarili na makakapagtapos ako ng pag aaral bilang isang magaling na doctor.. Naupo ako sa upuan ko... Habang naghihintay ng oras nag iisip ako ng trabaho na pwede kong gawing part time job. Nakakahiya naman sa asawa ni Ate Marie, nagpapakahirap ito sa ibang bansa para makapag ipon ng pera tapos ipapahiram lang sa amin para matubos ang lupa na nakasanla. Hindi ko na namalayan na nasa harapan kona pala ang mga kaibigan ko... "Hoy! Bansot...yohooo.." Pagpitik sa ilong kong matangos ni Marian... "Aw!... Bakit mo pinitik ang ilong ko?" Reklamo ko. "Girl, kanina pa kami dito at kanina kapa namin kinakausap hindi mo kami pinapansin." Saad ni Issa. "Oo nga naman, sino ba iniisip mo?" Tanong naman ni Rasselle. "Eh sino pa ba? eh di si President Jeran na sinusungita nya." Wika naman ni Aria. "Wow naman, ang swerte mo don Szai, biruin mo kahit bansot ka may isang Prisedente ng Pilipinas ang nagkagusto saiyo. Bihira lang ang ganyan ha.. Kaya kung ako saiyo h'wag mo ng sungitan bumukaka ka agad para boom..." Ani naman ni Chyrll na may pamwestra pa ng kanyang kamay... "Magsitigil nga kayo, tigilan n'yo ako kakatawag ng bansot sa akin, hiyang hiya naman ako sa height nyo na 4'11... Paano ba kayo napunta sa harapan ko, ang dami n'yo agad nasabe, hindi ako makasingit sainyo." Pagsusungit ko sa kanila. "Bahala kayo diyan.... Basta ako crush ko si Rage." Kinikilig na wika ni Rasselle. Nakatikim naman ito sa amin ng tig iisang batok... "Aray naman! Kung makabatok kayo parang hindi n'yo din crush yong mga nag guess dito ng Intramurals natin. Lalo kana Marian tumulo pa nga laway mo kay Quinn at ikaw Chyrll isa kapa na kinikilig din naman kay Red. Si Isadora kunwaring hindi gusto si Eutanes pero lihim na may gusto naman, at itong si Aria kunwari din na hindi tipo si Fucklers pero ang panty n'ya basang basa na marinig lang ang pangalan ni Fucklers at ikaw na bansot ka bubukaka ka din kay Jeran kakainin mo din yang sinasabe mo na kailanman ay hindi mo s'ya magugustuhan.... Kapag dumating ang araw na iyon, di lang batok ang gagawin ko sainyong lima." Napipikon na ani ni Rasselle sa amin... Napuno ng tawanan ang classroom namin dahil sa kulitan naming magkakaibigan.... Natapos ang maghapon ng aming klase. Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na ako sa kanilang umuwi dahil marami akong labahin na damit. Hindi na ako sumama sa kanila sa paborito naming tambayan pagkatapos ng klase ang Chysselle coffee shop nila Rasselle at Chyrll. Si Aria ay ganun din nagmamadali itong umuwi ng bahay nila. Kailangan kong makahanap ng trabaho.... Hindi pwedeng wala akong gagawin.. Ayaw kong mawala sakahan na pinaghirapan ng aking magulang. Hindi na ako umuwi sa bahay naglakad lakad ako at naghahanap ng bakanteng trabaho na pwede kong aplayan. Habang naglalakad ako ay may namataan akong nakapaskil na job vacancy, secretary. Nag aalangan ako na magtanong kung anong kompanya ito, baka hindi pwede ang college student.. Tatalikod na sana ako ng bumukas ang sliding door ng isang agency na nakapaskil ang job vacancy. "Miss, naghahanap kaba ng trabaho?" Tanong sa akin ng isang ginang. "O-Opo sana, kaso hindi po yata ako pwede.... Studyante po kase ako...." Putol putol kong sagot sa ginang. "Hindi problema kung studyante ka palang, makakatulong pa nga ito sa pag aaral mo... Hindi naman buong oras mo ang ilalaan mo sa kanya.." Saad ng ginang. "Talaga po.. Sege po balik po ako dito mamaya gagawa lang po ako ng resume para may maibigay po ako saiyo. "H'wag na hija, may biodata dito, iyon na lang ang sagotan mo. Magbigay kana lang ng 1x1 at 2x2 na picture baka kase hindi kana bumalik." Paninigurado ng ginang sa akin. Napangiti naman ako sa sinabe ng ginang. "Hindi naman po sa ganun.. Sege po sa biodata ko nalang po isusulat lahat ng pagkatao ko." Sagot ko sa ginang. "Halika dito sa loob para makapag sulat kana... Hindi mahirap ang trabaho mo bilang isang sekretarya..Mga schedule lang ng mga appointment nya ang gagawin mo... Pwede mong gawin pagkatapos ng iyong klase.. Pagkatapos mong isulat lahat sa biodata ay tatawagan ko ang sekretarya nito na papalitan mo.."Saad ng ginang ako naman ay tango lang ng tango.. Pagkatapos kong magsulat sa biodata at ibigay sa kanya ang hinihingi niyang picture ay nagpaalam na ako. "Tawagan na lang kita kong kailan ka magsisimula ng trabaho mo." Wika ng ginang. "Sege po, salamat." wika ko at lumabas na ng Agency. Naglakad ulit ako pauwi. Masayang masaya ako na nakahanap ako ng trabaho na fit sa pag aaral ko. Hindi na ako mag iisip kong paano ko matutulongan sina nanay at tatay sa Problema. Pagkarating ko sa dorm ay agad akong nagbihis ng damit pambahay.. Nilabhan ko ang iilang damit ko na marurumi na. Habang nag lalaba ako ay nag salang ako ng sinaing magprito na lang ako mamaya ng itlog yon na lang ang iulam ko. Kahit may nabalitaan ako ng masama ay may magandang nangyari naman sa akin ngayon araw ding ito. Mamaya na ako tatawag kina nanay pagkatapos kong maglaba at kumain. Mabilis akong natapos sa paglalaba ko, nagluto na ako ng pritong itlog na ulam ko..POV- Szarina "Sino ka para lang pagsabihan ako ng isang babaeng basahan. Hindi mo ako kilala kaya mag ingat ka sa mga sinasabe mo tungkol sa akin." Galit kong asik at binigyan ko ng mag asawang sampal ang babaeng pinsan ni Jeran na nakatira dito pansamantala sa condo unit na binigay sa akin ni Jeran. Hindi alam ni Jeran kung anong katangahan na ginagawa sa akin ng kanyang pinsan. Pero hindi kona kailangan pang sabihin, dahil hindi ko ugali ang magsumbong."Nakalimotan mona ba na pinsan ako ng Presidente ng Pilipinas na kinakalantari mo. Kung ayaw mong isumbong kita sa asawa ng pinsan ko ay magpakabait ka sa akin naiintindihan mo ba ako!" Galit din na sigaw nito sa pagmumukha ko habang hawak nito ang magkabilaan niyang pisngi na sinampal ko."Wala akong pakialam kahit magsumbong kapa sa asawa ni Jeran. Baka nakakalimotan mo kung bakit naandito ka ngayon sa condo na binigay sa akin ng pinsan na sinasabe mo. H'wag mong ubusin ang pasensya ko Trish baka ingudngod ko ang pangit mong mukha
POV- Szarina. "Nay! Tay. Nakapasa po ako sa exam ng scholarship na pinasahan ko, makakapag aral na po ako sa Manila. Maipagpapatuloy kona po ang pag aaral ko sa kolehiyo." Masaya kong balita sa aking kinikilalang magulang. Usap usapan dito sa aming Barangay Masikap na hindi ako tunay na anak nila nanay at tatay, Basta na lang daw akong nakita sa isang basket na nakabalot sa isang pink na lampin na may na nakasulat na Szarina Kim pero walang apelyido at nakalagay din kung kelan ako isinilang. Ang lahat ng iyon ay totoo pero para sa akin at kina nanay at tatay at sa dalawa ko pang kuya ay tunay nila akong pamilya. Hindi kona inalam pa kung sino nga ba ang tunay kong magulang, hindi na sa akin mahalaga iyon dahil kong mahalaga ako sa kanila hindi nila ako aabandonahin o iiwan na lamang sa labas ng bakuran ng isang bahay kaya wala na rin akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mga taong kumupkop sa akin at nagmamahal ng totoo na imbis na sa kanila ko nararamdaman.