Ayan, Feeling gwapo daw kayo sabi ni sir John Lloyd.
POV SZARINA. "Nandito pala ang mga mukhang higad na palaka, ang lakas ng loob magsumbong kahit sila naman ang nagsimula ng gulo." Pagpaparinig ni Aria sa mga ka grupo nila Marialyn at Theressa na nakatingin sa aming anim na papasok sa garden. "Tama na nga yan Aria, inaaway mo pa ang mga walang utak na yan, huwag kana mag-aksaya pa ng oras sa mga yan." Saway ni Issa sa kaibigan naming si Aria. "Ang aga-aga kase ng nakikita ko ang pagmumukha nilang sinuka ng langit dahil sa kapangitan ng pag uugali nila." Katwiran ni Aria. "Nagsalita ang santi santita. Pasalamat kayo, nakiusap sa amin si sir John Lloyd na huwag na kayong ipatawag sa dean's Office- "Hoy! Babaeng mukhang espasol na nasobrahan sa sobsob sa harina. Ang aga aga gumagawa ka ng kasinungaligan, alam namin na napagalitan din kayo, kaya kayo nandito." Pagputol ni Aria sa sinasabi ni Theressa. Natahimik naman ang babae dahil wala na itong maipanglaban pa kay Aria. "Ano natameme ka," Ani ko naman. "Hindi yan totoo, naandito
SZARINA POINT OF VIEW Uwian na, kaming lahat ng aking mga kaibigan ay pauwi na sana ng maisipan naming kumain ng paborito naming street food, sa mga kwek-kwek at kikiam, squidballs, fishball kami pumunta, dito lang sa tapat ng Campus namin. Sumama na rin sa amin ang mga kaibigan naming mga lalaki na sina, Jovy, Arhielle, Jayson, Ryan, Wilmar, Gian Allan, Bernard, Archillesn at si Anthony na boyfriend ni Isadora. "Akala ko talaga magsusumbong nanaman ang Marialyn Maxipeel na yon kay Sir." Kinakabahan parin na sabi ni Chyrll habang nagtutusok ng kwek-kwek sa kawali. "Takot lang non sa atin, ipagkakalat ko naman talaga ang lihim niyang relasyon kay sir Ramos, iwan ko lang kung hindi yan itakwil ng kanyang mga magulang, pagkakaalam ko masyadong strikto ang magulang ng baliw na yon." Pangisi ngisi na sabi ni Aria habang nagtutusok tusok ng kwek-kwek din sa kawali. Natawa na lamang din kami sa sinabi nito habang ngumunguya ng kwek-kwek, mahilig talaga itong babae na to mag blackmail ka
Szarina Point of view. Araw ng Byernes ngayon, tinatamad sana ako kanina pumasok, kaso mahigpit si Sir John Lloyd ayaw na ayaw nitong may lumiliban sa klase nya kaya wala akong magawa kundi ang pumasok kanina. Hindi na ako sumama sa mga kaibigan ko kanina, nagpaalam lang ako sa kanila na kailangan ko ng umuwi dahil sumasakit ang tiyan ko, pagdadahilan ko na lamang para wala ng marami pang tanong tanong sa akin, bawal pa naman akong malate, dahil yon daw ang pinaka ayaw sa lahat ni Sir J kapag nagsimula na akong magtrabaho sa kanya. Nagmamadali ako ngayon maligo dahil ngayon araw mismo ko makikilala ang magiging Boss ko, kailangan ay mabango ako at mukhang presintableng tingnan kapag nagkaharap na kami kaya ang sinuot ko narin na panty ay mahigpit baka magkatotoo ang sinabe ni ate Ruth na malaglag ang panty ko kapag nagkaharap na kami ni Sir J. makalaglag panty pa naman daw ito. May 300pesos na paper bill pa naman ako dito sa wallet ko, mamaya na ako magwidraw sa atm machine kapag
Szarina Point of view. _Continuation_ Tumayo ako ng tuwid at inayos kong muli ang aking sarili bago ko tahakin ang pasilyo dito sa pangalawang palapag. Ang sabi ng mukhang takas na lalaking iyon ay sa bandang kanan daw at sa pangalawang pinto na may nakasulat na Library. Ang siraulong yon, anong akala niya sa akin di marunong magbasa ng abakada, ano poor lang, He!. Narating ko ang sinasabi ng tikbalang na iyon, narito na ako sa mismong tapat ng pinto ng Library. Kinuha ko ang suklay at salamin sa aking bag, tiningnan kong mabuti ang aking buhok baka gulo gulo na ito, ng wala naman akong makitang aberya ay ang mukha ko naman baka may muta ako sa tigkabilaang mata ko,nakalahiya naman, pati ngipin ko ay tsinek ko baka may naiwang tinga tinga at inamoy kona rin ang aking hininga kung mabaho ba ito. Nilawayan ko ang aking hintuturo at inayos ko ang aking kilay na medyo na stress yata kanina, kung minamalas nga naman ako kanina. Binalik ko ang salamin at suklay sa loob bg aking handbag
Szarina Point of view. Tumayo ito sa kanyang swivel chair at umikot sa aking harapan. Umayos naman ako ng upo at hinalukipkip ko ang aking dalawang braso sa aking dibdib habang tinitingnan ko siya. Tumayo ito mismo sa aking harapan, at itinukod nito ang dalawang kamay sa likuran ng aking inuupuan, sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin kaya naman sinapo ng dalawang palad ko ang buong pagmumukha niya at buong pwersahang tinulak. Muntikan na itong matumba, ang sama ng tingin nito sa akin. Tumayo ako at siya naman ang pinamay awangan ko. "Ulikba, ulikba! Bwisit ka! Akala mo maiisahan mo ako ha. Hoy! Hinding hindi mo matitikman ang labi ko, ang baho ng hininga mo." Inis kong sabi sa kanya. Tumayo naman ito ng maayos at inis ako nitong hinarap at inamoy pa nito ang kanyang hininga, nagseryuso na ito.. "Ulitin mo pa yang ginawa mo sa mukha ko, hindi ka makakalabas ng mansion ko na hindi ko nawawarak yang buhay na tahong mo!" Pagbabanta pa nito sa akin. "Kung magpapatalo ako saiyo, kay
Szarina Point of view "Love! Nasaan ka?" Tawag sa akin ni Jeran. Rinig na rinig ko dito sa pangatlong palapag kung sino ang taong nagsasalita sa ibaba. "Saan naman kaya nagsusuot ang dwende na iyon?- Love!" Tawag pa nitong muli sa akin. Hindi ko siya papansinin bahala siya sa buhay niya, dwende pala ha. Naglibot libot pa ako dito sa 3rd floor. "Ang gara naman, iba talaga kapag mayayaman halos magaganda ang painting dito. Kailan kaya ako magkakaroon ng mga ganito, hanggang tingin na lamang ako at hawak sa mga ito. Ilang minuto ko pa pinagsawa ang aking mga mata sa magagandang painting dito. "Naandito ka lang pala Love, kanina pa ako hanap ng hanap saiyo. Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong sa akin ni Jeran. Hindi ko pinansin ito, may nakita akong piano at agad ko itong nilapitan. "Wow, Jeran! May piano ka pala dito? Alam mo gustong gusto ko ito?! Parang bata na sabi ko sa kanya, tumango tango naman ito sa akin na nakangiti. "Iyon nga lang wala kami nito at saka hindi ako marun
Szarina Poin of view. Kinabukasan nagising ako ng maaga, naglaba at naglinis ako ng aking silid. Habang nakaupo ako at tinutupi ang mga damit kong natuyo na ay bumukas ang pinto ng aking kwarto at niluwa nito ang dalawa kong kaibigan. "Hoy, Badjao! May tinatago kaba sa amin? Ha!" Bungad ka agad sa akin ni Marian. Babaeng ito sinasapian nanaman nang pagka aning aning. "Ano ba ang pinagsasabi mo mamasang? Na-aaning kana naman ba?" Sagot ko dito, ganito kaming magkakaibigan mga bansag ang tinatawag sa amin kung minsan. "Nakita ka namin kagabi Badjao na hinatid ka ni Jeran sa labas ng gate nang dormitoryo natin, kaya huwag ka nang magkaila pa. Umamin ka nga may relasyon ba kayo non nang ulikba na iyon?" Saad din ni Issa na nakapamaywang pa sa harapan ko. "Pati ba naman ikaw Ursula. Ang dumi na agad ng isip ninyo, hinatid lang may relasyon na kaagad." Nakairap kung sagot sa kanila. Tumayo ako at nilagay ko sa aking drawer ang mga natupi kong damit. "Bakit ka niya hinatid? Saan kaba
Szarina Point of view. Pagkalabas ko nang mall ay naglakad-lakad ako, hindi na ako naabotan pa ni Kian nang magtago ako. Lumabas lang ako nang makita ko itong sumakay na sa Fortuner nito na may kausap sa phone. Sa tingin ko ay si Jeran ang kausap non. Habang naglalakad lakad ako ay may nakabangga sa akin na isang lalaki na mabilis na tumatakbo na hinahabol ng pulis, pagtingin ko sa aking kamay ay hawak ko na ang isang bag na galing don sa lalaki. Paglingon ko sa kanan ay pumito at nagpaputok pa sa itaas ng kalangitan ang isang Pulis na humahabol. "Tigil!" Sigaw pa nito, tapos ay tumingin ito sa akin at sa hawak kong bag. Lumapit ang dalawang Pulis sa akin at ina-aresto ako. "Huwag ka ng manlaban pa, hinuhuli kita sa pagkakasalang kasabwat sa pandurukot. Malaya kang kumuha ng abogado mo para dipensahan ang sarili mo, kung wala ka namang kakayahang kumuha ng abogado mo ay bibigyan ka ng serbisyong pampublikong abogado ng aming opisina." Sabi ng Pulis habang pinosasan ang kamay ko s
Szarina "Huwag mo na akong alalayang bumaba ng sasakyan, Jeran, hindi ako lumpo, nakikita mo naman di ba? Kaya ko ang sarili ko, nagawa ko ngang makatakas saiyo noon, at makapagtago ng higit na lampas na limang taon, diba?Ito pa kaya ang bumaba ng sasakyan, umalis ka na lang sa dadaanan ko." Pagtataboy ko kay Jeran ng aalalayan sana ako nitong bumaba ng sasakyan. "Kung noon natakasan mo ako, ngayon hindi na. At huwag mo akong tinatarayan kung ayaw mong gawin ko ulit ang ginawa ko saiyo noon." Sagot nito sa akin. "Eh di gawin mo, pero... kung magagawa mo ulit." Mataray na sagot ko na lang dito. Tumabi nga ito sa aking daraanan. Hinawakan ako ulit nito sa aking palapulsuhan, at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob. "Ang higpit mo naman humawak ng kamay, ano, takot kang matakasan ko ulit." Sabi ko dito. Nilingon ako nito at sinamaan ako nito ng tingin. "Limang taon kitang hinanap, kaya sa pagkakataong ito ay hindi kana muling makakatakas pa sa akin. Szarina, kaya ku
Third Person. Pagkarating nila ng Olonggapo ay kinabukasan ay sinabak kaagad silang tatlo sa training. Binigyan sila ng mga codename nila, Si Aria ay Ostrich, Szarina ay, Sarus crane, at si Zirin naman ay Flamingo. "Daddy, bakit naman ang pangit ng binigay mo sa amin na codename, ginawa mo naman kaming mga ibon, hindi naman mahaba ang leeg namin ah?" Reklamo ni Aria kay sa Daddy nito. "Anak, huwag kana magreklamo. Pumunta na kayo don, dahil naghihintay na sainyo si Reyes. "Tito, mabuti na lang po, maganda ako, kung hindi po magrereklamo din po ako. Ang ganda kong tikling, sana may guwapong kalabaw dito, sasakay ako sa balugbog niya." Sabi naman ni Szarina. "Mabuti na lang ako, maganda ang binigay sa akin, Flamingo." Sabi ni Ziri. Hindi na nga nagreklamo pa si Aria dahil sa mga codename nilang mabantot. Sina Aria, Szarina, at Ziri ay nag-umpisa ng kanilang pag-training sa Olonggapo. Sila ay nagpunta sa isang malaking gusali na naglalaman ng mga pasilidad para sa pag-trai
Szarina Point of view Lahat ng kailangan ko na gamit para sa pagsama ko kay Aria sa Olonggapo ay nilagay ko na lahat sa maleta kong dadalhin. Mahirap magpaalam sa mga anak ko, na kailangan ko muna silang iwan pansamantala kay Nurse Pia at kay Papa. Hindi ako pumayag na sa Mansion muna nila ang mga anak ko, dahil wala akong tiwala sa madrasta kong si Drheana, ni hindi ko nga pinapapasok ang lukaret na yon dito sa bahay ko, ni hindi ko din iniimbita tuwing birthday ng mga bata, baka apihin pang nun kapag wala ako. Bukas pa naman ang alis namin, patungong Olonggapo kaya makakasama ko pa ang mga bata ngayong gabi... Para naman sa kanila itong gagawin ko, saka hindi din naman ako magtatagal don, anim na buwan lang ang napag-usapan namin na pagsasanay. Sinarado ko na ang maleta ko, ng wala na akong nakalimotan, nilagay ko muna ito sa may gilid ng pintuan. Lumabas ako ng aking silid para sana tabihan na sa pagtulog ang mga anak ko, ng tinawag ako ni papa na nasa sala pa, akala ko
Third person Limang taon na ang lumipas, ganap ng magaling na Heart Surgeon si Szarina, nakapagtapos ito sa sarili niyang pagsusumikap, kahit na may tatlong anak itong inaalagaan. Ang kanyang pagiging isang ina at isang doktor ay nagbigay ng inspirasyon sa maraming tao, at siya ay naging isang halimbawa ng isang babae na nakakamit ng kanyang mga pangarap kahit na may mga hamon sa kanyang buhay. Hindi siya umasa sa tulong na binibigay ng kanyan ama, nagkaroon ito ng maliit na negosyo. Ngunit, hindi lahat ng bagay ay nagiging madali para kay Szarina. May mga araw na siya ay nahihirapan sa pagbabalanse ng kanyang trabaho at pag-aalaga sa kanyang mga anak. May mga araw din na siya ay nahihirapan sa pagharap sa mga kritiko at mga hamon sa kanyang trabaho. Kapag naiimbitahan ito ng interview sa telivison o sa media ay kailangan nitong magtago sa ibang katauhan dahil sa taong kanyang pinagatataguan. Pero si Szarina ay hindi sumuko. Siya ay nagpatuloy sa pagpupursige at pagpapalakas ng k
Szarina Point of view. Isang linggo si papa namalagi sa hospital, ay na discharge na ito, at isang linggo din kaming nagbabangayan ng asawa nito. Ngayon, ay dito na kami ng mga anak ko nakatira sa bahay nila papa, pumayag ako sa kagustuhan niya na dumito na kami ng mga anak ko. Nakilala ko na rin ang kapatid ko na si Isaiah James, matanda ako dito ng tatlong taon, 17 year old na ito at nasa Senior High pa lang. Mabaet ito sa akin, at sa mga anak ko, tuwang tuwa pa nga ito ng malaman niya na may ate s'ya at may mga pamangkin pa. Masaya ako na nakikitang masaya si papa na Okay na kaming dalawa. Wala namang araw na hindi kami nagtatalo ni Drheana, katulad ngayon, nag-aaway nanaman kami. "Wala ka ng magagawa pa, Drheana, tanggapin mo na lang na hindi na lang ikaw ang Reyna dito sa mansion ni papa, dalawa na tayo. Magluluto, ako kahit na anong gusto kong kainin at wala ka ng pakialam pa don" Sagot ko dito ng may pang-aasar. Ang gaga, nagluto lang ako ng pagkain ko para sa almu
Szarina Point of view. Umalis din, ang asawa ni Papa, pagkatapos nitong makipag-usap sa doctor. At hindi ako, iniwan ni Oli dito na kasama ko si Drheana. Drheana Adhikshugal Orpesa ang pangalan ng asawa ni papa, may lahi itong African, kaya pala sa unang tingin ko dito, ay yon ang nasa isip ko, dahil sa kulay ng balat nito na bumagay naman sa mukha, at sa pag-uugali din nito. Lumabas muna ako ng silid ni papa, gusto kong ibili si papa ng mga prutas na pwede nitong kainin kapag nagising na ito. "Oli, aalis muna ako, maiwan ka muna dito kay papa, bibili lang ako ng mga prutas." Paalam ko kay Oli ng makita ko itong nakatayo sa labas ng pinto. "Samahan na kita, nandito naman ang apat na tauhan pa ni Bossing na pwedeng magbantay kay Tito Henry." Saad nito. "Sege, ikaw ang bahala." Sagot ko na lamang sa kanya. Kinausap mona nito ang apat na tauhan bago kami umalis. Habang naglalakad kami sa pasilyo ng hospital ay napahinto agad ako ng lakad, at pinigilan ko sa kamay si Oli, upa
Szarina Point of view. Nagkaroon ng kaunting salo-salo dito sa Underworld Mansion ni tito Juanito dito sa Rizal. Simple lang ang binyag ng mga anak ko, at ganun din kay Aria sa mga quadro nito. Dumating ang aking ama, ganun parin, hindi ko ito pinapansin o kahit tapunan ng tingin pero hinahayaan ko lang na lapitan niya ang mga anak ko, dahil kahit papaano ay apo parin n'ya ang mga ito, at ayaw kong ipagkait yon sa mga anak ko na madama nila ang presensya ng kanilang lolo. "Hija, kung galit ka parin sa akin, ay ayos lang, pero gusto ko sanang ipakiusap saiyo na kung pupwede ay sa akin kana tumira, gusto kong bumawi saiyo, gusto kong iparamdam saiyo na mahal na mahal kita, pinagsisihan ko na hindi ko kayo pinaglaban ng iyong ina sa aking magulang noon." Sabi nito. Hinahayaan ko lang s'yang magsalita. Hindi na sa akin, importante kung ano man ang naging dahilan niya noon. Sa kanya narin mismo nanggaling, hindi niya pinaglaban ang aking- ina, isa lang ang ibig sabihin non para sa a
Szarina Point of view. Tumawag si Tito, Juanito kay Oli. Pinadala kami nito sa isa pa nitong sekretong hideout dito naman sa Rizal, ang pangalan ng underground na ito ay Underworld Mansion, dito daw muna kami pansamantala hangga't hindi pa natatapos ang pagrerenovate ng The Godfather Mansion sa Bicol. Ayaw ko naman umalis don, dahil nasanay na kami ng mga anak ko don, kaso wala naman akong magagawa, nakikitira lang kami ng mga anak ko. "Hija, pwede ba tayong mag-usap na dalawa,may gusto lang sana akong sabihin saiyo." Seryuso na sabi sa akin ni Doc. Henry, habang nakaupo ako, at nanunuod ng t.v dito sa sala kasama ang mga anak ko. "Sege, po. Ano po ba ang pag-uusapan natin, at tungkol po ba saan? Mukhang seryuso po yata 'yan?" Tanong ko dito ng nakangiti. "Sobra, hija. Pwede ba'ng don tayo sa library ni Juanito." Sabi nito sa akin, at inaya ako sa library ni Tito Juanito. "Sege po, tawagin ko lang po si Nurse Pia."Sagot ko dito, pagkatapos kong tawagin si Nurse Pia, ay sumuno
Szarina Point of view. "Mag-iingat kayo don ha, gustuhin ko man na ihatid kayo sa airport, baka makita ako ni Jeran o kahit ang mga tauhan nito." Sabi ko kay Aria ng pasakay na ito sa sasakyan na maghahatid sa kanila sa airport. "Kayo din, mag-iingat dito. Tatawag ako palagi sa'yo kapag hindi ako bucy, basta yong usapan natin, ha, na mag-aaral parin, at sabay nating aabotin ang pangarap nating dalawa." Nakayakap na sabi nito sa akin. "Oo, naman, pero 'yong afam ha, bago mo ereto sa akin dapat hindi supot, ayaw ko ng may balot, hindi masarap." Natatawa kong bulong kay Aria. "Baliw ka talaga, kahit kelan puro ka parin kalokohan, pero paano mo nasabi na hindi masarap ang may balot pa? Nakatikim kanaba nun?" Tumatawa na tanong nito sa akin. "Baliw, syempre hindi pa, narinig ko lang dati kay Maria Maxipeel. Sege na, alis na kayo baka maiwan pa kayo ng eroplano. "Gaga, paano ako maiiwan eh kay Daddy, 'yun. Sege na nga alis na kami, pinagtatabuyan mo na kami eh, basta yong usapab