Na busy ako, manuod ng Movie. Now lang nakapag ud.
POV- Szarina "Sino ka para lang pagsabihan ako ng isang babaeng basahan? Hindi mo ako kilala kaya mag ingat ka sa mga sinasabe mo tungkol sa akin!" Galit kong asik at binigyan ko ng mag asawang sampal ang babaeng pinsan ni Jeran na nakatira dito pansamantala sa condo unit na binigay sa akin ni Jeran. Hindi alam ni Jeran kung anong katangahan ang ginagawa sa akin ng kanyang pinsan pero hindi kona kailangan pang sabihin dahil hindi ko ugali ang magsumbong. "Nakalimotan mona ba na pinsan ako ng Presidente ng Pilipinas na kinakalantari mo! Kung ayaw mong isumbong kita sa asawa ng pinsan ko ay magpakabait ka sa akin naiintindihan mo ba ako!" Galit din na sigaw nito sa pagmumukha ko habang hawak nito ang magkabilaan niyang pisngi na sinampal ko. "Wala akong pakialam kahit magsumbong kapa sa asawa ni Jeran! Baka nakakalimotan mo kung bakit naandito ka ngayon sa condo na binigay sa akin ng pinsan na sinasabe mo. H'wag mong ubusin ang pasensya ko Trish baka ingudngod ko ang pangit mong mukh
POV- Szarina. SZARINA KIM, 20year old, isang Probinsyana at ampon ng pamilyang Eusebio na nakatira sa Barangay Masikap Bitin Laguna. Si tatay Rey at nanay Francia Eusebio ang kumokop sa kanya noon. Hindi nila itinuring na iba sa kanila ang dalaga, salat man sila sa pera pero pagdating sa pagmamahal ay mayaman sila. Nagkaroon ng sakit ang kanyang ina kaya ang lupang sinasaka nila ay naisanla sa isa nilang kamag anak na mataas ang tingin sa kanilang sarili. Wala pa silang sapat na pera na pang tubos kaya hindi nila ito mabawi pa. Tumigil mona sa pag aaral si Szarina pagka graduate ng highschool dahil hindi sapat ang kinikita nila sa sinasaka nilang lupain para sa pagpapatuloy ng pag aaral nito. Nagkaroon ng programang libreng edukasyon sa kolihiyo kaya hindi na pinalampas pa ni Szarina kaya nagbakasakali ito. Hindi nga s'ya nabigo at naipasa pa n'ya ang pagsusulit kaya masayang masaya siyang naglalakad pauwi para ibalita niya sa kanyang pamilya ang magandang balita na natanggap niya nga
"POV- Szarina.Nakilala ko ang mga bago kong kaibigan na sina Isadora Ajaziah, Aria Zelle, Marian, Rasselle at Chyrll. Sa Tuwing may gimik ang mga kaibigan ko ay hindi ako nawawala kung nasaan sila ay naandon din ako. Sa aming magkakaibigan ay si Isadora ang naunang nagkaroon ng kasintahan at ito ay si Anthony na ka klase namin. May manliligaw itong gwapo at sikat na negosyante pero sa hindi namin alam na dahilan ay si Anthony ang mas pinili nito. Si kuya Eutanes at Jeran ay magkaibigan na matalik.Hindi ko na hinintay pa ang dalawa kong kaibigan na kasama ko sa dorm, Nauna na ako sa kanila pumasok. Habang naglalakad ako papasok sa university na pinapasukan namin ng aming kaibigan ay nakasalubong ko ang kapitbahay namin sa probinsya na si ate Marie."Oh Bunso, kumusta kana. Tama nga ang usap usapan sa Kubo ng Barangay natin na dito kana nag aaral sa Manila." Wika ni Ate Marie ng makilala n'ya ako."Ikaw po pala ate Marie.. Okay lang po ako... Ikaw po kumusta?" Balik tanong ko sa kanya
POV- Szarina Tatlong araw na akong secretary ng hindi ko pa nakikilalang Boss ko. Nasa kontrata na aking pinermahan ang nakasulat na, pagkatapos ng isang buwan bilang secretary na part time job ko ay nakasaad don na hindi ko mona makikilala kung sino talaga ang pinaka boss ko, dahil kailangan nilang makaseguro na magtatagal nga ba ako sa part time job ko. Wala naman sa akin problema iyon, mabuti na nga rin na huwag ko ng makita ang boss ko baka matakot lang ako sa kanya. Gusto ko sanang itanong don sa ginang na nag interview sa akin na ano bang itsura ng magiging boss ko, nahiya lang ako baka masisante na agad ako hindi pa ako nakakapagsimula. "Ano ba yan, na curious naman ako sa hitsura nya. Mukha kaya itong adik sa kanto, bungi bungi ang ngipin tapos nabubulok pa. Mabaho ang hininga, maraming an-an at buni sa mukha. Tigyawatin at balbas sarado pa. Grrr.. Ano ba yan naiimagine ko sa mukha ng boss ko, nakakakilabot naman. Huwag naman sana ganun ang mukha nya, baka hindi na ako pumas
POV Szarina Lunes ngayon, maaga akong nagising kahit napuyat kami sa 1st monthsary nila Isadora at Anthony. Sabay sabay na kaming pumasok na tatlo. Masaya ang buong maghapon na naganap sa room namin kahit na inaasar ako ng mga kaibigan naming lalaki na si Ryan. "Bye, my Princess." Pang aasar sa akin ni Ryan habang palabas kami ng Campus na ginantihan ko lang ng isang matamis na ngiti. Akala ko wala ng magkakamali na magka gusto sa akin, pag uwi ko agad mamaya ipagtitirik ko ng pulang kandila itong si Ryan na sana tuloy tuloy na ang pagpapahiwatig ng nararamdaman nya sa akin. "Ayieh, magkakaroon na naman ng ikatlong loveteam sa atin, sino naman kaya ang susunod sa atin?" Kinikilig na saad ni Chyrll na pinandilatan ng mata ni Aria. Si Aria kase ay nililigawan ni Bernard na binasted naman ng kaibigan namin. "Tayo na ang susunod babe." Saad ni Jayson sabay akbay nito kay Chyrll na agad naman inalis nito. "Sorry, strict ang parent ko. No ligaw ligaw mona ako hanggat hindi ako nak
POV- SZARINA. Nag ngingitngit ako sa inis habang nag abang ako ng taxi sa labas ng building. May nakita akong botle ng mineral water, dahil sa wala akong mapaglalabasan ng inis ay ang bottle mineral water na walang kalaban laban ang pinagdiskitahan kong sipain. "Aray naman Miss, kung may galit ka sa mundo o iniwan ka ng boyfriend mo ay hwag ka ng mandamay ng ibang tao na walang alam sa problema mo sa buhay." Ani ng isang baklang mataray na natamaan ko sa pagsipa ko ng mineral water. "Sorry po sir, diko po sinasad-... "Anong tinawag mo sa akin? Hindi mo ba nakikita ang suot ko para tawagin mong sir!" Pagputol sa aking sinasabi ng baklang kaharap ko, lalo syang nagalit sa akin ng tawagin kong sir. "Sorry talaga, hindi ko napansin ang suot mo." Paghingi ko ng tawad. "Paano kase, pandak kana bulag kapa kaya dimo nakikita kung ano ang suot ko. Tumabi ka nga dyan, naghihintay ang booking ko ngayon sa loob ng hotel na yan oh.." Pagtataray ulit sa akin ng bakla, kaya nainis na ako. "Sor
Szarina POV Binabasa ko ang libro tungkol sa kardiyolohiya at pagiging doktor, mga artikulo tungkol sa mga pinakabagong teknolohiya sa operasyon ng puso. Mga dokumentaryo tungkol sa buhay ng mga doktor, ito ang kursong kinuha ko at ang pangarap ko. May activities kami mamaya pagkatapos ng exam namin. Kahit hindi tunay na tao ang ooperahan namin ay kinakabahan ako. "Hindi kana nakahakbang diyan sa pwesto mo Szarina.?" Mataray na puna sa akin ni Marian na may pag irap pa ng kanyang mata at naka cross arm pa. Mabuti na lang mabait ako ngayon at walang nambwisit sa akin kahapon di tulad ng nakaraang araw buong maghapon at hanggang gabi ay sira ang mood ko. Kung may sapak lang ako ngayon natadyakan kona ito para mahulog sa kanal. "May exam kase kami ngayon kaya pinag aaralan kong mabuti ito, baka bumagsak ako. Tsaka kinakabahan ako pagkatapos naming mag exam ay may ooperahan kami, kahit hindi tunay na tao ay kinakabahan ako." Paliwanag ko kay Marian na kinagulat nya. "Sorry naman kapati
POV SZARINA. Nanginginig ang aking mga kamay na kami na ng aking mga ka grupo ang tinawag ni Mrs. Tuazon. "Kaya ko ito, kaya ko ito." Kausap ko sa aking sarili. Dahil dito nakasalalay ang grades namin.. Magsisimula na kaming operahan ang isang manikin na kurting tao. Dahil ako ang leader sa aming grupo ako ang mag oopera. "Kim, kaya mo ba?" Bulong na tanong sa akin ni Jenny na ka grupo ko, dahil napansin nito ang hindi ko pagkilos. "Baka makita ka ni Mrs. Menopausal, masermonan ka na nanaman non." Bulong din sa akin ni Gilbert na lalaking ka grupo namin, ang tatlo ko pang ka grupo ay lihim na tumatawa dahil sa pagtawag ni Gilbert sa Prof. namin na menopausal. "Hindi kayo matatapos kung tutunganga ka lang at pagmamasdan ang manikin na yan, Miss Eusebio. Naghihintay ang mga ka grupo mo kung kikilos kapa ba o hindi na!" Mataray na puna sa akin ng Prof. naming mataray na si Mrs. Tuazon. Hindi nga nagkamali ang mga ka grupo ng sitahin ako. Tumayo ako ng tuwid at pikit mata akong n
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi
Szarina Point of view Iniwan ko ang mga bata kina tatay. Lumuwas ako pabalik ng Rizal kung nasaan ang unang pinatayo ng ama ni papa na private hospital. Nagkaroon ng pagpupulong kinabukasan ng pumasok ako sa hospital ni papa, pinag-usapan kung ano ang mga dapat naming gagawin pagpunta namin don. Iilan lang ang nakakakilala na anak ako ng may-ari ng hospital ni papa, ang may matataas na katungkulan lamang, dahil kailangan ko munang magsimula sa mababa, bago ako ilagay sa mataas na posisyon. "Doc. Szarina, naghihintay na po ang iba sa atin sa roof top tayo na lamang pong dalawa ang hinihintay nila." Tawag sa akin ni Doc. Jack Sawyer na may lahing americano. "Um, okay, susunod na ako, ligpitin ko lamg itong gamit ko." Sagot ko. Niligpit ko na nga ang lahat ng gamit ko, at sumunod kay Doc. Jack. Ngayon ay nandito na kami sa rooftop pasakay ng helecopter na magdadala sa amin sa Isla Rosana. *** Isang oras lang ang nilakbay namin. Nakarating kami sa Isla Rosana. Lumanding a
Szarina Tinawagan ko muna si Nurse Megan na pumunta dito sa bahay ni Tiya Beth, at magpasama kay kuya Franco. "Tiya Beth, uuwi po muna ako sa bahay, nandito naman po si Nurse Megan at si Kuya na makakasama mo." Paalam ko kay tiya Beth. Nakatingin lang ito, sa akin. Lumabas na rin ako ng silid nito. "Segurado kaba, sa ginawa mo Bunso? Hindi naging mabuti ang pakikitungo niya sayo simula't sapol." Tanong sa akin ni Kuya Franco. "Kuya, kung ano man ang nakaraan namin ni Tiya Beth, ay tapos na yon sa akin, kinalimotan ko na at nakaraan na lamang 'yon.) sa amin. Hindi na sa aking mahalaga Kung naging mabuti ba siya sa akin o hindi, ang importante ay itong ngayon, at ipamulat na lang natin sa kanya na ang lahat ng taong masasama ay may hangganan, pwede silang maging mabuti pa rin, gabayan natin sila kung maaari... Hindi sila palaging ang nasa taas, darating din ang araw na manghihina din sila at mangangailangan din ng tulong galing sa iba, sa atin. Hindi pa naman huli ang lahat eh
Szarina. Kinaumagahan ay maaga ako nagising, upang magluto ng almusal ng mga anak ko. Hindi ko na inutusan pa sina Nurse Pia at Nurse Megan. Habang nagluluto ako ng hotdog ay naalala ko ang pagharana sa akin ni Jeran at ng mga kaibigan nito, hindi ko akalain na susundan ako ng siraulong ama ng mga anak ko. Naiiling na lang ako ng aking habang binabaligtad ko ang hotdog, kapag naalala ko ang mga dinala nila sa akin, rose na may bulaklak ng aswang sa gitna, at ginataang itik na hindi ko kinakain. Bumabaligtad ang sikmura ko kapag nakakaamoy ako nito na hindi ko alam kung bakit eh simpleng ulam lang naman ito. Hinango ko na ang hotdog at nilagay ko na ito sa maliit na pinggan. Ano ba ang dapat kong gawin? g Gusto ko naman ng kumpletong pamilya at masaya, dapat ko na bang tanggapin ang pag-ibig ni Jeran sa akin para sa mga anak namin. Pero natatakot ako, paano kung pakulo lang niya ulit ito, upang gantihan ako dahil sa pagtatago ko sa mga anak namin sa kanya?Mas gugustuhin ko pa
Szarina "Henry," tawag ni Drheana ng tumihaya ito. Pinatawag ako ni papa, upang tulongan ko si Drheana. Hindi kayang bumaba ni papa sa patag, dahil medyo madulas ang lupa dahil umambon kanina. Iniwan ko muna ang mga bata kay Nurse Pia. "Huwag, ka ng magsalita. Arte arte mo. Ano ba kaseng ginawa mo don sa gansa? Ayan tuloy hinabol ka, nabalian kapa ng leeg. Kinakarma ka tuloy sa pagkakamatapobre mo." Sabi ko habang inaalalayan ko ang leeg nito. Binibigyan ko ito ng paunang lunas "Mapapatay ko ang gansa na yon, kapag nahuli ko ang animal na yon." Matapang pa nitong sabi. "Sabing huwag ka ng magsalita. Nahihirapan na ako saiyo, Drheana. Gusto mo bang matuloyan ng mabali yang leeg mo? Sermon ko dito. "Mommy huwag ng matigaspa pa ang ulo." Saway ni Isaiah sa kanyang ina. Pero inirapan lang siya nito. Nahirapan ang dalawamg tauhan ni Papa na buhatin paahon sa mataas na daan si Drheana gamit ang folding stretcher. Inaalalayan ako ni Isaiah habang pabalik kami sa taas. "Mab
Jeran. Tuwang-tuwa ako ng muli kong makita ang babaeng mahal ko sa araw mismo ng kasal ng pareho naming kaibigan. Pinangako ko sa sarili ko, na gagawin ko ang lahat, mapatawad lang ako ni Szarina. Kahit na ipagtaboyan niya ako sa buhay niya ay hinding hindi ako mapapagod na intindihin siya at unawain, dahil kasalanan ko naman ang lahat kung bakit siya napupuot sa akin ngayon. Kung nong una pa lamang ay nakinig na ako kay Eutanes at kay Fucklers, sana ay hindi sa akin ganito ngayon ang babaeng mahal ko. Sa kalsada pa lamang ay pamilyar na sa akin ang pigura ng babaeng nagmamaneho ng Ducati. Lalo ng sinyasan ako nito ng Fuck you, iisa lang naman na babae ang gumagawa sa akin non, kundi si Szarina lang. Halos tumigil ang aking paghinga ng sabihin nito sa amin na may anak na siya at nangangailangan pa ito ng tulong. Sumama ako sa bahay nila, hindi para bantayan si Szarina upang hindi ako ulit matakasan. Sumama ako para alamin kung tama ang sinasabi sa akin ni Fucklers na ako ang am
Szarina. "Wow!" Namamangha na sabi ng tatlo kong anak ng makarating kami dito sa Bae, Laguna. "Ina ang ganda-ganda naman po dito." Masayang sabi sa akin ni Tanya, habang pinaparada ng tauhan ni Papa ang dala naming sasakyan sa gilid ng kalsada. Kasama din namin si papa at ang asawa nitong impakta. Matagal ng gusto ni papa na makilala ang mga taong nagpalaki sa akin, lalo na si tatay, gusto niya ditong mag pasalamat sa kanila dahil inalagaan ako. Pinipigilan ko lang ito dahil kay Jeran, pero ngayon na, wala na akong dapat pagtaguan ay magpapakita na ako sa kanila. "Oo, mga anak, hindi lang dito maganda, sariwa pa ang hangin dito katulad sa Alabat." Masaya kong pagmamalaki ng lugar kung saan ako lumaki sa mga anak ko. Binuksan na ng tauhan ni papa ang pinto ng sasakyan, nagsama din si papa ng iilan na tauhan para sa safety namin. "Mga anak, dahan-dahan lang sa pagbaba , baka madapa kayo." Saway ko sa mga bata na nag-uunahan bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin ako ng sasakyan, p
Szarina. Isang-araw matapos ang pagligtas sa aming anak na si Junior sa kamay ng Sindikato na pinamumunuan ni Carlos at Angielina ay inanunsyo ni Jeran ang buong katotohanan na nangyayari sa kanyang buhay, sa likod ng camera. Nalungkot ang ibang taong bayan sa mga nangyari sa pamilya ng kanilang mahal na Presidente. Maraming humahanga dito, bukod sa paglulutas ng problema na dumarating dito sa ating bansa ay napapagsabay-sabay pa nito ang paglutas ng problema sa sarili nitong pamilya na hindi nalalaman ng taong bayan. Marami din naman humuhusga kay Jeran, dahil sa pagkakaroon nito ng ibang babae habang kasal pa sila ni Angielina. Pero sabi nga ng iba, tao lang tayo, na nakakagawa ng pagkakamali sa ating kapwa, pero handa tayong magpatawad kapag humingi ito ng kapatawaran sa atin. Kung ang Panginoon nga nating lahat ay nagagawa parin tayong patawarin kahit anong nagawa nating kasalanan sa ating kapwa, tayo pa kaya na tao lang din na nakakagawa ng kasalanan. Ika nga, hindi matatah
Szarina. Umalis agad kami sa Isla de Las Flores ng sumakay na sina Jeran at si Eutanes at ang lima pang nakatakip sa mukha dito sa Boat na malaki. "Szarina, siya ba si Junior na sinasabi mong anak natin?" Tanong sa akin ni Jeran habang nakatingin ito sa anak namin na karga ko. Tumango naman ako sa kanya. "Ano ang pangalan n'ya?" Tanong ulit nito sa akin. "Junior nga di ba? Ano ba'ng pangalan mo?" Nakairap na sagot ko sa kanya. Tumawa naman ang mga kasama namin dito sa boat, dahil sa sinabi ko. Hinawakan naman ng anak ko ang aking baba upang humaral ako sa kanya. "Ina sino po s'ya?" Tanong sa akin ni Junior na ang tinuturo ay si Jeran. Pinakatitigan ko naman ang anak ko, saka ako bumuntong hininga at ngumiti sa kanya.. Dito ko na ba sasabihin sa anak ko na kaharap na niya ang kanyang ama? "Anak, siya ang ama mo, na kamuntikan ng malunod sa sabaw habang nagtatrabaho sa ibang bansa." Sagot ko sa anak ko, saka ako tumingin kay Jeran na titig na titig sa kanyang anak. Hind