Lagot nanaman kayong dalawa kay Sir John Lloyd.
SZARINA POINT OF VIEW Uwian na, kaming lahat ng aking mga kaibigan ay pauwi na sana ng maisipan naming kumain ng paborito naming street food, sa mga kwek-kwek at kikiam, squidballs, fishball kami pumunta, dito lang sa tapat ng Campus namin. Sumama na rin sa amin ang mga kaibigan naming mga lalaki na sina, Jovy, Arhielle, Jayson, Ryan, Wilmar, Gian Allan, Bernard, Archillesn at si Anthony na boyfriend ni Isadora. "Akala ko talaga magsusumbong nanaman ang Marialyn Maxipeel na yon kay Sir." Kinakabahan parin na sabi ni Chyrll habang nagtutusok ng kwek-kwek sa kawali. "Takot lang non sa atin, ipagkakalat ko naman talaga ang lihim niyang relasyon kay sir Ramos, iwan ko lang kung hindi yan itakwil ng kanyang mga magulang, pagkakaalam ko masyadong strikto ang magulang ng baliw na yon." Pangisi ngisi na sabi ni Aria habang nagtutusok tusok ng kwek-kwek din sa kawali. Natawa na lamang din kami sa sinabi nito habang ngumunguya ng kwek-kwek, mahilig talaga itong babae na to mag blackmail ka
Szarina Point of view. Araw ng Byernes ngayon, tinatamad sana ako kanina pumasok, kaso mahigpit si Sir John Lloyd ayaw na ayaw nitong may lumiliban sa klase nya kaya wala akong magawa kundi ang pumasok kanina. Hindi na ako sumama sa mga kaibigan ko kanina, nagpaalam lang ako sa kanila na kailangan ko ng umuwi dahil sumasakit ang tiyan ko, pagdadahilan ko na lamang para wala ng marami pang tanong tanong sa akin, bawal pa naman akong malate, dahil yon daw ang pinaka ayaw sa lahat ni Sir J kapag nagsimula na akong magtrabaho sa kanya. Nagmamadali ako ngayon maligo dahil ngayon araw mismo ko makikilala ang magiging Boss ko, kailangan ay mabango ako at mukhang presintableng tingnan kapag nagkaharap na kami kaya ang sinuot ko narin na panty ay mahigpit baka magkatotoo ang sinabe ni ate Ruth na malaglag ang panty ko kapag nagkaharap na kami ni Sir J. makalaglag panty pa naman daw ito. May 300pesos na paper bill pa naman ako dito sa wallet ko, mamaya na ako magwidraw sa atm machine kapag
Szarina Point of view. _Continuation_ Tumayo ako ng tuwid at inayos kong muli ang aking sarili bago ko tahakin ang pasilyo dito sa pangalawang palapag. Ang sabi ng mukhang takas na lalaking iyon ay sa bandang kanan daw at sa pangalawang pinto na may nakasulat na Library. Ang siraulong yon, anong akala niya sa akin di marunong magbasa ng abakada, ano poor lang, He!. Narating ko ang sinasabi ng tikbalang na iyon, narito na ako sa mismong tapat ng pinto ng Library. Kinuha ko ang suklay at salamin sa aking bag, tiningnan kong mabuti ang aking buhok baka gulo gulo na ito, ng wala naman akong makitang aberya ay ang mukha ko naman baka may muta ako sa tigkabilaang mata ko,nakalahiya naman, pati ngipin ko ay tsinek ko baka may naiwang tinga tinga at inamoy kona rin ang aking hininga kung mabaho ba ito. Nilawayan ko ang aking hintuturo at inayos ko ang aking kilay na medyo na stress yata kanina, kung minamalas nga naman ako kanina. Binalik ko ang salamin at suklay sa loob bg aking handbag
Szarina Point of view. Tumayo ito sa kanyang swivel chair at umikot sa aking harapan. Umayos naman ako ng upo at hinalukipkip ko ang aking dalawang braso sa aking dibdib habang tinitingnan ko siya. Tumayo ito mismo sa aking harapan, at itinukod nito ang dalawang kamay sa likuran ng aking inuupuan, sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin kaya naman sinapo ng dalawang palad ko ang buong pagmumukha niya at buong pwersahang tinulak. Muntikan na itong matumba, ang sama ng tingin nito sa akin. Tumayo ako at siya naman ang pinamay awangan ko. "Ulikba, ulikba! Bwisit ka! Akala mo maiisahan mo ako ha. Hoy! Hinding hindi mo matitikman ang labi ko, ang baho ng hininga mo." Inis kong sabi sa kanya. Tumayo naman ito ng maayos at inis ako nitong hinarap at inamoy pa nito ang kanyang hininga, nagseryuso na ito.. "Ulitin mo pa yang ginawa mo sa mukha ko, hindi ka makakalabas ng mansion ko na hindi ko nawawarak yang buhay na tahong mo!" Pagbabanta pa nito sa akin. "Kung magpapatalo ako saiyo, kay
Szarina Point of view "Love! Nasaan ka?" Tawag sa akin ni Jeran. Rinig na rinig ko dito sa pangatlong palapag kung sino ang taong nagsasalita sa ibaba. "Saan naman kaya nagsusuot ang dwende na iyon?- Love!" Tawag pa nitong muli sa akin. Hindi ko siya papansinin bahala siya sa buhay niya, dwende pala ha. Naglibot libot pa ako dito sa 3rd floor. "Ang gara naman, iba talaga kapag mayayaman halos magaganda ang painting dito. Kailan kaya ako magkakaroon ng mga ganito, hanggang tingin na lamang ako at hawak sa mga ito. Ilang minuto ko pa pinagsawa ang aking mga mata sa magagandang painting dito. "Naandito ka lang pala Love, kanina pa ako hanap ng hanap saiyo. Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong sa akin ni Jeran. Hindi ko pinansin ito, may nakita akong piano at agad ko itong nilapitan. "Wow, Jeran! May piano ka pala dito? Alam mo gustong gusto ko ito?! Parang bata na sabi ko sa kanya, tumango tango naman ito sa akin na nakangiti. "Iyon nga lang wala kami nito at saka hindi ako marun
Szarina Poin of view. Kinabukasan nagising ako ng maaga, naglaba at naglinis ako ng aking silid. Habang nakaupo ako at tinutupi ang mga damit kong natuyo na ay bumukas ang pinto ng aking kwarto at niluwa nito ang dalawa kong kaibigan. "Hoy, Badjao! May tinatago kaba sa amin? Ha!" Bungad ka agad sa akin ni Marian. Babaeng ito sinasapian nanaman nang pagka aning aning. "Ano ba ang pinagsasabi mo mamasang? Na-aaning kana naman ba?" Sagot ko dito, ganito kaming magkakaibigan mga bansag ang tinatawag sa amin kung minsan. "Nakita ka namin kagabi Badjao na hinatid ka ni Jeran sa labas ng gate nang dormitoryo natin, kaya huwag ka nang magkaila pa. Umamin ka nga may relasyon ba kayo non nang ulikba na iyon?" Saad din ni Issa na nakapamaywang pa sa harapan ko. "Pati ba naman ikaw Ursula. Ang dumi na agad ng isip ninyo, hinatid lang may relasyon na kaagad." Nakairap kung sagot sa kanila. Tumayo ako at nilagay ko sa aking drawer ang mga natupi kong damit. "Bakit ka niya hinatid? Saan kaba
Szarina Point of view. Pagkalabas ko nang mall ay naglakad-lakad ako, hindi na ako naabotan pa ni Kian nang magtago ako. Lumabas lang ako nang makita ko itong sumakay na sa Fortuner nito na may kausap sa phone. Sa tingin ko ay si Jeran ang kausap non. Habang naglalakad lakad ako ay may nakabangga sa akin na isang lalaki na mabilis na tumatakbo na hinahabol ng pulis, pagtingin ko sa aking kamay ay hawak ko na ang isang bag na galing don sa lalaki. Paglingon ko sa kanan ay pumito at nagpaputok pa sa itaas ng kalangitan ang isang Pulis na humahabol. "Tigil!" Sigaw pa nito, tapos ay tumingin ito sa akin at sa hawak kong bag. Lumapit ang dalawang Pulis sa akin at ina-aresto ako. "Huwag ka ng manlaban pa, hinuhuli kita sa pagkakasalang kasabwat sa pandurukot. Malaya kang kumuha ng abogado mo para dipensahan ang sarili mo, kung wala ka namang kakayahang kumuha ng abogado mo ay bibigyan ka ng serbisyong pampublikong abogado ng aming opisina." Sabi ng Pulis habang pinosasan ang kamay ko s
Szarina Point of view _Continuation_🦋 Tahimik lang ako habang nakikipagtitigan sa gwapong lalaki na kaharap ko, ang sarap naman nitong kurotin pumuputok ang mga muscle sa dalawang braso. Nakakagutom tuloy, naglalaway tuloy ako, sana may magdala ng kanin dito ang sarap nitong e ulam. "KIinton, pakipunasan ng tisue ang laway ng mandurukot na yan." Utos ng lalaki sa kanyang tauhan. Bumalik ang aking katinuan ng may nagpunas sa aking bibig. Ginoo ko, nakakahiya hindi ko namalayan na naglalaway na pala ako sa mala greek gods ang dating. Kung bakit ba kase may masarap na putahi dito sa harapan ko. "Tapos kana ba pagpantasyahan ang katawan ko? Hindi mo naman seguro ako inubos? Kawawa naman ang girlfriend ko kung walang natira." Puna nito sa akin habang nakangisi pa. "Hindi naman nagtira pa naman ako kahit kaunti." Wala sa sarili kong sagot, napagtanto ko lang ang aking sinabi ng marinig kong tumawa ang mga tauhan nito. "A-Ang ibig kong sabihin ay hindi ko p-pinagpapantasyahan
Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan
Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan
Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa Malacańang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M
Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa Malacańang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa Malacańang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan
Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi
Szarina Point of view Iniwan ko ang mga bata kina tatay. Lumuwas ako pabalik ng Rizal kung nasaan ang unang pinatayo ng ama ni papa na private hospital. Nagkaroon ng pagpupulong kinabukasan ng pumasok ako sa hospital ni papa, pinag-usapan kung ano ang mga dapat naming gagawin pagpunta namin don. Iilan lang ang nakakakilala na anak ako ng may-ari ng hospital ni papa, ang may matataas na katungkulan lamang, dahil kailangan ko munang magsimula sa mababa, bago ako ilagay sa mataas na posisyon. "Doc. Szarina, naghihintay na po ang iba sa atin sa roof top tayo na lamang pong dalawa ang hinihintay nila." Tawag sa akin ni Doc. Jack Sawyer na may lahing americano. "Um, okay, susunod na ako, ligpitin ko lamg itong gamit ko." Sagot ko. Niligpit ko na nga ang lahat ng gamit ko, at sumunod kay Doc. Jack. Ngayon ay nandito na kami sa rooftop pasakay ng helecopter na magdadala sa amin sa Isla Rosana. *** Isang oras lang ang nilakbay namin. Nakarating kami sa Isla Rosana. Lumanding a
Szarina Tinawagan ko muna si Nurse Megan na pumunta dito sa bahay ni Tiya Beth, at magpasama kay kuya Franco. "Tiya Beth, uuwi po muna ako sa bahay, nandito naman po si Nurse Megan at si Kuya na makakasama mo." Paalam ko kay tiya Beth. Nakatingin lang ito, sa akin. Lumabas na rin ako ng silid nito. "Segurado kaba, sa ginawa mo Bunso? Hindi naging mabuti ang pakikitungo niya sayo simula't sapol." Tanong sa akin ni Kuya Franco. "Kuya, kung ano man ang nakaraan namin ni Tiya Beth, ay tapos na yon sa akin, kinalimotan ko na at nakaraan na lamang 'yon.) sa amin. Hindi na sa aking mahalaga Kung naging mabuti ba siya sa akin o hindi, ang importante ay itong ngayon, at ipamulat na lang natin sa kanya na ang lahat ng taong masasama ay may hangganan, pwede silang maging mabuti pa rin, gabayan natin sila kung maaari... Hindi sila palaging ang nasa taas, darating din ang araw na manghihina din sila at mangangailangan din ng tulong galing sa iba, sa atin. Hindi pa naman huli ang lahat eh
Szarina. Kinaumagahan ay maaga ako nagising, upang magluto ng almusal ng mga anak ko. Hindi ko na inutusan pa sina Nurse Pia at Nurse Megan. Habang nagluluto ako ng hotdog ay naalala ko ang pagharana sa akin ni Jeran at ng mga kaibigan nito, hindi ko akalain na susundan ako ng siraulong ama ng mga anak ko. Naiiling na lang ako ng aking habang binabaligtad ko ang hotdog, kapag naalala ko ang mga dinala nila sa akin, rose na may bulaklak ng aswang sa gitna, at ginataang itik na hindi ko kinakain. Bumabaligtad ang sikmura ko kapag nakakaamoy ako nito na hindi ko alam kung bakit eh simpleng ulam lang naman ito. Hinango ko na ang hotdog at nilagay ko na ito sa maliit na pinggan. Ano ba ang dapat kong gawin? g Gusto ko naman ng kumpletong pamilya at masaya, dapat ko na bang tanggapin ang pag-ibig ni Jeran sa akin para sa mga anak namin. Pero natatakot ako, paano kung pakulo lang niya ulit ito, upang gantihan ako dahil sa pagtatago ko sa mga anak namin sa kanya?Mas gugustuhin ko pa