Si Solene ay tumigil sa paglalakad. Sa halip na maayos ang relasyon sa pagitan nila, sila ay higit na kagaya ng superiors at subordinates. "Boss McClinton, may gusto ka bang sabihin pa?" Umikot paharap si Noah, tumitig sa mailap na mukha ni Solene, at nagsalita sa isang commanding na tono, "Umupo ka." Biglang hindi naintindihan ni Solene kung ano ang nais nitong gawin. Lumapit si Noah. Pinanood ni Solene siyang papalapit nang papalapit. Sa sandaling iyon, parang may kakaiba, na nagbigay sa kaniya ng pakiramdam na tila manipis ang hangin. Nababalisa at medyo kakaiba. Hindi siya gumalaw, ngunit sinadya ni Noah na hawakan ang kaniyang kamay. Nang ang kaniyang mainit na palad ay humipo sa kaniya, naramdaman niyang parang siya ay nasunog ng isang bagay at nais na bawiin ito, ngunit mahigpit na hinawakan ito ni Noah at hindi siya binigyan ng pagkakataong bawiin. Direkta siyang hinila sa tabi at nagtanong na may kunot na noo, "Nasugatan ang iyong kamay, hindi mo ba ito napansin?
Nahilo siya at parang may mga bituin sa kaniyang ulo. Narinig lang niya ang isang tao na nag-aalala, "Ano’ng nangyari sa iyo? Bakit ka nagkamali? Ate Sol, Ate Sol..." Habang lumalabo ang tinig, nawalan ng malay si Solene. Nang magising si Solene, nasa ospital na siya, nakatingin sa puting kisame. Nahihilo pa rin siya at sobrang sakit ng kaniyang ulo. "Ate Sol, gising ka na!" Tumayo si Cheskah mula sa upuan na namumula ang mga mata at nagtanong nang may pag-aalala tungkol sa kaniyang kalagayan. "May nararamdaman ka bang hindi maganda? Gusto mo bang tawagin ko ang doktor?" Tumingin sa kaniya si Solene. Kahit na nanghihina pa rin siya, hindi sinasadyang umupo siya at sinabi, "Ayos lang ako. Kumusta na ang sitwasyon sa construction site? May iba pa bang nasugatan?" Sabi ni Cheskah, "Huwag ka nang mag-alala sa construction site ngayon. May concussion ka. Halos mamatay ako sa takot. Akala ko hindi ka na magigising." Habang sinasabi niya ito ay nagsimula na naman itong umiyak. S
Pagkatapos ng pananatili sa ospital nang ilang saglit, umalis siya nang may pagkadismaya at mga sugat.Nang tanggapin ni Kate si Solene, nakita niyang namumutla ito at may sugat sa ulo, kaya mabilis niya itong sinalo at sinabi, "Oh my God, saan ka nasaktan?"Walang anumang sinabi si Solene."Nasa trabaho ka nang mga oras na ito. Work-related injury ito." Tanong ni Kate, "Nasaan si Noah?" "Hindi ko alam." Nakita ni Kate na mukhang hindi siya masaya at hindi lang iyon simpleng injury. Umismid ito at sinabi, "Sobrang sipag mong magtrabaho para sa kaniya na ang ulo mo nasugatan na kagaya nito. Asawa mo siya pero hindi mo siya mahanap. Wala itong pinagkaiba sa pagkakaroon ng asawang patay na." "Hindi pa sa ngayon." "Ano? Gusto ka rin niyang hiwalayan?" Nagbago ang mukha ni Kate. "Gusto ko siyang hiwalayan." Nagbago ulit ang ugali ni Kate. "Humiwalay ka kung gusto mo, hiwalayan na ngayon!" Binalaan din siya nito, "Tandaan mong hatiin ang ari-arian sa dalawa. Ang unang hakbang p
Naiintindihan ni Solene na seryoso si Noah sa kaniyang trabaho at hindi nito hahayaan kahit kaonting pagkakamali. Ngunit hindi ito maaaring isisi sa kaniya, dahil nasa ospital siya kasama si Iris noong nakaraang araw. "Sinabi mong may gagawin ka at ibinaba ang telepono." Huminto si Noah at kumibot ang kaniyang mga labi "Paano mo iyon inayos?" Nasa ospital na si Solene noon, at idinagdag niya, "Sobrang huli na para ayosin ito, ako..." "Secretary Sol." Malamig na sinabi ni Noah, "Naalala kong hindi nagkaroon ganitong pagkakamali sa trabaho mo dati." Sinasadya nitong tawagin siyang "Secretary Sol" upang ipaalala sa kaniya na isa siyang sekretarya, hindi isang asawa. Kinagat ni Solene ang kaniyang labi, hindi makapagsalita. "Maipagpapatuloy pa rin naman ang construction site, maaaring patuloy pa ring gumana ang construction site, hindi naman seryoso ang problema, sa tingin ko hindi ito ganoon kalala." "Kapag may nangyaring masama, huwag ka nang magmadaling magbigay ng mga d
Sa oras na ito, si Solene ay nakarating na sa opisina, at ang atmospera sa buong opisina ng presidente ay napakaseryoso. "Ate Sol." Lahat sila'y magalang na bumati nang dumating siya."Ate Sol, kumusta na ang sugat mo sa ulo?" Ayaw ni Solene na mag-alala nang husto ang mga ito. "Ayos lang ako, nakapagpahinga na ako kahapon nang gabi at mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon." "Pero dapat magpahinga ka pa. Humingi ka lang ng leave kay Mr. McClinton. Pumunta ka pa rin sa trabaho kahit may sugat ka. Ate Sol, masyado kang masipag." Lahat sila ay humahanga kay Solene. Mas mahalaga pa sa kaniya ang trabaho kaysa sa kaniyang buhay. Natatakot silang hindi na magkakaroon ng ibang Secretary Sol. Lihim pa ring kasal si Solene at Noah, at walang nakakaalam tungkol sa kanilang relasyon, kaya hindi siya naglakas-loob na magbunyag ng masyado. "Hahanapin ko muna si Mr. McClinton, gawin niyo na ang trabaho niyo, huwag kayong masyadong mag-alala sa akin." Nang makarating siya sa pinto, nari
Tumutulong na siya sa kaniya, dapat ay masaya ito. O baka ang pagmamataas na naman nito ang naglalaro, at naramdaman nitong siya ang bumanggit sa bagay na ito, kaya napahiya ito.Inilipat ni Noah ang tingin nito mula sa kaniya at sinabi nang malamig, "Oras na, pumunta ka na sa trabaho." Tumingin si Solene sa oras. Eksaktong alas-nuebe na. Oras na para magtrabaho. Hindi niya mapigilan na matawa. Talagang nasa oras ito at hindi siya hinahayaan na magkaroon ng kahit isang segundo para magpahinga. Habang tinitingnan ang likod ni Noah na paalis, naglalabas ito ng malamig na aura mula ulo hanggang paa, at ang pagitan sa kanilang dalawa ay kagaya lamang ng isang superiyor at subordinate lang. Hindi na siya nakipagtalo at naglakad nalang paalis. Naghihintay sa kaniya si Adam sa labas ng pinto. "Secretary Sol, ito ang dokumento na ipinapagawa sa iyo ni Mr. McClinton." Isang bundok ng mga dokumento ang nagpabigat sa kaniyang mga kamay. Ang alikabok ay lumipad patungo sa kaniyang
Hindi iyon masyadong naintindihan ni Franciss. May sakit ba si Kuya Noah? Nagpa-physical check up na ito kamakailan lang at parang normal naman ang lahat. Si Solene ang kasama nito sa kama, kaya kung may problema, pwede tungkol iyon... Sa sandaling makapasok si Franciss sa opisina, sumigaw siya, ang mga mata ay nakatuon sa pantalon ni Noah. Nang makita ang kakaibang tingin nito, kumunot ang noo ni Noah at sinabi, "Sinabi kong suriin mo si Solene, bakit ako ang tinitingnan?" Binawi ni Franciss ang kaniyang tingin at awkward na ngumiti. "Wala naman, nakasalubong ko si Solene sa entrance ng elevator. Paalis na siya at parang mukhang hindi masaya." Sinabi ni Noah, "Babalik din iyon sa huli." "Nag-away ba kayo ng hipag?" "Normal lang sa mga babae na magalit." Hindi alam ni Franciss kung ano ang sasabihin, kaya pinili niyang umupo sa sofa malapit doon. Nang makita na hindi ito umalis, sinabi ulit ni Noah, "Kung umalis siya, pwede ka nang bumalik. Hindi kita kailangan dito
Sumulyap pabalik si Solene at sinabi, "Nag-iimpake ako ng mga kahon." "Saan ka pupunta?" Sabi ni Solene, "Uuwi na ako." "Hindi ba't ito ang tahanan mo?" Mas naging malamig ang tono ni Noah. Masakit pa rin ang puso ni Solene, at nag-angat siya ng tingin rito. "Naisip mo ba na ang tahanang ito ay kailanman naging belong sa akin? I’m making room for you." Biglang hinaklit ni Noah ang kaniyang kamay at pinigilan siyang mag-impake ng kaniyang maleta. Ang malamig na boses nito’y galing sa itaas. "Hanggang kailan mo gustong magdulot ng gulo sa akin?" Hindi naglakas-loob si Solene na mag-angat ng tingin, natatakot siyang baka maramdaman niyang na-aapi at umiyak kapag nakita niya ito. Ito ang unang pagkakataon na itinulak siya nito nang ganoon kalakas. "Ayaw kong makaabala, seryoso ako. Mr. McClinton, pakiusap, iwanan mo na ako. Kailangan pang mag-impake ng mga gamit ko." Sobrang tigas ng kaniyang ulo at nais nang hiwalayan ito. Mas naging madilim ang mukha ni Noah at ibinagsak ni