Share

Kabanata 6

Nahilo siya at parang may mga bituin sa kaniyang ulo. Narinig lang niya ang isang tao na nag-aalala, "Ano’ng nangyari sa iyo? Bakit ka nagkamali? Ate Sol, Ate Sol..."

Habang lumalabo ang tinig, nawalan ng malay si Solene.

Nang magising si Solene, nasa ospital na siya, nakatingin sa puting kisame. Nahihilo pa rin siya at sobrang sakit ng kaniyang ulo.

"Ate Sol, gising ka na!" Tumayo si Cheskah mula sa upuan na namumula ang mga mata at nagtanong nang may pag-aalala tungkol sa kaniyang kalagayan. "May nararamdaman ka bang hindi maganda? Gusto mo bang tawagin ko ang doktor?"

Tumingin sa kaniya si Solene. Kahit na nanghihina pa rin siya, hindi sinasadyang umupo siya at sinabi, "Ayos lang ako. Kumusta na ang sitwasyon sa construction site? May iba pa bang nasugatan?"

Sabi ni Cheskah, "Huwag ka nang mag-alala sa construction site ngayon. May concussion ka. Halos mamatay ako sa takot. Akala ko hindi ka na magigising."

Habang sinasabi niya ito ay nagsimula na naman itong umiyak.

Si Cheskah ay ang assistant ni Solene, at inaalagaan siya ni Solene sa mga araw ng trabaho.

Bata pa ito at hindi pa nakakaranas ng ganoong emergency, kaya natakot ito.

"Gising na ako, hindi ba? Huwag ka nang masyadong mag-alala." Pag-alo ni Solene sa kaniya.

Hinawakan niya ang kaniyang noo, na nakabalot ng puting benda na masakit pa rin. Kumunot ang kaniyang noo at nagtanong ulit, "May problema pa ba sa construction site?"

Natatakot siyang baka dahil sa hindi inaasahang aksidente ay maantala ang kanilang konstruksyon.

"Ayos na, Ate Sol. Sobrang lubha ng sugat mo, pero nag-aalala ka pa rin sa nangyayari sa construction site. Palagi kang napapagod sa trabaho araw-araw, at naisip mo pa kaming alalahanin. Humiga ka na lang at magpahinga!" Ramdam ni Cheskah ang matinding pag-aalala.

 Kung hindi niya ito pinilit na pumunta, hindi sana nangyari ang aksidenteng ito. Ayaw niyang i-report ang kaniyang trabaho rito.

Sanay na si Solene sa ganoon.

Tila ba sa mga taon na nagdaan, naging isa siyang nagtatrabahong makina, iniisip ang iba at inaasikaso ang pangkalahatang sitwasyon para makaramdam ng ginhawa si Noah.

Hindi sinasadya, mas magkakaroon ka ng paki tungkol sa trabaho.

Bukod pa rito, may utang pa rin siya sa pamilya McCliton ng 10 milyon at hindi siya mapakali.

May narinig silang masiglang boses mula sa labas, parang isang maliit na fan girl na nakakita ng isang sikat na personalidad.

"Oh my god, nasa ospital din ba ang singer na iyon?"

"Oo, nakita ko lang siya, si Iris, she's a big star, at ito ang unang beses na nakita ko siya nang malapitan!"

"Nasugatan ba siya? Malubha ba ang sugat?" tanong nila nang may pag-aalala.

"Tabi! Kayong lahat, umalis kayo sa daan!"

Isang grupo ng mga bodyguard ang nagbigay daan sa harap, pinipigilan ang lahat ng mga tagalabas na hindi makuhanan ng litrato. Unti-unting nawala ang mga boses sa pandinig ni Solene.

Ngunit nakuha pa rin nito ang atensyon ni Solene.

Dahil nakita niya ang matangkad na pigura ni Noah, mahigpit nitong hawak si Iris sa kaniyang tabi.

Nakahiga si Iris sa tabi nito na parang isang magandang dalaga, nakayuko ang ulo, namumula ang mga mata, maputla ang mukha, at mukhang sobrang nanghihina.

Ang hitsura nito ay nagdulot ng kaguluhan, ngunit dahil sa mga bodyguard na nagbibigay daan, bumalik din agad ang katahimikan.

Ang mga pigura nila ay nasa tabi lang ng kaniyang ward.

Sa kasunod na pinto ay ang emergency room.

"Hindi ba si Mr. McClinton iyon?"

Nang makita ito ni Cheskah, mas nagulat siya kaysa sa sinuman.

Hinahanap niya si Noah buong umaga pero hindi niya ito makita. Tapos nakita niya ito sa ospital, at kasama pa nito ang mang-aawit na si Iris.

Hindi niya tuloy maiwasang maging tsismosa.

Nagpatuloy si Cheskah, "Hindi nawawala si Mr. McClinton sa mga mahahalagang pangyayari. Hindi ko man lang makontak sa telepono dahil kasama nito si Iris. Pwede bang sila na? Kaya pala hindi man lang nag-hello si Iris nang pumunta siya sa kompanya noong araw na iyon. Pribilehiyo iyon na ibinigay ni Mr. McClinton. Ate Sol, si Mr. McClinton ba ang fiancé na tahimik na sumusuporta rito sa likod ng mga eksena't kaganapan gaya ng naiulat sa balita, tama ba?"

Mahigpit na hinawakan ni Solene ang kaniyang mga kamay kaya namuti ang kaniyang mga buko-buko at pakiramdam niya'y parang sinaksak ang kaniyang puso.

Tumingin siya kay Cheskah, ayaw niyang mapansin ng iba na malapit na siyang mawalan ng kontrol sa kaniyang emosyon, at sinabi sa isang malamig na tono "Lumabas ka muna, gusto kong magpahinga nang pansamtala."

"Sige, Ate Sol, magpahinga ka nang mabuti."

Hindi na naglakas-loob na magtanong si Cheskah at tuluyan na itong lumabas ng ward.

Nakahiga si Solene sa kama sa ospital, iniisip kung dinalaw na ba siya ni Noah noong panahon na nagkakasakit siya at dinadala sa ospital.

Parang hindi.

Pero kay Iris sobra-sobra ito kung mag-aalala kahit sa maliit na bagay.

Anuman ang haka-haka ng lahat, dinala nito sa ospital si Iris. Maraming tao ang nangunguna sa mga spekulasyon, at talagang sineryoso pa iyon ni Noah.

Tunay nga na miserable siya.

Tumingin siya sa kaniyang cellphone, nag-atubili ng matagal, at saka tinawagan ang pamilyar na numero.

Di nagtagal, sinagot ang tawag.

"Hello."

Narinig niya ang tunog na parang nasa tabi lang ito ng kaniyang tainga.

Sandali siyang hindi nakasagot.

Ang medyo naiinip na boses ni Noah ang narinig niya mula sa receiver. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na lang. Busy ako."

Tumingin si Solene sa bintana at nakita niyang nakakunot ang noo nito, parang naantala ng kaniyang tawag ang isang napakahalagang bagay para sa kaniya.

Tama, dahil ang nasugatan ay ang minamahal nitong si Iris Relova.

Bigla siyang nagsisi na tumawag, pero hindi niya mapigilan ang sarili at sinabi, "Hindi maganda ang pakiramdam ko."

Sa paningin nito, tinakpan nito ang receiver at malamig na tumingin sa doktor, parang sinisisi nito ang doktor dahil nasaktan nito si Iris sa sobrang lakas ng pagbibigay ng gamot.

Lumingon ito at nagtanong, "Ano ang sinabi mo?"

Binuksan ni Solene ang kaniyang bibig, maraming salita ang nasa isip niya, tulad ng bakit siya nito pinakasalan kung may iba naman pala itong tinatangi.

Bakit siya nito pinakasalan pero nakikipag-ugnayan pa rin sa ibang babae?

Pero kung mahinahon niyang iisipin, napagtanto niyang kung masyadong maraming tanong ang itatanong niya, ang mga sagot ay maaaring iyong hindi niya magugustuhan.

"Fine."

"Solene, I'm very busy. Kung wala ka namang importanteng gagawin. Huwag kang mang-gulo nang walang dahilan."

beep--

Pagkatapos nitong sabihin iyon, ibinaba nito ang telepono at nagpatuloy sa pag-aalaga kay Iris.

Namula ang mga mata ni Solene at nakaramdam siya ng matinding kirot sa kaniyang puso.

Galit, lungkot, pag-ayaw....

Iba't ibang emosyon ang nagkalat sa kaniyang dibdib, at mahigpit niyang hinawakan ang telepono.

Panahon na para matapos ito.

Panahon na para palayain siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status