Guia POVExcited akong naglalakad papasok sa building kung saan nagtatrabaho si Renz Vidal, ang boyfriend ko for three years. Siya ang Head of Finance sa Sandoval, Mercado and Rafael, CPA’s. Isa siyang CPA at 10th place na board topnotcher, five years ago. Hawak ang isang lunch box na may lamang beef teriyaki na niluto ko pa para pagsaluhan namin.Inayos ko ang aking sling bag at nginitian si Manong Luis, ang security guard. Pero, nagtataka ako bakit hindi man lang siya ngumiti pabalik sa akin.Tumunog na ang prompt ng elevator at bumukas iyon. Halos takbuhin ko na ang pinto ng opisina ni Renz. Hindi ko mahagilap si Charina, ang kanyang secretary. Kung sabagay, lunch break nga naman kaya malamang nasa canteen si Charina.Nang nakalapit na ako sa pinto, kakatok na sana ako nang napansin kong nakaawang iyon. Namilog ang mga mata ko nang may narinig ako na tila ungol ng dalawang taong nasasaktan. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam bakit kinakabahan ako at hindi mapakali. Hindi
Guia POVDali-dali kong kinapa ang sarili ko. Pumaloob ang ulo ko sa kumot. Nanghina ako sa nakita ko! Pareho kaming hubot hubad ni John. Nakatalikod siya sa akin kaya tumambad sa akin ang matambok niyang pwet. Sa ibang panahon siguro ay kikiligin ako. Pero, ngayon, nagtatalo ang isip ko kung gigisingin ko siya o basta na lang siyang iiwanan. Maingat akong bumaba ng kama at pinulot ang mga nagkalat na damit sa sahig. Kahit mahapdi ang nasa pagitan ng aking mga hita habang humahakbang ako, pinilit kong hindi makagawa ng ingay. Pumasok ako sa banyo at nagbihis matapos umihi. Tumulo ang luha ko sa hapdi ng aking kaselanan ng mapatakan iyon ng ihi. Anong ginawa mo Guia? Twenty three years mong iningatan ang sarili mo para lang ibigay sa isang estranghero ang sarili mo! Magsisi man ako, wala na akong magagawa para mabawi ang puri kong basta ko na lang ipinamigay. Bahala na! Matapos hugasan ang aking pwerta, dali-dali kong sinuot ang damit ko kagabi. Nagmumug ako kahit papaano mawala a
Guia POVHome. Sa wakas, after five long years ay nakabalik na rin ako sa lupang sinilangan ko. Sabi nga ng marami, there is no place like home. Amoy Pilipinas na nga paglabas pa lang namin ng airport. Napangiti ako habang pinagmamasdan si Gio na hinihila ang kanyang luggage. Gwapong gwapo ang anak ko sa suot niyang jogger pants at white hoodie. Samantalang kikay na kikay ang anak kong si Vivienne sa suot niyang dress na may tulle skirt pa at ang kanyang mary jane shoes na kulay puti.“Faster, Vie. Ang arte mo talaga,” komento ni Gio sa kapatid. Kahit na ipinanganak at lumaki sa Australia, matatas managalog ang panganay ko unlike Vivienne na Taglish o di kaya ay straight English ang kinasanayan.“Duh, wait kuya. We are not in a hurry,” ani Vivienne. Inayos pa nita ang kanyang tiara na pinagpipilitan niya talagang isuot para magmukha siyang prinsesa. Maarte niyang hinila ang kanyang bagahe at umagapay sa amin ni Gio.Mabuti na lang at hindi rush hour. Nakasakay kaagad kami ng taxi pap
Guia POVMatapos ihatid sa kindergarten ang kambal kasama si Aling Nelia, kaagad na rin kaming pumunta sa kumpanya. Wala pa ang company car na gagamitin namin kaya nag-taxi lang kami. Ayon naman kay Riza, mamaya sa meeting na iyon ibibigay ng HR sa akin. Alas otso pa lang ay naroon na kami sa tapat ng JJL Tower. Matayog iyon at isa sa pinakamagandang gusali na nakahilera sa Business District along EDSA.“Kinakabahan na ako, Miss Guia. Sana, hindi terror ang HR. Ang hirap ng pinagdaanan ko masungkit ko lang ang posisyon ko.” Panay pahid na niya ng kanyang pawis.“Relax, akong bahala sayo.” Napangiti ako sa sinabi kong yun pero hindi ko rin maiwasan na kabahan. Iba pa rin kasi ang feeling sa bagong kompanya. Panibagong environment kaya kailangan na well adjusted sa workplace.Pinakita namin sa security officer ang printed na confirmation letter since wala pa kaming company ID. Matapos naming dumaan sa inspection, dumiretso na kami sa twentieth floor. Swerte naman at hindi pa gaanong b
Guia POV“Miss Cordero, since you are new to our company, I want you to present your marketing plan right now.” Halos hindi kumurap ang boss namin na nakatingin sa akin. May mga tumukhim na mga kasamahan ko at ang iba ay nakatingin sa sahig, halata ang takot nila sa boss namin na napakapormal. Kinakabahan man, sinenyasan ko si Riza na ibigay ang kopya ng mga printed na marketing plan na hinanda ko na ahead sa mga department heads. Ako na ang nagbigay kay Sir ‘JJ’ as they call him ng kopya na nasa akin lalo at kulang ang nagawang kopya ni Riza. Apologetic niya akong tiningnan.Tumayo ako. Binutones ko ang aking blazer. Tumikhim ako at pumunta sa harapan kung saan mayroon white board at marker. Kahit kinakabahan ay nag-umpisa na akong magsalita.“First of all, I would like to introduce myself. I am Guia Cordero, a former Junior Marketing of Mayers and Briggs, Ads Limited, based in Sydney Australia. As you see in the second page of my Marketing plan, I crafted it according to the client’
John Jacob POVI am at the lobby. I am tired and rushing to go home because I had a long and tiring day when I heard a tiny voice.“Kuya Gio, he looks like you. Maybe he is our daddy.” I squinted and my bodyguards were alerted. The kids in the reception area are staring at me. The girl pointed at me with her right hand while her left hand was carrying a huge doll. She is wearing a house dress while holding her sibling after she pointed at me. “See that man over there Kuya? He looks exactly like you!” I’m alarmed because I have always been cautious when it comes to sleeping around with random women. I made sure I used rubber. But, that one incident five years ago is the exception. When I woke up from that wondrous night I shared with the only virgin in my life. “Bossing, baka napagkamalan lang kayo ng mga bata. Hindi pwedeng basta na lang kayo maniwala sa mga bubwit na yun,” ani Randy. “Boys, huwag kayong pakampante.” He signalled the others to be on the lookout.“Relax, mga bata
John Jacob POV“Halika na Miss Clemente. Sumama ka na sa amin ni Boss JJ. Isasabay ka na namin. Kailangan na makausap ni bossing si Miss Cordero,” sabi ni Randy.“Eh, Sir JJ bakit po kailangan ninyong makausap si Ma’am Guia? May kasalanan po ba siya sa inyo?” tanong ni Riza sa akin.“None. I just want to confirm my theory regarding the birth of her twins.” Narinig ko ang pagsinghap ni Riza at ang pagtakip ng kanyang mga kamay sa labi nito.“Don’t tell me Sir JJ na ikaw ang tatay ng kambal?” Shock is an understatement from Riza’s voice.“That’s why you need to cooperate. Boys, let's go. Miss Clemente. Please come with us if you want your superior to be happy,” I said.Riza giggled like a teenager. Halata sa mukha niya na gusto niya ang ideya na sinabi ko sa kanya.Sumakay na kami ng aking sasakyan. Ibinigay niya kay Michael ang address na apartelle and luckily, hindi aabot sa isang oras ang biyahe papunta doon.“Ito po yong apartelle, Sir JJ.” Bumaba na si Riza at sumunod kaming lima.
Guia POVParang naghiwalay ang katawang lupa ko at kaluluwa nang makita ko ang anak kong nahulog sa hagdan. tumayo nga siya nang tanungin ko pero kaagad naman na nawalan ng malay si Vivienne.Tinawag ko na yata ang lahat ng santo habang nasa sasakyan kami ni Sir JJ. Halos hindi mo na matingnan si Gio na seryoso lang ang mukha.“Walang bang mas mabilis na takbo itong sasakyan ninyo?” mataas ang tinig kong tanong sa driver ni Sir JJ. Hindi man lang sumagot ang apat na halatang kinakabahan. Gusto kong magwala sa loob ng sasakyan dahil sa kawalan nila ng response sa akin.“Ano mga pipi ba kayo?” singhal ko. Parang sasabog ang utak ko sa sinapit ng anak ko ngayon ay nasa bisig ni Sir JJ.Hinampas ko ng ubod lakas ang kanyang braso at dinuro ko siya. “Kasalanan mo ito! Kung hindi ka sumunod sa apartelle, hindi naging matigas ang ulo ni Vivienne!” akusa ko.“Mommy, calm down.” Hinawakan ni Gio ang aking braso at tuluyan akong niyakap. “Vivienne, will be okay.”Tuluyan na akong napaiyak haban
Epilogue Nanganak si Guia ng isang malusog na batang lalaki at Jonas Frederic Larsen ang pangalan ng sanggol. Hango ang pangalan mula sa mga yumaong abuelo na sina Jonas at Federico. Walang pagsidlan ang tuwa ni Jacob lalo at tulad ng kambal, siya pa rin ang kamukha ng bagong silang na anak. "Malay mo, Guia sa susunod na anak natin kamukha mo na," natatawang saad ni Jacob habang kalong ang anak. Kaagad namang umasim ang mukha ni Guia sa sinabi ni Jacob. Hindi sa ayaw na niyang pagbigyan ang asawa sa hiling nito na dagdagan ang anak nila pero natatawa na lang siya sa mukha ni Jacob habang nanganganak siya. "Talaga ba? Kapapanganak ko lang tapos ngayon hihirit ka ng bagong anak? Shame on you, John Jacob Larsen! Nakakatawa kaya ang mukha mo sa delivery room." Imbes na mainis natatawa na lang si Guia sa sinabi niya lalo at ni-record pala ni Dylan ang panganganak niya . At doon nga sa recording ay kitang kita kung paano halos mawalan ng malay si Jacob dahil sa sob
Guia POV "Jacob, what's the meaning of these?" Minuwestra ko ang kamay ko paturo sa naka set up ng wedding venue. Para namang eksena sa pelikula kung lumapit sa akin si Jacob. Literal na pakiramdam kong tumigil ang ikot ng mundo. Gusto ko lang naman sanang kumain ng steak at ano itong may sorpresa pang nalalaman? Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Jacob. "Just stay put, Guia. Hindi ka pa pwede ma-stress. Yes, your guess is as right as it is. Ikakasal tayo ngayon. I can't wait to spend my life with you. Ayoko ng palampasin ang pagkakataon na ito. We both have peace with our past and our family issues are almost solved. Wala ng makakapigil pa sa tuluyan mong maging isang Mrs. John Jacob Larsen." Napantastikuhan ako sa sinabi ni Jacob. Why does he sound so unromantic and yet his action speaks otherwise? Lalo pang lumapit ang violinist sa amin at doon ko lang napansin na napapalibutan na pala kami ng mga tao. Hindi ko sila namalayan kanina dahil abala akong ip
MGuia POV "Mommy, is your dad dying?" tanong ni Vivienne. At dahil sa sinabi ng anak ko, pumatak ang aking luha. Hindi ko mapigil ang sarili na tingnan si Tita Jo na impit ang pag-iyak. Sinenyasan ko siya na dalhin ang mga anak ko sa labas. Tumango siya at niyakag ang kambal na lumabas. "Let's give your mom and your grandpa some privacy," saad pa ni Tita Jo. Tumalima naman ang mga anak ko. Pero, hindi ako iniwan ni Jacob. Tiningnan ko siya at saka tiningnan ang kamay ni papa na hawak niya pa rin. "Gusto kong h-humingi nang patawad sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo, anak." Mahina at pautal na bumigkas si papa. Lalong sumakit ang lalamunan ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero puno ng mga swero at tubo ang kanyang katawan. Hirap din ako na yumuko lalo at mabigat na rin ang aking maumbok na tiyan. Ramdam ko ang paghaplos ni Jacob sa aking braso at minuwestra niya ako na ilapit ang aking tainga kay papa. "Gusto mong yumuko para marinig mo pa lalo ang
Guia POV Matapos ang komprontasyon sa living room at pagpapalayas ni Jacob kay papa, hindi na ito nagtangka pang bumalik pa. Nabalitaan ko na lang na naubos na pala ng mag-ina niya ang kanyang pera. Masyadong tinutukan ng mga ito ang pagkuha ng abogado para maabswelto lang si Melinda. But, there is nothing they can do about it. Masyadong malakas ang ebidensya laban sa kanya. Tadtad ng CCTV ang buong resort kaya talagang madidiin siya. "You can give the case a rest, Jacob," suggestion ko pa sa kanya. Isang malalim na paghinga ang narinig ko mula kay Jacob. Nasa library kami habang busy siya na tapusin ang mga gabundok na papeles na kailangan niyan pirmahan. "You are asking me as i wasted Jacques effort to save me, Guia." Hindi man lang nag-aksaya ng panahon si Jacob na tungnan ako. Nahihimigan ko ang lungkot sa boses ni Jacob. Is it regret? Regret that after all they've been through, Jacques chose to save him when in fact he could have let Jacob die. Nagsisis
Guia "Ano kayo 'yon, tita?" tanong ko pa. Nanlalamig na ang aking kamay at iniisip pa lang na baka mapahamak ang kambal ay tila gusto kong mabaliw. "Kumalma ka nga, Guia. Isipin mo na buntis ka. Magtiwala ka naman kay Jacob," sita pa ni tita sa akin. Hinuli niya ang kamay ko at kaagad na umasim ang kanyang mukha. "Malalampasan din natin ang lahat ng ito. Ikakasal ka kay Jacob bago ka manganak." Tumayo ako at nagpumilit na lumabas ng silid. "Kita mo itong buntis na ito. Ang kulit mo talaga! Mananagot ako kay Jacob 'pag may nangyaring masama sa 'yo!" yamot na saad pa ni Tita Josephine habang hinihila ako pabalik. Nakahawak na ako sa seradura ng pinto pero malakas si tita. "Puputi yata lahat ng buhok sa katawan ko sa tigas ng ulo mo!" asik na niya sa akin. "Hindi ninyo ako maintindihan eh!" naiinis ko na ring sagot. Papadyak akong humakbang pabalik sa upuan. Tumulis ang nguso ko sabay halukipkip. Hmp! "Hindi naman ako takot na hindi matuloy ang kasal nga
Jacob Mabuti na lang talaga at naisipan kong i-check si Guia sa dressing room. kinulong ko na talaga si Alberta. Nagtataka ako lalo at hindi pamilyar sa akin ang kasama niyang assistant. Tama nga ang sinabi ni Randy sa akin. Pupuslit ang kapatid ni Guia para manggulo. "Bossing, kinulong na namin si Alberta at papunta na rito ang kakilala kong pulis," pagbibigay alam sa akin ni Michael. "Hindi pa ba dumarating si Randy?" tanong ko. Kanina pa dumating sina Guia at hindi ko mahagilap ang tauhan ko. Nang tingnan ko si Michael, may gumuhit na pag-aalala sa kanyang mukha. "Bossing, nasalisihan tayo. Nasa mansyon pa si Randy at kakagising lang. May 'di kilalang tao ang tinambangan siya sa garahe at nagpanggap na siya," mahinang usal ni Michael habang binabasa ang isang text message mula sa kanyang cellphone na hawak. Dumagundong kaagad ang kaba sa aking dibdib. Sino ang pangahas na nagpanggap na si Randy? Hinamig ko ang sarili ko at kaagad na pinindot ang
Guia "No, kasalanan mo ang lahat ng mga malas sa buhay ko!" nangagalaiti ng sigaw ni Melinda sa akin. "Simula nang mapilitan ang papa na pakasalan ang malandi mong ina, nagkanda letse-letse na ang buhay naming mag-ina!" "Hindi malandi ang mama! Alam ni Gracia sa umpisa pa lang na ikakasal ang papa sa mama. Kaya kasalanan ng nanay mong haliparot kung bakit naging magulo ang buhay niya," sagot ko pa. Biglang nawala ang takot ko lalo at nanginginig na si Melinda sa harap ko. "No! Kayo talaga ni Guada ang may kasalanan! Pati si Kuya Daryl, sa inyo kumakampi. Kaya dapat lang sa walang kuwenta mong ina na namatay na!" tila nahihibang na sigaw ni Melinda. Nagpanting ang tainga ko sa mga salitang nagmumula sa bibig ni Melinda. Walang babala kong nilamukos ang bibig ni Melinda pagkatapos ay sinampal ko nang ubod ng lakas ang magkabila niyang pisngi. Pakiramdam ko umakyat na yata sa ulo ko ang dugo ko sa mga kalapastanganan na sinasabi ni Melinda patungkol kay Mama Guada
Guia "Dalian na natin, Guia. Baka mainip na si Jacob at hindi ka na pakasalan." Umasim ang itsura ko sa sinabing iyon ni Tita Josephine. Pasakay na ako ng bridal car na magdadala sa akin sa resort. Nakatunghay sa akin ang sampung bodyguard na magiging escort namin ni Tita Josephine at Tito David. Dinaig ko pa ang isang artista na may dadaluhang awards night. Nagtataka nga ako kung bakit puro mga foreigner ang mga ito, maliban lang kay Randy na nag-iisang pinoy sa lahat. Ayaw naman akong bigyan ng paliwanag ni Tita Josephine kung saang security agency nila ito kinuha ni Tito David. Kahit anong pilit ko kay Jacob na dapat tatlong bodyguard lang ay ayaw niyang pumayag. "Huwag ka ngang sumimangot, Guia. Malas sa ikakasal ang nakasimangot," dagdag pa niya. Nilingon ko si Tita Josephine at nangunot ang noo ko nang makita siyang namumula na ang kanyang mga mata. “Akala ko ba malas ang sumimangot?” tanong ko sabay dukot ng tissue na nasa tabi ko lang. “
Jacob "Makinig ka kay Tita Josephine, Guia. Why are you avoiding the wedding?" may halong iritasyon ang boses ko. I am not doubting Guia's intention. I know her well. But, I can't blame Tita Josephine's words. "Tapos ang usapan, Guia. Ikakasal ka sa nakatakdang petsa na napag-usapan na namin ni Alberta. Nakakapagod na rin ang mag-postpone ng event. I want you to hear me out. I only want the best for you. Kung ayaw mo makinig, I will take it as you being an ungrateful niece and an uncaring mother to your children." Umasim na ang mukha ni Tita Josephine sa mga sinabi niya. Tumayo na siya at hinila na si Dylan para umalis sa living room. Tikom ang bibig ni Guia. Para lang siyang isang teenager na sinermunan ng kanyang magulang dahil na rin sa katigasan ng kanyang ulo. "Please don't give me that look, Jacob. Nakakarindi ang mga sinabi ni Tita Josephine and yet you seem to enjoy every minute of it," saad pa ni Guia. "Well, I can't blame her, Guia. Pwede