John Jacob POV“Halika na Miss Clemente. Sumama ka na sa amin ni Boss JJ. Isasabay ka na namin. Kailangan na makausap ni bossing si Miss Cordero,” sabi ni Randy.“Eh, Sir JJ bakit po kailangan ninyong makausap si Ma’am Guia? May kasalanan po ba siya sa inyo?” tanong ni Riza sa akin.“None. I just want to confirm my theory regarding the birth of her twins.” Narinig ko ang pagsinghap ni Riza at ang pagtakip ng kanyang mga kamay sa labi nito.“Don’t tell me Sir JJ na ikaw ang tatay ng kambal?” Shock is an understatement from Riza’s voice.“That’s why you need to cooperate. Boys, let's go. Miss Clemente. Please come with us if you want your superior to be happy,” I said.Riza giggled like a teenager. Halata sa mukha niya na gusto niya ang ideya na sinabi ko sa kanya.Sumakay na kami ng aking sasakyan. Ibinigay niya kay Michael ang address na apartelle and luckily, hindi aabot sa isang oras ang biyahe papunta doon.“Ito po yong apartelle, Sir JJ.” Bumaba na si Riza at sumunod kaming lima.
Guia POVParang naghiwalay ang katawang lupa ko at kaluluwa nang makita ko ang anak kong nahulog sa hagdan. tumayo nga siya nang tanungin ko pero kaagad naman na nawalan ng malay si Vivienne.Tinawag ko na yata ang lahat ng santo habang nasa sasakyan kami ni Sir JJ. Halos hindi mo na matingnan si Gio na seryoso lang ang mukha.“Walang bang mas mabilis na takbo itong sasakyan ninyo?” mataas ang tinig kong tanong sa driver ni Sir JJ. Hindi man lang sumagot ang apat na halatang kinakabahan. Gusto kong magwala sa loob ng sasakyan dahil sa kawalan nila ng response sa akin.“Ano mga pipi ba kayo?” singhal ko. Parang sasabog ang utak ko sa sinapit ng anak ko ngayon ay nasa bisig ni Sir JJ.Hinampas ko ng ubod lakas ang kanyang braso at dinuro ko siya. “Kasalanan mo ito! Kung hindi ka sumunod sa apartelle, hindi naging matigas ang ulo ni Vivienne!” akusa ko.“Mommy, calm down.” Hinawakan ni Gio ang aking braso at tuluyan akong niyakap. “Vivienne, will be okay.”Tuluyan na akong napaiyak haban
Guia POVHindi ko alam kung anong gusto palabasin ni JJ Larsen. Sa pagkakaalam ko, ako ang ina. At walang karapatan ang mokong na yun na basta na lang angkinin ang anak ko. Over my dead body! Magtutuos talaga kami.“Mommy, don’t be angry. You look like a dragon ready to spit fire!” komento ni Gio. Bigla akong tinubuan ng hiya sa sinabing yun ng anak ko. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko sa harapan ni Gio.“Kuya Gio, sorry if I am angry okay? Ayaw lang ni Mommy na may nakikialam sa buhay natin. Halika na, puntahan na natin ang kapatid mo,” saad ko. Hinahanap namin ang room 308. Hindi na ako kumatok sa pinto. Para saan pa? Total naman ay bastusan ang gusto ni JJ Larsen, pwes pagbibigyan ko siya. “Mommy, I said calm down. Your teeth are grinding. Don’t be too harsh. He is still your boss. Paano kami kung mawawalan ka ng work?” ani Gio.Again, reality hit me hard. Tama nga naman ang anak ko. Umuwi kami ng Pilipinas para sa malaking sahod na alok ng JJL Ads Ltd. Why do I constantly fo
Guia POV“Vivienne, you better rest baby. Kailangan maging okay ka na kaagad anak. We can’t afford to pay for this expensive hospital suite,” saad ko. Kaya ko naman bayaran ang bill pero mas nag-aalala ako na magkakaroon na kaagad siya ng absent sa kanyang skwela“What’s the rush? I can pay for this hospital room even if my daughter needs to stay for a week here,” singit ni Sir JJ. “And I can also inform the school and file for absences. Siguro naman ay excused ang anak ko.”Umarko ang kilay ko sa sinabi niya. So, he is certain na anak nga niya ang kambal! “While you haven’t proven that she is indeed your child, I have all the rights to decide what is best for my kids. Are we clear, Mr Larsen?” tanong ko.Ang kaninang nakangiti na si Sir JJ ay naging seryoso na dahil sa sinabi ko. “Mommy, don’t be dense. Let daddy stay with us,” singit ni Vivienne. “Right, Kuya Gio? I want daddy to stay with us, please mommy.” GUsto kong sigawan si Vivienne for being too persistent. Pero, kapag gag
Guia POV“Well, I see you are still in denial, Guia. You still can’t accept that I was the man you slept with, five years ago” anito. Lumapad ang ngiti ni Sir JJ at buong giliw niya akong tinitigan na para akong isang specimen sa ilalim ng microscope. Naku, talaga kong hindi lang kasalanan ang manakit ng lalaki ay baka nasuntok ko na siya. Nanlaki ang mga mata ko nang titigan niya ang aking mga labi. Automatiko kong tinakpan ng aking palad ang labi ko.“Huwag mo akong titigan ng ganyan. Sinasabi ko sayo Mr. Larsen!” banta ko pa. Pero, ang totoo kinakabahan ako kahit maraming tao sa cafeteria. Binaling ko ang tingin sa kasama niyang dalawang bodyguard. Pigil ang mga ngiti ng dalawa at halatang gustong mambuska sa kanilang amo. “May nakakatawa ba?” asik ko.“Wala po Ma’am,” nakayukong saad ng dalawa. Tumalikod ang mga ito at nahuli ko pa na sinenyasan pala ito ni Sir JJ na lumayo muna kaya dumistansya sila sa amin.“Speak now, Miss Cordero. Gusto kong sabihin mo sa akin ang mga patakar
“Are you nuts? Bakit mo nasabi ‘yan? Hindi naman porket may anak ka sa isang babae ay mag-a-assume ka na gusto ka ng babae?” Hindi ako makadama ng kilig sa mga sinasabi ng boss ko. Magkaiba kami ng mundo. Oo, mayaman ang angkan namin, pero hindi man lang kami makakapantay kahit kalahati sa yaman ng mga Larsen. “What’s wrong if I pursue the mother of my kids? It’s the most natural thing to do. You know what Guia? If you don’t like me, fine. But, you will not stop me from wanting my kids to live with me. I will do anything just to make sure they stay with me.”Hindi ko makita ang biro sa mga sinabi ni Sir JJ sa akin. May sasabihin pa sana ako nang magsalita ang isa sa bodyguard ni Sir JJ. Kaagad ako binalot ng takot na ilayo nito sa akin ang kambal.“Sir, kailangan na po natin bumalik sa silid ng anak ninyo. Umiiyak na ang iyong prinsesa.”Sa sinabing yun ng bodyguard, tumalilis ng takbo si Sir JJ. Nagulat pa ang ilang nurse na naroon sa mabilisang pagtakbo lalo at matangkad at gwapo
JJ POVI can’t understand what Guia is getting at. A lot of women would be instantly at my beck and call just to be with me. Then, why does she keep on resisting and refusing me? I must admit, it hurts my pride more than I can imagine.Magsasalita na sana ako nang tumunog ang aking cellphone. I waved my hand at Guia and went out of the room. Nang tingnan ang screen, ang aking Mayordoma na si Trining ang nasa linya.“Manang, napatawag kayo?” tanong ko kaagad. Bihira na tumawag ang aking mga kasambahay sa akin, not unless emergency ang kanilang kailangan. “Hijo, pwedeng umuwi ka ngayon? Nagkakagulo na naman sa baba. Narito ang mga tiyuhin ng kapatid mong si Jacques at nagwawala. Kanina pa yan inaawat ng security personnel pero ayaw pa rin,” anito. Bakas sa boses ni Manang Trining na na-stress na siya sa mga kaganapan. Siya lang ang tanging tao na may tiwala ako. Ang aking naging tagapag-alaga simula nang si Mama ay naging miserable.“Sige po, uuwi na kaagad kami.” Binaba ko na ang cell
Guia POV“Mommy, where is our dad?” tanong kaagad ni Vivienne nang magising bandang hating gabi. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mata at humikab. Hindi kaagad ako naka sagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag sa anak ko na hindi pa ako sigurado kung ama nga nila ang lalaking daddy na ang tawag nilang magkapatid. Minsan makulit talaga ang anak ko at hirap siyang tumanggap ng explanation. Napabuga ako ng hangin bago nagsalita“He went home.”Vivienne’s face suddenly changed. Naging mapungay ang kanyang mata at tumulis ang kanyang nguso. “I thought he would be with us,” dismayado nitong saad. She looks disoriented and disappointed at the same time.“But, I am here, baby. I just went home to change my clothes to smell fresh for you.”Kapwa kami napalingon ni Vivienne sa bumukas na pinto. Speaking of the devil, and the devil has come. He brings with him a basket of fresh fruits, a bouquet of flowers, and a stuffed toy. Sumikdo ang aking dibdib habang pinagmamasdan ang k
Epilogue Nanganak si Guia ng isang malusog na batang lalaki at Jonas Frederic Larsen ang pangalan ng sanggol. Hango ang pangalan mula sa mga yumaong abuelo na sina Jonas at Federico. Walang pagsidlan ang tuwa ni Jacob lalo at tulad ng kambal, siya pa rin ang kamukha ng bagong silang na anak. "Malay mo, Guia sa susunod na anak natin kamukha mo na," natatawang saad ni Jacob habang kalong ang anak. Kaagad namang umasim ang mukha ni Guia sa sinabi ni Jacob. Hindi sa ayaw na niyang pagbigyan ang asawa sa hiling nito na dagdagan ang anak nila pero natatawa na lang siya sa mukha ni Jacob habang nanganganak siya. "Talaga ba? Kapapanganak ko lang tapos ngayon hihirit ka ng bagong anak? Shame on you, John Jacob Larsen! Nakakatawa kaya ang mukha mo sa delivery room." Imbes na mainis natatawa na lang si Guia sa sinabi niya lalo at ni-record pala ni Dylan ang panganganak niya . At doon nga sa recording ay kitang kita kung paano halos mawalan ng malay si Jacob dahil sa sob
Guia POV "Jacob, what's the meaning of these?" Minuwestra ko ang kamay ko paturo sa naka set up ng wedding venue. Para namang eksena sa pelikula kung lumapit sa akin si Jacob. Literal na pakiramdam kong tumigil ang ikot ng mundo. Gusto ko lang naman sanang kumain ng steak at ano itong may sorpresa pang nalalaman? Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Jacob. "Just stay put, Guia. Hindi ka pa pwede ma-stress. Yes, your guess is as right as it is. Ikakasal tayo ngayon. I can't wait to spend my life with you. Ayoko ng palampasin ang pagkakataon na ito. We both have peace with our past and our family issues are almost solved. Wala ng makakapigil pa sa tuluyan mong maging isang Mrs. John Jacob Larsen." Napantastikuhan ako sa sinabi ni Jacob. Why does he sound so unromantic and yet his action speaks otherwise? Lalo pang lumapit ang violinist sa amin at doon ko lang napansin na napapalibutan na pala kami ng mga tao. Hindi ko sila namalayan kanina dahil abala akong ip
MGuia POV "Mommy, is your dad dying?" tanong ni Vivienne. At dahil sa sinabi ng anak ko, pumatak ang aking luha. Hindi ko mapigil ang sarili na tingnan si Tita Jo na impit ang pag-iyak. Sinenyasan ko siya na dalhin ang mga anak ko sa labas. Tumango siya at niyakag ang kambal na lumabas. "Let's give your mom and your grandpa some privacy," saad pa ni Tita Jo. Tumalima naman ang mga anak ko. Pero, hindi ako iniwan ni Jacob. Tiningnan ko siya at saka tiningnan ang kamay ni papa na hawak niya pa rin. "Gusto kong h-humingi nang patawad sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo, anak." Mahina at pautal na bumigkas si papa. Lalong sumakit ang lalamunan ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero puno ng mga swero at tubo ang kanyang katawan. Hirap din ako na yumuko lalo at mabigat na rin ang aking maumbok na tiyan. Ramdam ko ang paghaplos ni Jacob sa aking braso at minuwestra niya ako na ilapit ang aking tainga kay papa. "Gusto mong yumuko para marinig mo pa lalo ang
Guia POV Matapos ang komprontasyon sa living room at pagpapalayas ni Jacob kay papa, hindi na ito nagtangka pang bumalik pa. Nabalitaan ko na lang na naubos na pala ng mag-ina niya ang kanyang pera. Masyadong tinutukan ng mga ito ang pagkuha ng abogado para maabswelto lang si Melinda. But, there is nothing they can do about it. Masyadong malakas ang ebidensya laban sa kanya. Tadtad ng CCTV ang buong resort kaya talagang madidiin siya. "You can give the case a rest, Jacob," suggestion ko pa sa kanya. Isang malalim na paghinga ang narinig ko mula kay Jacob. Nasa library kami habang busy siya na tapusin ang mga gabundok na papeles na kailangan niyan pirmahan. "You are asking me as i wasted Jacques effort to save me, Guia." Hindi man lang nag-aksaya ng panahon si Jacob na tungnan ako. Nahihimigan ko ang lungkot sa boses ni Jacob. Is it regret? Regret that after all they've been through, Jacques chose to save him when in fact he could have let Jacob die. Nagsisis
Guia "Ano kayo 'yon, tita?" tanong ko pa. Nanlalamig na ang aking kamay at iniisip pa lang na baka mapahamak ang kambal ay tila gusto kong mabaliw. "Kumalma ka nga, Guia. Isipin mo na buntis ka. Magtiwala ka naman kay Jacob," sita pa ni tita sa akin. Hinuli niya ang kamay ko at kaagad na umasim ang kanyang mukha. "Malalampasan din natin ang lahat ng ito. Ikakasal ka kay Jacob bago ka manganak." Tumayo ako at nagpumilit na lumabas ng silid. "Kita mo itong buntis na ito. Ang kulit mo talaga! Mananagot ako kay Jacob 'pag may nangyaring masama sa 'yo!" yamot na saad pa ni Tita Josephine habang hinihila ako pabalik. Nakahawak na ako sa seradura ng pinto pero malakas si tita. "Puputi yata lahat ng buhok sa katawan ko sa tigas ng ulo mo!" asik na niya sa akin. "Hindi ninyo ako maintindihan eh!" naiinis ko na ring sagot. Papadyak akong humakbang pabalik sa upuan. Tumulis ang nguso ko sabay halukipkip. Hmp! "Hindi naman ako takot na hindi matuloy ang kasal nga
Jacob Mabuti na lang talaga at naisipan kong i-check si Guia sa dressing room. kinulong ko na talaga si Alberta. Nagtataka ako lalo at hindi pamilyar sa akin ang kasama niyang assistant. Tama nga ang sinabi ni Randy sa akin. Pupuslit ang kapatid ni Guia para manggulo. "Bossing, kinulong na namin si Alberta at papunta na rito ang kakilala kong pulis," pagbibigay alam sa akin ni Michael. "Hindi pa ba dumarating si Randy?" tanong ko. Kanina pa dumating sina Guia at hindi ko mahagilap ang tauhan ko. Nang tingnan ko si Michael, may gumuhit na pag-aalala sa kanyang mukha. "Bossing, nasalisihan tayo. Nasa mansyon pa si Randy at kakagising lang. May 'di kilalang tao ang tinambangan siya sa garahe at nagpanggap na siya," mahinang usal ni Michael habang binabasa ang isang text message mula sa kanyang cellphone na hawak. Dumagundong kaagad ang kaba sa aking dibdib. Sino ang pangahas na nagpanggap na si Randy? Hinamig ko ang sarili ko at kaagad na pinindot ang
Guia "No, kasalanan mo ang lahat ng mga malas sa buhay ko!" nangagalaiti ng sigaw ni Melinda sa akin. "Simula nang mapilitan ang papa na pakasalan ang malandi mong ina, nagkanda letse-letse na ang buhay naming mag-ina!" "Hindi malandi ang mama! Alam ni Gracia sa umpisa pa lang na ikakasal ang papa sa mama. Kaya kasalanan ng nanay mong haliparot kung bakit naging magulo ang buhay niya," sagot ko pa. Biglang nawala ang takot ko lalo at nanginginig na si Melinda sa harap ko. "No! Kayo talaga ni Guada ang may kasalanan! Pati si Kuya Daryl, sa inyo kumakampi. Kaya dapat lang sa walang kuwenta mong ina na namatay na!" tila nahihibang na sigaw ni Melinda. Nagpanting ang tainga ko sa mga salitang nagmumula sa bibig ni Melinda. Walang babala kong nilamukos ang bibig ni Melinda pagkatapos ay sinampal ko nang ubod ng lakas ang magkabila niyang pisngi. Pakiramdam ko umakyat na yata sa ulo ko ang dugo ko sa mga kalapastanganan na sinasabi ni Melinda patungkol kay Mama Guada
Guia "Dalian na natin, Guia. Baka mainip na si Jacob at hindi ka na pakasalan." Umasim ang itsura ko sa sinabing iyon ni Tita Josephine. Pasakay na ako ng bridal car na magdadala sa akin sa resort. Nakatunghay sa akin ang sampung bodyguard na magiging escort namin ni Tita Josephine at Tito David. Dinaig ko pa ang isang artista na may dadaluhang awards night. Nagtataka nga ako kung bakit puro mga foreigner ang mga ito, maliban lang kay Randy na nag-iisang pinoy sa lahat. Ayaw naman akong bigyan ng paliwanag ni Tita Josephine kung saang security agency nila ito kinuha ni Tito David. Kahit anong pilit ko kay Jacob na dapat tatlong bodyguard lang ay ayaw niyang pumayag. "Huwag ka ngang sumimangot, Guia. Malas sa ikakasal ang nakasimangot," dagdag pa niya. Nilingon ko si Tita Josephine at nangunot ang noo ko nang makita siyang namumula na ang kanyang mga mata. “Akala ko ba malas ang sumimangot?” tanong ko sabay dukot ng tissue na nasa tabi ko lang. “
Jacob "Makinig ka kay Tita Josephine, Guia. Why are you avoiding the wedding?" may halong iritasyon ang boses ko. I am not doubting Guia's intention. I know her well. But, I can't blame Tita Josephine's words. "Tapos ang usapan, Guia. Ikakasal ka sa nakatakdang petsa na napag-usapan na namin ni Alberta. Nakakapagod na rin ang mag-postpone ng event. I want you to hear me out. I only want the best for you. Kung ayaw mo makinig, I will take it as you being an ungrateful niece and an uncaring mother to your children." Umasim na ang mukha ni Tita Josephine sa mga sinabi niya. Tumayo na siya at hinila na si Dylan para umalis sa living room. Tikom ang bibig ni Guia. Para lang siyang isang teenager na sinermunan ng kanyang magulang dahil na rin sa katigasan ng kanyang ulo. "Please don't give me that look, Jacob. Nakakarindi ang mga sinabi ni Tita Josephine and yet you seem to enjoy every minute of it," saad pa ni Guia. "Well, I can't blame her, Guia. Pwede