IBINATO ni Erin ang lahat ng gamit niya sa silid na iyon, sinira at binasag. Nang matapos at mapagod ay saka tahimik na umiyak sa isang sulok.
Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa sobrang sama ng loob matapos malaman na pinaglaruan siya ng lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon.
Pinatikim lang nito sa kanya ang ilang buwan na kaginhawaan para sa huli ay ibigay nito sa kanya ang last blow ng parusa.
The accusations from people, pointing fingers at her for a sin she didn't commit, persisted. She had borne the weight of guilt since high school, and it persisted without relief. When would she ever find her own justice?
Humagulgol siya sa sulok ng silid.
“Erin!” Narinig niya ang tinig ni Orion na panay ang kalampag ng pintuan sa labas ng penthouse. Pinalitan niya na ang combination ng security code kaya hindi ito basta-basta makapapasok.
“Erin! Hear me out. Please… Erin!” Maririnig angg tinig nito na gumagaralgal sa kabilang bahagi.
Ngunit napapagod na ang damdamin niya. Napakahirap mahalin ng taong hindi ka mahal.
Iniangat ni Erin ang telepono para tumawag ng security at paalisin ang lalaki sa labas ng kanyang pintuan.
Dumaloy ang kanyang luha. Inaasahan niyang sasaktan siya ni Orion sa matinding paraan, ngunit hindi niya akalain na sa ganitong pagkakataon.
Dinampot niya ang cell phone na may guhit ng basag sa screeen, at kahit na nanlalabo ang mata sa mga luha ay tinawagan niya ang taong alam niya kung saan safe siya.
Habang humihikbi ay sinabi niya ang mga kataga. “Let’s get married.”
***
[Two years ago]
“GUSTO kong magpasalamat sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin lalong-lalo na sa anak kong si Erin. Iniiwan ko sa driver na si Cardo Dalyas ang sasakyan. Ang mansiyon ay iniiwan ko sa pangangalaga ni Isadora Reyes na ilang taon nang nanilbihan sa pamilya. Mapupunta sa aking anak na si Erin Villaverde ang penthouse sa White Garden.
Ang lahat ng parte ko sa Yurich Group ay iiwan ko sa pangangalaga ng kaibigan kong si Niel Arvesso hanggang sa mangyari na maikasal ang anak kong si Erin sa kanyang pamilya. Binibigyan ko ng dalawang taon ang mga Arvesso at si Erin para pagtibayin ang relasyon naming dalawa.
Kung sakali na hindi magaganap ang kahuli-hulihan kong hiling, nais kong mapunta sa Yurich Group ang lahat ng parte ko.”
Tila huminto ang lahat ng parte sa katawan ni Erin habang nakaawang ang kanyang labi matapos marinig ang mga huling binigkas ni Attorney Tuazon. Pati ang utak niya ay tila lumobo.
“Iyon ang lahat ng nasabi ni Mr. Lawrence sa kanyang last will,” wika ng abogado.
“Ibig mong sabihin ay walang iniwan sa ‘kin si Dad kahit magkano bukod sa penthouse niya sa White Garden?” Napatayo si Erin mula sa kanyang kinauupuan. Lumarawan ang pagkabahala sa kanyang mukha.
How come?
Dalawang buwan ang nakaraan ay namatay ang kanyang stepfather mula sa sakit nitong diabetes. Humina ang kidney ng kanyang ama-amahan hanggang sa maratay nga ito sa ospital at bawian ng buhay.
“Iyon ang sabi rito sa last will and testament. Iniiwan niya sa mga Arvesso ang lahat ng shares niya sa kumpanya sa loob ng dalawang taon hanggang sa makapagdesisyon ka na magiging asawa mo ang miyembro ng pamilya nila. Kung hindi matutupad ang huling hiling niya ay mapupunta sa mismong kumpanya ang mga iniwan niyang shares.”
Ibig sabihin ay mapupunta sa pinsan nitong si Uncle Roger ang shares sa kumpanya pagkalipas ng dalawang taon! Nilingon niya ito at ang anak nitong si Jenna na umismid.
“How much is his net worth in the company?” tanong niya.
“Two hundred and fifty million,” ang tiyuhin niya na nakangisi ang sumagot.
“You have two years, Erin. Sa palagay ko ay wala ka namang kailangan alalahanin kung maayos ang relasyon mo sa mga Arvesso.” Nilingon nito si Mr. Niel Arvesso na tahimik na nakaupo sa sulok.
“Iyon nga ang problema. Hindi maayos ang relasyon nila!” naaaliw na sabi ni Jenna, ang kanyang pinsan.
“Bakit?” tila wala sa sarili niyang usal. ‘Bakit sa mga Arvesso?’
Nais man niyang kuwestiyunin ang mga iyon nang malakas ay bahagya siyang nagpipigil lalo na at naroon ang lalaki. Iyon ang hindi niya maintindihan! Para bang hanggang sa kadulu-duluhan ng kanyang buhay ay nais siyang parusahan ng kanyang ama-amahan! Hindi pa ba sapat ang mahigit sa pitong taon na konsensiya?
"I think we've heard enough! We're leaving!" anang pinsan ng kanyang stepfather na si Uncle Roger.
"Good luck, Erin! I must congratulate my dad; the task is hard," ani Jenna na nilingon pa muli si Niel Arvesso.
Pinaningkitan niya ito ng mata. Nais niya itong sampalin sa oras na iyon. Close sila noong high school sila nito, ngunit matapos siya nitong talikuran at ahasin ang kanyang nobyo, nakilala niya kung sino ang dapat iwasan.
Isa-isang tumayo ang mga ito palabas ng silid. Ganoon din ang mga kasambahay na iniiwasang maging masaya dahil naiwanan din ng salapi ng kanyang ama. Gustuhin man ng mga ito na magdiwang, isang buhay pa rin ang nawala. Malungkot pa rin ang mga ito sa pagkamatay ng senyor.
“This is news…” Nakita niya na may luhang lumabas sa mata ni Mr. Arvesso. “Magpapaalam na rin ako. Miss Villaverde, tawagan mo ako kapag handa ka na,” anito bago sila iniwan sa silid ng abogado.
“I will file a petition. Karapatan ko ang shares kaysa mapunta iyon kay Uncle Roger!” aniya na naiinis. Nais niyang umiyak. Hindi siya papayag na mapunta ang two hundred and fifty million sa mga ito. Hindi siya papayag na mapunta sa pamilya ni Jenna ang pera ng magulang niya.
Naunang namatay ang kanyang ina noong high school siya dahil sa atake sa puso. Parte ng two hundred and fifty million ang pera mismo ng kanyang ina. Karapatan niya iyon! Dahil si Mr. Lawrence ang asawa nito, normal na dito napunta ang lahat lalo na at menor-de-edad pa lang siya noon.
"I'm sorry, Erin. You can only do that if you are the biological daughter of Mr. Lawrence."
“What?!” Hindi man lang nga napalitan ang kanyang apelyido noong nagpakasal ang mga ito. Dala niyia ang apelyido ng kanyang ina.
“Totoo, na legal guardian mo si Mr. Lawrence noon. Pero you are twenty-two now, Erin. Magpetisyon ka man sa mamanahin mo ay mahihirapan ka lalo na at walang dugo na nananalaytay sa inyo.”
“Pero ang makasal sa mga Arvesso?!”
“Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan ang daddy mo at si Mr. Arvesso. You saw him earlier. Sa palagay ko ay wala naman siyang tutol. For me it’s easier to marry the Arvessos than submit a petition.”
Iyon ang ang gusto niyang malaman. Sa pagkakaalam niya ay kinamumuhian siya ng pamilya nito. Mahigit pitong taon niyang hindi nakita si Mr. Arvesso. Kahit ang kanyang ina ay hindi kinaya ang kasalanan na nagawa niya noon kaya ito inatake.
“I’m going, aasikasukin ko pa ang lahat ng iniwan ng daddy mo.”
Natutop ni Erin ang kanyang bibig. Nanginginig siya sa galit, sa lungkot, sa napakaraming rason!
Wala siyang alam sa pag-oopisina dahil pagmomodelo ang trabaho niya. Ngunit nakahanda siya na magtrabaho sa Yurich at kunin ang posisyon ng kanyang ama kung kinakailangan kaysa naman mapunta iyon sa pinsan nito.
Hindi siya papayag na mapunta ang dapat na sa kanya sa pamilya ni Jenna.
Sampung taon na siya noon nang magpakasal ang mommy niya at ang stepfather niya. Hindi niya ito itinuturing na stepfather. Daddy o totoong ama ang turing niya rito at ganoon din naman ito sa kanya. Anak siya sa pagkadalaga ng kanyang ina at hindi niya alam kung sino ang tunay niyang tatay kaya siguro masaya siya na naranasan niya iyon dito. Kahit noong seventeen siya na namatay ang mommy niya ay mas lalo niyang naramdaman ang pag-aruga nito sa kanya.
She was the one who ended the friendship between Niel Arvesso and her father. Naiintindihan niya kung bakit hanggang sa mga oras na ito ay isinama nito ang lalaki. Nais siguro ng kanyang ama-amahan na subukin hanggang sa huli ang pagkakaibigan ng dalawa na sinira niya noong high school siya.
Ngunit isa lang ang alam ni Erin, wala siyang kasalanan sa pagkamatay ni Daryl—ang bunsong anak ni Niel Arvesso.
‘No, Erin! You are guilty!’
Nagsimulang maglandas ang kanyang luha.
Nawala si Daryl Arvesso sa mga ito. Nawala ang mommy niya sa kanya.
NAGMANEHO si Erin patungo sa opisina ng Yurich Group. Mula nang mamatay ang kanyang ama ay tila auto-pilot na siyang nagpupunta sa opisina. Ang daddy niya ang may pinakamalaking shares at walang magawa ang board nang pumasok siya sa eksena kahit pa ilang beses na siyang nakarinig ng hindi magandang salita mula sa mga ito. ‘Ano ang ginagawa ng modelo sa opisina natin?’ ‘I like seeing her ass though’ Ilan lang iyon sa mga naririnig niya sa mga ito. Ang Uncle Roger niya ang kasalukuyang chairman matapos pagbotohan ng bagong posisyon. Hinayaan niya ang bagay na iyon dahil wala naman siyang alam sa business world, pero hindi ibig sabihin na maghihintay lang siya ng atake nito. Hindi siya pumayag na hindi mapabilang sa opisina kaya napunta siya sa advertising team bilang staff. Katulong niya ang assistant ng kanyang ama na siyang nagco-coach sa kanya sa kasalukuyan para makuha niya sa tamang paraan ang posisyon. Her manager always picks on her. Malamang ay utos iyon ni Uncle Roge
BINALIKAN ni Erin ang mga rason kung bakit kailangan niyang hingin ang tulong ng mga Arvesso. Noong nakaraang buwan, inaya siya ng kanyang manager na si Mrs. Robles na makipagkita kay Mr. Yu. Manager ito ng isang istasyon ng telebisyon. “Erin, ikaw ang isasama ko para sa meeting kay Mr. Yu.” “Sige po!” Mag-iisang taon na siya sa advertising team at nananatili pa rin siyang staff. Wala siyang karapatan na magreklamo dahil hawak ng mga Arvesso ang karapatan sa kasalukuyan sa kumpanya. Mananatili lang siyang stepdaughter ni Mr. Lawrence. Pinasok nila ang isang pribadong club ng kanyang manager. Nakita nila si Mr. Yu na may kasamang dalawa pang staff nito sa loob ng silid. "Good evening, Mr. Yu! I am with Erin Villaverde. She's the one we were talking about," anang kanyang manager na bahagyang tumaas ang sulok ng labi. “Siya ang makikipag-coordinate sa proyekto namin sa inyo para sa ads ng whitening lotion na bagong produkto ng kumpanya.” Pinalandas ng lalaki ang makapal na dila
Seven years ago… “Boo!” Napapiksi si Erin sa pagkabigla kay Jenna. Matinding kumabog ang kanyang dibdib at nabitiwan niya ang hawak na cellphone. Naroon siya sa CR ng mga babae para magpalit ng pulang uniform para sa cheerleaders. “Grabe ka! Binigla mo ako!” Mahinang pinalo niya ang babae sa balikat, at saka napailing. Pinsan ng kanyang ama-amahan ang tatay ni Jenna kaya parang second cousin sila nito. Dahil magkakilala na sila mula pa sa edad na sampu, naging matalik niyang kaibigan si Jenna. Dinampot nito ang cellphone na nalaglag sa sahig. Kumunot ang noo nang makita ang mga nakasulat sa screen. Kasalukuyan niyang ka-text si Orion. Nakuha niya ang numero nito sa kapatid nitong si Daryl. "Your eyes captivate me like no other, a mesmerizing beauty that lights up my world. Every visit to your home fills my heart with joy," Binasa nito ang pinakahuling mensahe. "Who is this? Is he a pervert?" naaaliw na komento ni Jenna, umikot ang mata nito. Nagpatuloy ang babae na basahin a
NANGINGINIG si Erin dahil sa matinding pagkadismaya. No! Hindi niya dapat ito ginagawa. Sobra-sobra na ang mga naranasan niya sa loob ng isang taon. Hindi lang isang taon kung hindi pitong taon niyang tiniis ang parusa. Ngayon na nakikita niya ang walang emosyon sa mga mata ni Orion ay tila nito ibinasura ang kanyang dangal. Naglandas ang mga luha sa kanyang mata at saka dinampot ang mga damit na hinubad. Hindi niya dapat tuluyang binabasag ang sarili niya. Nagkamali siya ng pagkakakilala kay Orion. Tuluyan nitong pinuputol ang natitira niyang katinuan. “I shouldn’t have done this.” Nagpunta siya sa banyo at saka doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang luha. Binabalot ng lungkot ang kanyang dibdib. Siguro nga ay may kasalanan siya sa pagkamatay ng kapatid nitong si Daryl, ngunit may ideya ba ito na niloko rin siya ng lalaki? Matapos magbihis ay natagpuan niya si Orion na naghihintay sa labas ng banyo. Marunong magtago ng damdamin niya ang lalaki dahil wala siyang makitang galit
WALANG mangyayari kung iiyak lang si Erin. Kailangan niyang kumilos. Isang buwan na siyang walang trabaho at kailangan niya ng pagkakakitaan kahit kaunti. Naroon siya sa penthouse at inaayos ang listahan ng kanyang gastusin sa center table nang mag-ring ang kanyang cellphone. Lumitaw ang pangalan ng kaibigan na si Zacharia Lopez sa screen. “Hey, Zach!” “Kadarating ko lang mula sa Singapore. Nagpunta ako sa opisina n’yo para sana sorpresahin ka dahil may dala akong mga pasalubong, pero ako ang nabigla dahil wala ka na raw do’n? Where are you? Sino ang may-ari na napaalis sa sarili niyang kumpanya?” Doon hindi napigilan ni Erin na lumuha matapos marinig ang tinig ng kanyang kaibigan. Kailangan niya ng taong magsasabi sa kanya na ayos lang ang lahat. Kailangan niya ng kakampi. Nakilala niya ang lalaki dahil parehas sila nitong modelo noon. Mas close sila nito dahil madalas siyang makarinig ng hindi maganda sa mga modelong babae. Wala siyang tiwala sa mga babae matapos ang naganap s
Yurich Group. Noong nakaraang buwan lang ay pinaalis si Erin dito sa opisina ng kanyang manager at ng tiyuhin niya. Ngunit heto siya ngayon, kasama si Orion at ang assistant ni Mr. Arvesso na si Jorge na nagbabalik sa opisina para gumawa ng eksena. Ipinangako ni Orion na tutulungan siya nito na makuha ang pinakamataas na posisyon sa opisina ng Yurich. Hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok nito dahil iyon naman ang hangarin niya kung bakit siya papayag na magpakasal sa lalaki. "I'll inform you of my payment when the time comes. One thing is certain—I do not need money. The Yurich Company remains yours," natatandaan niyang sabi nito. Naroon si Jorge para maging representative ng Pamilya Arvesso habang si Orion bilang bodyguard niya. Inilahad sa kanya ng lalaki ang plano nito. Ayon kay Orion, hindi nito pakikialaman ang opisina ng mga Yurich. Walang katuturan na mangialam ito sa opisina kung sa pagdating ng araw ay siya rin naman ang mamumuno niyon. Gayunman, para s
‘THIS is absurd!’ Nais maasar ni Orion sa sarili niya habang pinagmamaneho si Erin papunta sa penthouse nito. Wala sa plano niya na mapalapit kay Erin beinte-kuwatro oras! He should be angry to this woman! Nagkikiskis ang kanyang ngipin dahil sa galit. Nagagalit siya sa sarili niya, kay Erin at sa marami pang dahilan. Nagagalit siya sa babae ngunit hindi niya mapigilan ang bumubugso niyang damdamin at ang mainit na lumulukob sa kanyang pagkatao para rito. Kailangan niyang pigilan ang sarili para hindi siya mahirapan na umalis sa poder nito kapag dumating ang palugit nito sa will. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng gusali nito ay hindi na niya ito nilingon pa. “Get out!” aniya. “What?” Halatang nabigla si Erin. “Pupuntahan kita. May pupuntahan lang muna ako.” “Anong oras ka babalik?” “You are not my wife yet, Erin! Pupuntahan kita kapag ayos na ang gagawin ko. Please, get out of this car." Hindi na ito nag-usisa pa at bumaba na lang ng sasakyan. Gayunman ay halatang nab
DINALA ni Erin si Orion sa isang silid sa penthouse para makausap ito nang pribado. May apat na silid ang kanyang tirahan kaya naman ayos lang naman sa kanya kung kailangan talaga na doon tumuloy ang lalaki. "What do you mean you'll be staying here?" tanong niya. ‘As in now? Teka lang, hindi pa ako ready!’ “Matapos mo akong basta palabasin ng sasakyan mo?” Orion is one big moody guy, daig pa nito ang may regla. "I have to pack my things; I'm sorry," katwiran nito. “Erin, nasabi ko na ang dahilan ko sa ‘yo. We will be staying together dahil iyon ang sinabi natin sa pamilya mo. I will act as your bodyguard. Isa pa, alam ko na may gustong pumatay sa ‘yo.” Nanginig si Erin sa takot kahit pa nga maraming sinasabi ang mata ni Orion. Nakikita niya na maraming gustong gawin sa kanya ang lalaki. Naalala niya ang mga ipinadalang mensahe ni Jenna noon. Sayang nga lang at hindi pala si Orion ang ka-text niya noon. “Iyon ang dahilan kaya kinukuha ko ang susi sa kaibigan mo. Kapag basta
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin. Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito.
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez