NAGMANEHO si Erin patungo sa opisina ng Yurich Group.
Mula nang mamatay ang kanyang ama ay tila auto-pilot na siyang nagpupunta sa opisina. Ang daddy niya ang may pinakamalaking shares at walang magawa ang board nang pumasok siya sa eksena kahit pa ilang beses na siyang nakarinig ng hindi magandang salita mula sa mga ito.
‘Ano ang ginagawa ng modelo sa opisina natin?’
‘I like seeing her ass though’
Ilan lang iyon sa mga naririnig niya sa mga ito.
Ang Uncle Roger niya ang kasalukuyang chairman matapos pagbotohan ng bagong posisyon. Hinayaan niya ang bagay na iyon dahil wala naman siyang alam sa business world, pero hindi ibig sabihin na maghihintay lang siya ng atake nito. Hindi siya pumayag na hindi mapabilang sa opisina kaya napunta siya sa advertising team bilang staff. Katulong niya ang assistant ng kanyang ama na siyang nagco-coach sa kanya sa kasalukuyan para makuha niya sa tamang paraan ang posisyon.
Her manager always picks on her. Malamang ay utos iyon ni Uncle Roger o kaya ay ni Jenna para umalis siya sa opisina.
Wala siyang tiwala sa Uncle Roger niya at ganoon din sa anak nitong na marketing head sa ngayon.
It’s childish! Kaya hindi siya natinag. Sa ngayon tuloy ay kakarampot lang ang sweldo niyang twenty thousand na kailangan niya pang gamitin sa araw-araw. Wala siyang naipon sa pagmomodelo dahil kailangan niyang bumili ng skin care at mga personal na gamit. Hindi kailan man sumagi sa isip niya na kailangan niyang mag-ipon dahil anak siya sa luho ng daddy niya. Ngayon tuloy ay wala siyang magawa kung hindi ang pagtiyagaan ang sweldo sa opisina.
May iniwan na penthouse sa kanya ang daddy niya pero hindi niya iyon pwedeng ibenta sa loob ng dalawang taon. Magiging kanya lang iyon pagkalipas ng oras na iyon. Doon siya nakatira sa kasalukuyan.
Two years. May two years siya para maging asawa ng mga Arvesso, ngunit gagawin na muna niya ang lahat para gumawa ng paraan nang hindi dadaan sa direksiyon na iyon. Hindi siya papayag na mapunta sa Uncle Roger niya ang shares nito.
Nabigla na lang siya nang may tumabi sa kanyang motor. Naglabas ng martilyo ang nasa likuran ng sasakyan nito at pagkatapos ay pinukpok ang kanyang side mirror.
Mariing pinindot niya ang busina habang kinakabahan. Ano ang gustong mangyari ng mga ito?
Matapos iyon ay naglabas ng baril ang lalaki at itinutok sa kanya. Nanlaki ang mata ni Erin.
“Help!” Nagpaapalit-palit ang kanyang tingin sa kalsada at sa takot niya sa riding-in-tandem. Ginamit nito ang baril para katukin ang kanyang sasakyan. Mabilis niyang iniliko ang kanyang kotse nang makarating sa isang kalsada. Sa pagkakaalam niya ay may istasyon doon ng pulisya.
Hindi naman siguro siya susundan doon ng motor. Umingit ang gulong ng sasakyan niya nang ihinto niya iyon sa tanggapan.
“S-saklolo!”
Lumabas siya ng kanyang kotse. Natataranta siyang lumapit sa bungad nito. Nanginginig siya sa takot. Nilapitan siya ng pulis na naka-uniporme na naroon sa bungad.
“Miss, ayos ka lang?” tanong nito sa kanya.
“May sumusunod sa ‘kin!”
Nilingon nito ang kanyang pinanggalingan.
“May riding-in-tandem na gustong manakit sa ‘kin! Binasag nila ang side mirror ko!” Nakalarawan sa kanyang mukha ang matinding takot at hindi pa kumakalma ang kanyang kalamnan. Hindi pa siya nakakabawi sa ginawa ng lalaki na tinutukan siya ng baril.
Ini-report niya ang naganap. Maya-maya ay dumating si Assistant Mike sa istasyon ng pulis.
“Ayos ka lang, Erin?” tanong nito. Tinawagan niya ang lalaki dahil na-late siya sa opisina.
“Nai-report ko na ang naganap sa ‘kin kanina.” Sa kasalukuyan ay kalmado na siya. Ibinahagi niya rito ang mga pangyayari.
“Sino ang mga iyon?” tanong nito.
Napailing siya. “Sa palagay ko ay si Uncle Roger ang may gawa no’n. Binasa na sa ‘min ang last will ni daddy noong weekend. May dalawang taon ako para maging sa ‘kin ang shares sa kumpanya. Kapag nag-fail ako ay sa Yurich Group mapupunta ang shares na ibig sabihin ay sa kanya mapupunta ang two hundred and fifty million n abahagi na dapat ay sa akin!” Naikuyom niya ang kamao pagkasabi niyon.
“Pero wala kang ebidensiya,” ani Assistant Mike
“Iyon nga ang dahilan kaya hindi ko maireklamo sa report!” Nagkikiskis ang kanyang ngipin.
“Bakit hindi ka kumuha ng bodyguard kung naghihinala ka pala?”
Napangiwi siya. Unfortunately, wala siyang pambayad sa bodyguard! Ang panggastos nga niya sa araw-araw ay kailangan pa niyang kunin sa sweldo niyang kakarampot. Wala siyang magawa sa kasalukuyan.
Pumasok pa rin siya sa opisina dahil wala siyang karapatan na lumiban sa trabaho. Ito ang ginusto niya. Ito ang parusa niya.
***
One year later…
“ANG VILLAVERDE na tinutukoy mo at ang Villaverde na dahilan ng pagkamatay ni Daryl ay iisa?” Nais makasiguro ni Orion kung tama ang dinig niya. Nasabi na nito na gusto nitong pakasalan niya ang prinsesa ng mga Villaverde. Ngunit ngayon lang niya napagtanto ang apelyidong iyon. Unang beses niyang narinig iyon noong araw na sabihin nito sa kanila na kapatid nila si Lily.
Akala niya ay tapos na ang isyu. Hindi niya akalain na may karugtong pa rin makalipas ang isang taon.
“Ibig mong sabihin ay gusto mong ipakasal sa akin ang prinsesa ni Ninong Rod? Kay Erin Villaverde?” asik ni Orion.
Anak-anakan ng Ninong Rod niya si Erin kaya magkaiba ang apelyido ng mga ito.
“That’s right!”
“Damn it, dad!” Hindi niya napigilang magmura.
“Lower your freaking voice, Orion! Tandaan mo na ako pa rin ang ama mo!”
Nais niyang manuntok dahil tama ito. Kahit naman papaano ay nirerespeto niya ang daddy niya.
“Hindi ako makapaniwala noong sinabi mo sa ‘kin na gusto mong magpakasal ako. Pero lalo akong hindi makapaniwala na ang gusto mo palang ipakasal sa akin ay si Erin! Ipapaalala ko lang na ang babaeng iyon ang umakit kay Daryl! Ang babaeng iyon ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko, ang dahilan kung bakit umalis ako sa opisina ng NBI!”
Dumadama ang galit sa kanyang kalamnan habang binabalikan ang mga naganap. He despises that woman!
“Ano ang mararamdaman ni Danica kung malalaman niya na magiging sister-in-law niya si Erin?”
“Orion…” Napapagod na ang daddy niya. Kita niya sa mukha nito ang katandaan at nais na ng tahimik na buhay. “Alam ko na hindi ako naging mabuting ama sa ‘yo. Alam ko na ipinagpasalamat ko na nawala ka sa trabaho mo noon dahil bukod sa delikado iyon, wala akong ibang maaasahan para magprotekta sa mga kapatid mo.”
“Then why are you doing this?!” galit niyang tanong.
“Ramdam ko ang hiling ng kaibigan ko sa huli niyang habilin. Alam mo rin kung ano talaga ang naganap noon dahil nag-imbestiga ka.”
"Yeah, Erin engaged in flirtatious text messages with Daryl. Puro kalandian! At pagkatapos ay gusto mong maging asawa ko ang isang ‘yon?” Ngayon pa lang ay nasusuka na siya na maisip na magiging asawa niya ang babaeng nagdala sa hukay sa kanyang kapatid.
Nagkaroon siya ng kaunting imbestigasyon noong nasa NBI pa siya. Ipinagbabawal iyon para maiwasan ang personal na interes dahil pamilya niya ang biktima, ngunit kailangan niyang gawin iyon.
Anak ng boss niya ang isa sa mga itinuturong pangalan at kumikilos din naman ito para mailigtas ang seventeen-years-old nitong anak.
Right! Puro menor-de-edad ang mga pangalang lumitaw dahil menor-de-edad din ang kapatid niya at siyempre pa ay magulang ng mga ito ang mananagot. Itinuro ng lahat si Erin bilang pangunahing suspek ngunit alam ni Orion na ginalaw ang mga ebidensiya. Gayunman ay hindi pa rin sapat iyon para hindi siya mamuhi sa babae. Inakit pa rin nito si Daryl.
“Come on! She’s just seventeen at that time,” wika ni Mr. Arvesso.
“Iyon nga ang nakakasuka sa parteng iyon! Seventeen lang siya noon at napakalandi na niyang mag-text kay Daryl.” Malamang ngayon ay kung sino-sino na ang gumalaw sa babaeng iyon!
Naiiling na lang siya. Naaalala niya ang mukha ni Erin, ang seventeen na si Erin Villaverde. How old is she now? Twenty-three? Twenty-four? Hindi nalalayo ang edad nito kay Danica at Daryl.
Si Erin ang tipo ng babae na mukhang bully sa school. She’s a cheerleader, a popular. Hindi kataka-takang pinagtripan nito si Daryl, ang kapatid niyang may makapal na salamin, payat at talagang matinding na-in love sa babae.
Higit sa lahat nagawa ni Daryl na gamitin ang kotse niya nang walang paalam! Kaunting-kaunti na lang ay nais na niyang manapak.
He was twenty-seven at that time, and he despised her physical appearance. Nene ito sa bokabolaryo ng mga babaeng tipo niya. But how about now? If she’s twenty-four, she’s definitely far from that high school student.
"O, the reason I propose you marry Erin is because of the financial benefits you two would gain. Sa akin ibinibilin ng daddy niya ang shares sa kumpanya sa loob ng dalawang taon. Walang makukuha si Erin kung hindi siya papayag na magpakasal sa ‘yo. After one year, ngayon lang niya napagdesisyunan na pumayag sa kasunduan dahil sa palagay ko ay nasa dulo na siya ng kanyang katinuan.”
“What do you mean?” tanong ni Orion.
"She's facing difficulties due to not receiving any financial support from Rod. I wish I could be happy about this turn of events, but I can't. I received this email from her dad na ngayon ko lang nakita.” Iniabot nito ang printed copy ng email ng Ninong Rod niya.
Nanlaki ang mata ni Orion matapos basahin ang sulat. “You... You mean?”
Tumango ang daddy niya. “Yes!”
***
“I’M HERE to meet Mr. Niel Arvesso?” ani Erin sa receptionist ng hotel kung saan tumutuloy ang lalaki.
“Naibilin na po kayo sa akin.” Iniabot nito sa kanya ang isang card. Tumuloy na lang po kayo.
Tumango si Erin bago lumayo sa babae. Nagtungo siya sa elevator at pinindot ang floor kung saan siya pupunta. Kumakabog ang kanyang dibdib sa kaba.
Makapal ang mukha. Iyan siguro ang nasa isipan ng mga Arvesso.
Ginamit niya ang card para pumasok sa pintuan.
Kumakabog ang dibdib niya nang makita ang lalaking nakapamulsa at nasa labas ng floor-to-ceiling window ang tingin.
Nilingon siya ng mapanuri nitong mata matappos marinig ang kanyang pagpasok.
Nanginig siya sa takot. ‘Is he Daryl? No, Orion!’
BINALIKAN ni Erin ang mga rason kung bakit kailangan niyang hingin ang tulong ng mga Arvesso. Noong nakaraang buwan, inaya siya ng kanyang manager na si Mrs. Robles na makipagkita kay Mr. Yu. Manager ito ng isang istasyon ng telebisyon. “Erin, ikaw ang isasama ko para sa meeting kay Mr. Yu.” “Sige po!” Mag-iisang taon na siya sa advertising team at nananatili pa rin siyang staff. Wala siyang karapatan na magreklamo dahil hawak ng mga Arvesso ang karapatan sa kasalukuyan sa kumpanya. Mananatili lang siyang stepdaughter ni Mr. Lawrence. Pinasok nila ang isang pribadong club ng kanyang manager. Nakita nila si Mr. Yu na may kasamang dalawa pang staff nito sa loob ng silid. "Good evening, Mr. Yu! I am with Erin Villaverde. She's the one we were talking about," anang kanyang manager na bahagyang tumaas ang sulok ng labi. “Siya ang makikipag-coordinate sa proyekto namin sa inyo para sa ads ng whitening lotion na bagong produkto ng kumpanya.” Pinalandas ng lalaki ang makapal na dila
Seven years ago… “Boo!” Napapiksi si Erin sa pagkabigla kay Jenna. Matinding kumabog ang kanyang dibdib at nabitiwan niya ang hawak na cellphone. Naroon siya sa CR ng mga babae para magpalit ng pulang uniform para sa cheerleaders. “Grabe ka! Binigla mo ako!” Mahinang pinalo niya ang babae sa balikat, at saka napailing. Pinsan ng kanyang ama-amahan ang tatay ni Jenna kaya parang second cousin sila nito. Dahil magkakilala na sila mula pa sa edad na sampu, naging matalik niyang kaibigan si Jenna. Dinampot nito ang cellphone na nalaglag sa sahig. Kumunot ang noo nang makita ang mga nakasulat sa screen. Kasalukuyan niyang ka-text si Orion. Nakuha niya ang numero nito sa kapatid nitong si Daryl. "Your eyes captivate me like no other, a mesmerizing beauty that lights up my world. Every visit to your home fills my heart with joy," Binasa nito ang pinakahuling mensahe. "Who is this? Is he a pervert?" naaaliw na komento ni Jenna, umikot ang mata nito. Nagpatuloy ang babae na basahin a
NANGINGINIG si Erin dahil sa matinding pagkadismaya. No! Hindi niya dapat ito ginagawa. Sobra-sobra na ang mga naranasan niya sa loob ng isang taon. Hindi lang isang taon kung hindi pitong taon niyang tiniis ang parusa. Ngayon na nakikita niya ang walang emosyon sa mga mata ni Orion ay tila nito ibinasura ang kanyang dangal. Naglandas ang mga luha sa kanyang mata at saka dinampot ang mga damit na hinubad. Hindi niya dapat tuluyang binabasag ang sarili niya. Nagkamali siya ng pagkakakilala kay Orion. Tuluyan nitong pinuputol ang natitira niyang katinuan. “I shouldn’t have done this.” Nagpunta siya sa banyo at saka doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang luha. Binabalot ng lungkot ang kanyang dibdib. Siguro nga ay may kasalanan siya sa pagkamatay ng kapatid nitong si Daryl, ngunit may ideya ba ito na niloko rin siya ng lalaki? Matapos magbihis ay natagpuan niya si Orion na naghihintay sa labas ng banyo. Marunong magtago ng damdamin niya ang lalaki dahil wala siyang makitang galit
WALANG mangyayari kung iiyak lang si Erin. Kailangan niyang kumilos. Isang buwan na siyang walang trabaho at kailangan niya ng pagkakakitaan kahit kaunti. Naroon siya sa penthouse at inaayos ang listahan ng kanyang gastusin sa center table nang mag-ring ang kanyang cellphone. Lumitaw ang pangalan ng kaibigan na si Zacharia Lopez sa screen. “Hey, Zach!” “Kadarating ko lang mula sa Singapore. Nagpunta ako sa opisina n’yo para sana sorpresahin ka dahil may dala akong mga pasalubong, pero ako ang nabigla dahil wala ka na raw do’n? Where are you? Sino ang may-ari na napaalis sa sarili niyang kumpanya?” Doon hindi napigilan ni Erin na lumuha matapos marinig ang tinig ng kanyang kaibigan. Kailangan niya ng taong magsasabi sa kanya na ayos lang ang lahat. Kailangan niya ng kakampi. Nakilala niya ang lalaki dahil parehas sila nitong modelo noon. Mas close sila nito dahil madalas siyang makarinig ng hindi maganda sa mga modelong babae. Wala siyang tiwala sa mga babae matapos ang naganap s
Yurich Group. Noong nakaraang buwan lang ay pinaalis si Erin dito sa opisina ng kanyang manager at ng tiyuhin niya. Ngunit heto siya ngayon, kasama si Orion at ang assistant ni Mr. Arvesso na si Jorge na nagbabalik sa opisina para gumawa ng eksena. Ipinangako ni Orion na tutulungan siya nito na makuha ang pinakamataas na posisyon sa opisina ng Yurich. Hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok nito dahil iyon naman ang hangarin niya kung bakit siya papayag na magpakasal sa lalaki. "I'll inform you of my payment when the time comes. One thing is certain—I do not need money. The Yurich Company remains yours," natatandaan niyang sabi nito. Naroon si Jorge para maging representative ng Pamilya Arvesso habang si Orion bilang bodyguard niya. Inilahad sa kanya ng lalaki ang plano nito. Ayon kay Orion, hindi nito pakikialaman ang opisina ng mga Yurich. Walang katuturan na mangialam ito sa opisina kung sa pagdating ng araw ay siya rin naman ang mamumuno niyon. Gayunman, para s
‘THIS is absurd!’ Nais maasar ni Orion sa sarili niya habang pinagmamaneho si Erin papunta sa penthouse nito. Wala sa plano niya na mapalapit kay Erin beinte-kuwatro oras! He should be angry to this woman! Nagkikiskis ang kanyang ngipin dahil sa galit. Nagagalit siya sa sarili niya, kay Erin at sa marami pang dahilan. Nagagalit siya sa babae ngunit hindi niya mapigilan ang bumubugso niyang damdamin at ang mainit na lumulukob sa kanyang pagkatao para rito. Kailangan niyang pigilan ang sarili para hindi siya mahirapan na umalis sa poder nito kapag dumating ang palugit nito sa will. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng gusali nito ay hindi na niya ito nilingon pa. “Get out!” aniya. “What?” Halatang nabigla si Erin. “Pupuntahan kita. May pupuntahan lang muna ako.” “Anong oras ka babalik?” “You are not my wife yet, Erin! Pupuntahan kita kapag ayos na ang gagawin ko. Please, get out of this car." Hindi na ito nag-usisa pa at bumaba na lang ng sasakyan. Gayunman ay halatang nab
DINALA ni Erin si Orion sa isang silid sa penthouse para makausap ito nang pribado. May apat na silid ang kanyang tirahan kaya naman ayos lang naman sa kanya kung kailangan talaga na doon tumuloy ang lalaki. "What do you mean you'll be staying here?" tanong niya. ‘As in now? Teka lang, hindi pa ako ready!’ “Matapos mo akong basta palabasin ng sasakyan mo?” Orion is one big moody guy, daig pa nito ang may regla. "I have to pack my things; I'm sorry," katwiran nito. “Erin, nasabi ko na ang dahilan ko sa ‘yo. We will be staying together dahil iyon ang sinabi natin sa pamilya mo. I will act as your bodyguard. Isa pa, alam ko na may gustong pumatay sa ‘yo.” Nanginig si Erin sa takot kahit pa nga maraming sinasabi ang mata ni Orion. Nakikita niya na maraming gustong gawin sa kanya ang lalaki. Naalala niya ang mga ipinadalang mensahe ni Jenna noon. Sayang nga lang at hindi pala si Orion ang ka-text niya noon. “Iyon ang dahilan kaya kinukuha ko ang susi sa kaibigan mo. Kapag basta
NABIGLA si Erin nang makita si Orion sa bukas na pintuan. Nakalimutan niyang paalalahanan ang lalaki na konektado ang banyo sa dalawang silid. Nanginig ang kanyang labi dahil sa mapaglarong apoy na sumasayaw sa mga mata nito. Ipinikit niya ang mata para saglit na itago ang damdamin niya na matagal nang namumuhay sa kanyang dibdib. Lumapit ang lalaki at saka inangkin ang kanyang labi kahit naroon sa ilalim ng tubig. Hinaplos nito ang kanyang katawan kasabay nang mapusok na pagsalakay ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Napasinghap siya ng magsalita si Orion. “You should’ve locked the door!” Muling nagmulat ng mata si Erin. Naroon pa rin ang lalaki sa kinatatayuan nito. Natagpuan niyia ang sarili na nag-iisa, walang lumapit sa kanya, walang nagbigay ng mapusok na halik at haplos. She daydreamed. Shit! Kung sana ay totoo na sinasamba siya ng mga mata nito. Hindi siya magdadalawang-isip na ibigay ang sarili niya sa lalaki. *** NAPAKO ang tingin ni Orion sa nanginginig na lab
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin. Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito.
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez