BINALIKAN ni Erin ang mga rason kung bakit kailangan niyang hingin ang tulong ng mga Arvesso. Noong nakaraang buwan, inaya siya ng kanyang manager na si Mrs. Robles na makipagkita kay Mr. Yu. Manager ito ng isang istasyon ng telebisyon.
“Erin, ikaw ang isasama ko para sa meeting kay Mr. Yu.”
“Sige po!”
Mag-iisang taon na siya sa advertising team at nananatili pa rin siyang staff. Wala siyang karapatan na magreklamo dahil hawak ng mga Arvesso ang karapatan sa kasalukuyan sa kumpanya. Mananatili lang siyang stepdaughter ni Mr. Lawrence.
Pinasok nila ang isang pribadong club ng kanyang manager. Nakita nila si Mr. Yu na may kasamang dalawa pang staff nito sa loob ng silid.
"Good evening, Mr. Yu! I am with Erin Villaverde. She's the one we were talking about," anang kanyang manager na bahagyang tumaas ang sulok ng labi. “Siya ang makikipag-coordinate sa proyekto namin sa inyo para sa ads ng whitening lotion na bagong produkto ng kumpanya.”
Pinalandas ng lalaki ang makapal na dila nito sa labi. Modelo si Erin at hindi bago sa kanya ang taong katulad ni Mr. Yu.
Sinimulan ng kanyang manager ang diskusyon. Sumasagot naman si Mr. Yu, ngunit napapadalas din ang paghipo nito sa kanyang binti. Nagpaalam si Mrs. Robles na pupunta lang sa CR. Sinenyasan nito ang dalawang staff na lumabas at pagkatapos ay mas umangat ang palad ni Mr. Yu sa kanyang binti. Napapiksi siya..
“Napapansin ko na hindi mo inuubos itong alak mo. Drink it.”
Itinabig iyon ni Erin. Lumayo rin siya rito dahil sa malikot na palad nito. Modelo siya at alam niya kung may paparating na panganib.
"Mr. Yu, I'm here for business. Huwag mo sanang haluan ng iba ang pagpunta ko rito!”
“Ang arte mo! Bakit hindi mo ibenta sa akin ang gabing ito? Bibigyan ko ng malaking discount ang Yurich para sa airtime at sa ‘yo ko iyon ibabayad. Hindi naman ito bago. Nagawa na ito ng iba pa sa opisina n’yo.”
She was disgusted. Ang maisip na mayroon pa siyang kasamahan na iba na posibleng ginawa ang alok nito. Iniyakap ni Mr. Yu ang mga braso nito sa kanyang baywang.
“Ahhhh!” Napatili siya. Nadampot ng kanyang kamay ang bote ng mamahaling alak at iyon ang ginamit niya para ipukpok sa ulo nito. Nanginginig sa takot na lumayo siya rito.
“Walanghiya kang babae ka!” anito habang hawak ang duguang ulo.
Doon bumalik si Mrs. Robles. “Erin!”
“Arraaay! Sinaktan ako ng babaeng ‘yan! Tumawag kayo ng pulis!”
Inireklamo siya ni Mrs. Robles sa opisina dahil tumanggi ang grupo ni Mr. Yu na i-ere ang commercial nila. Bukod pa doon ay ang opisina ang nagbayad sa pampagamot ni Mr. Yu at ang mamahaling alak na binasag niya.
Nagreklamo siya sa ginawa nitong pangha-harass. Ngunit binaliktad ni Mrs. Robles ang mga naganap.
Masama ang tingin sa kanya ng buong team. Pinaalis siya sa opisina dahil sa insidente. Sinabi ng mga ito na hindi siya nakakatulong. Umuwi siya sa kanyang penthouse at napansin niya na walang kuryente iyon. Hindi niya nabayaran ang kuryente at ilang buwan na rin ang utang niya sa monthly association dues.
Naiyak siya sa isang sulok nito. Hindi niya napigilan na humagulgol dahil isang taon na siyang naghihirap. Sinubukan naman niyang ilaban ang karapatan niya. Nagpapasalamat siya sa daddy niya dahil iniwan nito sa kanya ang lugar na iyon, ngunit ano ang silbi nito kung hindi niya rin ito maibenta? Ang totoo ay wala siyang plano na ibenta ang lugar dahil dito sila tumira ng kanyang ama matapos ang insidente sa San Martin. Binili iyon ng daddy niya para isorpresa sa kanyang ina ngunit nauna pa itong atakihin sa puso.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. She had formally retired from her current agency, a decision they did not permit. Kung lilipat naman siya ng ibang ahensiya, sigurado na pagmumultahin siya ng danyos dahil limang taon ang kontrata niya sa modeling agency na pinasukan.
Tears welled up as Erin beheld her reflection. Hindi na siya ang magandang si Erin! Matapos makabawi ay pinindot niya ang mga numero ni Mr. Niel Arvesso sa kanyang cellphone.
Heto na nga siya sa kasalukuyan matapos makita si Orion na ilang taon niyang hindi nakita.
***
NILINGON ni Orion ang pumasok na si Erin sa loob ng suite. Naningkit ang kanyang mata. Ibang-iba na ang anyo nito sa kasalukuyan kumpara noon. Dati ay masasabi niya na masyado pang bata ang babae. Mag-e-eighteen lang si Erin noong huli niya itong nakita, ngunit iba na ang dating nito sa kanya ngayon.
Napalunok siya matapos pasadahan ang katawan nito. Hinayaan nito ang itimang buhok na nakaladlad. Mas mahaba ang leeg sa karaniwan, diretso ang tindig, may tsokolateng mga mata at… Naikuyom niya ang kanyang kamao nang bumaba ang kanyang mata sa labi nito na bahagyang napasinghap. Para bang naiisip nito ang nasa isip niya na nais niyang gawin sa mga iyon.
Ibinaba niya ang tingin sa dibdib nito bago bumaba sa maliit nitong baywang at pababa pa. May mahahabang biyas si Erin na sadyang nakalitaw sa kasalukuyan dahil sa suot nitong mini skirt. Nangangati ang kanyang palad na lumapat sa balat nito.
‘Damn it!’
Hindi niya nagugustuhan ang enerhiyang ibinibigay sa kanya nito. Kita niya ang takot sa mata ng dalaga para sa kanya dahilan para banlawan ang lahat ng nararamdaman niya. Tinungo niya ang fridge. Binuksan niya iyon at kumuha ng tubig.
“Sit!” simple niyang utos sa babae. “Do you want tea? Coffee? Juice?”
“Uhm, I came here to meet Mr. Arvesso.”
Nilingon niya ang babae habang nagsasalin ng tubig. “I am Mr. Arvesso.”
“I mean your father.” Nakita niyang sinakop ni Erin ang single seater na couch. Mas lalong nagdilim ang tingin niya nang mas lalong lumitaw ang nakakasilaw nitong binti.
“He went abroad. Unless it was him you wanted to marry,” aniya para durugin ang kung anuman na paghanga na nararamdaman niya sa babae.
“No!” Nanlaki ang mata ng babae.
“It was me then.”
“Uhm…” Nataranta ito sa mga tanong niya.
“Miss Villaverde, let’s not waste our time. Alam mong ako ang natitirang lalaki sa miyembro ng pamilya ko bukod kay dad. Because unfortunately, you killed the other one!” Dumagundong ang kanyang tinig sa silid.
Nanginig ang babae sa takot at may mga luhang naglandas sa pisngi nito. Dmn it!
Ngayon naman ay tila siya anak ng demonyo na nagpaiyak rito. Nilunok nito ang paratang niya dahilan para siya maaliw. Kung hindi makapal ang mukha nito ay sadyang kailangan na kailangan lang nito ang tulong niya.
Tumayo si Erin.
“I need your help! Kung mayroon akong mapagpipilian, iiwasan ko ang magpakasal sa mga Arvesso m-matapos ang— Pero wala akong choice kung hindi ang magpakasal sa ‘yo! Ang mga Arvesso ang may hawak sa iniwang shares ng daddy ko kaya wala akong magawa matapos akong palayasin sa opisina dahil wala akong karapatan doon pwera na lang kung magpapakasal ako sa ‘yo!
“Makukuha ko lang ang shares kung kasal ako sa ‘yo at pagkatapos pa ng one year, pero nauubusan na ako ng mapagpipilian! Kailangan kong kunin ang kung ano ang sa akin!” anito na umiiyak. “I’ll do anything! Please!”
“Really?” tanong niya, tumaas ang sulok ng labi.
“Yes! Kung gusto mo ay maghati tayo sa shares na iniwan ni Dad.”
“No, Erin! Hindi ako interesado sa mamanahin mo dahil isa akong Arvesso! Hindi nga ako kailanman naging interesado sa pera ng tatay ko, ano ang pinagkaibahan niyon sa ‘yo?”
Lalo itong umiyak at saka umusal. “I will do anything…”
“Then strip!”
Nanlaki ang mata ng dalaga.
"Strip now. I want to see what I'd get if you ever became my wife."
“B-but…” Ramdam niyang pinanlamigan ito ng likuran.
‘This isn’t me! Damn this!’
Hindi niya mapigilan. Ang babae ang rason ng pagkamatay ni Daryl at nais niya itong turuan ng leksiyon. Ngunit lalo lang siyang nagagalit sa sarili niya dahil gusto niya itong ipinid sa sofa na naroon at gawin ang kanina pa niya gustong gawin sa babae. He should despise her, not succumb to lust!
Inaasahan niyang sasampalin siya ni Erin at magmamartsa ang babae palabas ng silid. Nais niyang magdalawang-isip ang dalaga sa makukuha nito sa kanya kung sakali na magiging asawa niya itto. Ngunit napalunok siya at nais niyang sabihin na ‘tigilan na natin ito’ nang makita na iniangat nito ang blusa.
Nagbara sa kanyang lalamunan ang lahat ng nais niyang sabihin nang lumitaw sa kanyang paningin ang lace na bra ng babae. Nagrolyo ang kanyang lalamunan nang tinanggal nito sa pagkakabutones ang palda at dumulas ang bagay na iyon sa mahaba nitong binti.
***
NANGINGINIG sa galit si Erin ngunit wala siyang magawa o maisagot kay Orion. The man she used to admire seven years ago is no longer the same.
Una, totoo ang sinabi nito. May kasalanan siya dahil hindi niya naprotektahan ang kapatid nitong si Daryl. Ikalawa, kailangan niya ang tulong ni Orion.
Nag-iisang lalaki lang ito sa Pamilya Arvesso bukod sa tatay nito. Nababaliw na siya kung si Mr. Arvesso ang pakakasalan niya gayong ang lalaki naman talaga ang nais niya kahit sa simula pa.
'Damn him for still possessing an appealing physique and being so handsome!'
Napasinghap si Erin habang tila nakikita ang apoy sa mapusyaw na tsokalateng mata ni Orion. Nilunok niya ang lahat ng pride at tinanggal sa hook ang kanyang bra. Nagdilim ang tingin nito nang lumitaw ang kanyang dibdib. Her nipple got hard when his eyes landed there. Umawang nang bahagya ang labi nito na para bang nais nitong angkinin iyon.
Her lips quivered at the mere notion of his mouth sensually exploring her chest.
'You've got this, Erin!'
Ibinaba niya ang lace na panty pababa sa kanyang binti. Nanginginig siya sa ginaw o kaya naman ay sa mapanuri nitong tingin matapos na lumantad ang kanyang kahubdan sa lalaki.
"Touch yourself like the way you used to tell Daryl." Naikuyom ni Orion ang kamao.
“What?” Horror showed on her face. “I-I have never done that!”
“Iyon ang mga nakasulat sa palitan n’yo ng message ni Daryl. Wasn’t it?”
No! Naglandas lalo ang kanyang luha. Ikinonekta niya ang mga sinasabi nito. Naitutop niya ang bibig.
No! It's not Daryl! No!
‘Daryl…’ He lied to her!
Seven years ago… “Boo!” Napapiksi si Erin sa pagkabigla kay Jenna. Matinding kumabog ang kanyang dibdib at nabitiwan niya ang hawak na cellphone. Naroon siya sa CR ng mga babae para magpalit ng pulang uniform para sa cheerleaders. “Grabe ka! Binigla mo ako!” Mahinang pinalo niya ang babae sa balikat, at saka napailing. Pinsan ng kanyang ama-amahan ang tatay ni Jenna kaya parang second cousin sila nito. Dahil magkakilala na sila mula pa sa edad na sampu, naging matalik niyang kaibigan si Jenna. Dinampot nito ang cellphone na nalaglag sa sahig. Kumunot ang noo nang makita ang mga nakasulat sa screen. Kasalukuyan niyang ka-text si Orion. Nakuha niya ang numero nito sa kapatid nitong si Daryl. "Your eyes captivate me like no other, a mesmerizing beauty that lights up my world. Every visit to your home fills my heart with joy," Binasa nito ang pinakahuling mensahe. "Who is this? Is he a pervert?" naaaliw na komento ni Jenna, umikot ang mata nito. Nagpatuloy ang babae na basahin a
NANGINGINIG si Erin dahil sa matinding pagkadismaya. No! Hindi niya dapat ito ginagawa. Sobra-sobra na ang mga naranasan niya sa loob ng isang taon. Hindi lang isang taon kung hindi pitong taon niyang tiniis ang parusa. Ngayon na nakikita niya ang walang emosyon sa mga mata ni Orion ay tila nito ibinasura ang kanyang dangal. Naglandas ang mga luha sa kanyang mata at saka dinampot ang mga damit na hinubad. Hindi niya dapat tuluyang binabasag ang sarili niya. Nagkamali siya ng pagkakakilala kay Orion. Tuluyan nitong pinuputol ang natitira niyang katinuan. “I shouldn’t have done this.” Nagpunta siya sa banyo at saka doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang luha. Binabalot ng lungkot ang kanyang dibdib. Siguro nga ay may kasalanan siya sa pagkamatay ng kapatid nitong si Daryl, ngunit may ideya ba ito na niloko rin siya ng lalaki? Matapos magbihis ay natagpuan niya si Orion na naghihintay sa labas ng banyo. Marunong magtago ng damdamin niya ang lalaki dahil wala siyang makitang galit
WALANG mangyayari kung iiyak lang si Erin. Kailangan niyang kumilos. Isang buwan na siyang walang trabaho at kailangan niya ng pagkakakitaan kahit kaunti. Naroon siya sa penthouse at inaayos ang listahan ng kanyang gastusin sa center table nang mag-ring ang kanyang cellphone. Lumitaw ang pangalan ng kaibigan na si Zacharia Lopez sa screen. “Hey, Zach!” “Kadarating ko lang mula sa Singapore. Nagpunta ako sa opisina n’yo para sana sorpresahin ka dahil may dala akong mga pasalubong, pero ako ang nabigla dahil wala ka na raw do’n? Where are you? Sino ang may-ari na napaalis sa sarili niyang kumpanya?” Doon hindi napigilan ni Erin na lumuha matapos marinig ang tinig ng kanyang kaibigan. Kailangan niya ng taong magsasabi sa kanya na ayos lang ang lahat. Kailangan niya ng kakampi. Nakilala niya ang lalaki dahil parehas sila nitong modelo noon. Mas close sila nito dahil madalas siyang makarinig ng hindi maganda sa mga modelong babae. Wala siyang tiwala sa mga babae matapos ang naganap s
Yurich Group. Noong nakaraang buwan lang ay pinaalis si Erin dito sa opisina ng kanyang manager at ng tiyuhin niya. Ngunit heto siya ngayon, kasama si Orion at ang assistant ni Mr. Arvesso na si Jorge na nagbabalik sa opisina para gumawa ng eksena. Ipinangako ni Orion na tutulungan siya nito na makuha ang pinakamataas na posisyon sa opisina ng Yurich. Hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok nito dahil iyon naman ang hangarin niya kung bakit siya papayag na magpakasal sa lalaki. "I'll inform you of my payment when the time comes. One thing is certain—I do not need money. The Yurich Company remains yours," natatandaan niyang sabi nito. Naroon si Jorge para maging representative ng Pamilya Arvesso habang si Orion bilang bodyguard niya. Inilahad sa kanya ng lalaki ang plano nito. Ayon kay Orion, hindi nito pakikialaman ang opisina ng mga Yurich. Walang katuturan na mangialam ito sa opisina kung sa pagdating ng araw ay siya rin naman ang mamumuno niyon. Gayunman, para s
‘THIS is absurd!’ Nais maasar ni Orion sa sarili niya habang pinagmamaneho si Erin papunta sa penthouse nito. Wala sa plano niya na mapalapit kay Erin beinte-kuwatro oras! He should be angry to this woman! Nagkikiskis ang kanyang ngipin dahil sa galit. Nagagalit siya sa sarili niya, kay Erin at sa marami pang dahilan. Nagagalit siya sa babae ngunit hindi niya mapigilan ang bumubugso niyang damdamin at ang mainit na lumulukob sa kanyang pagkatao para rito. Kailangan niyang pigilan ang sarili para hindi siya mahirapan na umalis sa poder nito kapag dumating ang palugit nito sa will. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng gusali nito ay hindi na niya ito nilingon pa. “Get out!” aniya. “What?” Halatang nabigla si Erin. “Pupuntahan kita. May pupuntahan lang muna ako.” “Anong oras ka babalik?” “You are not my wife yet, Erin! Pupuntahan kita kapag ayos na ang gagawin ko. Please, get out of this car." Hindi na ito nag-usisa pa at bumaba na lang ng sasakyan. Gayunman ay halatang nab
DINALA ni Erin si Orion sa isang silid sa penthouse para makausap ito nang pribado. May apat na silid ang kanyang tirahan kaya naman ayos lang naman sa kanya kung kailangan talaga na doon tumuloy ang lalaki. "What do you mean you'll be staying here?" tanong niya. ‘As in now? Teka lang, hindi pa ako ready!’ “Matapos mo akong basta palabasin ng sasakyan mo?” Orion is one big moody guy, daig pa nito ang may regla. "I have to pack my things; I'm sorry," katwiran nito. “Erin, nasabi ko na ang dahilan ko sa ‘yo. We will be staying together dahil iyon ang sinabi natin sa pamilya mo. I will act as your bodyguard. Isa pa, alam ko na may gustong pumatay sa ‘yo.” Nanginig si Erin sa takot kahit pa nga maraming sinasabi ang mata ni Orion. Nakikita niya na maraming gustong gawin sa kanya ang lalaki. Naalala niya ang mga ipinadalang mensahe ni Jenna noon. Sayang nga lang at hindi pala si Orion ang ka-text niya noon. “Iyon ang dahilan kaya kinukuha ko ang susi sa kaibigan mo. Kapag basta
NABIGLA si Erin nang makita si Orion sa bukas na pintuan. Nakalimutan niyang paalalahanan ang lalaki na konektado ang banyo sa dalawang silid. Nanginig ang kanyang labi dahil sa mapaglarong apoy na sumasayaw sa mga mata nito. Ipinikit niya ang mata para saglit na itago ang damdamin niya na matagal nang namumuhay sa kanyang dibdib. Lumapit ang lalaki at saka inangkin ang kanyang labi kahit naroon sa ilalim ng tubig. Hinaplos nito ang kanyang katawan kasabay nang mapusok na pagsalakay ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Napasinghap siya ng magsalita si Orion. “You should’ve locked the door!” Muling nagmulat ng mata si Erin. Naroon pa rin ang lalaki sa kinatatayuan nito. Natagpuan niyia ang sarili na nag-iisa, walang lumapit sa kanya, walang nagbigay ng mapusok na halik at haplos. She daydreamed. Shit! Kung sana ay totoo na sinasamba siya ng mga mata nito. Hindi siya magdadalawang-isip na ibigay ang sarili niya sa lalaki. *** NAPAKO ang tingin ni Orion sa nanginginig na lab
KITA ni Erin ang napakaraming emosyon sa mata ni Orion. Gusto niyang isipin na gusto siya ng lalaki kung pagbabasehan ang paraan ng pagtingin nito sa kanya at ang sinasabi ng katawan nito. Nabigla na lang siya nang ibinaba nito ang sarili sa kanya at saka sinakop ang kanyang labi, dahilan para tuluyang mawala sa sarili niya si Erin. Totoo na ba ito at hindi panaginip lang? Mas inilapit ni Orion ang kanyang katawan dito dahilan para mas lumalim ang kanyang pagnanais na hindi nito bitiwan. “Orion…” sambit niya sa pangalan ng lalaki nang saglit na maghiwalay ang kanilang labi. "I want you… My cock wanted to be inside of you," he murmured, lifting her from the couch. Alam niya, ramdam niya sa daang senyales na ipinakikita ni Orion na nais siya ng lalaki. Mas humigpit ang kapit niya rito habang dama na dinadala siya nito patungo sa kanyang silid. Mariin siyang napapikit habang sabik sa mga magaganap. Umupo si Orion sa kanyang kama, naroon siya sa kandungan nito. Bolta-bol
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin. Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito.
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez