‘THIS is absurd!’
Nais maasar ni Orion sa sarili niya habang pinagmamaneho si Erin papunta sa penthouse nito. Wala sa plano niya na mapalapit kay Erin beinte-kuwatro oras! He should be angry to this woman! Nagkikiskis ang kanyang ngipin dahil sa galit. Nagagalit siya sa sarili niya, kay Erin at sa marami pang dahilan. Nagagalit siya sa babae ngunit hindi niya mapigilan ang bumubugso niyang damdamin at ang mainit na lumulukob sa kanyang pagkatao para rito.
Kailangan niyang pigilan ang sarili para hindi siya mahirapan na umalis sa poder nito kapag dumating ang palugit nito sa will.
Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng gusali nito ay hindi na niya ito nilingon pa.
“Get out!” aniya.
“What?” Halatang nabigla si Erin.
“Pupuntahan kita. May pupuntahan lang muna ako.”
“Anong oras ka babalik?”
“You are not my wife yet, Erin! Pupuntahan kita kapag ayos na ang gagawin ko. Please, get out of this car."
Hindi na ito nag-usisa pa at bumaba na lang ng sasakyan. Gayunman ay halatang nabigla ito sa inaakto niya. Pinaharurot niya ang kanyang van nang mawala ang babae. Galit na hinampas niya ang manibela dahil wala siya sa tamang katinuan.
Nagpunta siya sa bahay ng kaibigan na si Marco. Kung hindi sa bahay ni Drew ay dito ang kanyang punta. May mga bagay na kay Marco niya ibinabahagi ang ilang bagay dahil ito ang matalik niyang kaibigan. May mga pagkakataon naman na kay Drew siya kumukunsulta ng problema. Ipinarada niya ang sasakyan na mainit pa rin ang ulo. Nais niyang balikan si Erin kaya lalo siyang naaasar.
Hindi nag-iisa si Marco sa loob ng bahay nito. Kasama nito ang isa pa sa mga kaibigan nilang si Carla.
“Orion!” Agad na tumayo ang babae at saka lumingkis sa kanya.
Napangiwi siya nang maamoy ang matapang nitong pabango. Ang babae ang kaisa-isang ex-girlfriend niya sa loob ng mahabang panahon na nabuhay siya. Naging nobya niya ito noong kolehiyo sila ni Marco kaya matagal na silang magkakaibigan.
Thirty-two ang edad nito at may isang anak na dose anyos.
Ang babae ang dahilan kaya hindi siya nagkaroon ng karelasyon sa loob ng mahabang panahon. Nawalan siya ng tiwala na pumasok sa relasyon matapos niya itong mahuli na nagloko sa kanya. At pagkatapos nga niyon ay nalaman na lang niya na buntis na ito habang nobyo pa siya ng babae. Nabuntis ito sa edad na disinueve. Makalipas lang ang ilang buwan ay umalis ang lalaki at iniwanan si Carla na buhayin nang mag-isa ang anak.
“I miss you, O!” ani Carla na iginiling pa ang sarili.
Nagkibit siya ng balikat. Maraming pagkakataon na hiniling ni Carla na magkabalikan sila dahil naniniwala ito na mahal niya pa ang babae. Patunay daw na wala siyang naging girlfriend sa loob ng maraming taon. Ngunit hindi iyon ang talagang rason ni Orion. Wala na siyang tiwala sa pakikipagrelasyon.
Ayaw niyang matulad sa kanyang ama na napabayaan siya dahil sa sobrang abala nito sa trabaho. Nagkaroon pa ito ng marami pang babae at natatakot siya na matulad kay Mr. Niel Arvesso. Ayaw niya rin na magkaroon ng ikalawang Carla sa buhay niya.
“Why are you here?” tanong ni Marco. “Hindi ba’t pupunta ka kamo sa Yurich?”
“Galing ako do’n! Natapos na ang meeting,” paliwanag niya na umupo sa sofa.
“Nang ganyan ang suot mo? Naka-leather jacket at maong? Mabuti at hindi sila nagduda sa ‘yo?” ani Marco.
“Meron ka bang kape?” tanong niya, pag-iiba sa usapan. Ayaw na muna sana niyang pag-usapan ang mga naganap sa opisina.
“Ako na ang kukuha! Gusto ko rin magtimpla para sa akin.” Tumayo si Carla at nagtungo sa kusina. Sanay na sila sa bahay ni Marco na madalas nilang tambayan.
“So, what happened? Natuloy ba ang plano mo na dalhin si Erin sa opisina nila?”
Dahil dadalawa lang naman sila doon ay ipinaliwanag niya kay Marco ang mga rason niya. “Yes, tulad ng nasabi ko na sa ‘yo, ipatitikim ko lang sa kanya ang isang taon sa kumpanya para kung sakali na dumating ang isang taon ay mas lalo siyang masaktan. I have the power to marry her, but that was the last thing on my mind.”
“You mean, wala kang plano na magpakasal sa kanya at sundin ang will?” kuryosisdad na tanong ni Marco.
“No. Wala naman akong mapapala sa pagpapakasal ko sa kanya kaya bakit ko gagawin?”
‘Uhm, you will be her husband?’
“Hindi ako interesado sa pera ng mga Yurich. My goal is to hurt Erin. Bago dumating ang ibinigay na palugit sa kanya ay aalis ako ng bansa. She will not get the company she desires.”
“Kung gano’n, bakit ka magpapanggap na bodyguard niya?”
"To appease my dad and keep an eye on her. Ayoko ng kakalat-kalat siya sa kung saan-saan bilang fiancée ni Orion Arvesso.” Kahit papaano ay dala nito ang pangalan niya sa loob ng isang taon.
“How about your dad? Hindi ba’t siya ang may gusto nito?”
Ang may gusto talaga na bantayan niya si Erin ay ang Ninong Rod niya. Iisipin na lang niya ang kanyang kapatid na si Daryl para hindi siya makonsensiya.
"What about Dan? What about Daryl? Sinaktan niya si Danica, niloko at pinagtripan niya ang kapatid kong si Daryl."
“Damn! Hindi ko akalain na aabot ka sa ganito, O!”
"Firstly, learning that Erin is set to become her sister-in-law would cause Danica profound distress. Secondly, I despise that woman even more as a potential wife. I'll ensure that this becomes her payback."
Kung tutuusin ay nahihirapan nga siya. Nagagalit siya kay Erin ngunit naaawa siya rito at inaatake ang libido niya sa presensiya nito. Hindi niya alam kung mapagtiisan niya ang isang taon na hindi madilaan ang binti ng babae. Naiiling na lang siya.
Nilingon nila si Carla na nakabalik na. Agad nilang iniba ni Marco ang usapan.
Matapos ang isang oras na pamamalagi sa bahay nito ay umalis din siya para puntahan si Erin sa penthouse ng babae. Ngunit natagpuan niya roon ang hindi nakikilalang lalaki na tila anak ng Diyos at hindi niya iyon nagustuhan. Patunay iyon sa pagkatao na mayroon si Erin.
***
ERIN looked confused when Orion told her to leave his car.
Hindi niya alam kung ano problema nito at nais niyang maasar. Kung iiwan lang din pala siya ng lalaki, sana ay tumuloy na siya sa bahay ni Zach.
Bago pa siya pababain ni Orion ay pinadalhan niya na ng mensahe si Zach na dalhin ang mga gamit niya sa kanyang tirahan dahil ayaw niyang dalhin si Orion sa bahay nito.
Ayaw niyang madagdagan ang abala kay Zach kung doon sila tutuloy ni Orion. Mabuti na nga lang at nagkaroon na siya ng kuryente noong isang araw pa.
"So, you're the new chairman of Yurich?" tanong ni Zach habang nakaupo ito sa couch. May dala itong pagkain at wine para i-celebrate ang kanyang pagbabalik sa Yurich.
“Effective today!” proud niyang tugon.
“At kailan ka naman planong pakasalan ni Orion Arvesso? I mean napag-usapan n’yo na ba ang tungkol do’n?”
“Not yet. Inuuna pa lang namin ang mga kaganapan sa opisina.”
“Sayang! Plano ko pa naman sanang bilhin ang kontrata mo doon sa agency dahil gusto kitang gawing modelo sa ilang advertisement ng ilang kliyente ko. I genuinely believe it would have been a worthwhile investment. Your impressive bio speaks for itself, you know?”
Nalungkot siya dahil nais niyang makatulong sa kaibigan. “Kailangan kong mag-focus sa opisina. Kapag tuluyan nang nalipat sa pangalan ko ang mga shares, kailangan ko rin mag-focus bilang businesswoman kaya hindi rin muna talaga ako makakatanggap ng modeling commitments sa ngayon. I’m sorry, Zach.”
Nagkibit ito ng balikat.
May tumatawag sa kanyang intercom kaya tinungo niya ang lugar ng telepono.
“Ma’am, may bisita po kayo. Orion Arvesso po, nobyo n’yo daw po siya,” anang guwardiya sa kabilang linya.
Namula ang kanyang pisngi, hindi niya mapigilan. Masarap sa pandinig na tawagin na nobya nito.
“Paakyatin n’yo na lang po siya kuya. Pasensiya na kung hindi ako nakapagbilin.”
“Wala po ‘yon!”
Ilang saglit lang ay dumating si Orion na may bitbit na bag. “Kinuha ko lang ang ilang gamit sa bahay.”
Nakakunot ang noo nito nang makita si Zach na prenteng nakaupo sa sofa. Pinagmasdan nito ang masarap na cake at wine sa center table at pagkatapos ay tiningnan silang parehas. Nagkamot siya ng ulo.
“He’s my friend, Zacharia Lopez,” aniya kay Orion.
“Does he have a key to this place?” tanong ni Orion na pinagtaka ni Erin.
Paano nito nalaman? Ang totoo ay ibinigay niya ang susi ng penthouse kay Zach dahil may kinuha ito noong weekend sa kanyang penthouse. Siniguro rin nito na nagbalik ang kuryente niya habang nakipag-meeting siya kay Orion. Sa ngayon ay hindi niya pa iyon nakuha.
Tumaas ang sulok ng labi ni Zach. “I do. I can come and go.”
“Mas makabubuti sana kung ibabalik mo ‘yon kay Erin,” ani Orion, matigas ang panga.
"Why? Erin gave it to me," Zach replied with a hint of defiance in his tone.
Pinandilatan niya ang kaibigan.
“Ayoko lang na may basta-basta magpupunta rito. I will live here, at hindi ako komportable na makakita ng ibang tao.”
Zach seemed intent on testing Orion; at least, that's what Erin believed.
Ngunit tila nabingi siya sa sinabi ni Orion na doon ito titira sa kanyang penthouse. Sa huling pagkakatanda niya kasi ay hindi pa sila naikakasal.
DINALA ni Erin si Orion sa isang silid sa penthouse para makausap ito nang pribado. May apat na silid ang kanyang tirahan kaya naman ayos lang naman sa kanya kung kailangan talaga na doon tumuloy ang lalaki. "What do you mean you'll be staying here?" tanong niya. ‘As in now? Teka lang, hindi pa ako ready!’ “Matapos mo akong basta palabasin ng sasakyan mo?” Orion is one big moody guy, daig pa nito ang may regla. "I have to pack my things; I'm sorry," katwiran nito. “Erin, nasabi ko na ang dahilan ko sa ‘yo. We will be staying together dahil iyon ang sinabi natin sa pamilya mo. I will act as your bodyguard. Isa pa, alam ko na may gustong pumatay sa ‘yo.” Nanginig si Erin sa takot kahit pa nga maraming sinasabi ang mata ni Orion. Nakikita niya na maraming gustong gawin sa kanya ang lalaki. Naalala niya ang mga ipinadalang mensahe ni Jenna noon. Sayang nga lang at hindi pala si Orion ang ka-text niya noon. “Iyon ang dahilan kaya kinukuha ko ang susi sa kaibigan mo. Kapag basta
NABIGLA si Erin nang makita si Orion sa bukas na pintuan. Nakalimutan niyang paalalahanan ang lalaki na konektado ang banyo sa dalawang silid. Nanginig ang kanyang labi dahil sa mapaglarong apoy na sumasayaw sa mga mata nito. Ipinikit niya ang mata para saglit na itago ang damdamin niya na matagal nang namumuhay sa kanyang dibdib. Lumapit ang lalaki at saka inangkin ang kanyang labi kahit naroon sa ilalim ng tubig. Hinaplos nito ang kanyang katawan kasabay nang mapusok na pagsalakay ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Napasinghap siya ng magsalita si Orion. “You should’ve locked the door!” Muling nagmulat ng mata si Erin. Naroon pa rin ang lalaki sa kinatatayuan nito. Natagpuan niyia ang sarili na nag-iisa, walang lumapit sa kanya, walang nagbigay ng mapusok na halik at haplos. She daydreamed. Shit! Kung sana ay totoo na sinasamba siya ng mga mata nito. Hindi siya magdadalawang-isip na ibigay ang sarili niya sa lalaki. *** NAPAKO ang tingin ni Orion sa nanginginig na lab
KITA ni Erin ang napakaraming emosyon sa mata ni Orion. Gusto niyang isipin na gusto siya ng lalaki kung pagbabasehan ang paraan ng pagtingin nito sa kanya at ang sinasabi ng katawan nito. Nabigla na lang siya nang ibinaba nito ang sarili sa kanya at saka sinakop ang kanyang labi, dahilan para tuluyang mawala sa sarili niya si Erin. Totoo na ba ito at hindi panaginip lang? Mas inilapit ni Orion ang kanyang katawan dito dahilan para mas lumalim ang kanyang pagnanais na hindi nito bitiwan. “Orion…” sambit niya sa pangalan ng lalaki nang saglit na maghiwalay ang kanilang labi. "I want you… My cock wanted to be inside of you," he murmured, lifting her from the couch. Alam niya, ramdam niya sa daang senyales na ipinakikita ni Orion na nais siya ng lalaki. Mas humigpit ang kapit niya rito habang dama na dinadala siya nito patungo sa kanyang silid. Mariin siyang napapikit habang sabik sa mga magaganap. Umupo si Orion sa kanyang kama, naroon siya sa kandungan nito. Bolta-bol
"You are too audacious to send those messages, Erin," Orion grinned. “Nakuha ko ang cellphone ni Daryl at normal na makita ko ang palitan n’yo ng mga mensahe.” Pinisil ni Orion ang baba ni Erin. Naalala niya ang mga pinadalang mensahe ni Jenna noong huling araw na nakita niya si Daryl. Hindi na niya nabago pa na sabihin na hindi siya ang nagpadala ng mga text messages sa paniniwalang baka madismaya sa kanya si Orion. Nito niya lang nalaman na si Daryl pala ang nagmamay-ari ng numerong iyon at kausap niya sa buong panahon na kapalitan niya ito ng mensahe. “No, hindi ako ang nagpadala ng mga ‘yon! It was Jenna,” paliwanag ni Erin kahit pa nga nagkaroon na ito ng impresyon sa kanya na nakipaglandian siya sa kapatid nito. Walang emosyon ang lalaki hanggang sa ayain na lang siya nito na lumabas. “Tara nang mag-grocery bago pumunta ang kaibigan ko para palitan ang mga lock.” “K-kailangan ba talaga ‘yon?” “Yes, Erin. Ikaw na nga ang nagsabi na naniniwala ka na hindi si Zach ang pu
ISASAMA ni Orion si Erin sa opisina ng mga Arvesso dahil sa ilang bagay na kailangan nitong gawin. Hindi pa niya nakakalimutan ang kahihiyan na naganap sa penthouse dahil bumungad sa kaibigan nitong si Marco ang mga ginawa nila ng lalaki. Kung may ipinagpasalamat siya, tinapos ni Orion ang video. Nanunudyo ang kaibigan nito hanggang sa makaalis—na lalong ikinapula ng kanyang pisngi. “Talaga bang ayos lang na sumama ako?” tanong ni Erin habang naroon sila sa sasakyan nito. “Yes. Hindi kita pwedeng iwan sa penthouse matapos ang naganap kagabi.” Hinaplos ng mga salita nito ang kanyang damdamin. Masarap isipin na nag-aalala sa kanya si Orion. Sana nga lang ay tunay ang nararamdaman nito sa kanya. Habang nasa daan sila ay nag-ring ang cellphone niya. Kunot ang noo na pinakatitigan na muna niya iyon dahil hindi kilalang numero ang nasa screen. “May problema?” tanong ni Orion na bahagyang lumingon sa kanya bago ibinalik ang tingin sa kalsada. “Nothing. Hindi ko lang kilala ang n
TAAS ang noo ni Erin nang pumasok siya sa opisina. Nakasunod sa kanya si Orion, Mike at Assistant Jorge na parehas seryoso ang mga mukha. Tahimik na panay ang lingon ni Erin kay Orion. Nakasuot lang ng simpleng polo na pinatungan ng jacket ang lalaki. Nasa awra nito ang alertong bodyguard dahil ilang taon din nanilbihan ang lalaki ito kay Drew. Iniikot sila ng head ng production manager sa opisina. Ipinakilala siya bilang si Miss Villaverde na anak ni Mr. Lawrence. Siyempre pa ay nabigla ang ilan dahil nakikita siya ng mga ito roon bilang empleyado sa loob ng ilang buwan. Nabigla ang mga empleyado sa pagdating na iyon ni Erin. Normal na mabulabog ang mga ito matapos ilabas ng opisina na siya na ang bagong uupo sa chairman position. Sigurado na alerto at walang tiwala sa kanya ang iilan sa mga managers. Hindi dahil sa kontrol ng tiyo niya kung hndi dahil babae siya at wala siyang karanasan sa business. Isang grupo ng nagtsitsismisan ang narinig niya nang lagpasan nila ang mga ito
GINAWA ni Erin ang lahat para mapag-aralan ang opisina. Sumasakit ang ulo niya dahil may ilang mga desisyon na hindi niya sigurado. May mga pagkakataon na napapatanong siya kung karapat-dapat ba siya na mamuno sa opisina ng mga Yurich. Isa na siya sa mga pumipirma sa mga tseke bukod pa sa chief finance officer. Kung nasaan ang loyalty nito ay hindi niya masabi. “Kailangan mong kontrolin ang pagpasok at paglabas ng pera ng opisina. Kailangan mo rin siguruhin na hindi ka mauubusan ng funds dahil malaking problema iyon sa estado ng opisina mo,” ani Orion nang tanungin niya ito kung pipirmahan niya ba ang bayad sa isang supplier ng makeup. “Nagtataka lang ako kung bakit nawala na sa listahan ng manufacturing sites ang pagawaan namin ng makeup. Ayon dito sa report, sa loob ng isang taon ay malaki ang ginagastos ng Yurich sa YL Company na nag-su-supply nito sa amin. Hiningi ko sa finance department ang report sa loob ng five years, and I found out we have our own site. Hindi ko alam ku
MAY mariin ng tumusok sa dibdib ni Orion habang nakatingin kay Erin. Naikuyom niya ang mga kamao at hindi alam kung ano ang mga sasabihin sa dalaga. Wala siyang maipakitang emosyon. Narito siya sa opisina ng dalaga para protektahan ito na siyang kalokohan! Narito siya para saktan ito, at nakakalimutan niya iyon na siyang tunay niyang pakay. Malaking lamat sa pagkatao nilang dalawa ang naganap sa nakaraan dahilan para magbago ang kanyang damdamin. Ipinaalala ni Jenna kung bakit siya naroon sa tabi ni Erin. Naroon siya para kay Daryl at hindi para sa personal niyang nararamdaman. Bago siya naging si bodyguard O ay naging kuya na muna siya ng mga kapatid niya. May mga luhang dumaloy sa pisngi ng dalaga matapos matagpuan ang dilim sa kanyang mga mata. Kita niya ang hapdi na nararamdaman nito. Masyado na itong durog at hindi niya maiwasan na masaktan. Erin was hurt, but he was hurt too! Eksakto na nag-vibrate ang kanyang cellphone sa bulsa. “Hello?” tugon niya na hindi na nagawang i
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin. Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito.
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez