TAAS ang noo ni Erin nang pumasok siya sa opisina. Nakasunod sa kanya si Orion, Mike at Assistant Jorge na parehas seryoso ang mga mukha. Tahimik na panay ang lingon ni Erin kay Orion. Nakasuot lang ng simpleng polo na pinatungan ng jacket ang lalaki. Nasa awra nito ang alertong bodyguard dahil ilang taon din nanilbihan ang lalaki ito kay Drew. Iniikot sila ng head ng production manager sa opisina. Ipinakilala siya bilang si Miss Villaverde na anak ni Mr. Lawrence. Siyempre pa ay nabigla ang ilan dahil nakikita siya ng mga ito roon bilang empleyado sa loob ng ilang buwan. Nabigla ang mga empleyado sa pagdating na iyon ni Erin. Normal na mabulabog ang mga ito matapos ilabas ng opisina na siya na ang bagong uupo sa chairman position. Sigurado na alerto at walang tiwala sa kanya ang iilan sa mga managers. Hindi dahil sa kontrol ng tiyo niya kung hndi dahil babae siya at wala siyang karanasan sa business. Isang grupo ng nagtsitsismisan ang narinig niya nang lagpasan nila ang mga ito
GINAWA ni Erin ang lahat para mapag-aralan ang opisina. Sumasakit ang ulo niya dahil may ilang mga desisyon na hindi niya sigurado. May mga pagkakataon na napapatanong siya kung karapat-dapat ba siya na mamuno sa opisina ng mga Yurich. Isa na siya sa mga pumipirma sa mga tseke bukod pa sa chief finance officer. Kung nasaan ang loyalty nito ay hindi niya masabi. “Kailangan mong kontrolin ang pagpasok at paglabas ng pera ng opisina. Kailangan mo rin siguruhin na hindi ka mauubusan ng funds dahil malaking problema iyon sa estado ng opisina mo,” ani Orion nang tanungin niya ito kung pipirmahan niya ba ang bayad sa isang supplier ng makeup. “Nagtataka lang ako kung bakit nawala na sa listahan ng manufacturing sites ang pagawaan namin ng makeup. Ayon dito sa report, sa loob ng isang taon ay malaki ang ginagastos ng Yurich sa YL Company na nag-su-supply nito sa amin. Hiningi ko sa finance department ang report sa loob ng five years, and I found out we have our own site. Hindi ko alam ku
MAY mariin ng tumusok sa dibdib ni Orion habang nakatingin kay Erin. Naikuyom niya ang mga kamao at hindi alam kung ano ang mga sasabihin sa dalaga. Wala siyang maipakitang emosyon. Narito siya sa opisina ng dalaga para protektahan ito na siyang kalokohan! Narito siya para saktan ito, at nakakalimutan niya iyon na siyang tunay niyang pakay. Malaking lamat sa pagkatao nilang dalawa ang naganap sa nakaraan dahilan para magbago ang kanyang damdamin. Ipinaalala ni Jenna kung bakit siya naroon sa tabi ni Erin. Naroon siya para kay Daryl at hindi para sa personal niyang nararamdaman. Bago siya naging si bodyguard O ay naging kuya na muna siya ng mga kapatid niya. May mga luhang dumaloy sa pisngi ng dalaga matapos matagpuan ang dilim sa kanyang mga mata. Kita niya ang hapdi na nararamdaman nito. Masyado na itong durog at hindi niya maiwasan na masaktan. Erin was hurt, but he was hurt too! Eksakto na nag-vibrate ang kanyang cellphone sa bulsa. “Hello?” tugon niya na hindi na nagawang i
CONFUSED si Erin sa mga nagaganap sa kanila ni Orion. Sa halip na umiyak ay inasikaso niya ang ilang problema sa opisina. Kahit pa nga hindi mawala sa isipan niya ang lalaki.Ano ba ang nais nito sa kanilang relasyon?Madalas na maramdaman niya na importante siya rito, ngunit may ilang pagkakataon na nararamdaman niya na parang ang hirap nitong
“WHAT was that, Erin?” tanong ni Zach kay Erin matapos siya nitong mailabas ng gusali.Nanginginig siya sa takot at galit mula sa mga salita ni Shania. Maya-maya ay hindi niya napigilan na umiyak. Hanggang kailan ba siya magdudusa sa naganap noon?“Who is Daryl?” tanong ni Zach sa kanya. Hangga’t maaaari ay ayaw ni
“I’M just your friend and not in the position to judge you. Hindi mo rin naman ako hinuhusgahan.” Nagbuga ng hangin sa bibig si Zach. “Sa palagay ko, nagkataon na nagkaroon ka ng mga siraulong kaibigan noon. That Jenna,” nailing ang lalaki bago nagpatuloy, “kahit noong una pa lang na nakita ko ang isang iyon ay wala na akong tiwala sa kanya. Ang gusto ko lang maintindihan ay kung bakit nagawa mo pang makipagrelasyon kay Michael.” Katangahan nga siguro iyon ni Erin. “I don’t know. I needed a friend at that time at si Michael ang parang lumalabas na tagapagtanggol ko sa naganap na iyon. Kailangan ko ng kakampi at nalinlang niya ako roon. Thankful din naman ako sa kanya kahit papaano.” Tinulungan siya ni Michael na linisin ang kanyang pangalan sa tulong ng tatay nito na may posisyon sa investigation team, iyon ang ipinagpasalamat niya. Hanggang ngayon ay hindi rin siya nito sinisi kahit pa nga madalas iyon buksan ni Jenna. Nalaman lang niya na minanipula siya ni Michael noong magkaroo
“Umalis ka na, Orion! Ayokong makita ka!” Binato niya rito ang unan kahit pa nga nanghihina siya. Tumiim ang bagang nito. “Hindi ako aalis. Sa palagay mo ba ay hahayaan na lang kita na basta mag-isa matapos na may pumasok dito nang hindi natin kilala? Kung nagawa niyang makapasok nang narito ako. ‘Yon pa kayang mag-isa ka lang?” Hindi niya maiwasan na maglabas ng mapaklang tawa. "You wanted to protect me from others, and yet, here I am, feeling endangered with you! Ipapaalala ko lang na nagawa mo akong iwan kagabi sa opisina. Hindi ka man lang nagpadala ng kahit na anong mensahe sa akin. Hindi mo man lang nagawang tanungin ako kung kumusta ba ako. ‘Tapos ngayon ay sasabihin mong kailangan mo akong protektahan? Leave, Orion!” Pagkasabi niyon ay tumayo na si Erin at saka nagtungo sa kanyang kuwarto. Naikuyom naman ni Orion ang kamao nito at tila nais manuntok, ngunit hindi magawang pigilan siya. Tinamaan ito nang sobra sa kanyang mga sinabi. Hindi naman maiwasan ni Erin na ipagp
Halatang kinakabahan ang mga empleyadong nasa parehas na palapag ni Erin lalo na’t ang iniisip ng lahat ay number one supplier nila si Mika Luchesi, ang kapatid ni Michael. Iniikot ni Erin ang tingin sa paligid. Alam niyang natatakot ang mga ito sa lakas ng kanyang loob. Inismiran niya si Mika para maprotektahan niya ang sarili sa anumang posibilidad na kasiraan. “Wala ka ring karapatan na saktan ang kahit na sino sa tauhan ko!” sigaw niya rito. Dagdag na puntos iyon sa kanya dahil iisipin ng mga tao na gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang kahit na sino kahit sa big supplier pa nila. Tinulungan ni Jenna na makatayo si Mika, at pagkatapos ay galit nitong sinabi, “He’s just a bodyguard! Magagawa mong protektahan ang lalaking ‘yan kapalit ng relasyon ng Yurich sa Makeup and Co?” “Kahit bodyguard, janitress o kahit na sino pang empleyado ng Yurich ay handa akong protektahan!” Nagkatinginan ang mga empleyado na nakikiuyuso sa gulo na dala ni Mika at Jenna. “Hindi naman em
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin. Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito.
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez