JUSTINE: Sinilip ko si Drake sa kanyang kwarto ng gabing iyon. Natutulog siya. Napansin ako ng nurse at agad niya akong binati. "Ma'am, tuloy po kayo, dadalawin niyo ba si sir?" tanong niya sa akin, "bakit po kaya walang kamag- anak niya ang nagpunta dito? upang dalawin siya?" tanong sa akin ng nurse niya. "Hindi ko alam. Baka walang nakakaalam na narito siya," sagot ko sa kanya, " kumain na ba siya?" "Opo ma'am. Okay naman po siya maghapon, kumain siya ng maayos, kahit medyo nagsusuka po siya. Sabi naman ni doktora Lhiz, okay naman daw po si sir at maaari na siyang lumabas kahit bukas." sagot niya sa akin. "Mabuti naman kung ganoon," naupo ako sa gilid ng kama ni Drake. "Ma'am, paano niyo po nalaman, na compatible sila ng anak niyo? rare case po na compatible ang hindi magkamag-anak," nakangiti niyang sabi sa akin. "Mag- ama sila," sagot ko na lang sa kanya. Lalabas din naman ang totoo, ako na lang ang aamin, "si Drake ang tatay ni Blake. Dati ko skiyang boyfriend." "
DRAKE: Kinindatan ko ang nurse na wag maingay na gising na ako, upang marinig ko pa ang kwentuhan nilang dalawa. Mataman lang akong nakikinig, kung anu- ano ang mga ginagawa ni Jhoanna behind my back. Base sa kwento ng nurse, may ibang ugali ang nobya ko. Napapansin ko iyon noon, subalit hindi ganoon kalala. Hindi ko inakalang umabot na si Jhoanna sa ganoong poibt ng buhay niya. Iba ata ang babaeng mahal at minamahal ko pa. O kung mahal ko ba talaga siya. Tinatanong ko na rin ang aking sarili ngayon, pero magkakaanak na kami. Biglang tumingin si Justine sa akin at laking gulat niya, na nakatingin din ako sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata at nagulat kaya napatalon siya sa kama. Napaupo siya sa sahig. "A-anong-- kanina ka pa gising?" nauutal niyang taning sa akin, "ba-bakit hindi ka man lang nagsasalita na- gising ka na?" "Lalabas po muna ako ma'am, sir.." paalam ng nurse sa amin. Hindi na niya kami inintay na sumagot, lumabas agad siya ng pinto. "Ba-bakit.. bakit gising
"Pamangkin namin ang batang yan? kaya ba hinahanap mo si Drake sa amin noon?" tanong ni kuya Cris sa akin. "Oo, kailangan niya kasi ng donor, kaya nagtayo kami ng facilities. Hindi kami compatible ni Blake, kaya ang sabi sakin, baka yung tatay ang kacompatible niya," nakangiti kong sagot sa kanya. "Kailangan magpalakas agad siya.. nakakaexcite naman, may bata na sa pamilya natin, at malaki na agad. Hindi na baby," wika pa nito. "Eh, di ba, buntis din si Jhoanna? alam niya ba ang tungkol kay Blake?" "Alam niya kuya. Alam na alam," sagot ni Drake sa pinsan niya, "nagkakamis understanding lang kami kuya." "Sa bagay. Baka hindi niya matanggap na may nauna sa kanya, ngayon na ba ang labas mo?" tanong pa ni Cris, "ako na ang maghahatid sayo. Busy pa yung iba nating pinsan. Wala pang nakakaalam ng tungkol dito. Ang parents mo, alam na ba?" "Hindi pa. Ikaw pa lang ang una kong nasabihan. Doon mo muna ako ihatid sa bahay namin," request ni Drake, "gusto kong ibalita sa kanila ang tun
"Drake! Lumabas ka diyan!" sigaw ni Jhoanna sa labas ng aming gate. Kakarating ko lang mula sa hospital, hindi ko pa nasasabi ang magandang balita kina mommy, ng maamoy nito na naroon na ako, "alam ko nakalabas ka na!" Lumabas ang aking mommy at binuksan ang gate, "hija, wag kang mag eskandalo dito," awat niya kay Jhoanna. "Ilabas niyo ang anak niyo tita, kakausapin ko siya!" sabi ni Jhoanna, 'bakit dito siya umuwi at hindi sa akin? naghihintay ako sa kanya." "Hija, hindi mo kasi maaalagaan ng maayos si Drake doon dahil sa kalagayan mo. Ayaw naman naming may mangyaring masama sayo at sa magiging apo ko," paliwanag niya sa babae. Huminga ng malalim si Jhoanna, saka nagsalita, "lalong may mangyayaring hindi maganda sakin kapag hindi ko nakita ang anak niyo, tita. Wag niyo naman siyang itago sa akin." "Hija, hindi namin siya itinatago sayo, kita mo naman, under construction pa ang aming bahay. Ikaw ang iniisip namin kaya dito muna umuwi si Drake," pinapakalma niya si Jhoanna.
"Buti, alam mo pa ang daan pauwi dito," nakaupo lang si Jhoanna sa sofa. Nakatalikod siya sa akin. "Hindi ka ba naliligaw?" "Aalis ba ako ulit? yun ba ang gusto mo?" tanong ko sa kanya. "Nakalimutan mo na, ang tungkol sa amin ng magiging anak mo, Drake. Tapos na kayo ni Justine, subalit yung mag ina pa rin na yun ang iniintindi mo," malamig ang pagkakasabi niya ng mga katagang iyon. Na parang kasalanan nung mag ina na nag iexist sila. "Nais din kitang makausap tungkol diyan, Jhoanna. Bakit mo sinabi kay Justine na sinasaktan kita?" wika ko sa kanya, "saan mo nakuha ang lakas mo ng loob upang ipagsabi ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa?" "Hindi ko iyon sinabi sa kanya, sinisiraan niya lang ako," nanatili siyang nakaupo at nakasandal sa sofa. Pumunta ako sa harapan niya, at nagulat ako sa baril na kanyang hawak, "papatayin na lang kita." Kinalabit niya ang baril, at tumama ang bala sa aking dibdib. Nagdilim ang aking paningin. "ANAK!!! gising!" tinig iyon ng aking mommy
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa taong bumabalibag sa pintuan ng kwarto ni Blake. Galit ang mga matang nakatingin sa kanya. Itinulak ako nito palayo. Napaupo siya sa sahig. Pumasok ito sa loob kahit walang nag iimbita dito. "Ang galing.. super!" pumapalakpak pa ito, "ano yan? reunion?" "Jhoanna! anong ginagawa mo dito?" tanong ni Drake sa babae. "ANong ginagawa ko? ikaw, anong ginagawa mo dito? Nag iisa ako sa bahay, tapos naririto pala kayo at nagsasaya!" inis na bulyaw nito sa kanila. "Hija, may bata dito, ano ka ba?" saway ng mommy ni Drake kay Jhoanna, "kunting pasubali naman!" 'Anong konting pasubali? bakit? ako ba iniisip niyo? dinadala ko din ang isa niyo pang apo oh! hindi gaya ng batang iyan na hindi kayo sigurado kung apo niyo talaga!" sagot ni Jhoanna. Agad niyakap ng daddy ni Drake si Blake upang hindi nito makita at marinig ang pinagsasasabi ng babae. "Umalis ka na, Jhoanna, uuwi naman ako," sabi ni Drake dito. "Aba, kailan? kapag nanganak na ko
"Napakawalanghiya ng Jhoanna na yan!" iritang irita ang daddy ko,"kung may nangyari lang talagang hindi maganda sa mommy mo, may kalalagyan siya sakin!" "Dad, okay lang ako, maliit lang ang sugat na ito," nakangiting sagot ni mommy,"unawain na lang natin ang pinagdadaanan ni Jhoanna. Buntis siya, baka nalulungkot lang siyang talaga." "Kahit pa ano ang dahilan niya, hindi katanggap tanggap ang manakit siya ng ibang tao!" inis pa ring sabi ni daddy,"kung hindi lang siya buntis, ipinakulong ko na siya!" "Daddy!" awat ko sa kanya, "apo mo rin ang dinadala niya." "Drake, saka ko na aakuing apo ko yun, kapag lumabas na. IpapaDNA ko pa, baka mamaya, ipaako sayo tapos iba naman pala ang tatay niyan!" naupo si daddy sa gilid ng kama ni mommy, "si Blake, kahit hindi mo ipa DNA, alam kong anak mo siya, alam kong kadugo ko siya, pero kay Jhoanna, diskumpiyado talaga ako." "Dad, ano ka ba?" saway ni mommy sa kanya, "wag kang magsalita ng ganyan sa anak mo." "Totoo ang sinasabi ko. Noon
"Drake..." sinugod ako ng yakap ni Jhoanna pagkakita niya sa akin, 'buti umuwi ka na. Miss na miss na kita!" Mukhang hindi naliligo si Jhoanna, nangangamoy isang linggo na ang pawis nito. Ang damit nito ay gaya pa rin noong damit nito noong sugurin nito si Justine ilang araw na ang nakakaraan. "Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming condo. Madumi iyon. Parang walang pumupuntang tagalinis. Ang lababo namin ay parang may mga nabubulok ng pagkain! "Anong nangyayari dito?" tanong ko sa kanya, "bakit parang dumpsite ang ating tahanan?" "Ah.. eh pa-pasensiya ka na. Hindi kasi ako nagpapapunta ng tagalinis dito.. gusto kong mapag isa," sagot niya sa akin. "Nasaan na yung iniwan ni mommy dito na makakasama mo?" tanong ko sa kanya. "Naku, pinalayas ko na! Magnanakaw kasi," sagot pa niya, "nahuli king binubuklat ang ating gamit, kaya ayun, pinalayas ko na lang. Marahil hindi iyon uuwi sa inyo, kasi nga alam niyang malalaman niyo