JUSTINE Ikinukwento ko na kay Trina ang nangyari sa pagtatagpo namin ni Drake. "Tapos? anong sabi?" atat siyang malaman kung ano ang naganap. "I-Iniwan niya ko.." mangiyak ngiyak kong sagot. "Hinsi na niya inalam kung anak niya ba si Blake? wala na siyang ibang itinanong?" umiling na lang ako, "huuuh! subukan mo na lang ulit. kung kailangan, sundan mo siya araw araw upang makausap ulit, gawin mo! para matest agad siya." "Hindi ko na nga alam ang gagawin ko Trina. Natatakot ako na baka tumanggi siya." "Wala ba talagang nakitang donor sa abroad?" tanong niya sa akin. "Kasama kita paghahanap, wala talaga. Kaya nga kami napauwi ng Pilipinas di ba? kaya kahit sugal, nagpatayo kami ng ospital." "Sa bagay. Makakakita rin tayo ng donor ni Blake. Gusto mo ba, gahasain mo na lang si Drake para mabuntis ka?" tanong niya sa akin, "ako na ang bahala sa kikidnap sa lanya." "Baliw.. magiging kriminal pa tayo niyan." "Sundan mo na lang siya araw araw. Sabi mo naman, ainabi sayo nu
DRAKE: Naaaliw ako sa batang ito na ang pangalan ay Blake. Napakabibong bata. Malambing pa at magalang. "Pupunta lang ako sa isa kong pasyente, pakibantayan muna siya," bilin sa akin ni Jhoanna. "No worries. Ako ang bahala kay pogi," sagot ko sa kanya. "Doc Ledesma is pretty," wika ng bata pagkaalis ni Jhoanna, "if i'm a grown man, I will marry her." "Talaga? maganda talaga siya.. kaya ng love ko siya," ginulo ko ang kanyang buhok. "It's really good when you are sorrounded by beautiful women, like my ninang Trina, tita Lizbeth, doc Ledesma and my mommy.." proud pa na sabi ng bata sa akin. May kumatok sa pinto, na agad bumukas. "Mommy!!" tumatakbong yumakap ang bata sa bagong dating. Nakalaylay ang buhok nito sa mukha, pero mukha ngang maganda. "Kumusta na ang baby ko,? hinalik halikan pa nito si Blake. Parang kinilabutan ako ng magsalita ito. "Mommy, I have a new friend po," magiliw ang tinig nito. "Talaga? nasaa--" nagkagulatan pa kami ng magtama ang aming mga m
Bago pa namin mahabol sina Justine, tumunog na ang aking cellphone. Si lolo Arnulfo!"Yes Lo?" pinahinto ko muna si Jhepoy.'Come home, it's an emergency!' garalgal ang kanyang tinig."Copy, Lo. Jhepoy, umuwi na muna tayo sa ancestral house.." utos ko kay Jhepoy.Agad kaming nag iba ng way. Pagdating ko doon, sinalubong ako agad ni lolo Arnulfo."Pupunta tayo sa camp ni Dixson," namumula ang kanyang mga mata."What happened to him?" nag alala ako bigla."Hindi ako naniniwalang.. wala na siya," nagmamadali si Lolo. Ayaw niyang magtuloy kami sa pagiging marine, subalit may paninindigan sina Dixson."No! no lolo, baka nagkamali lang sila," agad ko siyang inalalayan upang magtungo sa camp.Nanlumo kami, ng ipakita sa amin ang mga gamit ni Dixson. Awang awa ako kay lolo, na halos mapaluhod na habang yakap ang gamit ng apo.Nanikip ang aking dibdib dahil sa pinipigilan kong emosyon. Hindi kami maaaring magkulang na magpipinsan. Wala na nga kaming mga kapatid, mawawalan pa ng isang Sanchez.
DRAKE: Nagdadalamhati ang aming pamilya sa pagkawala ng aking pinsan na si Dixson. Hindi ko na nakuhang bumalik sa hospital upang makausap si Justine. 'Nakita na ba siya?' tanong sa akin ni Jhoanna ng minsang tawagan niya ako. "Hindi pa." tugon ko sa kanya. 'Magiging okay din ang lahat' "Salamat." Ang tawag ni Jhoanna, ay maiiksi lang. Isang linggo na mula nung huli kaming magkita. Ngayon pa lang nakikilala ang hospital na iyon, kaya maganda ang flow ng career niya. Subalit ang relasyon namin, unti unti na niyang napapabayaan. Ito ang ikinakatakot ko kapag naging maluwag ako sa isang babae. Ang kalimutan nila ako. Akala ko, magiging maayos na ang buhay ko sa pakikipagrelasyon, subalit hindi pa pala. Nalulungkot pa naman ngayon ang pamilya namin, dahil sa trahedyang ito. Kailangan ko sana siya, ngunit wala. Hindi siya maaari, hindi siya pwede. "Kumusta ka na?" tanong ni kuya Cris sa akin. "Okay naman, masaya," sa iba akong panig ng bahay nakatingin. "Masaya? masay
"Hello, sino to?" isang hindi pamilyar na numero ang rumehistro sa aking cellphone. 'Si Drake to,' biglang nanindig ang aking balahibo sa kanyang boses. "Si-sinong Drake?" nagkunwari pa akong hindi ko siya nabosesan. 'Tigilan mo ako sa inaarte mo, Justine! paano ka nakapasok sa unit ko? nag iwan ka pa ng numero at address!'. Naalala ko noong minsang magkunwari akong checker. Iniwan ko pala ang address ko sa vault sa kwarto niya. Nagsisi na lang ako. Bigla akong bumaba. Nasa labas na si Blake, at kinakausap ni Drake. "Paano niyo po nalaman ang bahay namin tito?" narinig kong tanong ni Blake. "Kaibigan ko kasi ang--" "Anong ginagawa mo dito?" malakas ang tinig ko. "Ma'am, sabi ni Blake, kilala daw niya si sir," halata ang kilig sa tinig ng nurse, "ang gwapo niya pala sa personal." "Ipasok mo na si Blake--" "Sandali! hindi mo ba ako papapasukin?" tanong niya sa akin, "may dala akong pasalubong sa bata." "Talaga po? nagniningning ang mata ni Blake sa narinig, "ano
DRAKE:Habang pauwi na ako, hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Blake. Bigla akong ginanahan ulit. Parang gusto ko na naman maging artista. Sabi kasi ni Blake, gusto niyang maging artista, parang gusto niyang sumunod sa aking yapak.Pangiti ngiti pa ako, ng tumunog ang aking cellphone, si Jhoanna.."Yes?" malamig ang aking tinig habang naka speaker phone."Nagtatampo ka pa ba? babawi naman ako sayo eh, promise," malambing niyang sabi sa akin."Hindi naman. Oh ,nasa biyahe kasi ako eh. Baka busy ka.. bye," hindi ko na siya hinintay na sumagot, pinatay ko na ang tawag na iyon.Nakakatuwa ang anak ko. Pero kailangan kong sundin ang kahilingan ng mommy niya. Ayoko naman siyang biglain. Lalo na ang anak ko, na kamukhang kamukha ko palang talaga.Kung hindi ako iniwan ni Justine, baka kasal na kami. At baka hindi lang iisa ang anak namin.Iniisip ko tuloy, kung ganoon ba talaga ako kasama at iniwan niya ako. Hindi ba tama ang ginagawa ko noon? ngayon, nagbago na ako, ngunit parang hindi
JUSTINE: "Na-nalaman na ni Drake na may anak kayo?" tumango lang ako sa tanong ni Trina, "gaga.. paano niya nalaman?" "Ka-kasi.. nung magkunwari akong nag apply ng trabaho, nalaman ko ang unit niya.. a- at.. nag iwan ako ng address at pangalan ko sa-- sa vault niya." napakagat ako sa aking pang ibabang labi sa pagiexplain ko sa kanya. "Ayun, ayun naman pala! kasalanan mo! Diyos ko, ano namang naisipan mo at ginawa mo yun?" nakapameywang pa siya sa harapan ko. "Na-- nataranta ako friend. Hindi ko kasi malaman ang gagawin ko para makausap siya." "What if ang makabasa non ay ang jowa niyang si Jhoanna? eh di nag cause ka lang ng gulo?" inis niyang singhal sakin, "ano ka ba naman kasi friend, inatake ka na naman ng kawalang pag iisip." "So--sorry na friend. Nakalimutan ko kasi.." napatungo ako, "teka-- ikaw ba ang may anak dito? bakit pinagagalitan mo ko?" nakakunot ang aking noo ng tanungin ko siya. "Ah.. eh hehehe sorry na, oh sige, magkwento ka na lang," noon pa lang siya
"Dadalawin ko ang anak ko," kaswal na sagot niya sa akin. Pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na pag aalala. Hindi niya agad naitago ang damdaming iyon. "Sinong may sabing may anak ka dito?" pagtataray ko sa kanya. "Gusto mo, sabihin ko kay Blake na ako ang tatay niya?" malakas niyang sabi. Nilamukos ko ang kanyang bibig, halos hindi na siya makahinga, "bwesit kang eskandaloso ka, wag kang maingay!" mahina pero may gigil kong sabi, "marinig ka nung bata!" "Aray ko naman!" inalis niya ang aking kamay sa kanyang bibig, "makalamukos ka naman ng bibig, sinama mo pa ang ilong ko, papatayin mo ba ko?!" "Ang daldal mo kasi, manahimik ka nga!" hinarap ko si Trina, "sinong nagpapasok sa taong ito dito?" "Yung anak mo," sagot ni Trina sa akin, "saka ano ka ba? nagmamadali nga yang umakyat dito para sayo. Si Blake ang nagsabi sa kanya. Hindi ko na lang pinaakyat ang bata dito at alam kong magrereact ka ng ganyan! isa pa, paano kung natsugi ka na talaga? eh di natrauma ang ba
"Aalisin na natin ang iyong benda," narinig ko ang tinig ni doc, habang ako ay nakapikit. "Justine, handa ka na ba?" "Opo doc, handa na po ako," sagot ko sa kanya. Nakaambang sa amin sina Blake at ang iba pang taong malalapit sa amin. Unti unti ng inaalis ni doc ang benda sa aking mukha. Parang ang pagkakapulupot noon sa akin ay napakatagal alisin. Naiinip ako sa bawat Segundo na lumilipas. Sa wakas, natapos na ang aming paghihintay. Ang lahat ay namamangha, na nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako. Ang tinging iyon ba ay nagagandahan? o tinging masama ang nakikita? Napalunok ang doctor sa pagkakatitig sa akin. "Doc?" medyo kinakabahan na ako sa naging resulta. Inabutan niya ako ng salamin. Dahan dahan ko iyong tinanggap. Nanginginig ang aking mga kamay habang inilalapit ko ang salamin sa aking mukha. Habang papalapit ang salamin sa aking mukha, ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang resulta ng operasyon. Unti-unting lumi
"Ooperahan ka na daw, narinig mo?" masaya kong sabi kay Justine. Napapasaya ko, dahil pagkatapos nito, mapapakasalan ko na siya. Ang babaeng aking pinakamamahal. Ngumiti si Justine, kahit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. “Oo, narinig ko,” sagot niya, mahina pero puno ng pag-asa ang boses. "Sana nga matapos na ito nang maayos." Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit, pinipilit ipakita ang lakas ng loob at pagmamahal. “Maging matapang ka lang, mahal. Alam kong makakayanan mo ito. At pagkatapos ng lahat ng ito, magkasama nating haharapin ang bagong yugto ng ating buhay.” Napangiti siya, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Drake, natatakot pa rin ako… sa resulta, sa kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon.” “Huwag kang mag-alala, Justine,” sabi ko, inilapit ang kanyang kamay sa aking mga labi at hinalikan ito. “Ano man ang mangyari, nandito ako. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. At kapag naging maayos ang lahat, matutupad ang pangako ko—ikakasal
Isang linggo na kaming nanatili sa ospital, kasama si Blake. Kahit maayos na ang lagay namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko na iwan si Justine. Alam kong kailangan niya ng suporta at pagmamahal ngayon higit kailanman, kaya’t pinili naming manatili sa ospital upang alalayan siya. Si Blake ay palaging nasa tabi ko, tahimik ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa kanyang ina. Minsan ay hinahawakan niya ang kamay ni Justine, para bang nais iparamdam na nandito lang kami para sa kanya. "Mommy, andito lang kami ni daddy," bulong ni Blake sa kanya isang araw, habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Justine. "Magiging okay ka rin." Napangiti si Justine kahit halata ang hirap sa kanyang mukha. "Salamat, anak," mahinang sabi niya, hinahaplos ang buhok ni Blake gamit ang natitirang lakas. "Lahat ng ito... lahat ng sakit, kakayanin ko... para sa inyo." Araw-araw, binibisita kami ng doktor at mga nars, inaalam kung paano ang kondisyon ni Justine. May mga araw na tila may pag-
Iyak ng iyak si Justine ng dumating sa ospital. Nagpilit akong bumangon upang makita siya. "Anak, kaya mo na ba?" tanong ni mommy sa akin. Nasa tabi siya ng aking anak na mahimbing na natutulog. “Oo, mommy,” sagot ko, pinipilit ang sarili na bumangon mula sa kama. Mahapdi pa ang mga sugat ko, pero hindi ko kayang magpahinga nang hindi nakikita si Justine. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya, kung ligtas na siya mula sa kamay ni Jhoanna. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, nakita ko si Justine na nakahiga habang nilalapatan ng paunang lunas. "Drake, lumabas ka muna, baka hindi mo kayanin ang makikita mo," pigil sa akin ni kuya Luis. "Nais ko siyang masilayan kahit ano pa ang nangyari sa kanya.." malungkot kong sabi. 'Binuhusan ni JHoanna ng asido ang kanyang mukha, nasira iyon, at sunog na sunog. Iba na ang hitsura niya ngayon." paliwanag ni Luis sa akin. "Kuya, kahit ano pa ang kanyang hitsura, alam ko sa sarili ko na iniibig ko siya. Marami namang procedure na maa
Hinahanap ni Devon ang cord na maaaring putulin upang matanggap ang Bomba sa katawan ng paslit na si Blake. "Kuya Cris, parang walang cord na maliit ito, mukhang hindi ito Bomba,' sabi niya sa akin. Agad ko iyong tiningnan. Tama nga siya, wala iyong cord na may mga kulay, parang isang cable cord lang iyon. "Patingin nga," sabi ni Luis. Sinipat niya ang buong katawan ng bata. "Hindi po ako sasaktan ni mommy.." sabi ni Blake sa amin. "mabait po siya. Nangunot naman ang aking noo, "hindi ka talaga kayang saktan ng mommy mo, kaya nga hinanap ka niya, hindi ba?" 'HIndi siya.. si mommy Jhoanna, mabait po siya.. " sagot ng bata. "Ano ba itong inilagay niya sayo?" tanong ni Luis habang iniikot ikot ang bata. "Wala lang daw po itong suot ko kaya wag daw po akong matakot. Humingi siya ng sorry sa akin," humihikbing sabi ni Blake, "nasaktan lang daw po siya." "Kung ganoon, cord lang ito?" napatingin pa si Devon. Eksaktong pag alis nila ng cord, biglang sumabog ang kotse kung saa
"Oo naman, ano ang kailangan kong gawin upang pakawalang mo ang anak ko?" tanong ko sa kanya, habang patuloy ang umakyat na pag aalala sa aking puso. "Ikaw ang pumalit sa pwesto ng anak mo," nakangiting sagot ni Jhoanna, "halika dito.. para mapaalis na natin ang anak mo." "Sige.. sige, gagawin ko!" Sagot ko sa kanya. "Justine.. mag iingat ka," bulong ni Luis sa akin, "mukhang nahihibang na si Jhoanna. "Ano pang ipinagbubulungan niyo diyan! bilisan mo!" sigaw naman ni Jhoanna sa amin. Napalunok ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Jhoanna. Nakita ko ang galit na tila apoy na naglalagablab, pero may bahid din ng kirot at takot. Hindi ko alam kung anong balak niya sa akin, pero alam kong kailangan kong iligtas si Blake, kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong buhay. Dahan-dahan akong lumapit kay Jhoanna, itinaas ang aking mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "O, heto na ako," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit pakiramdam ko'y parang may malaking bato sa dibdib ko. "Pakaw
"At ang Lagay, magiging masaya kayo?" asik ni Jhoanna sa akin, "walang ganoong magaganap, ano yan? si snow white ka at ako ang witch?" "Jhoanna! maawa ka sa anak ko.." sigaw ko sa kanya, naglulumuhod ako at nagmamakaawa. "pakawalang mo ang aking anak!" pagsusumamo ko. "Jhoanna, sumuko ka na!' sigaw ni Cris, "wala ka ng ibang mapupuntahan!" "Huh!" ikinasal nito ang baril," okay lang, magsasama na lang kami ng batang ito sa impiyerno!" "Mommy.. bakit po?" nilingon si Jhoanna ni Blake, "akala ko ba, bati tayo?" Hindi sinagot ni Jhoanna ang bata, subalit ang kanyang hawak na baril ay nakatutok dito. Naguguluhan din ako, bakit mommy ang tawag ni Blake kay Jhoanna. "Anak, ako ang mommy mo.." tawag ko kay Blake. Malungkot niya akong tiningnan, saka tumingin ulit kay Jhoanna, "mommy.." ang kanyang mga mata ay basang basa na sa luha na dulot ng labis na pag iyak. "Tumigil ka na, Jhoanna! hindi namin akalaing magagawa mo ito!" sigaw ni Luis, "wala kang awa! pati bata, idinadamay m
"Ayun," wika ng isang pulis naming kasama, natanaw niya ang isang kotse sa di kalayuan. "Sssh, magdahan dahan tayo, hawak pa ni Jhoanna ang bata. baka kung ano pa ang gawin niya kay Blake," warning ni Cris sa amin. Halos gumapang na lang kami paglapit doon. Pinalibutan namin ang sasakyan, kung saan naroroon iyon sa may gilid ng puno. Binuksan nila ang pinto ng kotse, walang tao sa loob. Nakita pa namin ang mga balat ng candies at chocolates sa lapag. "Naunahan niya tayo, nakatungo agad siya," wika ni Luis sa amin, "halughugin ang paligid, naririyan lang iyon." Parang gumuho ang aking mundo, ng marealized na hindi ko na naman makikita ang aking anak. Sobrang sakit sa puso na ang aking pag aalala ay nagpatung patong pa. Napaupo na lang ako sa isang tabi. Nanlulumo ako at nanlalambot. Masakit para sa akin ang umaasa ng umaasa tapos ako ay mabibigo lang. Sinubukan kong igala ang aking mga mata, baka sakaling may mapapansin akong bakas ni Jhoanna. Nagtungo ako sa sasakyan, at
Habang pinagmamasdan ko si Blake na mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Napakaamo ng kanyang mukha, tila ba walang kamuwang-muwang sa lahat ng gulong nagaganap sa aming paligid. Ang liit ng kanyang katawan, halos magkasya sa upuan ng sasakyan. Napakasimple ng kanyang mundo, walang iniintinding problema, walang iniisip na hinanakit. Sinulyapan ko ang gauge ng gas, kaunting-kaunti na lang. Malapit na itong maubos, at hindi ko alam kung saan kami tutuloy pagkatapos. Wala na akong ibang plano kundi manatili rito, sa loob ng sasakyan na tila ba nagsisilbing tanggulan namin mula sa magulong mundong ito. Pero gaano pa katagal? Hanggang kailan ko kakayanin? Iniisip ko si Justine. Puno ng galit at hinanakit ang puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya, parang apoy na gustong lumabas mula sa aking dibdib. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat. Siya ang pumasok sa buhay namin ni Drake, ang sumira sa lahat ng plano, sa lahat ng pangarap. Isang nakakapason