"Dadalawin ko ang anak ko," kaswal na sagot niya sa akin. Pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na pag aalala. Hindi niya agad naitago ang damdaming iyon. "Sinong may sabing may anak ka dito?" pagtataray ko sa kanya. "Gusto mo, sabihin ko kay Blake na ako ang tatay niya?" malakas niyang sabi. Nilamukos ko ang kanyang bibig, halos hindi na siya makahinga, "bwesit kang eskandaloso ka, wag kang maingay!" mahina pero may gigil kong sabi, "marinig ka nung bata!" "Aray ko naman!" inalis niya ang aking kamay sa kanyang bibig, "makalamukos ka naman ng bibig, sinama mo pa ang ilong ko, papatayin mo ba ko?!" "Ang daldal mo kasi, manahimik ka nga!" hinarap ko si Trina, "sinong nagpapasok sa taong ito dito?" "Yung anak mo," sagot ni Trina sa akin, "saka ano ka ba? nagmamadali nga yang umakyat dito para sayo. Si Blake ang nagsabi sa kanya. Hindi ko na lang pinaakyat ang bata dito at alam kong magrereact ka ng ganyan! isa pa, paano kung natsugi ka na talaga? eh di natrauma ang ba
DRAKE: 'Bakit ganun siya makatingin?' tanong ko sa aking sarili, habang nagmamaneho ako pauwi, 'parang ang laki ng ipinagbago niya.' Naglalakad ako papunta sa aking unit, ng mapansin ko ang isang pigurang sumusunod sa akin. Dali dali ko itong nilingon, bigla niya akong tinalon. "I miss you" bulong niya sa aking tenga. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Wala naman. Halika na sa unit mo. Ipagluluto kita," humawak na siya sa aking braso. Sumunod lang ako sa kanya. Binuksan ko ang aking unit. Nauna na akong pumasok. Bigla niya akong isinandal sa pader pagkasarado ko ng pinto. "Uuuhmp... hmmm" naririnig ko ang kanyang ungol, sa tindi ng pananabik. Nadala ako ng kanyang mapusok na pagkilos. Agad kong hinawakan ang kanyang batok, at pinagpalit ang aming posisyon. Matagal ang halikang iyon, nakakapugto ng paghinga. Ibinaba ko ang aking halik sa kanyang leeg. Napasabunot naman siya sa aking buhok. Ang aking mga kamay ay nagmamasahe sa kanyang dalawang dibdib na nain ng ku
"Justine?" narinig ko ang isang pamilyar na tinig, na inulit kung ano ang sinasabi ko.Unti- unti kong iminulat ang aking mga mata, nasa kama ako, nag iisa. At ang tinig na pinanggalingan noon, ay walang iba kundi kay Jhoanna."Jho--Jhoanna?" napabalikwas ako ng bangon, "A--anong ginagawa mo dito?""Ang tanong ko ang sagutin mo, si Justine? yung ex mo ang nasa panaginip mo ngayon?" naniningkit ang kanyang mga mata. "Talagang naaalala mo pa siya. Anong ginagawa niyo sa panaginip mo? nagsisex?"Lumayo ako sa kanya. Unang pagkakataon ito, na nagalit siya.Sinundan niya ako, "ano? nagienjoy ka ba sa panaginip mo? Masarap ba siya? Tumigil ka nga, kinakausap pa kita!" hinawakan niya ako sa braso at ipinihit paharap. "Ilang linggo lang akong hindi nakipagcommunicate ng maayos sayo kasi busy ako, tapos ito? ganito ang malalaman ko? niloloko mo ko?""Hindi kita niloloko Jhoanna. Kailan kita niloko?" kumuha ako ng tubig saka uminom. "Wag mo na akong baliktarin.""A-anong baliktarin?" tanong niy
"Daddy!!!" sinalubong ako ni Blake ng mahigpit na yakap, "akala ko hindi ka na po darating. Bakit ngayon ka lang?" Naisipan kong magluto at dalahin dito kina Justine para naman mawala ang inis ko kay Jhoanna. Matituwa pang tiyak si Blake kapag nakipaglaro ako sa kanya. "Oo nga eh, pero, kita mo naman, nandito na ako," binuhat ko siya sa aking balikat, "nasaan ang mommy mo?" "Nasa taas po. Halika, doon tayo. Alam mo daddy, may ipinagawa ang ninang ko dun sa likod." pagmamalaki niya sa akin. "Ninang Trina?" tanong ko sa kanya. "Opo, si ninang Trina, ipinagpagawa niya po ako ng playground sa labas. May duyan po ako doon saka slides." Paglabas namin sa bandang likod, may playground nga doon, na nasa buhanginan. Ang ganda ng landscape, parang nasa jungle. "Ang ganda ah," kung ganun, may hidden talent pala ang babaeng iyon. "Sinong nagdesign?" "Kami ni mommy, tapos si tita ang nag asikaso. Ang ganda po ano?" masaya niyang saka siya nagpababa. Tumakbo ang bata patungo sa duya
Check up day ni Blake. Maaga pa lang, nasa hospital na kami. Magiliw kaming sinalubong ni doktora Ledesma. "Hi handsome, kumusta?" bati niya sa anak ko. "Maayos naman po," agad niyang chineck ang likod ng bata. "Good, good," sabi niya habang pinapakinggan ang tibok ng puso ni Blake. Hindi ko na siya matingnan, nahihiya ako at nagiguilty sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano iiexplain sa kanya, na anak ng nobyo niya si Blake. Nahihiya ako. "Doktora, boyfriend niyo po ba ang daddy ko?" inatake ng katabilan ng dila si Blake. Napakunot ang noo ni Doktora, "daddy?" "Opo, yung pinag-iwanan niyo po sakin. Sabi niya po, I can call him daddy." "Ah," tawang tawa siya, "opo, boyfriend ko po ang daddy mo." "Blake, don't talk like that, bad yan," saway ko sa kanya. "Sorry mommy," nginitian lang ako ng aking anak. "It's okay. Baka naghahanap lang siya ng father figure," tinapunan pa ako ni doktora ng mas nakakakonsensiyang tingin. Lalo akong naguilty, pakiramdam ko, ang sama kong tao.
DRAKE:Himala sa lahat ng himala, umuwi si Jhoanna sa akin. Nagleave daw siya ng isang linggo dahil pakiramdam niya ay napapabayaan na niya ako at kumukuha na ako ng atensiyon ng ibang tao. Bigla siyang naalarma noong malamang nagkikita na ulit kami ni Justine at may isa na kaming anak."Ipagluluto kita ng paborito mo babe. Hindi ako aalis ngayon. Alam mo ba, madami ng doctor na maaaring pumalit sa akin, kaya maaari na akong makaalis at makapagpahinga. Imagine that, makakasama mo na ulit ako," kwento niya sa akin habang nagluluto. "Saka namiss kong asikasuhin ka. Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw."Nanonood lang ako ng palabas. Hindi ko siya masyadong naiintindihan. Hindi na ako interesado sa mga nais niya pang ikwento, dahil gusto kong makita ang aking anak."Babe? are you with me?" tanong niya, na tinanguan ko na lang. "Babe, may problema ka ba?""Wala, may mga projects lang akong iniisip. Mahahanap kami ng batang commercial model para sa brand ng damit na ilalabas nami
JUSTINE: Iyak ng iyak si Jhoanna sa aking harapan. May malaki itong pasa sa may pisngi. Bago pa lang iyon at hindi pa ganoon kahalata. Malaki iyon, marahil ay tama ng kamao. "Sabi ko lang naman sa kanya, bakit kailangan pang ipaDNA ang bata kung sigurado naman siyang anak niya si Blake, nagalit siya sa akin, kasi pakialamera daw ako," halos maubos na ang tissue na ibinigay ko sa kanya kakapunas sa kanyang luha, awa at habag ang aking naramdaman. Kung gayun, hindi pa rin pala nagbabago ang lalaking iyon. "Noong nakaraan, na mag-usap-usap tayo dito, galit na galit siya sa akin, at pinagleave niya ako agad." "Bakit hindi mo siya hiwalayan?" tanong ko kay Jhoanna,"baka kung ano pa ang magawa niya sayo?" "Ako na lang ang nakakaunawa sa kanya, iiwanan ko pa ba siya? wala ng matitira sa kanya, hindi nga kayo nag stay ni Janella hindi ba? ayokong maramdaman niya na nirereject ulit siya, tutulungan ko siya. Saka inuumpisahan ko ng patigilin siyang gumamit ng droga. Naku, pasensiya ka n
Janna: Kaharap niya ngayon si Drake sa kanyang opisina, at tulad nh sinabi ni Jhoanna, gusto nga niyang ipaDNA ang aking anak. Tinititigan ko siya habang nagsasalita. Inaarok ko ang lalim ng kanyang pagnanais. "For formality lang naman yun, if you don't mind," ngumiti pa siya na akala mo normal na tao talaga, at walang ginagawang hindi maganda. "No," kaswal kong sagot sa kanya. Simpleng sagot lang iyon, subalit ang impact sa kanya ay malala. Ang kaninang niting nasa labi niya ay nawala. Hindi na nagniningning ang kanyang mga mata, at napalitan iyon ng pagtatanong, "wa-what?" "Ayoko," pumipirma ako ng mga papers, subalit kita ko sa sulok ng aking mata ang kanyang reaksiyon. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "Ba-bakit ayaw mong ipaDNA si Blake?" inis na inis siya at kulang na lang ay hawiin ang aking lamesa. "Basta, ayoko lang. Guguluhin ko pa ba ang utak ng aking anak dahil lang sa kapritso mo? anong sasabihin ko sa kanya kung sakali? Alam mo kasi