DRAKE: Nagdadalamhati ang aming pamilya sa pagkawala ng aking pinsan na si Dixson. Hindi ko na nakuhang bumalik sa hospital upang makausap si Justine. 'Nakita na ba siya?' tanong sa akin ni Jhoanna ng minsang tawagan niya ako. "Hindi pa." tugon ko sa kanya. 'Magiging okay din ang lahat' "Salamat." Ang tawag ni Jhoanna, ay maiiksi lang. Isang linggo na mula nung huli kaming magkita. Ngayon pa lang nakikilala ang hospital na iyon, kaya maganda ang flow ng career niya. Subalit ang relasyon namin, unti unti na niyang napapabayaan. Ito ang ikinakatakot ko kapag naging maluwag ako sa isang babae. Ang kalimutan nila ako. Akala ko, magiging maayos na ang buhay ko sa pakikipagrelasyon, subalit hindi pa pala. Nalulungkot pa naman ngayon ang pamilya namin, dahil sa trahedyang ito. Kailangan ko sana siya, ngunit wala. Hindi siya maaari, hindi siya pwede. "Kumusta ka na?" tanong ni kuya Cris sa akin. "Okay naman, masaya," sa iba akong panig ng bahay nakatingin. "Masaya? masay
"Hello, sino to?" isang hindi pamilyar na numero ang rumehistro sa aking cellphone. 'Si Drake to,' biglang nanindig ang aking balahibo sa kanyang boses. "Si-sinong Drake?" nagkunwari pa akong hindi ko siya nabosesan. 'Tigilan mo ako sa inaarte mo, Justine! paano ka nakapasok sa unit ko? nag iwan ka pa ng numero at address!'. Naalala ko noong minsang magkunwari akong checker. Iniwan ko pala ang address ko sa vault sa kwarto niya. Nagsisi na lang ako. Bigla akong bumaba. Nasa labas na si Blake, at kinakausap ni Drake. "Paano niyo po nalaman ang bahay namin tito?" narinig kong tanong ni Blake. "Kaibigan ko kasi ang--" "Anong ginagawa mo dito?" malakas ang tinig ko. "Ma'am, sabi ni Blake, kilala daw niya si sir," halata ang kilig sa tinig ng nurse, "ang gwapo niya pala sa personal." "Ipasok mo na si Blake--" "Sandali! hindi mo ba ako papapasukin?" tanong niya sa akin, "may dala akong pasalubong sa bata." "Talaga po? nagniningning ang mata ni Blake sa narinig, "ano
DRAKE:Habang pauwi na ako, hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Blake. Bigla akong ginanahan ulit. Parang gusto ko na naman maging artista. Sabi kasi ni Blake, gusto niyang maging artista, parang gusto niyang sumunod sa aking yapak.Pangiti ngiti pa ako, ng tumunog ang aking cellphone, si Jhoanna.."Yes?" malamig ang aking tinig habang naka speaker phone."Nagtatampo ka pa ba? babawi naman ako sayo eh, promise," malambing niyang sabi sa akin."Hindi naman. Oh ,nasa biyahe kasi ako eh. Baka busy ka.. bye," hindi ko na siya hinintay na sumagot, pinatay ko na ang tawag na iyon.Nakakatuwa ang anak ko. Pero kailangan kong sundin ang kahilingan ng mommy niya. Ayoko naman siyang biglain. Lalo na ang anak ko, na kamukhang kamukha ko palang talaga.Kung hindi ako iniwan ni Justine, baka kasal na kami. At baka hindi lang iisa ang anak namin.Iniisip ko tuloy, kung ganoon ba talaga ako kasama at iniwan niya ako. Hindi ba tama ang ginagawa ko noon? ngayon, nagbago na ako, ngunit parang hindi
JUSTINE: "Na-nalaman na ni Drake na may anak kayo?" tumango lang ako sa tanong ni Trina, "gaga.. paano niya nalaman?" "Ka-kasi.. nung magkunwari akong nag apply ng trabaho, nalaman ko ang unit niya.. a- at.. nag iwan ako ng address at pangalan ko sa-- sa vault niya." napakagat ako sa aking pang ibabang labi sa pagiexplain ko sa kanya. "Ayun, ayun naman pala! kasalanan mo! Diyos ko, ano namang naisipan mo at ginawa mo yun?" nakapameywang pa siya sa harapan ko. "Na-- nataranta ako friend. Hindi ko kasi malaman ang gagawin ko para makausap siya." "What if ang makabasa non ay ang jowa niyang si Jhoanna? eh di nag cause ka lang ng gulo?" inis niyang singhal sakin, "ano ka ba naman kasi friend, inatake ka na naman ng kawalang pag iisip." "So--sorry na friend. Nakalimutan ko kasi.." napatungo ako, "teka-- ikaw ba ang may anak dito? bakit pinagagalitan mo ko?" nakakunot ang aking noo ng tanungin ko siya. "Ah.. eh hehehe sorry na, oh sige, magkwento ka na lang," noon pa lang siya
"Dadalawin ko ang anak ko," kaswal na sagot niya sa akin. Pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na pag aalala. Hindi niya agad naitago ang damdaming iyon. "Sinong may sabing may anak ka dito?" pagtataray ko sa kanya. "Gusto mo, sabihin ko kay Blake na ako ang tatay niya?" malakas niyang sabi. Nilamukos ko ang kanyang bibig, halos hindi na siya makahinga, "bwesit kang eskandaloso ka, wag kang maingay!" mahina pero may gigil kong sabi, "marinig ka nung bata!" "Aray ko naman!" inalis niya ang aking kamay sa kanyang bibig, "makalamukos ka naman ng bibig, sinama mo pa ang ilong ko, papatayin mo ba ko?!" "Ang daldal mo kasi, manahimik ka nga!" hinarap ko si Trina, "sinong nagpapasok sa taong ito dito?" "Yung anak mo," sagot ni Trina sa akin, "saka ano ka ba? nagmamadali nga yang umakyat dito para sayo. Si Blake ang nagsabi sa kanya. Hindi ko na lang pinaakyat ang bata dito at alam kong magrereact ka ng ganyan! isa pa, paano kung natsugi ka na talaga? eh di natrauma ang ba
DRAKE: 'Bakit ganun siya makatingin?' tanong ko sa aking sarili, habang nagmamaneho ako pauwi, 'parang ang laki ng ipinagbago niya.' Naglalakad ako papunta sa aking unit, ng mapansin ko ang isang pigurang sumusunod sa akin. Dali dali ko itong nilingon, bigla niya akong tinalon. "I miss you" bulong niya sa aking tenga. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Wala naman. Halika na sa unit mo. Ipagluluto kita," humawak na siya sa aking braso. Sumunod lang ako sa kanya. Binuksan ko ang aking unit. Nauna na akong pumasok. Bigla niya akong isinandal sa pader pagkasarado ko ng pinto. "Uuuhmp... hmmm" naririnig ko ang kanyang ungol, sa tindi ng pananabik. Nadala ako ng kanyang mapusok na pagkilos. Agad kong hinawakan ang kanyang batok, at pinagpalit ang aming posisyon. Matagal ang halikang iyon, nakakapugto ng paghinga. Ibinaba ko ang aking halik sa kanyang leeg. Napasabunot naman siya sa aking buhok. Ang aking mga kamay ay nagmamasahe sa kanyang dalawang dibdib na nain ng ku
"Justine?" narinig ko ang isang pamilyar na tinig, na inulit kung ano ang sinasabi ko.Unti- unti kong iminulat ang aking mga mata, nasa kama ako, nag iisa. At ang tinig na pinanggalingan noon, ay walang iba kundi kay Jhoanna."Jho--Jhoanna?" napabalikwas ako ng bangon, "A--anong ginagawa mo dito?""Ang tanong ko ang sagutin mo, si Justine? yung ex mo ang nasa panaginip mo ngayon?" naniningkit ang kanyang mga mata. "Talagang naaalala mo pa siya. Anong ginagawa niyo sa panaginip mo? nagsisex?"Lumayo ako sa kanya. Unang pagkakataon ito, na nagalit siya.Sinundan niya ako, "ano? nagienjoy ka ba sa panaginip mo? Masarap ba siya? Tumigil ka nga, kinakausap pa kita!" hinawakan niya ako sa braso at ipinihit paharap. "Ilang linggo lang akong hindi nakipagcommunicate ng maayos sayo kasi busy ako, tapos ito? ganito ang malalaman ko? niloloko mo ko?""Hindi kita niloloko Jhoanna. Kailan kita niloko?" kumuha ako ng tubig saka uminom. "Wag mo na akong baliktarin.""A-anong baliktarin?" tanong niy
"Daddy!!!" sinalubong ako ni Blake ng mahigpit na yakap, "akala ko hindi ka na po darating. Bakit ngayon ka lang?" Naisipan kong magluto at dalahin dito kina Justine para naman mawala ang inis ko kay Jhoanna. Matituwa pang tiyak si Blake kapag nakipaglaro ako sa kanya. "Oo nga eh, pero, kita mo naman, nandito na ako," binuhat ko siya sa aking balikat, "nasaan ang mommy mo?" "Nasa taas po. Halika, doon tayo. Alam mo daddy, may ipinagawa ang ninang ko dun sa likod." pagmamalaki niya sa akin. "Ninang Trina?" tanong ko sa kanya. "Opo, si ninang Trina, ipinagpagawa niya po ako ng playground sa labas. May duyan po ako doon saka slides." Paglabas namin sa bandang likod, may playground nga doon, na nasa buhanginan. Ang ganda ng landscape, parang nasa jungle. "Ang ganda ah," kung ganun, may hidden talent pala ang babaeng iyon. "Sinong nagdesign?" "Kami ni mommy, tapos si tita ang nag asikaso. Ang ganda po ano?" masaya niyang saka siya nagpababa. Tumakbo ang bata patungo sa duya