Ikinuwento ko lay Trina ang pagkikita namin ni Drake."Nagkita sila nung bata?" tanong niya sa akin, na halatang nag aalala."Hindi.. hindi sila nagkita.""Kailangan mo na siyang kausapin tungkol sa anak mo. Ilang beses ko ng sinasabi sayo, na ang pride ay panlaba lamang," sagot niya sa akin, "naibaba mo noon ang panty mo, ngayon, pride mo na lang, di mo pa maibaba?""Bunganga mo naman, Trina, baka marinig ka ng inaanak mo!" saway ko sa kanya. "Ikaw talaga, walang kapreno preno!""Wala akong sinabing masama ano. Yung mga kamag anak ba ni Drake, may posibilidad na kamatch din ni Blake?" tiningnan ako ng diretso ng kaibigan aking kaibigan.Napatingin din ako sa kanya. Hindi ko naisip ang bagay na iyon. Hindi nga kaya? may posibilidad nga kaya?"Alam mo, ang galing mo.. hindi ko man lang naisip yan. Saan mo kinuha ang utak na yan?" biro ko sa kanya."Ikaw lang naman ang walang utak, yung sakin kasi, hindi overused," saka kami nagkatawanang dalawa."Sa-- palagay mo kaya.. pwede?" nag aala
"Kuya Luis.." bati ko sa kanya ng papasukin ako ng secretary niya sa kanyang opisina. Nangunot ng bahagya ang kanyang noo, saka ako tiningnan, na hindi ko mabasa ang ekspresiyon."Oh, Justine, long time no see," hindi siya ngumingiti, subalit hindi naman siya galit. "Have a seat.""Kumusta kayo," bati ko, saka ako naupo sa kanyang harapan."Good, ikaw? anong masamang hangin ang nagdala sayo dito? five years ka ding nawala ah." may konting pang uuyam ang mga katagang binitawan niya."Itatanong ko lang sana kung-- kung saan tumutuloy si Drake? nagpunta kasi ako sa dati niyang condo, wala siya doon eh.""Hindi ko alam sa ngayon kung saan tumitira yun. Madalang na siyang umarte, ewan ko, naging introvert ata siya. Subukan mong magtanong kay cris, sila ang mas close non," saka niya binalikan ang kanyang mga binabasang papeles.Ganito talaga ata ang magkakamag anak na ito, parang mga walang paki sa mundo. Naramdaman ata niyang tinitingnan ko siya, nagulat pa ako ng magsalita siya."May kail
Nilakad ko ang lugar na sinasabi ni Jhepoy, hindi dito tumuloy ang kaibigan niyang driver. Baka na ka off ito. Natanaw ko ang isang magandang building, nag iisa iyon sa 18th Avenue. "Malamang, ito na yun," sabi ko sa sarili ko. Naglakad ako, palapit sa entrance ng condo na iyon. May guard, at malawak na lobby. "Hotel ba ito?" Papasok na sana ako, ng pigilan ako ng guard, "ma'am, sino po kayo?" "Ah-eh- ma-may kaibigan ako diyan sa loob." pagsisinungaling ko. "Sino po? dito ho tayo sa tabi. Sino ho ang kaibigan niyo diyan?" tanong niya. "Si- si Drake Sanchez.." tugon ko sa kanya. Biglang kumunot ang noo nito. "Wala hong Drake Sanchez dito.." sagot ng guard sa akin, "baka nagkakamali ho kayo ng lugar." Ako naman ang nagulat. "Si-sigurado po ba kayong walang Drake Sanchez dito?" "Wala ho. Saka, bawal ho dito ang pumasok kapag hindi kasama ang may ari ng unit." Hindi na ako nagpumilit. Napatingin na lang ako sa labas. May mga cleaner na nakaputi, at sunod sunod na pumasok
Nasa 10th floor na. Grabe ang kaba na nararamdaman ko, ng pasukin namin ang room 10B. Unit nga iyon ni Drake. Walang mga larawan doon na nakadisplay. Simple lang ang hitsura noon, pero napaka elegante. Maganda ang sofa na naroroon, mint green ang kulay ng loob ng unit.Pasimply akong nagtungo sa kwarto. Maganda ang matremonial bed na naroroon. Binuksan ko ang banyo, amoy pa rin ng dati. Hindi nagpapalit ng sabon si Drake. Bigla akong nalungkot ng maalala ko siya. Ilang buwan din kaming nagsama, kaya ramdam ko pa rin ang kanyang presensiya sa puso ko, ngunit ang mas mahalaga sakin ngayon ay ang anak ko.Hinayaan kong bukas ang pinto para kunwari, tiningnan ko lang ang mga dapat linisin. Nag umpisa na kasi silang maglinis ng kabilang kwarto."Lalabas na ako, titingnan ko yung iba," paalam ko sa kanila.Ngayon, sigurado na ako, na ito ang kanyang unit. Isa sa mga araw na ito, makocorner ko rin siya kung saan man siya naroroon. Hinintay ko silang matapos magtrabaho. Pagbalik namin sa opi
"Hoy! Drake Sanchez! puro ka yabang at kagwapuhan lang ang alam mong gawin sa buhay! bakit hindi ka lumaban ng karera sakin ha!" sigaw ni Andrew, dati kong kaibigan. "Kapag inggit, pumikit na lang. Kaya hindi ka sumisikat, masyado kang mayabang!" sigaw ko sa kanya. Mayabang talaga ang isang to, kaya hindi sumikat sikat. "Woooo, ang sabihin mo, duwag ka lang! wag kang maraming sinasabi diyan, ano mga par? eh duwag pala tong Sanchez na to eh! magaling ka lang kapag kasama mo ang mga pinsan mong pulpol na kagaya mo! pa marine marine pa kayo, mga duwag naman!" pang aasar pa niya sa akin. "Janella, sakay!" sabi ko sa girlfriend ko. "Wag mo na lang kasi silang patulan Drake," awat sa akin ni Janella, "baka mapahamak lang tayo." "I said, get in!" bulyaw ko sa kanya. Nagmamadali naman siyang pumasok, "sige, game! ang matatalo, sa impiyerno ang bagsak!" "Yun oh.. talagang lalaban na siya, let's go!!" sumakay na si Andrew sa kotse niya, kasama ang girlfriend nito. Pinapainit ko na
Niyaya ako ng mga pinsan ko na mag bar hopping. Kararating lang ni Kuya Cris mula sa ibang bansa. Isa siya sa tinitingala kong tao, dahil sa kanyang tatag ng loob. Na kahit ulila na siya, nakayanan niya pa rin ang lahat ng bagay ng nag iisa siya. Naiwan siya sa America noong magdecide na kaming mag uwian ng Pilipinas para mag settle ng aming mga career. Hindi pa sila dumarating kaya naglaro muna ako ng ML. Buti pinayagan ako ni Mira na maghappy happy at magsaya, masyado na akong burn out sa trabaho. Halos patayin ko na ang sarili ko sa mga taong lumipas. "Deserve ko naman to" bulong ko sa sarili. Pagtaas ko ng aking paa, may dumaan sa harapan ko, at huli na para bawiin ko ang aking gagawin, napatid ko na siya sa paa. May dala siyang tray na may laman. Nadapa siya ng tuluyan. "Ano ba yan Miss! are you blind?," agad ko siyang dinaluhan para pulutin ang mga bumagsak na bote. "Justine! anong nangyari?" malamang, manager iyon, "hindi ka na naman nag iingat! Sir, pasen-- Drake San
Dumating na sa wakas ang aking mga pinsan, after 95 years! Ano ba kasing naisipan ng mga ito at hindi agad nagsidating! Ang siste, hindi pa sabay sabay! "Kuya Cris," tawag ko sa pinsan ko, na malayo pa lang, nakangiti na sa akin. "Kanina ka pa?" tanong niya sa akin, nagyakapan kami at nagtapikan ng likod. "Tinubuan na ko ng ugat," nakanguso kong sabi sa kanya. "Ang usapan natin, alas sais ah." "Naku, sigurado ako, late ka rin dumating!" ginulo niya ang aking buhok. "Kuya naman, guluhin mo na ang buhay ko, wag lamang ang buhok ko," umiiwas ako sa kanyang mga kamay. "May pinagpapacutan ka siguro dito ano?" naupo na kaming dalawa sa aming table. Cubicle iyon na glass, pwedeng isara ang pinto kapag naiingayan sa tugtog, at pwede rin namang hindi. "Wala no. Alam mo namang si Janella lang ang laman ng puso ko." sagot ko sa kanya. "Kalimutan mo na si Janella, matagal na siyang wala," sabi niya sa akin. "Kung ganoon lang kadali kuya, ginawa ko na," mapait akong ngumiti sa kanya, "ika
Justine:"Sir, wag na ako ang magserve sa mga Sancgez na yun, alam niyo namang allergic ako sa mga yun!" tanggi ko sa manager namin. Ang alam ko, mas malala pa kay Drake ang mga pinsan nito. *Nakakainis ang Drake na tun, rapos kasama pa ang mga pinsan niya na katulad niyang baliw!""Sssh!! ano ka ba, ang bunganga mo!" saway sa akin ni sir, "sige, kakausapin ko na lang si Drake mamaya, sasabihin ko na busy ka.""Salamat sir!" nakahinga ako ng maluwag. "Baka mawalan pang ako ng trabaho ka0ag ako ang nagsilbi sa mga yun.""Bakit ka ba kasi nagagalit kay Drake, eh ang bait nun?" taning ni sir sakin. Gusto ko sanang sabihin na bakla siyang kinikilig, kaso baka magalit pa sakin."Basta, ayoko lang!" tanggi ko. Naiinis ako sa Drake na iyon!At ito na nga, halos isang oras din ang lumipas, bigla akong tinawag ni sir Gab."Ikaw daw ang magsiserve sa kanila," sabi niya sa akin."Sir? akala ko ba hindi na ako? bakit ako?" nagtataka kong tanong. Masama ang tingin na ibinato ko sa lalaking mayaban