Share

Chapter 57

Nilakad ko ang lugar na sinasabi ni Jhepoy, hindi dito tumuloy ang kaibigan niyang driver. Baka na ka off ito. Natanaw ko ang isang magandang building, nag iisa iyon sa 18th Avenue.

"Malamang, ito na yun," sabi ko sa sarili ko. Naglakad ako, palapit sa entrance ng condo na iyon. May guard, at malawak na lobby. "Hotel ba ito?"

Papasok na sana ako, ng pigilan ako ng guard, "ma'am, sino po kayo?"

"Ah-eh- ma-may kaibigan ako diyan sa loob." pagsisinungaling ko.

"Sino po? dito ho tayo sa tabi. Sino ho ang kaibigan niyo diyan?" tanong niya.

"Si- si Drake Sanchez.." tugon ko sa kanya. Biglang kumunot ang noo nito.

"Wala hong Drake Sanchez dito.." sagot ng guard sa akin, "baka nagkakamali ho kayo ng lugar."

Ako naman ang nagulat. "Si-sigurado po ba kayong walang Drake Sanchez dito?"

"Wala ho. Saka, bawal ho dito ang pumasok kapag hindi kasama ang may ari ng unit."

Hindi na ako nagpumilit. Napatingin na lang ako sa labas. May mga cleaner na nakaputi, at sunod sunod na pumasok
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status