Share

Chapter 50

HINDI mapakali sa opisina si Clyde. Palakad-lakad siya sa harapan ng kaniyang mesa habang iniisip ang mga isiniwalat sa kaniya ng bago nilang witness na nakausap niya kanina nang pumunta siya sa presinto.

Ayon sa witness, bukod kay Jack Manabat na isa sa mga suspek ay nakita rin nito si Mang Dante kasama ang mga tauhan nito sa talyer. Inaalalayan ng mga ito palabas ng eskinita si Annie at ang isang lalaki na bigo namang mapangalanan ng witness.

Bagama't hindi tukoy ng saksi ang pangalan ng lalaki, nagawa pa rin iyong makilala ni Clyde base na rin sa pagkakalarawan nito rito. Sabi ng witness ay ito raw iyong nobyo n'ong magandang babae na nakatira roon sa lumang tenement.

Malakas ang hinala niya na si Calista ang babaeng tinutukoy ng saksi dahil sa pagkakalarawan na rin nito rito. Marami rin kasi sa mga naninirahan doon sa Barry Hills ang nakakakilala kay Calista dahil sa taglay nitong pambihirang kagandahan.

Hindi niya napigilan ang sarili kanina na mapailing-iling nang sabihin ng wi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status