Share

Chapter 55

Author: Chel Aguirre
last update Last Updated: 2022-11-06 21:50:44
"NEGATIVE, Sir," sabi kay General Rolando Agustin ng isa sa mga scientist ng WW-Force sabay abot sa kaniya nito ng papel kung saan nakalagay ang test result ni Marcus.

Marahas na hinablot ni General Agustin ang papel at ibinagsak iyon sa kaharap na mesa habang mabigat ang paghinga. Nagagalit siya dahil ayaw niyang paniwalaan ang lumabas sa test. Nang makarating sa kaniya ang report na may nahuling taong-lobo ang mga tao niya sa Barry Hills ay labis siyang umasa na sana ay totoo nga na taong-lobo ang nahuli ng mga ito. Sa tagal kasi ng paninilbihan niya sa kanilang organisasyon ay palagi na lamang silang nabibigo na makahuli ng totoong taong-lobo.

Bukod sa matinding galit niya sa mga taong-lobo dahil sa pagpatay ng mga ito sa pamilya nila ni Clyde ay mayroon ding lihim na agenda silang mga nakatataas sa organisasyon. Ang sikretong dahilan ng paghuli nila sa mga taong-lobo ay patago silang gumagawa ng pag-aaral para alamin kung paano ma-a-adapt ng isang tao ang pambihirang kakayahan ng m
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 56

    "MASYADONG delikado ang pinaplano mo, mahal na Reyna. Hayaan mong samahan kita," nag-aalalang sabi ni Mang Sebastian kay Calista na naghahanda na ngayon sa pagbabalik niya sa facility para itakas sina Marcus at Mang Dante.Inayos ni Calista ang kulay itim niyang kasuotan, ang damit na sinusuot lamang nila kapag nakikipaglaban sa kanilang mga kalaban. Ipinusod niya rin ang kaniyang mahabang buhok, saka tinakpan ng itim din na tela ang kaniyang buong mukha at tanging ang mga mata niya lamang ang kita."Mas kailangan ka rito ng mga katribo natin, Mang Sebastian. Kahit ano'ng mangyari, tuloy ang gagawin nating pagtakas mamayang hatinggabi," sabi ni Calista matapos isukbit sa kaniyang likuran ang kaniyang espada. "Kung hindi po kami makabalik sa takdang oras, mauna na po kayong umalis. Susunod na lang kami.""Subalit kamahalan_.""Mang Sebastian, we're running out of time. Please... Ito na lang po ang naiisip kong paraan para pareho kong maprotektahan ang tribo natin at sina Marcus. You ha

    Last Updated : 2022-11-14
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 57

    MULA sa mataas na bakod sa gilid ng gusali, lumundag si Calista papasok ng compound. Nagawa niya iyon nang walang nalilikha na kahit kaunting ingay. Luminga-linga siya upang siguruhin na walang nakakakita sa kaniya. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang makitang walang mga tao sa paligid. Tumakbo siya patungo sa gilid ng gusali. Tinalunton niya ang makipot na sementadong daan sa tabi nito at naghanap na ng pwede niyang madaanan papasok.Pagkalipas ng ilang minuto, natagpuan niya ang isang maliit na bintana sa ibaba ng pader. Napagtanto niya na patungo iyon sa basement. Sumilip siya at nang masiguro na walang tao sa loob ay kaagad na siyang lumusot papasok. Madilim at amoy alikabok ang buong paligid. Subalit dahil sa matalas ang night vision nilang mga taong-lobo, kahit madilim ay nakikita niya pa rin ang mga bagay sa kaniyang paligid.Inilibot ni Calista ang kaniyang tingin. Nasa loob siya ngayon ng isang maliit na opisina na sa tingin niya ay matagal nang hindi ginagamit dahil

    Last Updated : 2022-11-19
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 58

    ["SIGURADO ka bang sa pasilyong ito sila dumaan?"]Seryosong tiningnan ni Talya ang kaniyang radyo na nakalapag sa mesa nang marinig doon ang boses ni Lieutenant Navarro. Nasa loob siya ngayon ng control room at siya ang nakatoka na magbantay sa mga camera sa buong building.Muli niyang ibinalik ang tingin sa monitor na nasa kaniyang harapan. Sa isa sa mga camera, napapanood niya si Mang Dante na nakikipaglaban sa mga kasamahan niyang sundalo samantalang sa isang bahagi naman ay nakikita niya sina Marcus at ang kasama nitong nakaitim na damit na tumatakbo habang tumatakas sa mga sundalong tumutugis sa mga ito. Bumuntong-hininga siya at umiling-iling. Nakatago man ang mukha ay nakikilala niya pa rin kung sino ang nagtatago sa itim na kasuotang iyon. Si Calista."You're in the right way, Sir Navarro. Kadadaan lamang diyan ng mga suspect," sabi niya kay Lieutenant Navarro kahit pa ang totoo ay nasa kasalungat na corridor sina Marcus.["Pero napakatahimik sa pasilyong ito,"] may pag-aalang

    Last Updated : 2022-11-25
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 59

    MABILIS na hinila ni Clyde papasok sa silid ang taong kaharap niya nang marinig ang papalapit na yabag sa pasilyo. Pagkasara ng pinto, marahas niyang isinandal ito sa pader habang nakatutok pa rin dito ang hawak na baril. Dahil sa maliit na espasyong nakapagitan sa kanila ay naririnig niya na ang mabibigat nilang hininga.Halos kumawala naman ang puso ni Calista sa kaniyang dibdib sa sobrang kaba ngayong wala na siyang takas kay Clyde. Sinubukan niyang kumilos subalit mariin siyang hinawakan ni Clyde sa isa niyang balikat at muli siyang isinandal sa pader. "Make one wrong move, I swear... I'll pull the trigger," mahinang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ni Calista nang hinawakan na ni Clyde ang dulo ng telang nakatakip sa mukha niya. Pigil ang hiningang nanigas ang kaniyang buong katawan nang unti-unti na nitong ibinaba ang maskara niya. Kunot-noo namang napatitig si Clyde sa mukha ni Calista subalit tila hindi rin naman na siya nagulat. Tila ba matagal niya nang alam ang tinatago ni

    Last Updated : 2022-11-30
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 60

    "NANG nasa bingit na siya ng kamatayan, unti-unti po siyang bumalik sa dati niyang anyo," sabi kay Clyde ng isa sa mga sundalong nakaharap ni Marcus. Nasa loob sila ngayon ng lab kung saan naroroon ang bangkay ni Marcus. Puno ng tama ng baril ang katawan nito. Ayon sa mga sundalong nakaligtas, nahirapan silang kalabanin ito dahil sa pambihira nitong lakas nang nasa anyong lobo ito. Bukod do'n, hindi rin ito madaling patayin sa hindi nila matukoy na dahilan. Nanghihina lamang daw ito sa bawat ginagawa nilang pag-atake. Subalit nang ginamit nila ang isa sa mga baril ni General Rolando Agustin na nakuha nila sa opisina nito ay saka lamang ito namatay. Ang baril kasing iyon ay nagtataglay ng mga bala na yari sa pilak na siyang pangunahing kahinaan ng mga taong-lobo."Burn his body," utos ni Clyde sa kasamang sundalo bago siya lumabas ng lab. Sumunod naman sa kaniya iyong sundalo palabas."Pero mahigpit pong bilin ni Heneral na ingatan namin ang katawan niya dahil gagamitin siya sa pag-aara

    Last Updated : 2022-12-03
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 61

    LUBHANG napakabigat ng pakiramdam ni Clyde nang unti-unting bumalik ang kaniyang ulirat. Higit na masakit ang likod ng kaniyang ulo dulot ng pagkakapalo sa kaniya kanina. Dahan-dahan siyang dumilat. Bagama't umiikot ang paningin ay pinilit niya pa ring suyurin ng tingin ang paligid.Nasa loob siya ng isang madilim na silid at tanging ang maliit na bombilya lamang sa tapat ng ulo niya ang nagbibigay ng munting liwanag sa kapaligiran. Wala ring mga bintana sa silid at tanging isang pintuan lamang ang maaaring madaanan paalis doon. Ikiniling niya ang kaniyang ulo sa kanan niya at nakita ang isang parihabang mesa. Sa ibabaw n'on ay nakapatong ang maraming mga bote na sa tingin niya ay mga gamot. Agaw pansin din doon ang mga nakahilerang hiringgilya na naglalaman ng mga kulay asul na likido.Tinablan siya ng matinding kaba nang makita ang mga iyon. Sinubukan niyang bumangon mula sa pagkakahiga subalit hindi siya natinag sa kaniyang puwesto. Saka niya lang napagtanto na nakatali pala ang kan

    Last Updated : 2022-12-05
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 62

    NAPASINGHAP si Allen matapos magulat dahil sa narinig na putok ng baril. Aligaga niyang inilibot ang tingin sa sinasakyang pampasaherong bus subalit nagtaka siya nang makitang kalmado lang naman ang mga kapwa niya pasahero at ang ilan pa nga sa mga ito ay natutulog. Nananaginip lang ba siya?Nilingon niya ang katabing pasahero, katulad ng iba, tulog din ito. Napabuntonghininga na lamang siya at ipinagpalagay na nananaginip lang siya dahil sandali siyang napaidlip. Isinandal niya ang likod ng kaniyang ulo sa upuan at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Malalim na ang gabi at halos lahat ng kabahayang nadadaanan nila ay nakapatay na ang mga ilaw.Dahil sa nangyaring kaguluhan sa facility ay nagpasya ang kanilang superiors na pansamantalang pabalikin ang ilan sa mga trainee sa kanilang mga kampo subalit may ilan din naman na pinahintulan na umuwi muna sa kanilang mga pamilya. At isa na nga roon si Allen.Mas minabuti ni Allen na umuwi na lang muna sa kaniyang Ate Aimen sa pangamba na

    Last Updated : 2022-12-07
  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 63

    "MANG DANTE!" Patakbong yumakap si Calista kay Mang Dante nang datnan niya ito sa kaniyang bahay. Natutuwa siya at nagpapasalamat na nakabalik pala ito nang ligtas sa Montgomery.Hindi nagsalita si Mang Dante ngunit niyakap din siya nito pabalik. Ramdam niya sa yapos nito na natutuwa rin itong nakabalik siya."Masaya kaming nakabalik ka na, mahal na Reyna," bati naman ni Mang Sebastian na nakatayo sa tabi nila. Ilang sandali pa, iginala nito ang paningin, sumingot-singot, at pinakiramdaman ang paligid. Kaagad na rumehistro ang lungkot sa mga mata ni Mang Sebastian. "Hindi niyo po ba kasama si Marcus?"Dahil sa tanong ni Mang Sebastian ay muling nanariwa sa alaala ni Calista kung paano sila nagkahiwalay ni Marcus nang tumatakas sila sa mga sundalo. Nanginginig at nanlalambot ang mga tuhod na napasalampak siya sa sahig. Itinakip niya ang mga palad sa mukha at humagulhol.Nagkatinginan sina Mang Dante at Mang Sebastian. Alam na nila ang ibig sabihin ng pag-iyak ni Calista. Wala na si Marc

    Last Updated : 2022-12-10

Latest chapter

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Epilogue

    13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 80

    MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 79

    ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 78

    NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 77

    MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 76

    "YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 75

    PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 74

    "WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter

  • Moonlight Warriors (Tagalog)   Chapter 73

    HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status