Share

Chapter 46.1

NAPALINGON si Clyde sa mababang tarangkahan ng bakanteng lote sa tabi ng kanilang barracks nang marinig na may pumalakpak doon. Nakita niya si Allen na nakatayo roon at nakangiti siyang tinitingnan. Dahil sa nakatuon ang buong atensyon niya sa pagsasanay ay hindi niya namalayan na pinanonood pala siya nito. Itinukod niya ang dulo ng hawak na espada sa lupa at nakasimangot na tiningnan ito.

Sumaludo si Allen sa kaniya na bihira lang naman niyon gawin. Marahil nagbigay pugay ito sa kaniya dahil naroroon din ang ilan sa mga sundalong sakop niya.

Tumungo siya sa bahagi ng tarangkahan kung saan nakasabit ang tuwalya niya. Kinuha niya iyon at nagpunas na ng pawis. Lumapit naman sa kaniya si Allen.

"Galit na galit, Sir ah," sabi nito.

Hindi siya sumagot dahil halata naman iyon sa bawat wasiwas niya ng kaniyang espada. Inaamin niya, hindi siya nakatulog nang maayos dahil doon sa lalaking kasama ni Callie kagabi. Ang dami niya na ngang problema ay dumagdag pa ang lalaking iyon.

"Pwede ko bang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status