Share

Chapter 48

PAGKABABA na pagkababa ni Clyde ng minaneho niyang army truck ay ang grupo ng kapulisan at ang mga nag-uumpukang mga tao ang bumungad sa kaniya.

Nabalitaan niya na nagkaroon ng patayan kanina sa isang eskinita malapit sa palengke at hindi niya inasahan na bigla siyang tatawagan ng chief of police ng Barry Hills. Hindi kasi pangkaraniwan iyon dahil tinatawagan lamang sila ng mga ito sa tuwing ang krimen ay may kinalaman sa mga taong-lobo.

"Captain Martin," salubong sa kaniya ni Chief Montezor, ang chief of police sa bayang iyon. Sumaludo ito sa kaniya at ganoon din ang ginawa niya rito.

Pinatabi ni Chief Montezor ang mga usyosero at sinamahan siya papasok ng eskinita, doon sa crime scene.

Bumungad sa kaniya ang bangkay ng isang lalaking sa tantiya niya ay nasa treinta ang edad. Bukod sa naliligo na ito sa sariling dugo ay halos humiwalay na ang ulo nito sa katawan dahil sa tindi ng tama nito sa leeg.

Nilapitan niya ang bangkay at sinuri ang sugat. Nagtagis ang kaniyang mga bagang nang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status