HINDI kaagad na nakapagsalita si Clyde matapos marinig ang sinabi ni Calista. Hindi niya inaasahan iyon ngunit hindi na rin naman siya nagulat. It seems like he already knew that that time would come sooner or later."You should at least tell me the reason why I should stop seeing you," seryoso niyang sabi kay Calista.Muli, nag-iwas ng tingin si Calista. "I just don't want us to be together again."Nasaktan siya sa sinabi nito. Ito ba ang nararamdaman nito simula noong unang beses silang nagkita ulit doon sa Barry Hills?Sa kabila ng sama ng loob na nararamdaman ay hindi niya iyon ipinakita. Tinanguan niya lang si Calista. "Fine."Nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito nang kaagad siyang pumayag sa gusto nito."Pero bago ko gawin 'yang gusto mo, you should also do something in return. Tell me everything." Binigyang diin niya ang huling salita niyang sinabi."There's nothing to tell, Clyde. Anim na taon na ang lumipas... Wala na rin namang mababago kahit pa sabihin ko sa 'yo ang mga
PAGKABABA na pagkababa ni Clyde ng minaneho niyang army truck ay ang grupo ng kapulisan at ang mga nag-uumpukang mga tao ang bumungad sa kaniya. Nabalitaan niya na nagkaroon ng patayan kanina sa isang eskinita malapit sa palengke at hindi niya inasahan na bigla siyang tatawagan ng chief of police ng Barry Hills. Hindi kasi pangkaraniwan iyon dahil tinatawagan lamang sila ng mga ito sa tuwing ang krimen ay may kinalaman sa mga taong-lobo."Captain Martin," salubong sa kaniya ni Chief Montezor, ang chief of police sa bayang iyon. Sumaludo ito sa kaniya at ganoon din ang ginawa niya rito.Pinatabi ni Chief Montezor ang mga usyosero at sinamahan siya papasok ng eskinita, doon sa crime scene.Bumungad sa kaniya ang bangkay ng isang lalaking sa tantiya niya ay nasa treinta ang edad. Bukod sa naliligo na ito sa sariling dugo ay halos humiwalay na ang ulo nito sa katawan dahil sa tindi ng tama nito sa leeg.Nilapitan niya ang bangkay at sinuri ang sugat. Nagtagis ang kaniyang mga bagang nang
"NAIPADALA na ba ang mga sundalo sa mga designated sites nila?" tanong ni Clyde kay Lieutenant Navarro. Kasama niya ito ngayon sa opisina niya at pinag-uusapan nila ang mga hakbang sa ginagawa nilang imbestigasyon sa naganap na krimen kahapon.Nagpasya sila na magsagawa ng checkpoint sa iba't ibang bahagi ng Barry Hills para masiguro ang siguridad ng lahat."Opo, Sir. May mga bantay na po sa entrance at mga posibleng exit points. Pinasama ko na rin po sa kanila ang mga trainees," sagot ni Lieutenant Navarro habang nakatayo nang tuwid sa kaniyang harapan.Tumangu-tango siya. "S'ya nga pala, pumayag na ba si Ms. Pedroso na makausap niyo siya?" tanong niya. Inutusan niya kasi ito na ito na ang kumuha ng statement ni Annie ukol sa nangyaring krimen dahil may iba siyang inaasikaso."Negative, Sir. Katulad po ng iniutos niyo kahapon, pinuntahan namin siya kagabi sa apartment na tinutuluyan niya. Pero ayaw niyang humarap sa amin kaya ang nanay lang niya ang nakausap namin," sagot naman ni Li
HINDI mapakali sa opisina si Clyde. Palakad-lakad siya sa harapan ng kaniyang mesa habang iniisip ang mga isiniwalat sa kaniya ng bago nilang witness na nakausap niya kanina nang pumunta siya sa presinto.Ayon sa witness, bukod kay Jack Manabat na isa sa mga suspek ay nakita rin nito si Mang Dante kasama ang mga tauhan nito sa talyer. Inaalalayan ng mga ito palabas ng eskinita si Annie at ang isang lalaki na bigo namang mapangalanan ng witness.Bagama't hindi tukoy ng saksi ang pangalan ng lalaki, nagawa pa rin iyong makilala ni Clyde base na rin sa pagkakalarawan nito rito. Sabi ng witness ay ito raw iyong nobyo n'ong magandang babae na nakatira roon sa lumang tenement. Malakas ang hinala niya na si Calista ang babaeng tinutukoy ng saksi dahil sa pagkakalarawan na rin nito rito. Marami rin kasi sa mga naninirahan doon sa Barry Hills ang nakakakilala kay Calista dahil sa taglay nitong pambihirang kagandahan. Hindi niya napigilan ang sarili kanina na mapailing-iling nang sabihin ng wi
MAY pag-aalalang napabuntong-hininga si Calista habang binabasa ang nakapaskil sa malaking bulletin board na inilagay sa plaza. Laman ng bulletin ang inilabas na bagong ordenansa sa kanilang bayan ukol sa ipapatupad na curfew. Sigurado siyang utos iyon ng mga sundalo ng WW-Force upang igtingan ang pagbabantay sa kanilang bayan laban sa kanilang mga taong-lobo.Ramdam at kita niya sa mga residente ang takot at pag-aalala.Umalis na siya sa harapan ng bulletin nang nagsimula nang kumapal ang tao na gusto ring mabasa ang nasa bulletin board.Paalis na siya ng plaza nang bigla na lang may humablot sa kamay niya. Napakunot siya nang makitang si Clyde iyon."Kailangan kitang makausap," sabi nito.Kinakabahan man ay pinilit niyang hindi ipahalata iyon kay Clyde. Tinanguan niya ito at saka binawi ang kamay rito. "Tungkol saan?"Bago sumagot, iginiya muna siya nito sa tabi, malayo sa mga taong naroroon sa plaza."I want you to stay away from Marcus," walang paliguy-ligoy nitong sabi.Nagpakawal
"KAILANGAN mo pa rin ba talagang bumalik sa talyer? Hindi ba dapat mas mabuti kung mag-iimpake ka na ngayon para sa pag-alis natin bukas?" tanong ni Calista kay Marcus habang naglalakad sila sa compound ng kanilang tenement."Hindi naman gano'n karami ang mga gamit ko na dapat ayusin. Saka, kung walang tao sa talyer, hindi ba't mas magiging kahinahinala iyon sa kanila?" nakangiting tugon ni Marcus.Tumangu-tango si Calista. Nauunawaan niya ang pinupunto nito."Kung ganoon sasama na lang ako sa 'yo."Umiling-iling si Marcus bilang pagtutol. "Huwag na, mas kailangan ka nila rito."Napabuntong-hininga na lamang siya at hindi na nakipagtalo dahil tama na naman ito. Bilang reyna ng kanilang tribo, hindi lamang dapat kay Marcus nakatuon ang atensyon niya.Palabas na sila ng gate nang bigla na lang may mga sundalo ng WW-Force ang humarang sa kanilang daraanan. Nagulat at nagtaka sila nang naglagay ang mga ito ng barikada sa harapan ng gate.Napaatras sila nang bigla na lang silang tinutukan ng
"WHAT do you think you're doing, Callie?!" gulat na sabi ni Clyde habang nakatitig sa masaganang dugong dumadaloy mula sa malalim na hiwa sa kamay ni Calista. Ang kanina'y kulay puting tiles na kanilang inaapakan, ngayon ay may mga patak na ng dugo.Akmang lalapitan niya na si Calista para agawin dito ang punyal subalit paatras itong lumayo sa kaniya at itinutok ang punyal sa leeg."Hindi pa rin ba ito sapat?!" umiiyak na sigaw nito sa kaniya.Hindi naman namalayan ni Calista ang paglapit sa kaniya ni Mang Dante mula sa kaniyang likuran. Mabilis nitong hinablot sa kaniya ang punyal at inihigas iyon sa tabi.Parehong nagulat sina Clyde at Mang Dante nang bigla na lang nawalan ng malay si Calista at bumagsak sa sahig. Kaagad itong dinaluhan ng mga ito."Callie! Gumising ka!" nag-aalala at natatarantang sigaw ni Clyde kay Calista. Pinasandal niya ito sa kaniyang katawan habang hawak ng isa niyang kamay ang duguan nitong palad.Pinunit naman ni Mang Dante ang dulo ng suot na t-shirt at ip
HINDI nagsalita sina Calista at Clyde sa buong panahon ng kanilang biyahe. Tahimik lamang si Calista na nakatanaw sa labas, sa madilim nang kalsada samantalang si Clyde naman ay abala sa pagmamaneho. Hindi inaasahan ni Clyde na pakikiusapan siya ni Calista na samahan niya ito ngayong gabi. Bukod kasi sa kapansin-pansin na pag-iwas nito sa kaniya simula pa noong muli silang nagkita ay alam niya rin na masama pa rin ang loob nito dahil sa ginawa niyang paghuli kay Marcus.Sa kabila ng pagtataka ay isinantabi niya na muna iyon pansamantala. Hindi rin naman kasi masamang ideya para sa kaniya ang samahan muna si Calista sa gabing iyon. Bukod sa gusto niya itong makasama ay hindi rin siya panatag na iwanan ito nang mag-isa roon sa tenement lalo pa't wala siyang tiwala sa mga kapit-bahay nito."Bakit tayo nandito?" nagtatakang tanong ni Calista sa kaniya nang iparada niya ang sasakyan sa tapat ng isang motel."Hindi kasi kita pwedeng dalhin sa amin," sagot niya habang inoobserbahan ang pali
13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali
MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita
ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa
NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi
MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng
"YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa
PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang
"WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter
HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan