“Miss, pwede bang magtanong? Mukhang naliligaw na kasi akoㅡ”“Sampung piso kada tanong.” Malamig na sagot nito, dahilan para awtomatikong kumunot ang aking noo, ganito ba talaga sa lugar na ito? May bayad kapag magtatanong? Umalis na lamang ako sa harapan ng babae at lumapit sa matandang lalaki na nagbabasa ng diyaryo malapit sa tindahan.“Pwede po ba akong magtanong?”“Ay nako hija, wala kaming talong.” Eh? Nahampas ko ang noo ko gamit ang palad dahil sa nakuhang sagot. Ano ba naman itong nangyayari? Kanina pa ako pa-ikot ikot sa West district na ‘to pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang school na paglilipatan ko. Wala pa akong mapagtanungan ng maayos, isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko bago pumikit ng mariin.“Uhm, hi Miss, kanina pa kita nakikitang paikot-ikot. Naliligaw ka ba?” Agad kong naimulat ang mata nang tanungin ako ng isang lalaking lumapit sa akin, nakasuot ito ng itim na jacket, maputi, medyo may pagkapula ang kanyang buhok at hindi ko maitatanggi na gwapo siya.“H-ha? Ah eh oo, hindi ko kasi makita ‘yung Monstrous Academy. Alam mo ba kung saan ‘iyon?” Tanong ko nang bitawan ko ang dalagang bagahe at ipakita sa kanya iyong papel kung saan nakalagay ang address ng school na paglilipatan.“Actually papunta ako roon ngayon, kung gusto mo sumabay ka na lang sa’kin. Malapit na rin naman ‘yon dito.” Suhestiyoni niya at tila nag-alangan ako bigla. I mean, hindi ako pamilyar sa lugar na ito at hindi rin ako pamilyar sa mga taong nasa paligid ko. Marami pa namang masasamang tao sa panahon ngayon, kapag hindi ka nag-ingat tiyak mapapahamak ka.“Don’t worry, Miss. You can trust me.” Mabilis akong napatingin sa lalaki nang magsalita siya. Nababasa niya ba ang nasa isip ko? What kind of sorcery is this?“Hindi, halata lang kasi sa mukha mo. So ano?” Wala sa sarili akong napatango dahil nakakamangha talaga ang kakayahan niyang magbasa ng isip. Napatingin ako sa suot na orasan at nakitang Alas tres na ng hapon, kung hindi pa ako tataya ay baka amagin ako kakahanap ng eskwelahan na iyon kaya kahit nagdadalawang isip ay pinili ko pa ring sumama sa kanya.
“Gusto mo bang ako na ang maghatak niyang dala mo?” Tanong niya at agad akong umiling.
“Okay lang, kaya ko na. Salamat.” Habang palayo kami ng palayo ay pakonti rin ng pakonti ang mga tao sa paligid at mas lalong tumatahimik. Wala pa gaanong sasakyan ang dumadaan sa kalsada, hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaba. Tama ba ang desisyon kong sumama sa kanya?“Relax ka lang, medyo tago kasi ‘yung school, eh.” Sabi ng lalaki habang naglalakad kami sa diretsong daanan na may mga sunod-sunod na malalaking puno sa gilid. Napalingon ako sa kanya at ngumiti ng tipid, ganoon ba kahalata na kinakabahan ako? “Look.”
Ngumuso siya sa bandang unahan ng dinaraanan kaya sinundan ko kung ano ang itinuturo niya. Lahat ng pangamba ko ay nawala nang matanaw ko ang malaking gate sa dulo ng daan. Mukha iyong palasyo kung titignan dahil sa sobrang laki noon. Hindi ako makapaniwalang doon ako na ako mag-aaral.
“Ano nga palang gagawin mo rito?” Tanong niya nang huminto kami sa tapat ng malaking gate kung saan nakalagay ang Monstrous Academy sa pinakataas noon.“Hmm exchange student ako.” Tipid kong sagot at nginitian niya lamang ako bago kami pumasok sa loob. Agad ko namang naramdam ang kakaibang aura na bumabalot sa buong eskwelahan. Ewan ko pero kinilabutan ako bigla, ibang-iba kasi ito kumpara sa dati kong school sa probinsya. Bukod sa maraming building ang makikita sa paligid ay talaga namang sobrang lawak ng kabuuan nito na kapag sinubukang libutin ay talagang maliligaw ka.
Kapansin-pansin din ang limang building na mayroong iba’t ibang kulay; Blue, Red, Black, Purple at Brown. Sa lahat ng building na narito ay masasabi kong iyong limang iyon ang pinaka-espesyal dahil na rin sa disenyo noon. Kung susumahin ay talagang napakasosyal ng eskwelahan na ito ngunit hindi pa rin noon maitatago ang kakaibang bumabalot dito.
Hindi ko na lang gaanong pinansin ang nararamdaman at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa pumasokkami sa pinaka-mataas na building. School ba talaga ‘to o office tower?!“Ito na ‘yung faculty, hindi na rin kita masasamahan sa loob. Kailangan ko na kasing bumalik sa dorm, eh.” Sabi ng lalaki nang huminto kami sa isang pintuan. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang pangalan niya kaso pinangunahan ako ng kaba.“Sige, salamat ah. Ingat ka.” Ngumiti ako ng tipid at tumango lamang siya kaya inayos ko ang sarili at hinawakan ng mahigpit ang dala kong bagahe.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko bago tuluyang kumatok sa pintuan. Halos 30 seconds din ang hinintay ko bago iyon bumukas.“Yes? What can we do for you? Transferee? Your face is not familiar.” Dire-diretsong sabi ng babaeng nagbukas ng pinto, dahilan para pilit akong mapangiti at mapatingin sa suot niyang I.D. Janna De Vera? Mukha pa naman siyang dalaga kaya Ms. De Vera na lang siguro ang itatawag ko sa kanya. “Uhm exchange studentㅡ”“Rain Celvero?” Hindi siguradong tawag nito sa pangalan ko at tumango lamang ako ngunit laking gulat ko nang may itapat siya sa mata ko. Nag-flash iyon na parang camera kaya naman napaatras ako ng bahagya dahil sa pagkasilaw.“Wow! So you are 100% Keen. Ang swerte mo naman, come! Sasamahan kita sa dorm mo.” sabi nito at sinundan ko lamang siya. Hindi man lang ba nila ako iinterview-hin about sa pagiging exchange student ko? O kaya naman ay pag-usapan ang magiging schedule ko?
Nagkibit na lamang ako ng balikat at nagpatuloy sa pagsunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang malawak na building na may limang palapag. Agad kong napansin na walang katao-tao sa loob noon nang pumasok kami. Bukod doon ay napansin ko rin ang mukhang hotel na disenyo nito, ang lobby ay mayroong couch at isang flastscreen T.V, kaaya-aya rin sa mata ang kulay ng malaking kurtina at ang magarang chandelier.Hindi ko na gaanong nasuri pa ang paligid dahil umakyat na kami sa second floor at huminto sa tapat ng kwartong may nakalagay na #218. Kinatok iyon ni Ms. De vera kung saan bumungad sa amin isang magandang babae pagbukas ng pinto. Mukha pa siyang may sakit dahil ang putla niya pero kahit gano’n ay ang ganda pa rin niyang tignan.“Ms. Chua, this is Ms. Celvero. She will be your roommate from now on and please, tell her everything she needs to know. Okay?” Bilin ni Ms. De Vera at saka humarap sa akin “Balik ka sa office mamayang gabi para sa unifom at schedule mo. Sa ngayon, magpahinga ka muna.”
“Sige po, salamat.” Ngumiti siya ng tipid at saka nagmadaling umalis, halatang marami siyang ginagawa kaya siguro hindi na rin sila nagtanong about sa akin.“Hi. Ikaw ba ‘yung exchange student? Ako nga pala si Ayesha.” Napatingin ako sa babae nang magpakilala siya sa akin at inabot ang kamay niya. Hinawakan ko naman iyon dahil akala ko ay makikipag-shakehands siya pero nabigla na lang ako nang dinala niya ako sa loob ng kwarto. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ng tipid at tignan ang kabuuan nito.
Nakakabilib kasi ang laki nitong kwarto, hindi mukhang pangdalawahan lang dahil halatang kasya ang apat dito. Bukod kasi sa malaki ang dalawang kama ay malawak pa ang space ng kwarto. Mayroon ding ding balkonahe na talaga namang nakakahanga. Para na itong isang classroom sa dati kong school sa probinsya. I guessed I’m really lucky to be here. Sino ba naman ang tatanggi sa ganitong kagara na eskwelahan?“Nice to meet you, Ayesha. Rain na lang ang itawag mo sa’kin.” Sabi ko bago ko pa makalimutan ipakilala ang sarili ko.
“Nice to meet you, too. Rain. Bakit ka nga pala naging exchange student?” Tanong niya nang maupo siya sa magulong kama, sinundan ko siya at naupo sa kama na sure naman akong magiging pwesto ko. Malinis kasi iyon at halatang hindi hinihigaan.
“To be honest, hindi ko rin alam ang dahilan.” Marahan siyang tumango habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
“Gano’n ba.”“Ah.. Pwede ba kong magtanong? Ano ba ‘yung Keen?” Medyo nahihiya ko pang tanong sa kanya. Binitawan naman niya ang kamay ko at nagpunta sa tabi ko, doon ko nakumpirma na may sakit nga siya dahil ang init ng katawanan niya. Kahit hindi dumikit ang balat niya ay nararamdaman ko pa rin ang init mula sa kanya.“Keen ka? Wow! Amiable naman ako!” Nakangiting sabi nito na parang wala siyang sakit. Ano naman kaya iyong amiable na ‘yon? Ang weird naman yata ng school na ito.“This school has 5 kind of students. Ang Keen, Robust, Amiable, Probity at Insolent...” Panimula niya ng pagpapaliwanag.“Ang keen, iyon ‘yung mga matatalinong estudyante. Robust, sila naman ‘yung malalakas. Amiable, sila iyong mga friendly na gaya ko. Probity, mga honest na estudyante sila, and last. Ang Insolent, oh God! Stay away from them kasi masasama silang tao, I mean some of them are gangsters. A really bad gangsters. Delikado silang lapitan.” Hindi ko alam pero napangiwi ako sa mga nalaman. Ang weird sa pakiramdam na may ganoon silang sistema rito na ginugrupo ang estudyante base sa ugali o kakayanan na meron sila.“Ugh. Nahihilo na naman ako. Ayaw bumaba ng lagnat ko, wait lang, ah? Pupunta akong infirmary. Hihingi ako ng gamot.” Tatayo na sana si Ayesha ngunit mabilis ko siyang napigilan, ang energetic niya para sa isang tao na may sakit.“Ako na lang, magpahinga ka na lang dito. Baka kasi mas lalong tumaas ang lagnat mo, eh. Ituro mo na lang kung saan ko makikita ‘yung infirmary.” Nginitian niya ako at saka may kung anong kinuha sa maliit na cabinet malapit sa kama niya. Nagtaka pa ako ng i-abot niya sa akin ang isa mapa. Hindi ako nagkamali na malawak nga tagala itong Monstrous.
“Sige, aalis na ako. H’wag ka masiyadong magalaw para hindi ka mahilo..” Bilin ko at laking gulat ko na lang nang yakapin niya ako. She’s too friendly but I like it, mukhang madali lang kaming magkakasundo.“Thank you, Rain!” Ngumiti lamang ako at lumabas na rin ng kwarto nang kumalas siya ka yakap. Nawala sa isip kong linggo nga pala ngayon, kaya siguro walang katao-tao sa paligid dahil nagpapahinga ang mga estudyante sa kanya-kanya nilang kwarto, but still ang strange pa rin sa pakiramdam. Hindi ako makapaniwala na rito na ako mag-aaral simula ngayon.
Ang bilis kasi ng pangyayari. Hindi naman ako ganoon kayaman, ako lang din ang mag-isa rito sa Pilipinas dahil nasa ibang bansa ang tatay ko, madalang kaming magkausap kaya wala talaga ako gaanong alam kung ano ang nangyayari sa kanya sa Dubai. Wala rin akong kapatid at pumanaw na ang mama ko noong elementary pa lang ako. Basically, nag-iisa ako sa buhay pero kahit ganoon ay nakayanan ko naman tumayo sa sariling paa at sana magawa kong maka-survive sa bagong chapter nitong buhay ko, sana lang talaga.Sinundan ko ang direksyon na nakalagay sa mapa, masiyado mang malawak ang campus ay hindi iyon naging dahilan para mahirapan ako sa paghahanap. Pumasok ako sa building kung saan kami pumasok noong mabait na lalaki kanina at agad nakita iyong infirmary dahil nasa unang palapag lang iyon. Itinago ko ang hawak na mapa sa bulsa at saka kumatok ng tatlong beses pero walang nagbukas noon. Sinubukan ko ulit kumatok pero wala pa rin kaya pinihit ko na ang doorknob at binuksan ng bahagya ang pinto para sumilip sa loob.“Tao po?” Nilibot ko ang paningin sa apat na sulok ng kwarto nang pumasok ako hanggang sa may nakita akong gumalaw doon sa kurtina na nakapalibot sa kama. Nag-aalangan man ay nagpunta pa rin ako roon at nakakita ng isang lalaki.“Who the fuck are you?!” Galit na tanong niya nang mapansin ako. Okay, medyo oa siya sa part na ‘yon pero hindi ko na ginawang big deal.“Ikaw ba ‘yong nurse? Kailangan ko kasi ng gamot.” Tinignan niya ako ng masama kaya naman wala sa sarili akong napalunok. Dahan-dahan pa siyang lumapit sa akin habang ako naman ay paatras nang paatras hanggang sa tuluyang tumama ang likod ko sa pader.“Sino ka sa tingin mo para utusan ako?” Tanong nito.“Estudyante ako rito. Nurse ka, kayaㅡ"“At sinong nagsabi na nurse ako?” Madiing tanong niya nang isandal nito ang kamay niya sa pader para makorner ako. Damn! Ano ba ‘to? Masiyado siyang malapit. Halatang Insolent ang isang ito kaya naalala ko iyong sinabi ni Ayesha. Gusto ko mang lumayo sa lalaking ito ay hindi ko nagawa dahil napansin ko ang pagdurugo ng kanang braso niya.“May sugat ka.”“Wala kang pakialam,” Lumayo siya sa akin at bumalik doon sa kama kung saan siya nakaupo kanina.“Wala ba ‘yung nurse dito? Akin na gagamutin ko ‘yang sugaㅡ” Tinignan niya ulit ako ng masama, dahilan para kabahan ako. Nakakatakot naman ‘tong lalaki na ito. Buti nga’t concern ako sa kanya kahit na hindi ko siya kilala at isa siyang insolent.“Sabi ko nga hindi na, eh. Ituro mo na lang sa akin kung nasaan ‘yung paracetamol para makalabas na ako.” Sabi ko ngunit hindi pa rin niya inaalis ang masamang tingin na ipinupukol niya sa akin. Ano bang problema niya? Gan’yan ba talaga ang mata niya? Para siyang may sanib.
Balak ko na sanang umalis at hanapin ng lang iyong gamot para kay Ayesha pero sa tuwing titignan ko ang sugat ng lalaking kaharap ay hindi ko maiwasang mag-alala.“Incision, your wound bleeds alot. Nasugatan ka ba ng sharp objects? Shard of glass?” Tanong ko dahil walang tigil ang pagdugo ng sugat sa braso niya, halos kumalat na nga iyon hanggang sa kamay niya. Hindi ko mapigilang hindi pansinin dahil baka maimpeksyon iyon, ang lalim pa naman.“Kailangan natin hugasan at i-disinfect ‘yung sugat mo para matanggal ‘yung dumi at debris, tara na.” Hinawakan ko ang kabilang kamay niya pero tinabig niya iyon na naging dahilan para ma-out of balance ako at tumama ang likod ko sa kanto ng katabing kama.Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa sakit na naramdaman pero ininda ko iyon at inis na tumayo para harapin ang nakakainis na lalaking iyon. Siya na nga ang tinutulungan, siya pa itong maarte.“Ano ba?! Maiinfect nga ‘yang sugat mo kapag hindi nalinisan agad!” Sigaw ko dahil sa naubos yata ang pasensya ko sa kanya. Kahit bwisit ay hinatak ko ulit siya at this time ay hindi na niya ako tinabig. Mukhang nabigla siya sa pagsigaw ko. Hindi ko na lang iyon pinansin pa at inumpisahan na ang paglilinis ng sugat niya. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung ano ang nangyari rito pero pinili kong itikom na lang ang bibig ko. Mukha kasing totoo ang sinabi ni Ayesha na delikado ang lumapit sa isang Insolent, mahirap na at baka ma-trigger siyang saktan or what dahil sa pagiging pakialamera.“Yan, okay na. Iwasan mo na lang mabasa. Maybe two or three weeks, matutuyo na ‘yang sugat mo,” Tumayo ako at inumpisang hanapin ang talaga namang pakay ng pagpunta ko rito sa Infirmary. Wala naman kasi akong mapapala kung magtatanong pa ako sa kagaya niya, wala siyang alam kung hindi ang tumitig ng masama. Parang galit siya sa tao, kakaiba.“Oh!” Napahinto ako sa kalagitnaan ng paghahanap at napalingon sa kanya, agad ko namang nasalo ang binato niya sa akin at napangisi nang makita ang paracetamol sa palad ko. Marunong naman pala siyang tumanaw ng utang na loob.“Salamat. pagaling ka,” Lumabas na ako ng infirmary at agad bumalik sa kwarto pero pagbalik ko ay nakatulog na si Ayesha. Mukhang natagalan din kasi ako sa pagkuha ng gamut niya. Minabuti ko na lang na ayusin na ang gamit ko at magpahinga muna.-“Rain, gising. Dinner time na, hanggang 9:00 p.m lang bukas ‘yung cafeteria.” Ramdam na ramdam ko ang pag-alog ni Ayesha sa likod ko kaya mabilis akong nagising, doon niya kasi ako hinawakan sa parte kung saan tumama ang likod ko kanina. Marahan akong bumangon bago ito hinarap.“Magpapalit lang ako ng damit,” Sabi ko habang nagkukusot pa ng mata. Tumango lang siya kaya nagpalit na rin ako ng oversized t-shirt at shorts, itinali ko rin ang mahaba kong buhok bago kami tuluyang lumabas ng kwarto.“Salamat sa gamot, ah? Teka, naligaw ka ba? Ang tagal mo kasi kanina, eh.” Sabi niya habang naglalakad na kami palabas. Mukhang okay na rin siya, nahiya tuloy ako dahil pinaghintay ko siya ng matagal.“Ah, may lalaki kasing sugatan sa infirmary kanina, eh. Nagktaon na wala ‘yung nurse kaya ginamot ko na. Tingin ko nga insolent ang isang ‘yon, eh. Ang pangit kasi ng ugali.” Kibit balikat kong sabi at sa hindi malamang dahilan, bigla na lang niyang niyakap ang braso ko na para bang isa siyang bata.“Wow! Talaga? Ginamot mo ang isang Insolent? Ang tapang mo naman. Alam mo bang walang nagtatangkang lumapit sa mga insolent? Para kasi silang may sumpa, eh. Once na madikit ka sa kanila, it’s either mamalasin ka o masasaktan ka.” Napangiwi lamang ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam ang i-rereact dahil ayoko namang basta-basta maniwala pero tuwing maiisip ko ang nangyari sa infirmary kanina, hindi malabong totoo nga iyon. Imagine, sinusubukan mo lang tumulong tapos sasaktan ka pa.
Pero kahit ganoon ay hindi ako nagsisisi sa ginawang paggamot sa sugat ng lalaking iyon , at isa pa hindi naman ako matapang, ginawa ko lang ‘yung alam kong tama at kung sakaling mauulit iyon, I will still do the same. Sabi nga ni Will Smith sa pelikula niyang after earthㅡdanger is real but fear is a choice.
Hindi ko magawang isara ang bibig ko sa pagkamangha nang makita kung gaano kalawak at kalaki ang cafeteria ng school na ito. Mukha siyang vintage café kung pagmamasdang mabuti, may second floor ito at gawa pa sa salamin ang pader kaya naman kitang-kita mula rito ang mga punong sumasabay sa ihip ng hangin. Makaagaw pansin din ang malaking chandelier sa itaas. Ibang-iba ang ambiance nito kumpara sa cafeteria ng school ko dati na parang karendirya lang.“Ang daming tao.” Iyon ang una kong nasabi nang makapaglakad ako sa loob at kahit na maraming estudyante ay tila ba hindi napupuno ang cafeteria. Ganoon siya kalaki, parang isang malaking sosyal na food court dahil may iba’t ibang food stall ang makikita sa paligid. Ang iba ay famous chinese cuisine pa.“Tara doon tayo maupo sa usual place ko.” Hinatak ako ni Ayesha at itinulakpababa ang magkabilang balikat ko para maupo sa pwestong malapit sa glasswall. “Just stay here okay? Mamaya may darating na lalaki rito, don’t
“Rain, mauuna na akong maligo, ah?” Sigaw ni Ayesha mula sa loob ng banyo. Agad naman akong bumangon para tignan ang schedule ko ngayong araw. 7:00 a.m to 1:00 p.m ang oras ng pasok, pang-second week na ito ng second sem ngayong araw, siguradong mahihirapan akong makisama sa mga magiging kaklase ko since magkakakilala na sila. Malamang din ay may kanya-kanya na silang grupo.Sophomore pa lang ako kaya wala pa gaanong alam sa buhay college, sana lang ay maging masaya ang pag-aaral ko rito at sana makatapos ako ng maayos, hindi ko naman kasi alam kung ano ang rason ng biglaan kong paglipat ng school, isang araw nabigla na lang ako nang sabihing kasama ako sa exchange program na mangyayari sa school.Hindi ko na rin sila kwinestiyon dahil malaking opportunity rin ang mag-aral sa ganitong kagarang eskwelahan, kung tutuusin nga ay maswerte ako dahil libre ang tuition ko. Wala akong kahit anong babayaran, ang tanging gagawin ko lang ay ang mag-aral nang mag-aral.Ilang
Pakiramdam ko ay isa akong kriminal dahil sa pasulyap sulyap na ginagawa sa akin ng mga kaklase ko. Okay! Nagsisisi na ako sa ginawa ko kanina kaya pwede bang tigilan niyo na ang kakatingin sa akin?! Gusto kong isigaw iyon sa mga oras na ito ngunit wala akong sapat na lakas ng loob. Kahit mahirap ay sinubukan ko lang mag-focus sa klase.“Kung sa tingin mong nakaligtas ka, pwes you’re wrong.” Sabi ni Thunder at hindi ko na iyon pinansin pa, kunwari na lang ay wala akong narinig. Kunwari ay wala siya sa tabi ko. Siguro dapat kasi ay bumalik na lang ako ng dorm kanina pero ‘pag ginawa ko naman iyon ay magm-mukha akong duwag kaya mas pinili kong bumalik na lang sa loob ng classroom kahit alam kong hindi ako titigilan ni Thunder.“Masiyado mo naman yatang tinatakot si Cutiepie,” Sabi noong lalaking nasa harapan ko nang lumingon siya kay Thunder. Eh, cutiepie? Ang pangit naman yata mamili ng nickname ng isang ito.“Hoy Matthew, itikom mo ‘yang bibig mo.” Giit nang kat
“Hey, are you okay?” Marahan kong iminulat ang mata nang maramdaman ang ilang pagtapik sa balikat ko. Agad ko namang kinusot ang mga mata ko bago bumangon para sumandal sa headboard ng kamang hinihigaan. Nabigla pa ako nang mapagtanto ko na si Jiro pala iyon at kasama niya ang isa pang miyembro ng Dark na nakaupo sa likuran ko kanina sa classroom.“Jasper, ikuha mo siya ng tubig.” Utos ni Jiro na agad namang sinunod noong si Jasper. Ngumiti ako pero blangko pa rin ang naging ekspresyon ng mukha niya. Gusto ko sana sabihin na ngumiti naman siya kaso napaka-fc ko naman kung gagawin ko iyon kaya pinili kong magtanong na lang.“Anong nangyarㅡ” Hindi ko na naituloy ang pagtatanong dahil bigla ko na lang naalala ang nangyari kanina. Ang walang hiyang Thunder na iyon! Sana masagasaan siya ng truck o kaya naman ay tamaan siya ng kidlat dahil sa kademonyohan na ginawa niya sa akin kanina! Dahil sa kanya ay bumalik tuloy ang mga masasamang alaala na
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. I can’t believe na kasama ko ngayon ang isang Jiro Villaruel. The cold but hot guy. Hindi pa oras ng breaktime kaya naman iilan ang makikitang estudyante rito sa cafeteria, and as expected lahat sila ay nakatingin sa amin habang nagbubulungan. Hindi ko na lang iyon pinansin at ininom ang inabot na inumin sa akin ni Jiro kanina.“Okay lang ba kung kukunin ko ‘yung memory card? Baka kasi makita mo ‘yung picture na kinuha ng lalaking ‘yon,” Medyo naiilang pa ako nang sabihin ko iyon sa harapan niya. Hindi pa naman kasi kami gaanong close at baka kung ano ang isipin niya. Wala siyang isinagot sa akin at basta lang inilapag sa mesa ang hinihingi ko. Nahihiya ko iyong kinuha at itinago sa bulsa ang blazer ko. “Salamat nga pala sa ginawa mo kanina.”“Ayoko lang talaga sa mga naturingan na Keen pero hindi marunong mag-isip.” Naitago ko ang labi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Literal akong natamaan. Hindi naman kasi la
Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang gulo sa loob ng hell’s gate at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Thunder dahil sa nangyari. Dahil doon ay dalawang araw na ring payapa ang buhay ko, hindi ako nasangkot sa kahit anong gulo at hindi ako nasaktan pero hindi ko magawang magsaya. Kahit na naman kasi sabihing hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya sa akin noon sa infirmary ay hindi ko pa rin maiwasan ang ma-curious kung ano nangyari sa kanya. Gusto ko man siyang puntahan sa boy’s dorm o kaya sa hideout nila para kamustahin ay hindi ko magawa. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon.Flashback/Kahit narito na ako sa loob ng hideout nila ay hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko. Malayo man ako sa gulo ay tanaw na tanaw ko pa rin dito mula sa pinto ang away na nagaganap dahil hindi naman ganoon kalayo ang pwesto nila, at isa pa gawa sa salamin ang pader at pintuan ng buong hideout.Tumakbo n
“Rain hindi ka pa ba mag-aasikaso?” Tanong ni Ayesha habang kumportable akong nagbabasa ng libro sa kama, samantalang siya naman ay abala sa pagpili ng damit sa cabinet niya.“Bakit? Maaga pa naman para mag-dinner, ah? 6:00 pm pa lang.” Naramdaman kong lumapit siya sa akin kaya natigil ako ginagawa at napatingala sa kanya. Gulat na gulat siya na para bang may nangyaring hindi tama.“Oh my god!” Tinakpan niya ang bibig niya ngunit agad din iyong tinanggal. “Hindi ko ba nasabi sa’yo?”“Ang alin?” Naguguluhang tanong ko dahil wala akong ideya kung ano ang gusto niyang iparating o sabihin. Masyado ko bang iniisip ang nangyari nitong mga nakaraang araw kaya may nakaligtaan ako sa paligid?“About sa party mamaya. Every three months kasi ay may nagaganap na gathering ‘yung limang kinds. Meaning lahat ng estudyante ay magsasama-sama sa isang event.” Tumango ako at naalala iyong sinabi ni Matthew kanina, hindi kaya may kinalaman ‘yon sa party na ‘to? “Ano pa hinihinta
“Rain, sure ka bang okay ka lang?” Tanong ni Ayesha pagbalik na pagbalik namin sa kwarto, tumango lamang ako bilang sagot. Mabuti na lang at may dumating na gwardya kanina bago pa man lumala ang nangyaring gulo, pero dahil doon ay hindi na rin itinuloy ang party kahit hindi pa man nagtatagal. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko, ako raw kasi ang dahilan kung bakit nasira ang party at hindi ko naman iyon maitatanggi. Sa akin nag-umpisa ang alitan sa pagitan ng DARK at ng mga third year.“Wait, ikwento mo naman kung paano naging kayo ni Jiro. I’m so kinikilig kaya kanina. I can’t believe na kayo na pala.” Nakangiting sabi ni Ayesha habang nagpapalit ng pang tulog“We’re not dating, Ayesha. Wala pang isang linggo kaming magkakilala.” Dipensa ko at kahit gusto ko mang kiligin dahil sa sinabi ni Jiro para iligtas ako, mas nangingibabaw sa isipan ko ang ginawang paghalik sa akin ni Thunder. Tuwing sasagi iyon sa isipan ko ay pakiramdam ko ay kusang namumula ang pisngi ko
Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang la
Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang
[1 and half year later]“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew
Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng pan
“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Impo
Thunder’s POVPagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.
Rain’s POV“You still love me?” Tanong ni Thunder at bahagya akong tumango, hindi ko alam na ganito ako karupok pagdating sa kanya. Lahat ng plano ko na ipamukha sa kanya na nagbago ako ay nawala na parang bula.“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa’yo.” Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, sa huli. Hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko siya.Kitang-kita ko sa mga mata ni Thunder kung gaano siya kasaya ngayon, tulad ko ay marami rin siyang napagdaanan at ayokong maging selfish. Tinignan ko siya ng diretso sa mata at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.“But it’s not right, ayokong lokohin si Cloud.” Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ako, “Give me a favor, Thunder. Please, makipag-ayos ka na sa kanya.”“No. I can’t, why would I do that?” Iniwas niya sa akin ang tingin niya kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi para maibalik sa akin ang tingin.“Listen Thunder, hi
Rain’s POV“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gus
Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.[Flashback]“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nakipagsasayaw sa kanya. Totoo namang naiintindihan ko pero mahirap pa sa akin ang pakisama