“Rain, mauuna na akong maligo, ah?” Sigaw ni Ayesha mula sa loob ng banyo. Agad naman akong bumangon para tignan ang schedule ko ngayong araw. 7:00 a.m to 1:00 p.m ang oras ng pasok, pang-second week na ito ng second sem ngayong araw, siguradong mahihirapan akong makisama sa mga magiging kaklase ko since magkakakilala na sila. Malamang din ay may kanya-kanya na silang grupo.
Sophomore pa lang ako kaya wala pa gaanong alam sa buhay college, sana lang ay maging masaya ang pag-aaral ko rito at sana makatapos ako ng maayos, hindi ko naman kasi alam kung ano ang rason ng biglaan kong paglipat ng school, isang araw nabigla na lang ako nang sabihing kasama ako sa exchange program na mangyayari sa school.Hindi ko na rin sila kwinestiyon dahil malaking opportunity rin ang mag-aral sa ganitong kagarang eskwelahan, kung tutuusin nga ay maswerte ako dahil libre ang tuition ko. Wala akong kahit anong babayaran, ang tanging gagawin ko lang ay ang mag-aral nang mag-aral.
Ilang minuto ang nakalipas at natapos na rin ako sa pag-asikaso. Napansin ko pa na magkaiba ang uniform namin ni Ayesha, although parehong kulay puti ang pangloob namin at itim ang blazer ay hindi naman nagtutugma ang logo na nakaburda sa kaliwang bahagi ng blazer namin. Kulay blue kasi iyong sa akin, samantalang ‘yung sa kanya ay kulay brown.“Ayesha, bakit magkaiba ng kulay ‘yung logo ng uniform natin?” Ignoranteng tanong ko habang nag-aayos siya ng buhok sa harapan ng salamin.“Ah, hindi ko pala na-explain sa’yo kahapon. Brown symbolizes amiable, yung blue ay keen, red for robust, purple for probity at black naman ‘yung mga insolent.” Paliwanag niya habang nakaharap pa rin sa salamin. Tumango-tango naman ako at inayos ang mga gamit ko. Mukhang organize na organize ang school na ito, nakakacurious tuloy kung sino ang nakaisip ng lahat ng ito. “Ano nga palang section mo? Baka pareho tayo.”“Hmm 2-A. Ikaw?” Bigla na lang niyang nabitawan ang hawak niyang lipstick at tumayo para lang hawakan ako sa magkabilang balikat. Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya dahil sa naging reaksyon niyang iyon. May mali ba akong nasabi?“You can’t be serious! Bakit nasa devil’s section ka?” Medyo may pagka-oa na tanong niya kaya mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko.“Devil’s section?” Tumango siya at hinatak ako para maupo. Balak pa yata niyang makikipagkwentuhan sa akin. Quarter to 7:00 na kaya, baka ma-late kami. Unang araw ko pa naman.“Nandoon kasi ang dark kaya ‘yon tinawag na devil’s section. Nako, Rain! Be careful okay? Wag na wag mong tatangkaing lapitan or kausapin sila. Isang suicide ‘yon.” Bilin niya at napangiwi lang ako. May isa namang mabait sa kanila, eh. That guy from last night. I’m sure hindi niya ako sasaktan, I know he’s different.ㅡ“Dito na lang Rain, ah? Basta nasa 4th floor, kaliwang side ‘yung classroom mo.” Paalala ni Ayesha nang ihatid niya ako sa tapat ng elevator.“Noted po, salamat.” Pumasok na ako sa loob ng elevator at hindi maiwasang makaramdam ng kaba. Pagtungtong ko naman ng 4th floor ay agad akong nakarinig ng ingay, and if I’m not mistaken ay galing iyon sa classroom na tinutukoy ni Ayesha which is iyong magiging section ko.Dahan-dahan akong lumapit doon at napahigpit ng hawak sa strap ng suot kong bag. Tama nga ako, rito nanggagaling ang ingay. Huminga ako ng malalim bago kumatok pero hindi pa man din tumatama ang kamay ko sa pintuan ay bumukas na iyon. Halos malaglag pa ang panga ko dahil bumungad sa akin iyong lalaki. Ang gwapo niya talaga kahit blangko ang ekspresyon niya.“Dito ang klase mo?” Walang emosyong tanong nito habang nakasuksok ang isa niyang kamay sa bulsa at ang isa naman ay nakahawak sa sliding door.“Ah oo.” Tumango ako at agad naman siyang tumabi sa gilid para pinto bigyan ako ng daan.Gwapo na, gentleman pa. Iyon ba ‘yung nakakatakot na sinasabi nila Ayesha? Ngumiti na lamang ako na tila nahihiya at pagpasok ko sa loob ay biglang natahimik ang buong classroom.Nabigla pa ako nang makitang may professor sa harapan. Bakit ganoon na lang sila kaingay kahit na may guro sa harapan? Ang dami pang papel sa sahig at gulo-gulo ang ibang upuan na parang akala mo’y dinaanan ng isang malakas na ipo-ipo.“Okay guys! Maupo na kayo.” Sabi ng lalaking professor na mukhang nasa mid 40’s na. Nagsisunuran naman ang mga estudyante sa sinabi niya at base sa una kong tingin ay nasa 24 silang lahat. Kung hindi rin ako nagkakamali ay may tig-limang estudyante na mula sa Keen, robust, amiable, probity at insolent ang narito. How nice of the school’s management. Organize na organize talaga pagdating sa kind ng mga estudyante.“You’re the exchange student?” Tanong ng prof kaya naibaling ko ang tingin sa kanya. Nahihiya akong tumango habang nasa harap ng buong klase. “Go and introduce yourself.”Mas lalo akong lumapit sa gitna kung saan nakita ko ang pag-upo ng lalaking tumulong sa akin kagabi. Nahagip din ng paningin ko si Thunder na ang sama ng tingin sa akin ngayon. Ano bang problema niya sa akin? Hanggang ngayon ba ay may sanib siya?“Hi, good morning. I'm Rain Celvero. Niceㅡ”“It’s not nice to see you.” Pagputol ni Thunder sa pagpapakilala ko, dahilan para magtawanan ang ibang kaklase. Napailing na lamang ako bago tumingin sa prof para malaman kung ano ang susunod niyang instruction.“Occupy the vacant chair between Mr. Cross and Mr. Villaruel.” Sabi nito at isang suicide iyon panigurado dahil iisa lang ang bakanting upuan na nakikita ko rito sa loob ng classroom. Ramdam kong natuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa dalawa.Swerte dahil katabi ko sa kanan si pogi at malas naman dahil katabi ko sa kaliwa si Thunder. Mukhang nakatadhana yatang magtagpo tagpo ang buhay namin. Huminga na lamang ako ng malalim nang mapansing nasa akin ang lahat ng atensyon habang naglalakad ako papunta sa magiging upuan ko. Hindi naman nawawala ang masamang tingin na ipinupukol sa akin ni Thunder, kung nakakamatay lang ang tingin niya, malamang ay kahapon pa ako nakaburol.Hindi ko na lang gaanong pinansin at naupo na sa upuan, ramdam na ramdam ko pa ang itim na aura sa kaliwang side ko. Pinilit kong wag nang lumingon sa kanya at inilapag na lamang ang bag ko sa gilid.
”Okay, graded recitation tayo ngayon.” Announce ng prof na ikibinagsak ng balikat ko. Nagsimula ulit mag-ingay ang mga kaklase ko habang ako, ito. Nganga. Inaasahan ko naman na na mahihirapan akong mag-adjust sa unang araw pero graded recitation? Sana lang ay madali ang mga tanong na ibabato ng prof para kahit paano ay makasabay ako klase. “It is a financial ratio used to gauge a company’s liquidity.”Napangiti ako nang marinig ang unang tanong kaya naman nagtaas ako ng kama, dahilan para lahat ng kaklase ay mapatingin sa akin. Medyo nakakairita na rin sila sa totoo lang. “Yes Ms. Celvero?”
“Quick ratio.” Tipid na sagot ko at biglang lumingon sa akin iyong lalaking nasa harapan ko. Miyembro siya ng dark, siya ‘yung hindi ko alam kung nginitian ba ako kagabi o hindi. Medyo kulot ang buhok niya at kung titignang mabuti ay mukha naman siyang friendly.“Nice!” Nag-thumbs siya sa akin kaya napangiti ako ng pilit.“How do you calculate working capital?” Nagtaas ulit ako ng kamay sa pangalawang tanong dahil alam ko ang sagot, napag-aralan ko na kasi ito, ilang beses na rin kaya kabisado ko na.“Current assets minus current liabilities.” Sagot ko at nakatanggap na ako ng death glares mula sa ibang keen na narito sa loob, dahil doon ay hindi na ako nagtaas ng kamay sa sumunod na questions dahil sa takot na baka hindi na ako makalabas ng buhay sa classroom na ito.“Masiyadong pabida.” Rinig kong bulong ni Thunder kaya naman nilingon ko ito.“Bakit?” Maangas na tanong niya at umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Iiwas ako sa gulo, iiwas ako sa mga kagaya niya, pakikinggan ko na lang ang mga payo ni Liam at Ayesha sa akin. Bago pa lang ako rito kaya hindi magandang ideya kung babanggain ko ang leader Dark. If I want to survive here, kailangan kong iwasan itong lalaking nasa kaliwa ko. As long as I can, hindi ko siya papansin ako. “Hey stupid. I’m talking to you!”“Hindi ka ba pwedeng tignan?” Hindi ko napigilan ang sarili at itinanong iyon. Damn it! Kakasabi ko lang na hindi ko siya papansin pero mukhang mahihirapan ako. Naiinis na ako sa presensya niya sa totoo lang at isa pa kahit naman na ganito ako ay marunong pa rin akong lumaban kapag alam kong sumosobra na.“What makes you think that you can talk to me that way?” Tanong niya bago ngumisi kaya napairap ako. Siraulo pala ang isang ito, eh. Nagagalit siya kapag hindi ko sinagot ‘yung tanong niya tapos ngayonh sumagot ako, magagalit pa rin siya. Kakaiba.“What’s happening there?” Tanong ng prof at umayos naman ng pagkakaupo si Thunder na akala mo’y siya ang pinamataas na tao rito.“Bakit Sir? Gusto mo makisali?” Walang modong tanong nito nang ipatong niya ang mga paa niya sa lamesa ng kanyang upuan. Anong klasing ugali ba mayroon ang lalaking ito? Hindi na nga niya ginalang ‘yung prof, binastos niya pa. Sarap turuan ng leksyon nito.“Excuse me, hindi ka ba tinuran ng magulang mo kung paano makitungo sa mga matatanda?” Ubos pasensya kong tanong, dahilan para mabigla ang parang ang lahat. Wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin kapag tapos nito, wala rin akong pakialam kung pagtinginan pa ako ng mga kaklase. Sumosobra na talaga ang isang ito, I can’t stand his attitude.“Ah, Ms. Celveroㅡ” Tawag ng prof sa akin pero pinutol iyon ni Thunder.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo.” ibinaba niya ang mga paa niya at tumayo sa harapan ko habang nakabulsa ang mga kamay nito sa suot na panatalon. Aaminin ko, kinakabahan ako at natatakot sa pwede niyang gawin sa akin pero wala, nagalit ko na yata siya. Wala ng atrasan ‘to.“Malinaw naman ‘yung pagkakasabi ko. Gusto mo bang englishin ko pa para mas maintindihan mo?” Lakas loob kong tanong sa kanya kahit sa totoo lang ay nanghihina na ang mga tuhod ko. Mas nadagdagan pa ang takot ko nang magpakawala siya ng nakakakilabot na pagtawa kasabay bigla niyang pagseryoso at paghawak sa leeg ko. Lahat ay tahimik at walang umiimik, maging ang prof ay wala man lang nasabi sa ginagawa sa akin ng lalaking ito. Wala man lang bang tutulong sa akin?“Thunder.” Tawag ng pamilyar na boses at kahit hindi ko lingunin ay alam kong si pogi ang tumawag sa kanya. I smiled internally.“Wag kang mangialam dito, Jiro.” Madiing sabi ni Thunder kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.Iyon ang naging dahilan para mas unti-unti niyang higpitan ang pagsakal sa akin. Gusto kong maiyak, hindi na ako makahinga. Balak ko sana siyang sipain sa parteng labis niyang pagsisisihan ngnunit bigla na lang niya akong binitawan dahil hinawakan ng isa niyang kagrupo ang sugat niya sa braso.“Damn Axel! Ano ba?!” Sigaw ni Thunder at tumawa lang iyong lalaking tinawag niya sa pangalang Axel. Hindi ko naman namamalayan na hatak-hatak na pala ako ni Jiro. Hinila niya ako hanggang sa makalabas kami ng classroom.“S-saan mo ako dadalhin?” Tanong ko ngunit marahas niya akong binitawan at saka humarap sa akin. Naghintay ako sa sasabihin niya pero ni isang letra ay wala siyang sinabi at basta na lang umalisnang walang kibo.Napahawak na lamang ako sa leeg ko dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga kamay ng demonyong iyon. Paano niya nagagawang manakit ng babae? Pati ‘yung prof ay takot sa kanya. Tss! Dapat sa mga gaya niya ay kinikick-out, eh.“Keen ka ‘di ba? Dapat alam mo kung saan ka lulugar.” Mabilis kong nilingon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Isa siya sa mga kaklase ko, ang nag-iisang may kulay green na buhok sa classroom. Robust, doon siya nabibilang.“Pasensya ka na, hindi kasi ako iyong tipo na tumatahimik lang kapag alam kong may mali sa paligid.” Sabi ko habang hinihimas himas ang leeg ko. Ngumiti siya ng bahagya at inabot ang kamay niya sa akin.“Tymee.” Pakilala nito. “Rain right?” Dagdag niya bago ko pa maipakilala ang sarili ko. Tumango na lang ako at nakipagkamay sa kanya.“May isang advice lang ako. Kung gusto mong makatagal dito, wag na wag mong babanggain ang grupo ni Thunder. And another thing, ‘yung dating nakaupo sa inuupuan mo kanina? She tried to commit suicide because of bullying. At ngayong nagkapalit na kayo ng kalagayan, it’s better if you will stay away from dark.”Naglakad na siya palayo at para bang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan matapos malaman ang bagay na iyon. Ganoon ba talaga kalala ang grupo ni Thunder? Tsk. Wrong move. Mukhang kailangan ko na yatang itikom ang bibig ko at magbulag-bulagan sa paligid dahil kung hindi, baka ako na ang sunod na magtangkang mag-suicide. And I will never let that happen.Pakiramdam ko ay isa akong kriminal dahil sa pasulyap sulyap na ginagawa sa akin ng mga kaklase ko. Okay! Nagsisisi na ako sa ginawa ko kanina kaya pwede bang tigilan niyo na ang kakatingin sa akin?! Gusto kong isigaw iyon sa mga oras na ito ngunit wala akong sapat na lakas ng loob. Kahit mahirap ay sinubukan ko lang mag-focus sa klase.“Kung sa tingin mong nakaligtas ka, pwes you’re wrong.” Sabi ni Thunder at hindi ko na iyon pinansin pa, kunwari na lang ay wala akong narinig. Kunwari ay wala siya sa tabi ko. Siguro dapat kasi ay bumalik na lang ako ng dorm kanina pero ‘pag ginawa ko naman iyon ay magm-mukha akong duwag kaya mas pinili kong bumalik na lang sa loob ng classroom kahit alam kong hindi ako titigilan ni Thunder.“Masiyado mo naman yatang tinatakot si Cutiepie,” Sabi noong lalaking nasa harapan ko nang lumingon siya kay Thunder. Eh, cutiepie? Ang pangit naman yata mamili ng nickname ng isang ito.“Hoy Matthew, itikom mo ‘yang bibig mo.” Giit nang kat
“Hey, are you okay?” Marahan kong iminulat ang mata nang maramdaman ang ilang pagtapik sa balikat ko. Agad ko namang kinusot ang mga mata ko bago bumangon para sumandal sa headboard ng kamang hinihigaan. Nabigla pa ako nang mapagtanto ko na si Jiro pala iyon at kasama niya ang isa pang miyembro ng Dark na nakaupo sa likuran ko kanina sa classroom.“Jasper, ikuha mo siya ng tubig.” Utos ni Jiro na agad namang sinunod noong si Jasper. Ngumiti ako pero blangko pa rin ang naging ekspresyon ng mukha niya. Gusto ko sana sabihin na ngumiti naman siya kaso napaka-fc ko naman kung gagawin ko iyon kaya pinili kong magtanong na lang.“Anong nangyarㅡ” Hindi ko na naituloy ang pagtatanong dahil bigla ko na lang naalala ang nangyari kanina. Ang walang hiyang Thunder na iyon! Sana masagasaan siya ng truck o kaya naman ay tamaan siya ng kidlat dahil sa kademonyohan na ginawa niya sa akin kanina! Dahil sa kanya ay bumalik tuloy ang mga masasamang alaala na
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. I can’t believe na kasama ko ngayon ang isang Jiro Villaruel. The cold but hot guy. Hindi pa oras ng breaktime kaya naman iilan ang makikitang estudyante rito sa cafeteria, and as expected lahat sila ay nakatingin sa amin habang nagbubulungan. Hindi ko na lang iyon pinansin at ininom ang inabot na inumin sa akin ni Jiro kanina.“Okay lang ba kung kukunin ko ‘yung memory card? Baka kasi makita mo ‘yung picture na kinuha ng lalaking ‘yon,” Medyo naiilang pa ako nang sabihin ko iyon sa harapan niya. Hindi pa naman kasi kami gaanong close at baka kung ano ang isipin niya. Wala siyang isinagot sa akin at basta lang inilapag sa mesa ang hinihingi ko. Nahihiya ko iyong kinuha at itinago sa bulsa ang blazer ko. “Salamat nga pala sa ginawa mo kanina.”“Ayoko lang talaga sa mga naturingan na Keen pero hindi marunong mag-isip.” Naitago ko ang labi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Literal akong natamaan. Hindi naman kasi la
Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang gulo sa loob ng hell’s gate at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Thunder dahil sa nangyari. Dahil doon ay dalawang araw na ring payapa ang buhay ko, hindi ako nasangkot sa kahit anong gulo at hindi ako nasaktan pero hindi ko magawang magsaya. Kahit na naman kasi sabihing hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya sa akin noon sa infirmary ay hindi ko pa rin maiwasan ang ma-curious kung ano nangyari sa kanya. Gusto ko man siyang puntahan sa boy’s dorm o kaya sa hideout nila para kamustahin ay hindi ko magawa. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon.Flashback/Kahit narito na ako sa loob ng hideout nila ay hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko. Malayo man ako sa gulo ay tanaw na tanaw ko pa rin dito mula sa pinto ang away na nagaganap dahil hindi naman ganoon kalayo ang pwesto nila, at isa pa gawa sa salamin ang pader at pintuan ng buong hideout.Tumakbo n
“Rain hindi ka pa ba mag-aasikaso?” Tanong ni Ayesha habang kumportable akong nagbabasa ng libro sa kama, samantalang siya naman ay abala sa pagpili ng damit sa cabinet niya.“Bakit? Maaga pa naman para mag-dinner, ah? 6:00 pm pa lang.” Naramdaman kong lumapit siya sa akin kaya natigil ako ginagawa at napatingala sa kanya. Gulat na gulat siya na para bang may nangyaring hindi tama.“Oh my god!” Tinakpan niya ang bibig niya ngunit agad din iyong tinanggal. “Hindi ko ba nasabi sa’yo?”“Ang alin?” Naguguluhang tanong ko dahil wala akong ideya kung ano ang gusto niyang iparating o sabihin. Masyado ko bang iniisip ang nangyari nitong mga nakaraang araw kaya may nakaligtaan ako sa paligid?“About sa party mamaya. Every three months kasi ay may nagaganap na gathering ‘yung limang kinds. Meaning lahat ng estudyante ay magsasama-sama sa isang event.” Tumango ako at naalala iyong sinabi ni Matthew kanina, hindi kaya may kinalaman ‘yon sa party na ‘to? “Ano pa hinihinta
“Rain, sure ka bang okay ka lang?” Tanong ni Ayesha pagbalik na pagbalik namin sa kwarto, tumango lamang ako bilang sagot. Mabuti na lang at may dumating na gwardya kanina bago pa man lumala ang nangyaring gulo, pero dahil doon ay hindi na rin itinuloy ang party kahit hindi pa man nagtatagal. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko, ako raw kasi ang dahilan kung bakit nasira ang party at hindi ko naman iyon maitatanggi. Sa akin nag-umpisa ang alitan sa pagitan ng DARK at ng mga third year.“Wait, ikwento mo naman kung paano naging kayo ni Jiro. I’m so kinikilig kaya kanina. I can’t believe na kayo na pala.” Nakangiting sabi ni Ayesha habang nagpapalit ng pang tulog“We’re not dating, Ayesha. Wala pang isang linggo kaming magkakilala.” Dipensa ko at kahit gusto ko mang kiligin dahil sa sinabi ni Jiro para iligtas ako, mas nangingibabaw sa isipan ko ang ginawang paghalik sa akin ni Thunder. Tuwing sasagi iyon sa isipan ko ay pakiramdam ko ay kusang namumula ang pisngi ko
“A-ano?” Nauutal kong tanong sa tanong ni Jiro dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.“Can you be my girl? For this day lang. Magpanggap ka na girlfriend ko.” Muntik akong mapanganga matapos iyon marinig and this time, malinaw iyon sa pandinig ko.“Tinanggal mo ang G sa salitang pag-asa.” Bulong ko sarili habang nakahawak sa dibdib ko at nakaiwas sa direksyon niya. Bakit ba ako nag-assume na gusto niya ako maging girlfriend, eh wala pa nga kaming isang linggong magkakilala? Ganito ba ang epekto sa akin ng paglipat ng eskwelahan?“Ano?” Tanong niya kaya naman umayos ako ng tayo bago humarap sa kanya at umiling-iling.“Ah wala... Bakit ba at para saan?” Tanong ko na medyo naiilang pa. Masiyado kasing straight forward ang pagkakasabi niya at hindi man lang nagpaligoy-ligoy.“Ipapakilala kita sa parents ko. I will introduce you as my girlfriend, nag-set kasi sila ng arranged marriage para sa’kin.” Umalis si Jiro sa pagkakasandal at hinawakan ang kamay ko.
Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil alam kong umiiyak siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit pero isa lang ang sigurado ako. May kahinaan din pala ang gaya niya. Tinapik-tapik ko na lamang ang kanyang likuran at ilang segundo lang din ay kumalas na siya habang pinupunasan ang mga natirang luha sa pisngi’t mata niya.“Okay ka na?” Tanong ko at tumango lamang siya ng tipid. “Okay lang sa’kin kung mag k-kwento ka, makikinig ako.”“Asa ka,” Nakangising sabi niya nang hindi tumitingin sa akin kaya napairap ako. Kahit pilit niyang takpan ang pagiging malngkot niya ay hindi iyon uubra sa akin.“Hinayaan kitang yakapin ako tapos susungitan mo lang ako.” Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya yata iyon dahil naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.“Hindi kami magkapatid ni Jiro,” Seryosong sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya at nagtama ang paningin namin. “I’m adopted.”Ewan ko pero nalungkot ako b
Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang la
Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang
[1 and half year later]“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew
Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng pan
“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Impo
Thunder’s POVPagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.
Rain’s POV“You still love me?” Tanong ni Thunder at bahagya akong tumango, hindi ko alam na ganito ako karupok pagdating sa kanya. Lahat ng plano ko na ipamukha sa kanya na nagbago ako ay nawala na parang bula.“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa’yo.” Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, sa huli. Hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko siya.Kitang-kita ko sa mga mata ni Thunder kung gaano siya kasaya ngayon, tulad ko ay marami rin siyang napagdaanan at ayokong maging selfish. Tinignan ko siya ng diretso sa mata at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.“But it’s not right, ayokong lokohin si Cloud.” Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ako, “Give me a favor, Thunder. Please, makipag-ayos ka na sa kanya.”“No. I can’t, why would I do that?” Iniwas niya sa akin ang tingin niya kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi para maibalik sa akin ang tingin.“Listen Thunder, hi
Rain’s POV“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gus
Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.[Flashback]“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nakipagsasayaw sa kanya. Totoo namang naiintindihan ko pero mahirap pa sa akin ang pakisama