Pakiramdam ko ay isa akong kriminal dahil sa pasulyap sulyap na ginagawa sa akin ng mga kaklase ko. Okay! Nagsisisi na ako sa ginawa ko kanina kaya pwede bang tigilan niyo na ang kakatingin sa akin?! Gusto kong isigaw iyon sa mga oras na ito ngunit wala akong sapat na lakas ng loob. Kahit mahirap ay sinubukan ko lang mag-focus sa klase.
“Kung sa tingin mong nakaligtas ka, pwes you’re wrong.” Sabi ni Thunder at hindi ko na iyon pinansin pa, kunwari na lang ay wala akong narinig. Kunwari ay wala siya sa tabi ko. Siguro dapat kasi ay bumalik na lang ako ng dorm kanina pero ‘pag ginawa ko naman iyon ay magm-mukha akong duwag kaya mas pinili kong bumalik na lang sa loob ng classroom kahit alam kong hindi ako titigilan ni Thunder.“Masiyado mo naman yatang tinatakot si Cutiepie,” Sabi noong lalaking nasa harapan ko nang lumingon siya kay Thunder. Eh, cutiepie? Ang pangit naman yata mamili ng nickname ng isang ito.“Hoy Matthew, itikom mo ‘yang bibig mo.” Giit nang katabi niya na ang pagkakatanda ko ay Axel ang pangalan. Lumingon siya sa akin at kinindatan pa ako. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong ballpen dahil doon. Ano ba ‘to, napapaligiran ako ng mga weirdo. They supposed to be scary, right? Pero bakit parang ang layo naman ng ipinapakita nila sa description nila Ayesha at Liam tungkol sa grupo nila?Napailing ako at yumuko na lang para sana pupulutin iyong ballpen ko pero sinipa iyon ni Thunder palayo. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili ko. Ayoko siyang patulan, at isa pa may extra pa naman akong ballpen kaya hahayaan ko na lang iyon, masiyado na kasing malayo.“Okay, you may take your breaktime.” Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Sir, sa wakas at makakalabas na ako rito. Kung magtatagal pa kasi sa loob kasama ang kagaya ni Thunder ay baka masiraan ako bait. Nagmadali ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at balak na sanang tumayo subalit may pares ng sapatos ang huminto sa harapan ko. Dahan-dahan kong akong tumingala para lang makita kung sino iyon.“Stay here.” Utos ni Thunder na akala mo ay isa akong aso. Bakit naman ako mag i-stay rito? Hindi ko siya pinakinggan at tumayo na pero itinulak niya ang magkabilang balikat ko para bumalik sa pagkakaupo, dahil doon ay hindi ko naiwasang tignan siya ng masama. Gusto ko pa sanang itanong kung ano ang problema niya ngunit bigla siyang naglapag ng cellphone sa mesa ko. Nagtataka ko iyong tinignan bago ibalik ang tingin sa kanya at pasadahan ng tingin ang mga kagrupo niyang naghihintay sa kanya sa likuran. “Save your number,”“Ha?”“You will be my slave from now on kaya i-save mo ang number mo, tatawagan kita kapag may iuutos ako.” Sabi niya, dahilan para matawa ako ng malakas. Kitang-kita ko pa ang-iiba ang ekspresyon ng mukha niya na tila nainsulto sa ginawa kong pagtawa sa sinabi niya. Sino ba kasing niloloko ng isang ito? Nkakatawa talaga siya.“Sorry pero hindi ako ipinanganak ng nanay ko para maging alila mo lang,” Seryoso kong sabi.“What?!” Sigaw niya na halos magsilabasan na ang ugat niya sa leeg. Medyo nagulat pa ako kaya nawala ang pagiging matapang ko.“Ha? May sinabi ba ako? Sabi ko nga is-save ko, eh.” Kinuha ko ang phone na inilapag niya sa mesa at sinave ang number doon. I swear mukha akong siraulo ngayon, para akong isang tuta na bigla na lang naging maamo pagtapos sigawan. “Happy?”Ibalik ko sa kanya ang phone niya at nagmadaling tumakbo palabas ng classroom. Tingin niya ba sa akin tanga? Bakit naman ako magpapaalila sa kanya? Tch. Bago ako sumakay ng elevator ay narinig ko pa siyang sumigaw. 8-7000 kasi ang nilagay kong number doon. Try niyang tawagan, tignan ko lang kung ma-contact niya ako.Hindi ko maiwasan ang pagtawa ng mag-isa dahil naiimagine ko ang mukha ni Thunder sa mga oras na ito. Nahampas ko pa iyong gilid ng elevator at hindi napansin na mayroong pumasok.“Balita ko nasa devil’s section ka raw, ah. Ayan ba ang epekto sa’yo noon?” Natatawang sabi ni Liam nang sumara na ang elevator. Pakiramdam ko tuloy ay namula ang pisngi ko. Nakakahiya.“Siguro, napapalibutan kasi ako noong mga gangster.” Ngumuso na lang ako at bigla niyang ginulo ang buhok ko.“Nasa kabilang side lang ang classroom ko. Puntahan mo ako kapag kailangan mo ng tulong.” Sabi niya kaya ngumiti ako. Sana sila na lang ni Ayesha ang naging kaklase ko, sure akong mas magiging tahimik ang buhay ko kapag sila ang kasama ko araw-araw.Tulad kagabi ay sabay pa rin kaming kumaing tatlo. Gusto ko sanang magtago na lang pero wala rin namang maitutulong iyon dahil magkikita at magkikita pa rin kami ng kupal na si Thunder. And speaking of the devil. Ito na siya at nakatingin sa akin ng masama, alam kong walang maitutulong pero pilit ko pa rin itinago ang sarili ko sa hawak kong tinapay.“Uy, anong ginagawa mo?” Tanong ni Ayesha nang tusukin niya ang baywang ko. At dahil malakas ang kiliti ko doon ay tumalsik tuloy ang hawak kong tinapay. Oh yeah, my cover has been blown up.“Ang cute mo. Ano ba ‘yang ginagawa mo? Sayang ‘yung tinapay.” Tatatawang komento ni Liam.“Uh… Chinecheck ko lang ‘yung texture kung maganda ba ang pagkakagawa. Napakamot ako sa ulo at tinawanan lang nila ang pagiging weirdo ko. Napaka-lame naman kasi ng reason ko, buti pa sa sila ay masayang kumakain samantalang ako, hindi makakain ng maayos dahil pilit kong iniiwasan ang masamang tingin ni Thunder.“Cr lang ako, ah.” Paalam ko at tumango naman silang dalawa. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng cafeteria, and to be honest? Hindi naman talaga ako mag-ccr. Gusto ko lang umalis sa lugar kung nasaan si Thunder, pakiramdam ko kasi ay ano mang oras ay bubulagta na lang ako bigla sa sahig. Matapos nang ginawa ko kanina, malamag ay hindi niya iyon palalagpasin.Naglakad lakad na lang ako around the campus since hindi ko pa ito nalilibot. Masiyado naman kasi itong malaki, sana ay may tour guide ako ngayon para naman malaman ko ang pasikot sikot dito. Kulang ang isang araw para malibot ‘to, oa pakinggan pero ganoon talaga siya kalaki.Habang inililibot ko ang paningin sa paligid ay may isang gate ang nakaagaw ng atensyon ko. Kahit ilang beses ipagsigawan ng utak ko na wag akong lumapit doon ay hindi ko pa rin magawang sumunod dahil parang may sariling buhay ang mga sapatos ko. Ito na naman ako.“Hell’s gate?” Binasa ko ang maliit na nakasulat sa gate. Ano kayang meron sa loob nito? Sa sobrang curious ay sinubuka kong itulak iyong gate pero hindi pa man lumalapat ang kamay ko roon ay may bumato na sa akin, dahilan para bawiin ko ang kamay.“Aw!” Sigaw ko at nilingon kung sino ang taong iyon. Wala akong naramdamang takot sa mga oras na ito dahil mas nangingibabaw sa akin ang pagkabwisit. Nakakainis na talaga ang lalaking ito, kung kaya ko lang ay kanina ko pa siya sinapak. Ano na naman ba ang problema niya at talagang sinundan niya pa ako.“Bakit mo ginawa ‘yon?! Napakaㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin dahil bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan at hinatak palayo sa gate na iyon. “Ano ba?!”“Itikom mo ‘yang bibig mo kung ayaw mong buhatin pa kita.” Sabi niya habang patuloy niya akong kinakaladkad, pumasok kami sa main building at dinala niya ko sa infirmary. Wala pa ring nurse dito sa loob gaya kahapon.“Hoy Thundㅡ”“You don’t have the right to call my name.” Pagputol niya sa sasabihin ko bago ako marahas na itinulak para maupo sa kamang narito. Binitawan na rin niya ako at sa sobrang higpit ng paghawak niya sa akin ay nagmarka na iyong kamay niya sa balat ko.“Bakit mo ba ko binato?! Napakasamaㅡ”“Naiirita ko sa’yo, stop talking.” Tinignan niya ako ng masama at maya-maya lang ay hinawakan niya ang kamay ko kung saan niya ako binato. Nagsalubong na lamang bigla ang kilay ko nang pahiran niya iyon ng bulak na may alcohol.“Aray!” Bahagya kong binawi ang kamay ko pero kinuha niya ulit iyon at hinipan. Ano bang ginagawa niya? Binato-bato niya ako tapos ngayon gagamutin niya ako, may saltik ba siya?“Endure the pain.” Mahinahon na sabi niya habang patuloy na ginagamot ang sugat ko. Napalunok naman ako nang mapatingin ako sa kanya. Ang gwapo pala ng lalaking ito kapag ganitong umaasta siyang mabait. Ang tangos ng ilong nita at bukod doon ay ang ganda ng pilik mata niya para sa isang lalaki. Katamtaman lang din ang kulay ng kanyang balat at hugis puso ang labi niya.“I know I’m handsome but staring is rude, you know?" Agad akong umiwas ng tingin nang sabihin niya iyon habang busy sa paggamot ng sugat sa kamay ko.“Staring is rude, eh ikaw itong halos hindi maialis ang tingin sa akin noong nasa cafeteria tayo.” Tumigil siya sa ginagawa at naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin ng kaunti, dahilan para mapalingon ako sa kanya.“Pinag-iisipan ko kasi kung paanong makakaganti sa’yo.” Bulong niya at saka ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan lalo pa’t medyo nakakatakot ang paraan niya ng pagsasalita.“Tch, kung gusto mo talagang gumanti, bakit ka nandito at ginagamot ako?” Tanong ko at bigla na lang siyang ngumisi. Dapat pala ay hindi na lang ako nagtanong. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin dito ngayon at pagsisihan ko na naman ang pagsagot sa kanya. Maigsi pa naman ang pasenya ng lalaking ito at madaling matrigger.“Hindi ako sanay tumanaw ng utang na loob kaya binabalik ko lang ang ginawa mong paggamot sa sugat ko at isa pa, dito ko gagawin ang pagganti sa’yo sa pagpapahiya mo sa’kin kanina. Since soundproof itong infirmary. Walang makakarinig sa’yo kahit maputol pa ang litid mo sa kasisigaw.” And with that, awtomatiko akong napatayo at tumakbo.Hahawakan ko na sana ‘yung doorknob pero hinatak niya ako at isinandal sa pinto. Hinawakan niya rin ang magkabilang kamay ko at idinikit doon para hindi ako makatakas.“B-bitawan mo ko!” Sinubukan kong magpumilgas pero masiyado siyang malakas. Nanghihina ang tuhod ko sa mga oras na ito lalo pa’t ang lagkit ng tingin na ibinibigay niya sa akin. Mas gugustuhin ko pa iyong death glare niya kaysa sa ganito. Ang manyak niyang tignan.“Alam ko naman na gaya ka lang ng ibang babae d’yan, I know you like me and you want my attention, right?” Ngumisi siya ulit at naramdaman ko na lang na dumikit ang labi niya sa leeg ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niyang iyon, para akong paralisado sa mga oras na ito. “See, hindi ka man lang nag pupumiglaㅡ”Hindi na niya naituloy pa ang dapat niyang sasabihin nang tignan niya ako. Nakita ko na lang din ang sarili kong umiiyak at nanginginig sa takot. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang na unti-unti niyang paglayo sa akin.“Hey! Stop crying.” Utos niya pero hindi ako kumibo. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko at hindi koi yon magawang pigilan. Natatakot ako sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang gagawin, parang nawala ako sa sarili dahil bumalik lahat sa isipan ko ang mga masasamang nangyari sa akin noon, noong gabing muntik akong ma-rape sa apartment na tinutuluyan ko. Naibaon ko na iyon sa memorya ko pero sa isang iglap ay bumalik lahat.“Fuck! Ano ba?!” Sigaw ni Thunder na nagpatayo sa mga balahibo ko. Itinulak niya ako paalis sa pintuan at saka siya lumabas ng infirmary, habang ako naman ay napaupo na lamang sa sahig at napahigpit ng hawak sa laylan ng palda ko. Damn you, Thunder Coss! Sumusobra ka na talaga.“Hey, are you okay?” Marahan kong iminulat ang mata nang maramdaman ang ilang pagtapik sa balikat ko. Agad ko namang kinusot ang mga mata ko bago bumangon para sumandal sa headboard ng kamang hinihigaan. Nabigla pa ako nang mapagtanto ko na si Jiro pala iyon at kasama niya ang isa pang miyembro ng Dark na nakaupo sa likuran ko kanina sa classroom.“Jasper, ikuha mo siya ng tubig.” Utos ni Jiro na agad namang sinunod noong si Jasper. Ngumiti ako pero blangko pa rin ang naging ekspresyon ng mukha niya. Gusto ko sana sabihin na ngumiti naman siya kaso napaka-fc ko naman kung gagawin ko iyon kaya pinili kong magtanong na lang.“Anong nangyarㅡ” Hindi ko na naituloy ang pagtatanong dahil bigla ko na lang naalala ang nangyari kanina. Ang walang hiyang Thunder na iyon! Sana masagasaan siya ng truck o kaya naman ay tamaan siya ng kidlat dahil sa kademonyohan na ginawa niya sa akin kanina! Dahil sa kanya ay bumalik tuloy ang mga masasamang alaala na
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. I can’t believe na kasama ko ngayon ang isang Jiro Villaruel. The cold but hot guy. Hindi pa oras ng breaktime kaya naman iilan ang makikitang estudyante rito sa cafeteria, and as expected lahat sila ay nakatingin sa amin habang nagbubulungan. Hindi ko na lang iyon pinansin at ininom ang inabot na inumin sa akin ni Jiro kanina.“Okay lang ba kung kukunin ko ‘yung memory card? Baka kasi makita mo ‘yung picture na kinuha ng lalaking ‘yon,” Medyo naiilang pa ako nang sabihin ko iyon sa harapan niya. Hindi pa naman kasi kami gaanong close at baka kung ano ang isipin niya. Wala siyang isinagot sa akin at basta lang inilapag sa mesa ang hinihingi ko. Nahihiya ko iyong kinuha at itinago sa bulsa ang blazer ko. “Salamat nga pala sa ginawa mo kanina.”“Ayoko lang talaga sa mga naturingan na Keen pero hindi marunong mag-isip.” Naitago ko ang labi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Literal akong natamaan. Hindi naman kasi la
Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang gulo sa loob ng hell’s gate at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si Thunder dahil sa nangyari. Dahil doon ay dalawang araw na ring payapa ang buhay ko, hindi ako nasangkot sa kahit anong gulo at hindi ako nasaktan pero hindi ko magawang magsaya. Kahit na naman kasi sabihing hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya sa akin noon sa infirmary ay hindi ko pa rin maiwasan ang ma-curious kung ano nangyari sa kanya. Gusto ko man siyang puntahan sa boy’s dorm o kaya sa hideout nila para kamustahin ay hindi ko magawa. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon.Flashback/Kahit narito na ako sa loob ng hideout nila ay hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko. Malayo man ako sa gulo ay tanaw na tanaw ko pa rin dito mula sa pinto ang away na nagaganap dahil hindi naman ganoon kalayo ang pwesto nila, at isa pa gawa sa salamin ang pader at pintuan ng buong hideout.Tumakbo n
“Rain hindi ka pa ba mag-aasikaso?” Tanong ni Ayesha habang kumportable akong nagbabasa ng libro sa kama, samantalang siya naman ay abala sa pagpili ng damit sa cabinet niya.“Bakit? Maaga pa naman para mag-dinner, ah? 6:00 pm pa lang.” Naramdaman kong lumapit siya sa akin kaya natigil ako ginagawa at napatingala sa kanya. Gulat na gulat siya na para bang may nangyaring hindi tama.“Oh my god!” Tinakpan niya ang bibig niya ngunit agad din iyong tinanggal. “Hindi ko ba nasabi sa’yo?”“Ang alin?” Naguguluhang tanong ko dahil wala akong ideya kung ano ang gusto niyang iparating o sabihin. Masyado ko bang iniisip ang nangyari nitong mga nakaraang araw kaya may nakaligtaan ako sa paligid?“About sa party mamaya. Every three months kasi ay may nagaganap na gathering ‘yung limang kinds. Meaning lahat ng estudyante ay magsasama-sama sa isang event.” Tumango ako at naalala iyong sinabi ni Matthew kanina, hindi kaya may kinalaman ‘yon sa party na ‘to? “Ano pa hinihinta
“Rain, sure ka bang okay ka lang?” Tanong ni Ayesha pagbalik na pagbalik namin sa kwarto, tumango lamang ako bilang sagot. Mabuti na lang at may dumating na gwardya kanina bago pa man lumala ang nangyaring gulo, pero dahil doon ay hindi na rin itinuloy ang party kahit hindi pa man nagtatagal. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko, ako raw kasi ang dahilan kung bakit nasira ang party at hindi ko naman iyon maitatanggi. Sa akin nag-umpisa ang alitan sa pagitan ng DARK at ng mga third year.“Wait, ikwento mo naman kung paano naging kayo ni Jiro. I’m so kinikilig kaya kanina. I can’t believe na kayo na pala.” Nakangiting sabi ni Ayesha habang nagpapalit ng pang tulog“We’re not dating, Ayesha. Wala pang isang linggo kaming magkakilala.” Dipensa ko at kahit gusto ko mang kiligin dahil sa sinabi ni Jiro para iligtas ako, mas nangingibabaw sa isipan ko ang ginawang paghalik sa akin ni Thunder. Tuwing sasagi iyon sa isipan ko ay pakiramdam ko ay kusang namumula ang pisngi ko
“A-ano?” Nauutal kong tanong sa tanong ni Jiro dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.“Can you be my girl? For this day lang. Magpanggap ka na girlfriend ko.” Muntik akong mapanganga matapos iyon marinig and this time, malinaw iyon sa pandinig ko.“Tinanggal mo ang G sa salitang pag-asa.” Bulong ko sarili habang nakahawak sa dibdib ko at nakaiwas sa direksyon niya. Bakit ba ako nag-assume na gusto niya ako maging girlfriend, eh wala pa nga kaming isang linggong magkakilala? Ganito ba ang epekto sa akin ng paglipat ng eskwelahan?“Ano?” Tanong niya kaya naman umayos ako ng tayo bago humarap sa kanya at umiling-iling.“Ah wala... Bakit ba at para saan?” Tanong ko na medyo naiilang pa. Masiyado kasing straight forward ang pagkakasabi niya at hindi man lang nagpaligoy-ligoy.“Ipapakilala kita sa parents ko. I will introduce you as my girlfriend, nag-set kasi sila ng arranged marriage para sa’kin.” Umalis si Jiro sa pagkakasandal at hinawakan ang kamay ko.
Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil alam kong umiiyak siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit pero isa lang ang sigurado ako. May kahinaan din pala ang gaya niya. Tinapik-tapik ko na lamang ang kanyang likuran at ilang segundo lang din ay kumalas na siya habang pinupunasan ang mga natirang luha sa pisngi’t mata niya.“Okay ka na?” Tanong ko at tumango lamang siya ng tipid. “Okay lang sa’kin kung mag k-kwento ka, makikinig ako.”“Asa ka,” Nakangising sabi niya nang hindi tumitingin sa akin kaya napairap ako. Kahit pilit niyang takpan ang pagiging malngkot niya ay hindi iyon uubra sa akin.“Hinayaan kitang yakapin ako tapos susungitan mo lang ako.” Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya yata iyon dahil naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.“Hindi kami magkapatid ni Jiro,” Seryosong sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya at nagtama ang paningin namin. “I’m adopted.”Ewan ko pero nalungkot ako b
Isang linggo ang lumipas, isang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Thunder at ganoon din kami ni Jiro. Subukan ko man siyang kausapin tungkol sa nangyari noong ipakilala niya ako sa mga magulang niya ay hindi ko magawa, naging mailap kasi siya sa akin at tanggap ko na galit siya sa akin.Nalaman ko kasi na mas lalong napabilis pagpapakasal niya. Kung hindi lang sana ako sumama kay Thunder noong araw na iyon, eh ‘di sana ay hindi matutuloy ang arranged marriage ni Jiro at hindi siya iiwas sa akin ngayon, next month na tuloy ang date ng kasal niya.“Okay ka lang ba?” Tanong ni Liam habang kumakain kaming tatlo nila Ayesha sa cafeteria.“Oo, may iniisip lang ako.” Sagot ko at hinawakan naman ni Ayesha ang kamay ko ang habang nakangiti.“I know you’re not okay, ilang araw ka nang matamlay pero kung ano man ‘yan. Magiging okay rin ang lahat,” Napangiti ako sa sinabi niyang iyon at maya-maya lang ay binitawan niya ang kamay ko at may kung anong kinuha sa b
Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang la
Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang
[1 and half year later]“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew
Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng pan
“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Impo
Thunder’s POVPagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.
Rain’s POV“You still love me?” Tanong ni Thunder at bahagya akong tumango, hindi ko alam na ganito ako karupok pagdating sa kanya. Lahat ng plano ko na ipamukha sa kanya na nagbago ako ay nawala na parang bula.“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa’yo.” Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, sa huli. Hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko siya.Kitang-kita ko sa mga mata ni Thunder kung gaano siya kasaya ngayon, tulad ko ay marami rin siyang napagdaanan at ayokong maging selfish. Tinignan ko siya ng diretso sa mata at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.“But it’s not right, ayokong lokohin si Cloud.” Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ako, “Give me a favor, Thunder. Please, makipag-ayos ka na sa kanya.”“No. I can’t, why would I do that?” Iniwas niya sa akin ang tingin niya kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi para maibalik sa akin ang tingin.“Listen Thunder, hi
Rain’s POV“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gus
Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.[Flashback]“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nakipagsasayaw sa kanya. Totoo namang naiintindihan ko pero mahirap pa sa akin ang pakisama